Chapter 15

2024 Words
"Magandang umaga!" bati sa akin ni Dexx habang nakadungaw ako sa bintana at ninanamnam ang init na sinag nv araw. Gusto kong magpa-araw pero ayokong lumabas dahil magiging tampulan ako ng chismis. Nilapag niya ang dala niyang tray ng pagkain tapos at lumabas uli. "Morning," malamlam kong bati sa kanya ng bumalik siya, nanglaki ang mata ko dahil sa dala niyang kumpol ng bulaklak at mga tsokolate. Inabot niya sa akin iyon at hinalikan ako sa pisngi. Muling nanumbalik sa akin ang nangyari nung nakaraan dahil sa pag-iisip na may lalaking lumapit sa akin. "Anong ginagawa mo!?" tanong ko sa kanya at marahan siyang tinulak. Gulat siya da ginawa niya. Agad siyang tumabi sa akin at hinalikan naman ang likod ng palad ko. "Gusto kong ligawan ka, sana payagan mo na ako," sabi niya sa akin at nakita ko sa mukha niya ang maamo niyang ekspresyon. "Hindi ko pa alam, Dexx. Alam mo naman may pinagdadaanan ako ngayon," sagot ko sa kanya at lumayo na ng tuluyan sa kanya. Wala pa sa isip ko ang pagkakaroon ng nobyo at ilang beses na rin ako nagpaulit-ulit kay Dexx pero, masyado siyang mapilit. "Wala na ba si Tita Myline? Gusto ko sana siya na lang muna ang mag-alaga sa akin dahil ayokong mapalapit sa lalaki," sabi ko sa kanya at bumakas sa mukha niya ang lungkot pero binaliwala ko iyon. 6767 "Uulitin ko, willing akong maghintay, kumain ka na at ihahatid ko si Myline sa grocery," sagot niya at umalis na siya sa kwarto. Sinundan ko siya at nilock ang pintpo para di na siya makapasok. Pagbalik ko sa kama, nang amuyin ko ang binigay niyang kumpol ng rosas. Pulang pula ang mga ito at talagang humahalimuyak ang bango. Kumain na ako at naisip kong lumabas ng kwarto dahil nakakaburyo din ang paghiga lang buong magdamag. "Oh, buti naman lumabas ka na sa lungga mo," bati niya sakin nang makita ko siya sa kusina at abalang nagluluto. Pinagmasdan ko lang siya at nagtungo na lang sa Sala at nanood ng tv. Wala mahanap na palabas at puro drama sa hapon lang ang nakikita ko sa tv kaya pinatay ko na lang ulit ito at aktong babalik sa kwarto pero nagulat ako ng hinila ako no Dexx. "Lumabas tayo!" tanong niya sa akin pero parang di niya ako naiintindihan kaya patulak kong hinawi ang kamay niya. "Rion..." malungkot na sambit niya sa pangalan ko at tuluyan na akong pumasok sa kwarto at pabagsak kong sinara ang pinto. Sumilip ako muli sa bintana at pinagmasdan ko ang mga tumitingin sa mga dumadaan at kung sumusulyap sila sa bahay pero parang wala na sa kanila ang nangyari sa akin at mas mabuti na iyon. Gusto ko na rin makaamoy ng sariwang hangin. Nais ko na rin sana sumama kay Dexx dahil gusto ko na rin lumabas pero ayokong si Dexx ang kasama ko. Pwede naman si Tita Myline ang sumama sa akin pero abala siya sa grocery kaya tinitigan ko na lang ang labas. Nang mapagod na ako, humiga na ako sa kama at tulala lang na tumingin sa kisame. Paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko ang nangyari hanggang sa maaalala ko ang lalaking tumulong sa akin. Hindi ko matandaan ang kanyang itsura dahil sa madilim na ng oras na iyon. Kinuha ko ang aking telepono at nais ko sanang tawagan si Tita pero ayoko na siyang abalahin pa. Napatingin ako sa mga bulaklak nang bumalikwas ako sa pagkakahiga. Naisip ko, kung bibigyan ko ba ng pagkakataon si Dexx dahil nararamdaman ko rin naman ang sinseridad sa kanya pero sobra akong natatakot sa lahat ngayon. Gusto ko rin naman protektahan ang sarili ko laban sa kahit sino. "Rion, pasensya ka na," sabi sa akin ni Dexx at narinig ko ang mahinang tunog sa pinto na marahil sa pagsandal niya. Nanikip ang dibdib ko at lumapit rin ako sa pinto. Dinig ko ang bawat pagbuntong hininga niya ng mga oras na iyon. "Gusto ko rin lumabas, ayoko na magmumok dito sa kwarto pero natatakot na ako sa mga llaki, Dexx." Hinawakan ko ang pinto at gusto ko sana buksan ang ito para sumama sa kanya kung saan niya ako dadalhin. "Eh di lalayo na lang ako sayo ng ilang metro para naman gumaan ang pakiramdam mo. Magtiwala ka sana sa akin na hindi kita sasaktan at gusto rin naman na bumawi sayo dahil napabayaan kita ng gabing iyon," sabi niya sa akin at mabilis kong binuksan ang pinto. Naabutan ko siyang nakaupo lang sa sahig at napatungkod pa sa sahig dahil sa pagbukas ko ng pinto. "Saan ba tayo pupunta? Alam ba ni Tita Myline itong paglabas natin?" Tanong ko sa kanya pero may ilang distansya pa rin sa kanya. "Oo naman. Lahat ng plano ko ay kinokunsulta ko muna kay Myline," sagot niya sa akin at tumayo na siya saka inayos ang sarili. "So pano, mag-aasikaso na ako ha," sabi niya pa uli at naglakad na patungo sa kwarto ni Markus. Nagbihis lang ako dahil nakaligo na rin naman ako. Naglagay ako muli ng lipbalm pero nang makita ko ang itsura ko sa salamin ay agad ko rin binura iyon dahil naaasiwa ako sa sarili ko at kung makita ako ng ibang tao na maayos ang itsura ay baka isipin na ginusto ko rin ang nangyari sa akin. Ilang sandali pa ay kumatok si Dexx at tinawag na ako. Hindi ako kumibo habang palabas kami dahil sa kaba kung ano ang sasabihin sa akin ng mga tao. Nasa loob ng gate ang kotse at si Dexx ang nagbukas at nagsara nito, ako, nasa loob lang at nakatingin sa mga tao. May iilan na nagbubulungan nang makita ang kotse ni Dexx at may sumisilip sa loob. Binuksan ni Dexx ang bintana ng kotse at sa akala ko, para magkaroon ng hangin sa loob pero nagkamali ako. "Anong sinisilip niyo!' sigaw ni Dexx ng ilabas niya ang kanyang ulo. Agad naman umalis ang mga babaeng nakatingin sa kotse niya. "Mga tsismosa!" pagalit niyang sabi habang sinara na muli ang bintana at marahan na siyang nag-drive. Nasa likod ako pinapwesto ni Dexx dahil alam niyang hindi rin naman ako uupo sa tabi niya. "Rion, gusto mo ba magpa- psychologist dahil tingin ko ay na-trauma ka sa nangyari," sabi sa akin ni Dexx at sa rearview mirror ko lang nakita ang reaksyon niya. Nakita kong abala siya nakatingin sa kalsada kaya bumaling na lang uli ako sa pagtingin sa mga tao na nadadaanan namin ng oras na iyon. Kahit sino naman ay makakaranas ng trauma dahil sa nangyari, sino ba naman ang hindi dadaan sa ganoong sitwasyon kung maging biktima ka ng rape? "Hindi ko alam," yan ang tangi kong nasagot sa kanya. Hindi ako makapag-isip kung ano ba ang kailangan ko dahil ang tanging gusto ko lang ay umiwas sa mga tao at lalong lalo na sa mga lalaki dahil palagi ko pa rin naaalala ang nangyari sa akin sa tuwing may lalaking didikit sa akin. Sa ngayon, si Dexx pa lang naman ang nakikita kong lalaki pero kahit siya ay naiilang ako. Minsan, gusto ko hilingin na sana huwag na muna siyang tumira sa amin pero kailangan ni Tita Myline ng tulong kaya di ko na lang iyon sinabi pa. "Okay, ikaw bahala." Sumipol na lang siya habang nagmamaneho at nakita kong huminto kami sa isang parte ng bayan at alam kong may iilang mga batis at ilog sa parteng iyon ng Laguna. Hinawakan niya ang kamay ko pagkababa at hindi ako nakagalaw kaya napahinto rin siya sa paghakbang. "Sorry," malungkot niyang sabi sa akin pero nang hawakan niya ako sa kamay ay hindi naman ako nakaramdam ng kahit ano, nasa isip ko lang siguro ang pagkailang sa mga lalaki. Minsan naman ay si Dexx ang gumagamot ng sugat ko kaya bakit ko naiisip na mailang sa mga lalaki? Humawak na lang rin ako sa kanya at habang naglalakad kami, tinatanong ko ang sarili ko, kailangan ko talaga siguro magpatingin sa isang espesyalista? Ilang minuto kaming naglakad at may inakyat pa kaming bundok pero ilang hakbang lang naman iyon. Maya-maya pa ay narinig ko na ang pag-agos ng tubig at mga huni ng ibon. Maghahapon na rin ng marating namin iyon kaya hindi na rin ganoon kainit. Naupo na lang ako sa bato habang si Dexx, nakita kong hinubad ang kanyang sapatos at tumabi sa akin pero may distansya pa rin sa pagitan namin. "Kapag masyado akong nahihirapan o kaya naman ay sobrang pag-iisip, nagpupunta ako dito at pinagmamasdan ko lang ang pag-agos ng tubig, nawawala na yung stress na nararamdaman ko," sabi niya sa akin at tinitigan ko lang siya habang nagsasalita. Abala akong pinagmamasdan ang paggalaw ng mga panga niya at ang pagpungay ng kanyang mga mata. "Baka matunaw naman ako sa ginagawa mo," sabi niya sa akin at umiwas na lang ako sa pagtingin sa kanya. Naaalala ko ang mga bagay na nagustuhan ko kay Dexx. Noon pa man, alam kong matipuno at may dating talaga siya, bukod pa don, napatunayan kong mabuti siyang tao. Naguguluhan na rin ako sa sarili ko dahil kaninang umaga lang ay halos ipagtabuyan ko siya dahil sa sobrang pagkainis pero ngayon, gusto ko na lang rin sagutin ang sinasabi niyang nililigawan niya ako. Noon pa man, alam ko ng nagpapahiwatig siya sa akin pero ngayon lang niya ito sinabi. Gusto ko na lang tapusin na ngayong oras na ito ang bagay na hinihiling niya. "Dexx, ano nga uli ang tnaong mo sa akin kaninang umaga?" tanong ko sa kanya at umusog ako papalapit sa kanya. Tinitigan niya ako habang nakakunot ang kanyang noo na parang iniisip kung ano nga ba ang tnaong niya. "Alin don?" balik niyang tanong sa akin at mas lumapit pa ako sa kanya. Hinintay ko siyang magsalita uli pero hindi na niya iyon ginawa kaya naman dinampian ko muli ang labi niya ng halik. Matapos ay lumayo ako sa kanya. "Anong ginagawa mo? May ibig sabihin ba yan?" tanong niya sa akin pero hindi ko siya magawang titigan dahil sa nakakahiya ang ginawa ko. Hindi ko kayang sabihin sa kanya ang gusto kong sabihin dahil sa kaba na baka mamaya ay itanggi niya ang gagawin ko. "Ibig sabihin ba ng halik mo na iyon ay sinasagot mo na ako?" tanong sa akin ni Dexx at tumango lang ako sa kanya saka mabilis siyang lumapit sa akin at niyakap ako. Sinubukan ko siyang itulak pero dahil sa higpit ng yakap niya ay hindi ko siya nagawang malayo sa akin kaya hinayaan ko na lang siya. "Aray!" sigaw ko at iyon na ang dahilan para lumayo siya sa akin. Kumirot kasi ang sugat ko sa tiyan dahil sa ginawa ni Dexx sa akin pero kumapit na lang siya sa balikat ko at tinitigan ako ng maigi. "Totoo ba ang sinasabi mo?" Tumango ako sa kanya at saka humalik rin sa akin. Matagal ang pagdidikit ng labi namin at yumakap siya muli sa akin. Kitang kita ko ang sobrang saya ni Dexx dahil lang sa ginawa kong pagsagot sa kanya na parang bata na nabilhan ng sorbetes. "Pangako, aalagaan kita, poproktehan at mamahalin. Hinding hindi ko sasayangin ang binigay mong pagkakataon, maraming salamat!" Yu8makap siya muli sa akin pero marahan na ang ginawa niya ng oras na iyon kaya wala na akong naramdamang kirot sa tiyan. "Tara na at umuwi na tayo, babyahe pa tayo at kailangan makapagluto ng pagkain para kay Myline o gusto mo ba ay uwian na lang natin siya ng makakain?"tanong niya sa akin at nagsuot na siya ng kanyang sapatos. "Ikaw bahala," sagot ko sa kanya at nanatili pa rin akong nakaupo at pinagmasdan pa ang batis na iyon. Malinaw ang tubig doon at totoong nakakatanggal nga iyon ng stress dahil sa ganda ng tanawin na iyon. Kinalabit niya ako at nilahad ang kamay niya para tulungan akong tumayo. Tinanggap ko naman iyon at bumalik na kami sa dinaanan namin kanina. Habang naglalakad, nakatingin ako sa likod niya at parang kasing katawan niya ang lalaking tumulong sa akin pero alam kong imposibleng mangyari iyon. Ginala ko na lang ang tingin ko sa gubat ng oras na iyon hanggang sa makabalik kami kung saan naka-park ang kotse.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD