Chapter 16

2002 Words
"Nako, may bulaklak na naman sa lamesa." bungad sa akin ni Tita, tatlong araw matapos akong lumabas sa ospital. Tiningnan ko naman ang sinasabi niya at alam kong para sa akin iyon. Hindi namin masabi kay Tita Myline na magkasintahan na kami ni Dexx. Napatingin ako sa kusina dahil lumabas si Dexx at may dalang tray ng pagkain, naka apron pa siya. Lumingon naman ako kay Tita at tumango lang siya sa akin at binaling sa ibang direksyon ang kanyang tingin. "Goodmorning!" bati niya sa amin at inayos ang dala niyang pagkain saka hinubad ang apron at tumabi sa akin. "Nagustuhan mo ba?" tanong niya sa akin at iniabot ang bulaklak na tinitigan ko lang. Tanging pagtango lang ang naisagot ko sa kanya ng oras na iyon at hindi nagbabago ang reaksyon ng mukha ko. "Salamat," sambit ko sa kanya at matipid akong ngumiti bago naglagay ng pagkain sa aking plato. "Konti lang kakainin mo? Kumain ka ng madami!" sabi sa akin ni Dexx at dinagdagan niya ang pagkain ko pero hinarang ko na lang ang kamay ko dahil wala naman akong lakad ngayon para kumain ng marami. "Sa totoo lang, wala akong gana kumain pero pipilitin ko dahil kailangan kong uminom ng gamot," matipid kong sabi sa kanila at hindi na siya nagpumilit pa. Tahimik lang kaming kumain ng umagang iyon na ibang-iba sa normal na umaga namin. "Rion, gusto mo ba mamasyal?" tanong sa akin ni Dexx at hindi siya sumama kay Tita papunta sa grocery dahil gusto niya akong bantayan dito. Naisip kong bumalik sa batis pero mas nangibabaw ang kagustuhan kong manatili sa bahay. "Wala akong gana sa lahat ng bagay ngayon, gusto ko lang matahimik, dito sa loob ng bahay," sagot ko sa kanya at kinuha ko ang dyaryo at inumpisahang basahin iyon para pang-ubos ng oras. "Sige kung gano'n. Mukha naman kaya mo na mag-isa dito. Doon na lang ako sa grocery at tingin ko, mas kailangan ako doon," sabi niya sa akin at tumayo sandali sa harapan ko bago tuluyang umalis ng bahay. Pinakinggan ko pang maigi ang mga yabag niya at ang pagbukas niya ng kotse bago ako tumayo at sinundan siya. "Dexx! Sandali!" tawag ko sa kamya at nakita kong paalis na ang kotse. Huminto ito at bumaba siya sa sasakyan. Matiim niya akong tinitigan at nakapamewang na rin siya habang naghihintay ng sasabihin ko. Kinuyom ko ang kamao ko huminga ng malalim at nagsalita. "Huwag mo ko iwanan mag-isa dito," mahina kong sabi sa kanya. Mga mata niya ang nagtatanong sa akin ng mga susunod kong sasabihin at kinagat ko ang ibabang labi ko. "Okay, pero bakit? Kailangan ako ni Myline sa grocery," sagot niya sa akin at sumakay na siya sa sasakyan at pinagmasdan ko siyang ibalik iyon sa pwesto. Lumabas siya na nasa tainga na ang kanyang telepono. "Hello, Myline. Hindi na ako makakapasok diyan at hindi ko maiwanansi Rion," sabi niya sa kausap at hidi ako sigurado kung si Tita Myline nga talaga ang kausap niya. Kumindat siya sa akin at nauna bumalik sa bahay. Sinundan ko na lang siya papasok. "So ano, Rion?" sabi niya sa akin at hinila ako para maupo kami sa sofa. Naamoy ko ang pabango niya pero hindi ko na ipinahalata ang pagkahumaling ko doon. Tinapik niya ang hita niya at ngumiti sa akin. Nagtataka naman ako sa ginagawa niya kaya tinapik ko rin ang hita niya. Hindi ko rin alam ang ibig niyang sabihin sa tanong niya. Hinawakan niya ako sa balikat at marahan akong hinila hanggang sa makahiga na ako sa mga hita niya. Umaalma ako pero pinigilan niya ako at naramdaman ko rin kumirot ang sugat ko sa tiyan kaya nanatili na lang akong nakahiga. Kitang-kita ko ang ibaba ng kanyang mukha at mas naaamoy ko ang halimuyak ng kanyang pabango dahil sa lapit namin sa isaisa't -isa. Hinaplos niya ang mukha ko at sinuklay ang buhok ko gamit ang kanyang kamay. Hinayaan ko lang siyang gawin iyon dahil nakakaramdam na ako ng pagka-antok sa ginagawa niya. "Alam mo, ako na siguro pinakaswerteng lalaki dahil sinagot mo ko. Imagine, masipag, matalino at maganda. All in one ang napunta sa akin. Tapos sobrang bait pa at family-oriented," malambing niyang sabi sa akin at nag-init ang pisngi ko dahil sa sinabi niyang iyon. "Handa talaga akong maghintay pero sobrang pasalamat ko dahil binigyan mo ko ng pagkakataon,"sabi niya habang nakatingin sa akin. Lumipas ang isang buwan at nagsimula na akong maghanap ng trabaho bukod sa grocery dahil nakahanap na ng maayos na tauhan si Tita Myline pero kapag may oras naman ako, gusto ko pa rin siyang tulungan doon. Ilang araw ay umalis si Dexx dahil sa negosyo nila sa Maynila. Wala naman problema sa akin dahil importante naman ang pagpunta niya doon. Labis akog nalungkot ng mga araw na iyon dahil matapos ko siyang maging kasintahan ay saka naman siya nagdesisyon na umalis. "Goodmorning," mensahe sa akin ni Dexx at halos araw - araw na siyang nagtetext sa akin simula ng magkalayo kami. "Goodmorning din," sagot ko sa kanya at itinabi ko na agad ang cellphone ko dahil kailangan ko na mag - asikaso papunta sa interview ko ngayon. Mabilis akong nag ayos at lipstick lang ang inilagay kong kolorete sa mukha. "Hindi ka na ba kakain?" tanong sa akin ni Tita Myline pagkalabas ko ng kwarto pero umiling lang ako at nagmadali dahil isang oras na lang ay schedule ko na ng interview. Ayokong malate at baka iyon pa ang maging dahilan para hindi ako matanggap sa trabaho. Halos takbuhin ko na ang para lang makarating ako ng maaga at buti, hindi masyadong traffic at hidi rin mahirap sumakay ng umagang iyon. May kinse minuto pa ako para pakalmahin ang sarili ko bago ang interview. Malaking building ang address na sinabi sa akin na kailangan kong puntahan. Pagdating ko sa palapag na nasabi sa akin, nakita kong marami na rin empleyado doon at karamihan kaedad ko, ang iba naman ay may katandaan. Lahat sila ay naka postura, maliban sa akin na simpleng pantalon, sando na may polo lang ang suot. Bago ako pumila, pinasulat ako sa log book at binigyan ng form saka number kung pang-ilan ako sa interview. Matapos kong sulatan ang bawat detalye ay ibinigay ko na iyon sa babaeng nasa desk at nagtungo sa cr para ayusin ang itsura ko. "Balita ko, masungit daw yung magiging boss mo dito. Primadonna daw kasi," Narinig kong sabi ng isang babae sa kanyang kausap. Parehas silang nasa cubicle ng oras na iyon. Nagpulbos lang ako at lipbalm nang lumabas na silang dalawa. Ang isa, may ID na ng kompanyang ito at ang isa, halatang mag-aapply pa lang dahil mayroon din siyang ID number kagaya ko. Binasa ko nang paulit-ulit ang resume na si Dexx ang gumawa at ayos naman pero wala pa ako masyadong credentials. Ilang oras rin akng naghintay bago ako kaya nakaramdam na ako ng gutom. Nagpaalam na muna ako sa babaeng nasa desk para kumain. Nasa labas pa lang ako ng room nang makita ko si Dexx doon at may dalang pagkain. Bumalik na ba siya galing sa Maynila pero hindi siya nagsabi sa akin. "Nakabalik ka na pala," tanong ko sa kanya at ngumiti lang siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Hindi na importate ngayon kung magpapaliwanag pa siya o hindi, basta nandito na siya, yun na ang mahalaga. "Hindi ka na sana nag-abala pa," bungad ko sa kanya at alam kong may sasabihin pa siya s akin pero hinila ko na lang siya palayo sa room na iyon. Nang may makasalubong kaming babaeng maganda ang pananamit at posturang postura siya. Matalim ang tingin niya Dexx pero hindi niya iyon napansin dahil napagitnaan namin siya at sa akin nakatuon ang tingin ni Dexx. "Bilisan lang natin kumain kasi baka mamaya ako na pala ang isasalang sa interview," sabi ko kay Dexx habang nasa lounge kami ng building na iyon. Siopao at softdrinks ang dalang pagkain ni Dexx sa akin at tahimik kong kinain iyon. Matapos no'n, mag-isa na akong bumalik sa building at nakita kong kaunti na lang kami doon. "Miss, be ready. Malapit na interview mo," sabi sa akin ng babae sa desk at ngumiti lang ako sa kanya. Pagkaupo ko, saktong lumabas ang isang babae at nakita kong ang nasa loob ay ang babaeng nakasalubong namin ni Dexx. Dahan-dahan sumara ang pinto kung saan nagaganap ang interview. "Ang sungit ng babaeng iyon," narinig kong sabi ng babaeng kalalabasa lang at wala lang sa kanya kung may makarinig sa kanya. Wala ang babae sa desk dahil pagkatapos ng interview, pumapasok siya sa room at may ibibigay na papel sa mga na-interview. Lumabas na siya at may binigay na envelop sa babaeng nagrereklamo at mas lalong sumama ang reaksyon nito at lumabas na ng opisina. "Monticello!" narinig kong sigaw ng babae sa loob at agad akong tumayo saka inayos ang pananamit ko. "Goodmorning!" bati ko sa kanya at iniabot ko na ang resume ko sa kanya. Aktong uupo na ako sa harpan niya ng mapahinto ako. "Sinabi ko na bang umupo ka?" tanong niya sa akin at tumikhim lang ako dahil sa pagtataray niya sa akin. "You can sit, now." Itinuro niya ang upuan pero hindi na ako sumunod sa utos niya. Nanatili na akng nakatayo ng ilang minuto hanggang sa magsalita na siya ulit. "No, thank you. Mas prefer ko nakaupo," sagot ko sa kanya at ngumiti lang siya sa akin at binasa ang resume ko. "Wala ka pa masyadong natatapos, what make you think na matatanggap ka? Pang-ilan ka sa nag-apply ngayon?" tanong niya sa akin at may isinusulat siyang kung ano sa resume ko. "Pang-bente singko po ako sa nag-apply. Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong quality ang hinahanap niyo para matanggap sa posisyon bilang sekretarya niyo pero kung hindi man ako matanggap, walang masama dahil sinubukan ko. Kung matanggap man ako, eh di maganda at magkakaroon ako ng experience sa isang malaking kompanya," mahabang sagot ko sa kanya habang nakatayo pa rin at parang nagrereport ang ginagawa ko. "Yung kasama mong lalaki kanina, kaano-ano mo siya?" sunod na tanong niya sa akin at nagulat ako dahil doon. Kaninang nakita ko siya, alam kong interesado na siya kay Dexx pero hanggang dito ay ipapakita niya iyon sa akin. "Why? Kilala mo ba siya?" malamig kong tanong at nagpangalumbaba siya habang tinititigan ako ng mariin. Tumikhim lang siya at ibinalik muli sa resume ko ang atensyon niya. Marahil kaibigan ito ni Dexx moon na hindi matandaan o kaya ay isa sa mga babaeng humahanga sa kanya. "Wala ka pa masyadong credentials, ano ba ang mga kaya mong gawin?" tanong niya muli sa akin at umayos ako ng pagkakatayo. Kahit masakit na aa binti ay tiniis ko lang iyon. "Nagtatrabaho ako habang nag-aaral. Accountant sa grocery ng tita ko at secretary naman ng Dean sa university na pinapasukan ko," magalang kong sagot sa kanya at nagsulat uli siya ng kung ano sa resume ko. "Okay, active number mo ba to?" tanong niya sa akin at pinaikot ikot ang ballpen sa kamay niya. "Opo mam!" sagot ko sa kanya. "Makakaalis ka na at pakisabi kay Regina, sumakit ang ulo ko kaya pakireschedule ang mga next applicant. You can start on monday. Wear something with class, close shoes. Papasukin mo pala siya dito." Winagayway niya ang kamay niya para senyales na lumabas na ako ng room. Sinunod ko ang sinabi niyang gawin ko at dumiretso na ako palabas ng room. Pumasok naman agad si Regina sa room na iyon at after ilang minuto, lumabas siya at may ibinigay sa aking papel. Nabasa ko na kontrata iyon para sa posisyon na gusto ko. "Pakifill-up to," sabi niya sa akin at inilagay ang daliri niya sa labi. Masaya ako sa nangyari dahil makakapagstart ako agad. Tiningnan ko ang mga aplikante na umaasa pa rin matatanggap sila pero hindi ko na iyon problema pa. "Maraming salamat po," masayang sabi ko kay Regina at iniabot ang papel. May nakalagay na din doon date kung kailan ako pwedeng magsimula. Pagkalabas ko ng building, tinawagan ko si Dexx at Tita Myline para ibalita iyon sa kanila. Pero kukunin ko pa lang ang trlepono ko, nakita ko na si Dexx at naghihintay sa akin. Hindi ko akalain na hihintayin niya ako kahit matagal. "Tanggap na ako. Makapagsimula na ako agad!" sabi ko kay Dexx at niyakap ko siya habang tumatalon. Masayang masaya lang ako at nang na-realize kong masyado kami magkadikit ay agad na ako lumayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD