Chapter 14

2050 Words
Tatlong araw matapos gumaling ang sugat ko sa pulso ay umuwi na rin kami. Apat na raw akong hindi lumabas ng kwarto at hindi na rin nila ako iniiwanan mag - isa. Ipinamahala na muna nila ang grocery kay Greg dahil isa rin naman siya sa mapapagkatiwalaan. "Kumain ka na," sabi sa akin ni Tita Myline at dahil sa gutom na rin ako ng oras na iyon ay mabilis akong kumain at nakainom na rin nang gamot hanggang sa may kumatok sa pinto. Lumabas ako at gusto ko sana manatili lang sa sofa at manood ng kahit ano. "Tao po!" narinig kong tawag at si Dexx ang humarap sa kanila. Hindi niya pa binuksan ng bahagya ang pinto pero nakita ko ang uniporme ng dalawang pulis. "Magandang tanghali po? Nandyan po ba si Rion? Kami po ang mga pulis na kukuha ng statement niya," mahinahon na sabi ng pulis at tuluyan ng binuksan ni Dexx ang pinto. Apat na babae ang pumasok kaya agad akong lumipat ng upuan para doon sila makapwesto sa mahabang sofa. "Magandang tanghali. Naparito kami para humingi ng statement niyo, Miss. Ako nga po pala si Major Herrera at ito naman si Sergeant Polintan. May kasama na rin kaming representative ng Domestic Violence against Women and Children, si Ma'am Dionisio at ang representative naman ng Barangay niyo, si Ma'am Tomasa," pagpapakilala nila sa amin at inilahad nila ang mga kamay nila sa amin ni Dexx. Malugod namin tinanggap iyon at nagligpit na si Dexx ng pinagkainan namin. "Ano po ang natatandaan niyo?" tanong sa akin ni Major Herrera at huminga akong malalim bago nagsalita dahil may ilang mga bagay muna ako gustong makumpirma. "Bago po ang lahat, ano po ang kasiguraduhan na magiging ligtas ako kung sakaling ilaban ko ang kaso na ito?" tanong ko sa kanila at tumikhim si Major Herrera. "Look, trabaho namin ang tumulong at walang kapalit iyon. Bukod doon, sisiguraduhin namin na magiging ligtas kayo ni Ma'am Myline at hindi nila kayo pwedeng galawin. "Huwag kang matakot magsalita, marami ang gustong tumulong sayo. Marami na ang ganitong kaso at nakamit naman nila ang hustisyang hinahangad nila," sagot sa akin ni Ma'am Dionisio at hindi na ako kumibo pa. Huminga ako ng malalim at pinatong ang dalawa kong kamay sa akin tuhod bago nagsimulang magsalita. Nilapag ni Sergeant ang voice recorder sa lamesita at saglit kong tinitigan iyon. "Nang gabing iyon, alas nuebe na iyon at napadaan ako sa madilim na bahagi ng kalsada kung saan may mga talahib pa rin. Nakarinig ako ng ilang ingay at nakita ko ang pagkaluslos ng mga damo. Nilapitan ko iyon at bigla na lang lumabas ang tatlong lalaki. Naamoy ko sa kanila ang alak nang tuluyan silang nakalabas doon. Simon, isa sa mga pangalang nabanggit at sinubukan kong lumayo pero naabutan niya ako," suminghal ako at uminom ng tubig bago nagpatuloy. "Nanglaban ako, para protektahan ang sarili ko. Kinuha nila ang bag ko pero bago nila tuluyan makuha iyon ay nailagay ko na sa bulsa ko ang peppermint spray na pinadala sa akin ni Dexx. Nakiusap ako sa kanila na sana tigilan na nila at hinding hindi ako magsusumbong pero hindi pa sila nakuntento sa ginawa nila at pinagtangkaan nila akong patayin. Nilapitan ako ng isang lalaki at sinimulan akong haplusin sa braso. Napaatras ako sa ginawa niyang iyon at ginamit ko ang peppermint spray sa kanya," huminga akong malalim dahil sa parteng iyon ang mahirap idetalye. "Nakatakbo naman ako, pero di kalaunan, naabutan nila ako at si Simon ang nakahuli sa akin. Sinampal niya ako ng dalawang beses tapos at sapilitang pinahiga sa kalsada at umupo sa pagitan ng baywang ko. Nakiusap ako sa kanya ng paulit - ulit pero wala siyang naririnig, bagkus, pinunit niya ang damit ko at sinimulan maglaro sa aking dibdib. Ang akala ko katapusan ko na dahil ilang beses akong humingi ng tulong pero walang nakakarinig sa akin. Nasampal ko si Simon dahil sa lumalaban pa rin ako at ang kapalit no'n, sinuntok atsinaksak niya ako ng paulit - ulit," dugtong ko sa sinabi ko at napaluha na lang ako dahil ramdam ko ang bawat sakit ng ginawa nilang pag-saksak sa akin. "Hindi ko alam kung paano ako ni-rape o ang paano ko nakuha ang pasa sa aking leeg," dagdag ko pa at doon ko na tinapos ang pagkwento ko sa kanila. "Hindi mo ba naaalala ang mga itsura nila?" tanong sa akin ni Major at may inilabas na papel si Ma'am Dionisio. "Ang natatandaan ko po, may mga balbas po sila at mahaba ang buhok. Moreno po si Simon at bilugan ang kanyang mukha. Matangos ang ilong at maitim ang labi niya," Sinusulat lahat ni Sergeant ang sinabi kong paglalarawan sa itsura nila Simon. "Sa ngayon, iimbestigahan pa namin ang lugar ng pinangyarihan. Huwag ka mag-dalawang isip na lumapit o tumawag sa amin kapag may kailangan ka o may idadagdag ka na maaalala mo," sabi sa akin ni Major at ngumiti bago uminom ng tubig. May pina-fill up sa akin ang mga pulis at pati na rin si Ma'am Dioniso. Nang matapos ang pau-uusap namin, umalis na rin sila at hindi na ginalaw ang miryendeng ginawa ni Dexx para sa kanila. Bumalik na ako sa kwarto pagkatapos no'n dahil sunasakit ang ulo ko sa sapilitan kong inaaalala ang mga nangyari. "Rion?" tawag sa akin ni Dexx at sinundan niya ng pagkatok. Ayoko sana makipag-usap pa dahil masakit talaga ang ulo ko. "Pasok!" sigaw ko at umayos ako ng pagkakahiga sa kama. Tumabi agad siya sa akin at inayos ang kumot ko. "Rion, kamusta pakiramdam mo?" tanong niya sa akin at agad akong lumayo sa kanya dahil naaalala ko ang biglaan kong paghalik sa kanya. "Ah, ayos naman ako. Medyo makirot pa yung mga sugat pero nakakatiis naman," sagot ko sa kanya at di ko na inalintana ang pagkunot ng kanyang noo, basta gusto ko may distansya sa aming dalawa. "Ganu'n ba? Gusto ko sana linawin, alam kong maapektuhan ang pangliligaw ko sayo pero handa naman akong maghintay sa sagot mo. Gusto kong malaman mo na hindi nagbago ang pagtingin ko sayo dahil sa nangyari," saad niya sa akin at inabot ang kamay ko. Hinayaan ko lang siyang hawakan ako. "Wala pa sa isip ko ang pagkakaroon ng nobyo, lalo na ngayon. Gusto ko pa rin matupad ang pangarap ko, makatungtong sa entablado habang sinusuotan ng medalya. Pangarap din ni Tita Myline iyon sa akin at ayoko siyang biguin," sagot ko sa kanya at tinapik niya ang kamay ko ng tatlong beses at saka suminghap. "Hindi mo naman kailangan alagaan ako," sagot ko kay Dexx pagkatapos niyang dalhin ang mangkok ng lugaw sa kwarto. Halos araw -araw na siyang nandito matapos niya sabihin na mangliligaw siya. Mas lalong hindi ko matanggap ang alok niya na maging kasintahan ko dahil bumaba na ng husto ang tingin ko sa sarili ko. May magkakagusto pa ba sa isang rape victim? Sana ay bata pa lang ako nangyari ito sa akin para hindi ko naiisip ang mga bagay na iyon. "Kahit itaboy mo ko, hindi kita susukuan. Ikaw lang ang gusto ko," sagot niya sa akin at tumango na lang ako para hindi na hunaba pa ang usapan namin. Unti - unti siyang tumabi sa akin at inilapag ang mangkok sa table katabi ng kama. Sobrang kaba ko ng mga sandaling iyon dahil puno ng damdamin ang mga titig niya sa akin. Umayos ako ng pagkaka - upo para mapalayo sa kanya pero hindi siya natinag at mas lumapit pa lalo. Dinampian niya ng halik ang labi ko at naghihintay ng hudyat sa pagpayag ko. Hindi ako nakagalaw dahil sa punong puno ng emosyon ang halik niya. Inulit niya pa ang paghalik sa akin at mas matagal na iyon. Inilapat ko ang kamay ko sa kanyang balikat at kumilos na ang labi niya. Matapos ang nangyaring iyon, mas naging sweet sa akin si Dexx pero di ko pa rin mapigilan na mag - isip tungkol sa kanya. Isang gabi, dalawa lang kami ni Tita Myline sa kusina at kagaya ng nakagawian, nagtatrabaho na naman siya. Medyo magaling na ako kaya bukas ay pwede na akong magtrabaho. "Tita," tawag ko sa kanya at hmupo na agad sa harapan niya. Gusto kong humingi ng payo tungkol kay Dexx at ngayon, sigurado akong makikinig ako. "Oh, gising ka pa pala." Inilapag niya ang salamin niya at humarap sa akin. Umayos din ako ng pagkakaupo bilang bwelo sa sasabihin ko. "Tingin mo po ba, totoo ang naraamdaman sa akin ni Dexx, base sa nakikita niyo ngayon? Wala po kasi akong ideya at nagdadalawang - isip ako, dahil sa hindi na ako birhen," mahina kong sabi at halos mabilaukan ako sa huling salita ko. Sino ang magkakagusto pa sa isang rape victim? Gusto ko na lang lamunin ako ng lupa o bigla na lang maglaho. "Rion.." hinawakan niya ang kamay ko at humarap na ng husto sa akin. "Sa totoo lang, hindi ko alam ang totoong nararamdaman ni Dexx. Ikaw lang ang makakasagot niyan," sagot niya sa akin at tumango na lang ako saka siya niyakap. "Makakamit mo pa rin naman ang pangarap mo, hindi porket nangyari ang trahedyang iyan, ititigil mo na ang mangarap. Buo ka pa rin," sagot niya sa akin nang kumalas ako sa yakap niya. "Salamat. Nagpapasalamat talaga ako dahil nandiyan kayo ni Tita para alagaan ako. Maraming maraming salamat," tumulo na ng kusa ang luha ko dahil sa sobrang emosyon. "Pipilitin kong maging maayos uli at gusto ko magpatuloy sa buhay. Lalaban ako kahit matagal," matigas kong sabi kay Tita Myline at tumango siya at saka hinalikan ako sa noo. "Tama yan, that's the spirit! Linisin natin yang sugat mo, kung ok lang sayo?" tanong niya sa akin at tumango ako. Humiga na ako pagkalabas niya ng kwarto para kunin ang first aid kit. Dahan-dahan kong itinaas ang damit ko hanggang sa ibaba ng aking dibdib at biglang pumasok si Dexx dala ang kit. Para siyang na-estatwa dahil sa ginawa ko kaya napangiti na lang ako sa reaksyon niya. Sinuot ko ulit ang t-shirt ko dahil sa pagkabigla. Lumapit siya sa akin at tumigil muli ng ilang minuto sa tabi ng kama kaya binaling ko na sa kanya ang tingin ko. "May kailangan ka pa?" malamig na tanong ko sa kanya dahil pakiramdam ko, nandidiri siya sa kanyang nakikita. Sana ay umalis na siya at kaya ko naman linisin ang sugat ko. "Wala, it just that, first time kong nakita ang katawan ko. I don't mind the stab wounds. Tiyan mo pa lang, sobrang natutulala na ako, what if, maging sa akin ka talaga?" malambing niyang tanong sa akin at inayos ko na ang damit ko dahil nawalan na ako ng gana magpalinis ng sugat. "Nagtampo agad, eto na, lilinisin ko na. Alam mo naman kung gaano ako humahanga sayo." Tinaas ko na muli ang damit ko hanggang dibdib at sinimulan tanggalin ang mga benda. Nakakaramdam ako ng kirot sa bawat pagpahid niya ng gamot pero tiniis ko na lang iyon hanggang saagyan niya na iyon ng panibagong band-aid. "Ayan na, okay na," sabi niya sa akin at inayos ang gamit tsaka tinulak ako ng kaunti saka umupo sa tabi ko at sumandal sa headboard. "Maraming salamat," sagot ko sa kanya at narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya nung oras na iyan pero ako, gusto ko lang magpahinga dahil sa pagod at sobrang pag-iisip. "Gusto ko muna magpahinga, pwede ba sa ibang araw na lang tayo mag-usap tungkol sa pangliligaw mo," sabi ko sa sarili ko at naramdaman kong tumayo na siya at binuhat ulit ang first-aid kit pero hindi pa siya lumalabas ng kwarto. "Gano'n ba? Sige at matulog ka na. Mamaya gumising ka sa hapon at iinom ka ulit ng gamot," sagot niya sa akin at tumango na lang ako at saka naglagay ng kumot. Narinig kong binuksan ni Dexx at electiric fan at itinutok sa akin. "Salamat sa paglilinis ng sugat ko. Pakisara na rin," sabi ko sa kanya at nakahiga pa rin ako at tinamaan na ako ng antok pero sa totoo ay wala ako balak matulog. Gusto ko lang mapag-isa. Hindi ko na isya nilingon hanggang makalabas ng kwarto si Dexx at ako, tumagilid ako at nagsimula uli umiyak dahil sa paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mga pangyayari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD