Chapter 18

2033 Words
"Tita, ako na po gagawa ng pag-audit tuwing sabado at linggo para kahit papaano, makatulong naman po ako," sabi ko habang nag-aalmustal kami ng sabado ng umaga. "Sigurado ka ba kaya mo na ulit gawin iyon? Magkakaroon ka na rin ng trabaho," sambit niya sa akin at tumango na lang ako. Kaya ko naman gawin iyon at nagawa ko naman dati na magkaroon ng dalawang trabaho. "Opo, Tita. Walang problema sa akin, gusto ko rin naman makatulong," sagot ko sa kanya at tumango na lang siya sa akin at pinagpatuloy ang pagkain. Nang matapos kami, ako na ang nagligpit at ayokong kumilos pa sila dito. Hindi naman na sila kumontra at umnalis na para maaga sila makapagbukas sa grocery. Nasa kwarto lang ako buong magdamag at kapag nagugutom ay lalabas para kumain. Sobrang matumal ang araw na iyon pero gusto ko rin magkaroon ako ng pahinga at makapag-isip ng maayos. Habang nakahiga nakatingin sa kisame, bumabalik sa isip ko ang nangyari. Naluha ako at agad kong pinunasan iyon at tumingin na lang ako sa labas habang nakadungaw sa bintana. Malapit na pala gumabi kaya lumabas na ako ng kwarto at naisip kong maghanda ng hapunan para kay Tita Myline at Dexx. Normal lang na gabi iyon at gano'n rin ang naging takbo ng araw nung linggo pero maaga akong nagpahinga dahil sa lunes na ako magsisimula sa trabaho. Pagkapasok ko kinabukasan sa opisina, nag-orientation agad. May iilan din akong kasabay na bagong empleyado pero hindi ko sila makakasama dahil sa ibang departamento sila nilagay. Doon ko nalaman na Camilla ang pangalan ng magiging boss ko. "Sino si Rion?!" sigaw ni Miss Camilla ng makalabas na lahat nang empleyado pagkatapos sabihin ni Regina kung saan ang dapat nilang puntahan para makapagsimula. "Yes po!" Tinaas ko ang kamay ko tapos ay sumenyas siya na lumapit ako sa kanya. Pinuntahan ko siya agad at tinabihan. Itinuro niya ang makapal na folder kung saan nakalagay ang iilan pang resume ng mga empleyado. Kinuha ko ito at naglakad na siya papalabas ng Conference Room. "Sumunod ka sa kanya, doon ka lang sa opisina ni Miss Camilla at kahit anong iutos niya, sundin mo. Pag may tanong ka, huwag kang mahihiya sa akin," sabi ni Regina at tumango ako sa kanya tapos ay patakbong naglakad. Gusto kong makuha ang loob ni Miss Camilla kaya gagalingan ko ang trabaho ko dito. Hindi na kami napunta sa opisina kung saan kami nag - usap nung nakaraan. Bago ito at mas malaki kumpara sa nakaraang opisina. May mahaba itong lamesa na mukhang matibay at may laptop din doon. Sa sahig, may carpet doon at elegante ang design. Sa likod nito ay may malaking kabinet kung saan nakalagay ang ilang mga folder at libro. May figurines din doon. Sa itaas ay may eleganreng ilaw at may lampshade pa rin sa tabi ng laptop. Sa pinakadulo na parte ng lamesa ay may magulong folders at papel na nakalagay doon. Maliwanag sa kwartong iyon dahil sa kaliwang banda ay may malaking bintana. "Nakikita mo ba ang mga nakatambak na iyan? Hindi kasi kaya ni Regina ang maging Receptionist at the same time, Assistant ko kaya kailangan ko pa ng isa. Paki-ayos ang mga iyan. Alphabetical. May mga bakanteng lalagyan si Reg, hingiin mo sa kanya," utos niya sa akin at agad akong lumabas at pinuntahan si Regina. "Miss Regina, gusto ko po sanang manghingi ng mga lalagyan ng papeles," sabi ko sa kanya at yumuko siya para buksan ang cabinet sa ilalim ng lamesa niya. May inabot siyang ilang piraso ng envelop at bumalik na sa trabaho niya. "Yung bakanteng table, dyan ka magtatrabaho simula ngayon and pwede ka ng maupo," sabi niya sa akin at itinuro ang bakanteng table. "I like your clothes," dagdag niya pa sa akin at napangiti na langako dahil na-impress ko siya sa unang araw ko. "Thank you, Ma'am," sagot ko sa kanya at inayos ang lamesa dahil marami ring mga nakatambak na gamit doon. Inumpisahan ko nang isa-isahin ang mga papel dahil sa dami nito, baka anong oras na ako makatapos. Tahimik lang din si Miss Camilla habang nakatingin sa kanyang monitor. "Rion, bumili ka ng pagkain natin." Nilapag niya ang pera sa table ko at sa gulat, nabitawan ko ang hawak kong papel. Nasa letter H na ako at di ko namalayan, tanghali na pala. "Okay po, Ma'am. Ano po ang gusto niyong kainin?" tanong ko sa kanya at inayos ang sarili ko dahil kailangan kong lumabas. Naghintay ako ng sagot galing sa kanya pero hindi niya ako pinansin dahil abala siya sa pagbabasa sa kanyang monitor. Lumabas na lang ako at mabuti naabutan ko si Regina sa kanyang desk. Dahan-dahan akong lumakad papunta sa kanya at nakita kong madami siyang ginagawa pero ginawa ko pa rin ang dapat kong gawin. "Miss Regina, ano po ba ang madalas kinakain ni Ma'am Camilla?" tanong ko at inilabas ang isang notebook. Kumakain an rin kasi si Regina sa kanyang table kaya hindi ko na siya inabala at binasa ko ang pahina kung saan itinuro ni Regina sa akin. Naka-schedule pala ang mga pagkain na dapat bilhin para kay Miss Camilla kaya sinunod ko ito at agad na lumabas. May malapit naman convenience store sa labas ng building kaya doon na ako bumili. May dala rin akong pagkain ko kaya ang para sa kanya lang ang binili ko. Pagkain lang ni Miss Camilla ang binili ko at sandwich lang iyon, ayon kasi kay Miss Regina ay iyon ang nakasulat na kakainin ni Miss Camilla. May dala naman akong pagkain dahil pinabaunan ako ni Tita Myline. "Ang bilis mo naman," bungad niya sa akin nang ihain ko ang pinabili niya at parang gutom na gutom na siya dahil mabilis niyang binuksan ang dala kong pagkain. Hindi na ako naghintay na magpasalamat siya sa akin dahil parte iyon ng trabaho ko. Sapat kaya sa kanya ang sandwich na binili ko dahil kakaunti lang naman iyon at parang gutom na gutom siya, pero hindi naman na siya nagsabi kung ayos na iyon para sa kanya. "May baon po akong pagkain," matipid kong sagot at kinuha ko na rin ang baon ko tapos ay kumain. Sa loob na lang rin ako ng opisina kakain pero natigilan ako dahil nakatingin siya sa akin. "Bakit dito ka kakain? May pantry ang opisina ko, sabi niya at mabuti na lang ay hindi ko pa nalalabas ang baon ko kaya lumabas ako at hinanap ko na lang ang pantry na sinasabi niya. Mag-isa lang ako ng oras na iyon at tahimik na lang rin akong kumain doon. May ref ang pantry at mayroon din thermos para kung gusto ng kape ay pwedeng mag-init doon. May mga kape rin at water dispenser. Kaunting pahinga lang ang ginawa ko tapos ay bumalik para magpatuloy ako sa trabaho. Hanggang uwian ay ganito lang ang ginawa ko. "Saan ka kumain?" tanong sa akin ni Miss Regina paglabas ko ng opisina ni Miss Camilla para pumunta sa cr. "Ah, doon po sa pantry," sagot ko sa kanya at ngumiti at nagtungo na sa pupuntahan ko. Sa loob ng tatlong araw, nakuha ko na agad ang mga dapat kong gawin. Pinasulat niya sa akin ang iilan sa mga meetings niya, kung sino ang kakausapin, kung ano ang mga priority ko. Ako na rin ang tumatanggap ng mga sulat at tawag niya. Ang benefits ng mga empleyado ay sa akin niya rin pinapagawa tapos ay kailangan kong magpunta sa mga government office para maghulog. Mahirap din ang ganitong trabaho dahil may hawak akong cheque. "Arghhhh! Napakabagal na naman ng internet ko! Regina!" sigaw ni Miss Camilla at hinampas niya na ang keyboard niya dahil sa sobrang inis. Napatalon ako sa gulat dahil sa sigaw niyang iyon at siya namang pasok ni Regina at inayos ang modem pati na rin ang router. "Ikaw! Hindi ba, Information Technology ang natapos mo? Ayusin mo ang internet," utos niya sa akin na may halong pagsisindak pero nakita kong marunong rin naman si Regina kaya ilang minuto lang ay naayos niya na iyon. "Sa susunod, ikaw na ang aayos ng internet ko," sabi niya sa akin at tumango ako at bumalik sa pwesto ko. Nakasimangot naman lumabas si Regina sa opisina. Tumango ako sa kanya at hindi na ako nagsalita dahil sobrang naiinis siya ng oras na iyon. Ilang sandali pa ay lumabas si Miss Camilla dahil may ilan pa siyang interview na kailangan gawin. Hinanda ko ang resume ng mga aplikante at sumunod ako sa kanya. Bumalik kami sa opisina kung saan niya ako unang kinausap. Pinaupo na lang niya ako uli sa pwesto ko at sinimulan ang pag-iinterview. Base sa pag-uusap nila, halata ko sa tono ng boses ni Miss Camilla ang pagkabagot dahil sa hina ng pagsasalita ng lalaki. "Okay, no more question. Tatawagan na lang ng sekretarya ko," sabi ni Miss Camilla kahit hindi pa tapos ang lalaki sa sinasabi niya. Nagpasalamat ang lalaki sa kanya at agad akong tumayo para sana ituro sa lalaki ang palabas pero nahinto ako dahil sumenyas sa akin si Miss Camilla. "Rion, tara na." Humakbang ako papalapit sa kanya at binaliwala ko na ang lalaki. "Tapusin mo ang pag-tally sa benefits for month of October tapos ay dapat nakaprint. Ipasa mo sa akin iyon today," utos niya sa akin at tumayo na siya sa kanyang table. Inayos ko naman ang mga gamit at sumunod na sa kanya. Naabutan ko pa ang lalaki na kausap ni Miss Regina pagkalabas namin at bumati rin sa akin ito pati na rin kay Miss Camilla pero hindi siya pinansin ng aming boss. Ngumiti ako ng mapait sa kanya at naiisip ko kung bakit nga ba natitiis ni Miss Regina ang ugali ni Miss Camilla dahil sa sobrang sungit nito at hindi talaga namamansin. Marahil ay kailangan niya ng trabaho kaya gano'n. Pagbalik sa opisina at binuksan ko agad ang aking coomputer at ginawa ang utos niya. Nahirapan pa ako sa ginagawa ko dahil hindi ko mahanap ang maliit na halaga na kulang sa aking ginagawa. Inabot ako ng tatlong oras sa ginagaw ko pero mabuti na lang ay natapos ko rin agad at saka ako nag-print. Dalawang oras na lang ay uwian ko na, naisip kong sabihan si Dexx na huwag na akong sunduin dahil balak kong pagkatapos kong dalhin sa pagpapasahan ang papeles ay uuwi na ako. Naging abala na rin si Miss Camilla at may kausap na isa sa mga board members niya. Halata sa boses niya ang pagkainis pero mahinahon pa rin siyang nagsasalita. Naghanda na ako para pumunta sa malapit na building ng SSS at hawak ang cheque para pirmahan ni Miss Camilla. Nang makalapit na ako ng husto sa kanya, nakita ko ang isang frame kung saan kasama ni Miss Camilla at dalawang matanda, isang babae at lalaki na may katandaan na, baka iyon ang mga magulang niya. May isa ring batang lalaki na kasama niya iyon. "Mag-iingat ka sa lakad mo, malaking halaga iyan," sabi niya sa akin matapos niyang pumirma at paglabas ko ng kwarto, tinawag ako ni Miss Regina. Naisip ko rin na itanong sa kanya kung pwede ay dumiretso na ako ng uwi. "Pwede po bang pagkatapos kong ihatid ito ay uuwi na ako?" tanong ko kay Miss Regina at kumunot ang kanyang noo saka tumingin sa kanyang relo at binalik ang tingin niya sa akin. Marahil ay nagdududa siya pero umayos rin ang kanyang mukha at ngumiti na lang. "Hindi pwede at malapit lang ang building ng SSS dito, pwede mo iyon lakarin at limang minuto lang iyon. Mapapagalitan ka rin ni Miss Camilla dahil may dala kang pera," sabi niya sa akin at hindi na ako kumontra pa. Aktong lalabas na ako ay bigla niya akong tinawag. "Ah sige po, wala pong problema. Nagtanong lang naman po ako," sagot ko at tumalikod na ako sa kanya. "Rion, pasabay naman ako. Baka pwedeng magpabili sayo ng mga kutkutin? Nakakatamad kasi, wala na ako masyadong ginagawa," sabi ni Miss Regina sa akin at lumapit ako sa kanya para kunin ang pera pambili niya. Pagdating ko sa SSS ay may binigay silang maliliit na papel sa akin at marahil iyon ang tinutukoy ni Miss Regina. Agad rin akong bumalik sa opisina na yon at may halong pagkadismaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD