Chapter 19

2004 Words
Isang linggo pa lang ako bilang Secretary ni Miss Camilla at unang beses niya hindi pumasok. Araw ng martes iyon at kahapon pa lang, hindi na talaga maganda ang pakiramdam niya. Uminom siya ng gamot pero hindi pa rin nawala ang sakit niya at panay ang pagdaig niya sa akin. "Rion, may utos sayo si Miss Camilla. Tatawag daw siya sayo at hintayin mo na lang," sabi sa akin ni Miss Regina at nakadungaw lang ang kanyang ulo sa pinto at hindi na tuluyan pang pumasok. Wala pang limang minuto pagkasabi niya ay may tumawag na sa akin. "Rion, paki-print ang mga kontrata ng mga empleyado na magsisimula sa susunod na linggo tapos ay ang tally sheet for month ng November, ang mga loan, pakihanda na rin. Sabihin mo kay Regina, kapag may pumuntang mga aplikante ay siya na muna ang mag-interview bukas at kunin mo sa kanya ang mga resume, tapos ay dalhin mo dito sa bahay, okay?" tanong niya na utos na rin at hindi na ako nakasagot dahil binaba niya na agad ang tawag. Buti na lang ay tapos ko na ang tally sheet para sa buwan ng November, nagpi-print na ako nang pumasok si Miss Regina at nilagay sa table ko ang ilang mga papel. "Yan yung mga resume ng mga applicant. Yung kapatid daw ni Miss Camilla ang susundo sayo, diyan lang sa bukid sa malapit," sabi ni Miss Regina at tumango ako sa kanya. Inayos ko na sa iisang folder ang lahat ng dapat dalhin at lumabas na ako. Hindi na ako nagpaalam pa kay Miss Regina dahil alam niya naman kung saan ako pupunta. Hindi ko alam kung saan ang bahay ni Miss Camilla o ang itsura ng kanyang kapatid kaya pagdating ko sa bukid na sinasabi niya ay naghintay na lang ako. Tirik ang araw ng oras na iyon kaya sumilong na muna ako sa puno ng mangga. Hawak ko lang ang aking telepono at naghihintay sa tawag ni Miss Camilla nang maaalala ko na hindi siguro niya alam ang aking numero, hindi ko rin kasi naisip na magkakaroon ng oras si Miss Camilla para alamin pa ang numero ko pero habang naghihintay, may tumawag sa akin na hindi nakarehistro ang numero. Nabosesan ko si Miss Camila iyon kaya hindi na ako nagtanong kung sino ang nasa kabilang linya. "Rion, nasaan ka na? Baka makasalubong mo ang kapatid ko, siya na ang maghahatid sayo dito," sabi niya sa akin at binaba na ang tawag. Luminga-linga ako sa paligid pero wala naman akong nakitang sasakyan na paparating kaya naisip kong maglakad ng kaunti. Habang naglalakad ako sa kalsada, pinagmamasdan ang lahat ng naglalakad at wala akong nakitang naghihintay sa akin hanggang sa makarating ako sa lugar kung saan ako pinagsamantalahan noon. Nakaramdam ako ng kaba at takot ng mga oras na iyon dahil habang naglalakad, may nakita akong lalaking nakatalikod at tila may ginagawang kung ano. Nakaparada rin ang sasakyan sa tabi niya kaya naman lumayo ako ng kaunti dahil muling nagbalik sa isip ko ang lahat. nubukan kong tawagan si Miss Camilla pero hindi na siya sumasagot at pangalawang tawag ko na iyon sa kanya. Wala rin siguro akong load ng oras na iyon kaya gano'n pero ng tawagan ko si Dexx ay nag-ring naman ang telepono ko pero dahil abala rin siya sa grocery ay hindi niya nagawang sagutin ang tawag ko. Pinilit ko na lang pakalmahin ang sarili ko at inisip na wala naman gagawin sa akin masama ang lalaking iyon. Dahan-dahan akong lumakad at lalagpasan ko na sana siya pero humarap siya sa akin at ngumiti. Hindi namna siguro ako gagawaan ng masama nito dahil maliwanag ng oras na iyon. Habang naglalakad, hindi ko alam na may sumusunod pala sa aking sasakyan at para akong hinahabol ng aso dahil yung lalaki ang nagda-drive nito at ako lang mag - isa aa kalsada ng oras na iyon. Nanumbalik sa akin ang nangyari ng gabing iyon kaya nagsisisigaw ako at nakakuha ng atensyon ng iilan. "Tama na!" sigaw ko pero nang awatin ako ng mga tao ay nagbalik ako sa tamang pag - iisip. Pinagmamasdan ako ng lahat kaya nagmadali akong pulutin ang mga papeles ni Miss Camilla, may nagpresintang tumulong sa akin nang oras na iyon. "Miss, kapatid ako ni Camilla," sabi niya sa akin at siya na ang kumuha ng papeles sa lupa. Gusto ko siyang tulungan pero na-estatwa ako dahil sa takot na nararamdaman ko. Naiisip ko kasi na kahit ganitong oras ay maaari akong atakihin ng mga gumawa sa akin ng masama. Nakaramdam na rin ako ng hiya dahil pinag-isipan ko siya ng masama at baka magkaroon siya ng ideya na isa akong baliw dahil natakot ako sa kanya ng walang dahilan. Nagsimula na akong umiyak sa takot pero hindi ko ipinahalata sa lalaki yon at nakayuko naman siya. Pinunasan ko na agad ang luhang tumulo sa akin pagkatapos niyang pulutin ang lahat ng papel. "Pasensya ka na kung natakot kita," sabi pa nito sa akin at inilahad ang kanyang kamay tapos ay tinuro ang sasakyan. Nauna siyang sumakay doon pero ako, nanatiling nakatayo pa rin. Hindi ko namukhaan ang sasakyan niya pero iyon pala ang madalas na sinasakyan ni Miss Camilla sa tuwing uuwi siya. Gabi na rin kasi kung uwian namin kaya hindi ko masyadong makita ang itsura ng sasakyan. Hindi na ako nagsalita pa at sumunod ako sa kanya. Sa likod ako sumakay dahil sa takot na may gawin siya sa akin. "Talagang diyan ka pa sumakay?" tanong niya s akin pero hindi na ako sumagot at pagdating sa kanila, sinamahan pa ako ng lalaki hanggang sa makarating sa opisina niya. Maganda ang bahay nila, puro muebles ang nandoon. Marble ang sahig at puro puti ang pintura, may malawak na sofa at masasabi mong mayaman talaga ang nakatira dito. Pinirmahan naman agad ni Miss Camilla ang mga papel at ibinalik iyon sa akin. "Namumugto ang mata mo, anong nangyari?" tanong niya sa akin ng pumasok ako sa kwarto niya at nakita kong nakapantulog pa siya at nakahiga lang sa kanyang kama. Bumangon siya at humarap sa akin. Umiling lang ako at nilapag ako ang mga dala ko sa table malapit sa kanyang kama. "Kumain ka na ba? Bago ka bumalik sa opisina, kumain ka dito," sabi sa akin ni Miss Camilla at gusto ko man tumanggi, ayoko naman magalit siya sa akin. Inilipat ko ang tingin ko sa kanyang kapatid at gano'n rin ang kanyang ginawa. "Grant? May nangyari ba?" tanong ni Miss Camilla sa kanya pero umiling lang ang kanyang kapatid. Pinaalis niya na ito sa kanyang kwarto at sumunod naman agad iyon. Tumawag ng katulong si Miss Camilla sa kanyang telepono para sabihin na magdala ng pagkain sa kanyang opisina. "You can sit down, Rion. Pasensya ka na sa kapatid ko, kung ano man ang ginawa niya sayo," sabi nito sa akin at tumango lang ako saka sinunod ang gusto niyang umupo ako. Nilibot ko lang ng tingin ang opisina ni Miss Camilla, light blue ang pintura ng kanyang kwarto at may mga figurine ng anghel na naka-display sa isang cabinet. May isa ring lamesa na may malaking salamin at puro kolorete ang nakalagay doon. May cabinet siya na puro libro ang laman, mayroon ring malaking cabinet sa tapat ng kanyang kama at marahil para iyon sa mga damit niya tapos ay may salamin na patungan kanyang table at napapalibutan ng tatlong upuan. Pinakikinggan ko lang ang usapan nilang magkapatid sa kung anong nangyari at nakaramdam ako ng hiya sa sinabi ni Miss Camilla. "Miss Camilla, natakot po kasi ako sa kapatid niyo dahil baka isa siya sa mga gumawa sa akin ng kahayupan noon. Doon ko po kasi nakita nag kapatid niyo, sa lugar kung saan ako nagahasa noon," sabi ko sa kanya dahil hindi inamin ng kanyang kapatid ang nangyari. "Nasubukan mo na bang magpakonsulta sa doktor? Baka kasi mayroon ka ng PTSD or na-trauma ka na sa nangyari?" tanong niya sa akin at hinawakan ang kamay ko para paupuin sa table sa kanyang kwarto. "Alam mo, nung naging biktima ako ay ganyan din ako, ayokong may makakalapit sa akin na kahit sino, maski kamag-anak ay hindi nila ako magawang lapitan, lalong lalo na ang kapatid kong lalaki. Kita ko sa kanyang mga mata na totoo ang kanyang sinasabi dahil bakas doon ang pait. "Ang totoo po ay sobra akong nahihirapan. Pinipilit kong maging normal ang lahat, yung kagaya noon. Ayoko rin kasing mahirapan ang mga tao sa paligid ko at intinhin ako palagi," sagot ko sa kanya at ngumiti lang siya ng mapait sa akin. "By the way, gusto ko kapag nandito ka sa bahay ko, ayokong tatawagin mo akong Miss Camilla, Cams is enough," masayang sabi niya at saktong pumasok na ang mga katulong na may dalang pagkain. "Si Grant ba, kumain na?" tanong ni Miss Camilla sa katulong at sumagot naman iyon. Doon ako nagtaka sa kanya dahil bakit hindi niya tinanong kung kumain na ang mga magulang niya? Matapos ilapag ng mga katulong ang pagkain ay umalis rin ang mga ito. "Kumain ka na," utos niya at nagsimula na siya. Nakakaramdam pa ako ng hiya pero ayoko naman magalit siya sa akin kaya kumain ako kahit kaunti. Kita ko sa kilos niya ang pagiging sopistikada niya. Maganda rin pala talaga si Miss Camilla kahit hindi nalalagyan ng make-up ang kanyang mukha. "Pwede po ba akong magtanong sa'yo, Cams?" sambit ko matapos namin kumain. Kita ko ang pagtaas ng kanyang kilay at normal na iyon siguro sa kanya. "Sige, tutal naman tinanggap kita dito sa bahay bilang kaibigan," sagot niya at ngumiti ako sa kanya. "Bakit po hindi niyo natanong kung kumain na ang mga magulang niyo? Wala po ba sila dito?" tanong ko at pinagmasdan ko ang kanyang reaksyon pero walang nagbago ng oras na iyon. "Wala na sila, suma-kabilang buhay na," sagot niya sa akin at nakaramdam ako ng kirot sa puso ko dahil parehas pala kaming ulila na sa mga magulang at kaparehas rin na dalawa lang silang magkapatid na naiwan. Ang kaibahan lang, magkasama sila at ako, iniwan ng taong inaasahan kong magiging katuwang ko. "Parehas po pala tayo, peor ako, iniwan ako ng kapatid ko at sumama sa kanyang asawa," sagot ko sa kanya at tinapik ni Miss Camilla ang balikat ko. "Hayaan mo na, wala na tayo magagawa doon. Oh siya, at pipirmahan ko pa ang mga kailangan kong pirmahan. Huwag ka na bumalik muna sa opisina at dumito ka, gusto kong makipagkwentuhan sayo pagkatapos ng trabaho," sabi niya sa akin at tumango ako. Magulo pa rin ang mga papel na dala ko kaya inuna ko ibigay sa kanya ang mga maayos pa. Dalawang oras lang ay natapos na kami at nagsimula siyang magkwento. Nalaman kong may dati na pala asawa si Miss Camilla at halos patayin siya nito sa bugbog pero hindi niya nagawang ipakulong dahil nagtago daw ito sa isang lugar. "Rion, tingin mo ba makakaroon pa ng hustisya ang nangyari sayo? Ang ibig kong sabihin ay, kung kagaya ko, may kaya sa buhay ay hindi nabigyan ng hustisya, ang isa pa kayang kagaya mo?" tanong niya sa akin na naging dahilan para mabawasan ang paniniwala kong magkakaroon ng hustisya ang nangyari. May punto naman siya sa kanyang sinasabi at iyon ang dahilan para mabawasan ang aking pananalig. Hanggang ngayon rin kasi ay wala pa akong naririnig na balita kung nahanap na ba nila ang mga lalaking iyon. "Ipapahatid na lang kita sa kapatid ko pauwi, gusto rin niyang humingi ng pasensya sa nangyari. Hindi niya alam na naging biktima ka ng rape," sabi sa akin ni Miss Camilla ng wala na kaming mapag-usapan ng oras na iyon at nmalapit na rin akong umuwi. Umiling na lang ako sa kanya at sinuot ang aking bag ang mga papeles na kakailangan niya bukas. "Magpapasundo na lang po ako sa nobyo ko, Miss Camilla." Tumayo na ako at hawak ang aking telepono para tawagan si Dexx. Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nila sa akin at naglakad na rin ako palabas ng bahay nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD