Chapter 17

2005 Words
"Gusto kong mamili ng mga damit lang opisina, maaari mo ba ako samahan?" tanong ko kay Dexx habang kumakain kami. Tanghali ay tapos na agad ang pag-aapply ko sa kompanya nila Miss Camilla kaya naisip kong magsabi sa kanya at maaga pa naman. Hindi pa rin maalis sa isip ko kung paano tingnan ni Miss Camilla kay Dexx pero hindi ko na iyon sinabi pa sa kanya dahil parang hindi naman niya kilala ito. Minabuti ko na lang na huwag na magkwento. "Rion, naaalala mo yung sinabi ko sayo nung nakaraan? Isasama sana kita sa kaibigan kong psychologist para malaman kung ano ang kalagayan mo, kung gusto mo lang naman pero kung hindi, sabihin mo na rin agad sa akin," sabi niya sa akin at naaalala ko ang pagpayag ko sa kanya. Abala siya sa pagmamaneho at malapit na kami sa bukid ng sabihin niya iyon. Kahit ayoko naman talaga, wala naman siguro mawawala kung susubukan ko. Hindi ko na rin kasi maintindihan ang sarili ko at minsan, gusto kong mapag-isa lang. Tingin ko rin naman ay kailangan ko iyon dahil kailangan kong makisama sa makakatrabaho ko at ayokong makaapekto iyon sa akin. "Oo nga pala, may usapan nga pala tayo. Ngayon ba ang schedule natin, Dexx"? tanong ko sa kanya at tumango lang siya. Pumayag na rin ako dahil wala naman masama kung papayag ako. "Pwede ba yon bago tayo bumili ng mga damit?" tanong ko ulit sa kanya at ngumiti siya sa akin. Wala naman siyang sinabi kung anong oras kami pupunta at minabuti ko na bago na lang kami mamili ng mga damit. "Sure, walang problema at nasa byahe na rin naman tayo. May malapit na bilihan ng mga formal dress doon," sagot niya sa akin at dumaan na rin kami sa isang fast food. Kinagatan niya ang burger na hawak at sinabihan niya akong kumain na rin. Wala akong gana pero ginawa ko na lang ang gusto niya. Ayaw na ayaw kong kontrahin sila ni Tita Myline dahil tingin ko, nahihirapan na rin sila sa pag-aalaga sa akin kaya naman pinipilit kong maging masaya at umarte na normal sa mga paningin nila kahit sobrang bigat na ng kalooban ko pero hindi ko malaman kung bakit. Habang nasa loob kami, may nakita akong magkasintahan na sobra kung magkadikit. Muling bumalik sa isip ko kung paano ako halikan ng mga gumawa sa akin ng bagay na iyon kaya di ko mapigilan ang pagluha ko. Pinunasan naman agad iyon ni Dexx at marahan na hinaplos ang pisngi ko. Nakita ko sa kanyang mga mata na hindi na dapat ako malungkot dahil nandito na siya at hinding hindi ako iiwan. "Kahit lumuluha ka, maganda ka pa rin. Kung ano man ang dahilan niyan, please, nandito na ako. Mahal na mahal kita, Rion," matamis niyang sambit sa akin at tumagos talaga iyon sa puso ko. Pagdating namin sa clinic, wala masyadong tao at sinalubong kami agad ng isang receptionist, tila kilala nito si Dexx at nginitian. "Nandiyan ba si Dylan?" tanong ni Dexx at itinuro lang ng babae kung saan ang kwarto nang sinasabi niyang doktor. Sumunod ako sa kanya sa paglalakad pati sa pagpasok niya doon. Long time no see, pare!" Suntok ng doktor sa kanya at gano'n rin ang ginawa niya. Nalipat sa akin ang tingin ng doktor at kinawayan ako. "Kamusta ang pakiramdam mo tanong sa akin ni Dylan at lumakad na papunta sa table niya. Umupo na kami ni Dexx sa upuan sa harapan ng clinic niya. Puti ang pintura ng kwarto niyang iyon at may naka-display na mga frame kung saan nakalagay ang mga achievements ni Dylan. "Medyo maselan ang nangyari sayo, ayos lang ba kung ikwento mo iyon habang nandito si Dex?" tanong niya sa akin at alam ko sa sarili ko na hindi ko pa kayang sabihin ang nangyari sa akin habang kaharap si Dexx. "Kailangan ko po bang sabihin iyon? Ang nararamdaman ko lang po kasi ay naiilang ako sa mga lalaki at ayaw ko talagang mapalapit sa kanila," tugon ko sa kanya at tumango siya. "Sige, mabuti na rin at nasabi mo iyan. Minsan ba mas gusto mong mapag-isa ka? Nauulit - ulit ba sa isip mo ang pangyayari?" tanong niya ulit sa akin habang nakayuko na siya dahil may sinusulat na siya sa isang papel. "Opo madalas ko po talagang naiisip iyan pero hindi ko na lnag po sinasabi sa kanila," sagot ko at tumango siya sa akin. "Sabi rin ni Dexx ay sinubukan mong magpakamatay? Alam mo, wala kang kasalanan sa nangyari pero hindi ka namin masisisi kung nagagawa mo ang mga gano'n bagay," sagot niya sa akin. Sumang-ayon sa kanya si Dexx pero para sa akin ay kasalanan ko ang lahat. "Kung kaya mong huwag siya palaging kausapin o kaya naman ay lapitan, gawin mo lang, Dexx. Baka kasi atakihin siya ng panic attack o kaya ay bigla na lang mkapanakit," sabi ni Dylan at ngayon ko lang nalaman na maaari ko pala gawin iyon. "Minsan, kapag mag-isa ako sa kwarto, naiisip kong magwala, gusto ko rin mapag-isa lang," sabi ko sa doktor. "Panic attack ang gatawag diyan, normal ang ganyan lalo at magulo ang isip mo. Ganito na lang, gusto ko, sa susunod na magkikita tayo ay ikaw lang mag-isa ang pumunta dito. Mahirap kasi sa isang kagaya mo ang mag-open lalo at sariwa pa sayo ang nangyari," sabi niya sa akin at tumango ako. May binigay siya sa aking form at sinabi niyang sulatan ko iyon ng impormasyon ko. "Sorry at biglaan ang pagpunta dito," sabi sa akin ni Dexx ng matapos na kami sa appointment na iyon. Alam ko naman pumayag ako pero hindi ko talaga matandaan kung may sinabi ba si Dexx na schedule sa akin. "Ayos lang naman. Halata rin kasi sa kanya na nagmamadali siya kaya hindi ko na pinahaba ang usapan at baka may gagawin pasiya," sagot ko sa kanya at nagtungo na kami sa pupuntahan namin para mamili ng mga damit. Malapit lang ang sinasabi niyang boutique kaya nilakad lang namin iyon pero magkahawak kamay kami. Siya ang pumili ng mga damit pang-itaas at sa pang-ibaba naman ay puro slock pants na iba't - ibang kulay. May itim, white, brown, dark blue at dark green. "Napakarami naman ng kinukuha mo?" tanong ko sa kanya dahil mapupuno na ang basket. Tiningnan ko ang presyo ng mga iyon at dalawang araw ko ng sahod sa pagtatrabaho ang halaga nito. "Dexx, wala akong pangbabayad," naiilang kong sabi dahil lagay pa rin siya ng lagay ng mga damit. "Ako na ang magbabayad niyan, 'wag ka ng mag-alala," sagot niya sa akin at kinindatan lang ako. "Tama na siguro to, sukatin mo na lahat. Sumunod na lang ako sa paglalakad hanggang makapunta ng fitting room at inilapag ang basket na dala. Naiilang pa akong sukatin ang mga blouse na kinuha niya pero nakakahiya kung tatanggihan ko. Pwede ko naman sabihin na hindi ko gusto ang iilan dito para maibalik niya at huwag na bilhin. Sinuot ko na ang ilang blouse at pinakita ko sa kanya iyon isa-isa. Tanging pagtango lang ang sinasagot niya sa akin at pagkatapos, nagulat na lang ako sa nakita ko. "Binili ko lahat dahil bagay naman sayo," sabi niya sa akin nang papalabas na siya at hawak ang napakadaming paperbag. "Hindi mo na sana binili lahat. Sobra-sobra na yan," sabi ko sa kanya pagkalagay niya sa kotse ng mga gamit at sumakay na sa driver seat. Sumakay na rin ako pero sa kalsada ko itinuon ang atensyon ko hanggang makauwi kami. "Hindi ko gustong binilihan mo ko ng mga damit. Kaya ko bumili sa sarili kong pera. Wala akong ipapangbayad sayo," mariin kong sabi at nauna na ako sa loob. Nagkulong ako sa kwarto at kahit kumatok siya ng paulit-ulit, hindi ko siya pinagbuksan. Hindi naman iyon nakalock pero ayoko pa rin buksan ang pinto. "Rion! Huwag ka na magalit, gusto ko lang naman maging presentable ka," may lambing sa kanyang boses at siya na mismo ang nagbukas ng pinto at iniwan sa tapat nito ang mga pinamili niya. Hindi ko na siya kinibo habang papasok kami sa bahay dahil nakita ko ang mga tao na nakatingin sa amin. Pakiramdam ko ay pag-uusapan na naman nila ako kaya minadali ko na ang pagdadala ng mga pinamili namin ni Dexx. "Huwag mo na silang intindihin, mga wala na kasi yan mapag-usapan," bulong sa akin ni Dexx at nagulat ako na nasa likod ko pala siya at aktong hahawakan ang kamay ko pero natulak ko na lang siya dahil sa sobrang lapit namin. "Anong nangyayari?" narinig kong tanong ni Tita Myline at nakatingin pala siya sa amin. Napansin ko na lang ang gulat sa mga mukha ni Dexx. "Sorry," bulong ko at patakbo akong pumasok sa bahay dahil sa panic attack na naramdaman ko. Ayon kasi sa doktor na tumingin sa akin. "Rion!" narinig kong tawag sa akin ni Tita Myline pero hindi ko siya pinakinggan at nagtungo ako sa kwarto ko. Hindi na nasundan ang pagtawag ni Tita Myline sa akin at nanatili lang akong nakahiga. Nagising na lang ako sa pagkatok at agad akong napabangon saka binuksan ang pinto. Nakaramdam na rin kasi ako ng gutom at tinapay lang ang tanghalian namin kanina. Paglabas ko ng pinto ay nakauopo na si Tita sa lamesa habang naghahain si Dexx. Kumaway sa akin si Tita at sumunod naman ako sa kanya. "Kamusta ang pakiramdam mo? Kung may gusto kang sabihin, magkwento ka lang. Handa naman kaming makinig," sabi sa akin ni Tita Myline at tumango lang ako sa kanya. Gumaan na ang pakiramdam ko dahil sa sinabi niya at nakaramdam ako ng ginhawa sa kalooban ko. Nitong mga nakaraan ay nakakaisip na naman ako magpakamatay dahil ilang araw na akong hindi dinadatnan. Nag-kunyari na lang ako na masaya ako ng gabing iyon at pinakita kong maayos lang ako habang kumakain kami. Pero sa totoo lang, wala akong gana ng gabing iyon. Habang nsa kwarto ako, biglang pumasok si Tita Myline bitbit ang mga pinamili namin ni Dexx. "Sukatin mo naman ang mga binili ni Dexx para sayo, ang gaganda ng mga bestidang ito," masiglang sabi niya sa akin at nilapag sa kama ang mga damit. Agad akong bumangon at naisip ko, kailangan kong mapakita na maayos ako at wala akong dinadamdam na kahit ano. "Magaling mamili si Dexx ng mga damit. Alam na alam niya kung ano ang bagay sayo," sabi niya sa akin at itinapat sa akin ang kulay blue na dress. Hinawi niya pa ang buhok ko papunta sa batok ko at pinatong ang mangas ng dress sa balikat ko. Tiningnan ko sa salamin ang sarili ko. "Bagay ba talaga sa akin? Parang hindi po," kontra ko sa kanya pero umiling lang siya sa akin. Hindi ko na pinansin ang ilan sa mga sinabi niya at hinayaan ko lang siya sa ginagawa niya, pinagpapares niya ang ilang mga blouse at slock pants. Nakatalikod siya kaya naman sinamantala ko na iyon para tanggalin ang mga suot kong damit at sinuot ang unang dress na binigay niya sa akin. Tinulungan niya na lang ako ayusin ang laylayan ng dress. "Ayan, diba? Bagay na bagay sayo parang ginawa iyon para sayo," sabi niya sa akin at ngumiti na lang ako. Panay lang ang sabi niya sa akin bagay ang mga dress sa hubog ng katawan ko at sumasang-ayon lang ako sa kanya para mapakita na masaya ako pero ang totoo, wala akong gana sa ginagawa namin. Unang una, hindi kasi ako mahilig sa mga bestida at dress. Pangalawa, alam kong gusto lang ni Tita na makita akong masaya pero ayokong masaktan siya dahil sa hindi totoo ang saya na pinapakita ko sa kanya. Matapos ang ginawa namin, naiwan na ako muli sa kwarto. Pagkahiga ko ay hindi ko na napigilan ang luha ko. Naaalala ko kasi si Nanay at Tatay, kung paano nila ako alagaan ay kagaya ng ginagawa ni Tita Myline ngayon. Sobrang namimiss ko na ang mga magulang ko. Sapat na naman ang ginagawa ni Tita Myline pero hindi pa rin talaga matutumabasan ang pagmamahal ng isang magulang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD