Chapter 20

1988 Words
"Ang laki rin pala ng bahay nila Camilla no? Pero hindi ko talaga siya matandaan kung saan niya ako nakilala," sabi sa akin ni Dexx pagdating niya. Hindi ko pinansin ang sinasabi niyang iyon dahil nasa hustisya pa rin ang takbo ng isip ko. "Anong nangyari sayo? Ang tahimik mo naman?" tanong sa akin ni Dexx habang nasa byahe na kami. Hindi pa rin kasi maalis sa isip ko ang sinabi ni Miss Camilla. Tama naman siya, kung siya nga ay mayaman pero hindi nakuha ang hustisya, ako pa kaya na isang hamak na pobre lang? "Ano na ba ang balita sa kaso ko?" tanong ko kay Dexx at nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha. Sa reaksyon niyang iyon, alam ko na ang sagot. Wala na nangyayari sa kaso ko at kailangan kong tanggapin na hanggang doon na lang iyon. Ang hustisya ay may pinipili rin talaga. "Alam mo hindi pinipilit ang hustisya," sagot sa akin Dexx pero hindi ko na iyon pinansin pa. Hindi ko na kaya ang magkaroon pa ng mahabang pasensya at matagal ko na iyong hinahanap, simula ng mamatay ang mga magulang ko at walang nakuhang hustisya. Wala akong ganang kumain ng gabing iyon at hinayaan lang nila ako mag-isa sa kwarto. Hirap pa rin akong tanggapin na gano'n ang kinahidatnan ko. Tinitigan ko si Dexx at naisip ko agad kung may mga magulang ba siya. Hindi naman kasi siya nagke-kwento tungkol doon. Alam ko lang ay nasa Maynila talaga ang mga kamag-anak niya. Marahil, kilala rin ni Miss Camilla ang tungkol sa background ni Dexx. "Dexx, may kapatid ka bang babae o kaya ay mga magulang pa?" tanong ko sa kanya at nagbago ang mood niya. Kumunot ang noo niya at bigla niyang niliko ang kotse. Nagulat ako sa ginawa niyang iyon. Siya na ngayon ang iba ang aura kaya naman hindi na lang ako kumibo hanggang sa makarating kami sa bahay. "Buti naman at maaga kayong nakauwi," tanong sa amin ni Tita pero dumiretso lang si Dexx sa kwarto niya at labis na nagtaka si Tita Myline. NBagkibit-balikat na lang ako dahil wala akong alam kung ano ang nangyari o may nasabi akong masama. "Tita, ano po ba ang alam niyo kay Dexx?" tanong ko kay Tita Myline habang nasa Sala lang kaming dalawa. Tinitigan ko ang kanyang mga mata para malaman kung magsasabi siya sa akin ng totoo at kahit alam kong hindi siya nagsisinungaling, pinapakiramdaman ko pa rin siya kung magsasabi siya ng totoo sa akin. "Naku, basta alam ko mayaman ang pamilya niya at nasa Maynila lahat," sabi sa akin ni Tita Myline at tumango na lang ako. Parehas lang kami ng alam tungkol kay Dexx. "Tita, yung tungkol sa kaso, ano na po ang nangyari?" sunod kong tanong sa kanya at nahalata ko rin ang pagbabago ng kanyang ekspresyon. Hindi na ako naghintay pa ng sagot sa kanya dahil malinaw na iyon. Hindi ko kinibo si Dexx sa loob ng dalawang araw at kahit kinakausap niya ako ay wala akong sinasagot sa mga tanong niya. Masyado kong dinadamdam ang pagkawala ng hustisya sa nangyari sa akin. Inabala ko na lang ang sarili ko sa paggawa ng audit para sa kinita ng grocery. "Rion, gusto mo ba paupahan natin ang bahay niyo sa Pasig. Pinuntaan ko rin kasi iyon at nilinis ko kaya pagod na pagod ako kagabi at hindi ko na naasikaso ang grocery, mabuti na lang at nandiyan si Dexx." Binitawan niya ang hawak niyang kutsara ng umagang iyon at tinitigan ako. "Kayo po ang bahala. Hindi ko naman din po alam ang mga ganyang bagay," sagot ko sa kanya at nagmadali lang akong kumain dahil sa iniiwasan kong malate. Araw-araw ay kailangan mas maaga ako makarating sa oras ng trabaho ko dahil sa maraming pinapagawa sa akin si Miss Camilla. Ngayong araw na ito ay may meeting sila ng kanyang mga kasosyo sa trabaho at kailangan ayusin ko ang mga papel kung nasaan ang profit ng kompanya. Nasa opisina na si Miss Regina at naka-ayos na ang pagkain para sa mga board members dahil sa kanya iyon ipinagawa ni Miss Camilla, kailangan rin kasi na nasa loob daw ako ng meeting room para malaman ko ang iba pang ginagawa ng isang sekretarya. Sa loob ng meeting room ay may mahabang mesa at nakaharap ito sa isang pader na may puting board. Inayos ko na ang mga papeles na kailangan basahin ng mga board members para maging guide sa sales report nila ng buwan na iyon. Ilang sandali pa ay pumasok na ang mga tao na nakapostura at magaganda ang mga suot. Huling pumasok si Miss Camilla at may kasunod siyang isang babae at sa tingin ko ay siya ang gagawa ng presentation ng araw na iyon. Pinatay na nito ang ilaw at nagsimula na siyang tumayo sa harap at inayos ang kanyang computer. Nakatayo lang ako sa gilid ni Miss Camilla at pinagmamasdan ang sampung miyembro ng board na nakatingin lang sa babae habang nagpapaliwanag sa harapan nila. Tinaas ni Miss Camilla ang kanyang kamay at hinagis ang papel na hawak niya. "Ilang porsyento lang ang nadagdag sa sales ng kompanya sa South branch natin?" tanong ni Miss Camilla. Nanahimik ang lahat pati ang gumagawa ng presentation dahil sa ginawa ni Miss Camilla. "Miss Camilla, eigh percent po ang idinagdag simula ng pinatayo natin ang branch sa South area," sagot ng babae sa kanya at pinagpatuloy nito ang pag-report. Hindi na muli pa nagtanong si Miss Camilla sa kanya hanggang sa matapos ang meeting. Gutom na ako ng oras na iyon dahil lagpas na sa lunchbreak ng matapos ang meeting kaya naman ng may pagkakataon ay kumain ako kahit kaunting biscuit lang. Hindi ko na nagawang kainin ang baon kong pagkain dahil matapos ang meeting ay pinagpatuloy ko ang ibang trabaho ko. "Kamusta araw mo?" tanong niya sa akin bago kami sumakay sa sasakyan. May iniabot na naman siyang bulaklak sa akin pagkabukas niya ng pinto ng kotse. "Salamat. Nag-aabala ka pa lagi sa bulaklak, hindi naman kailangan," sabi ko sa kanya pero kinuha ko pa rin ang bulaklak sa kanya. Nakasanayan niya na lagi akong sinusundo tuwing uwian at wala naman problema sa akin iyon pero ayoko maging usapan ng mga katrabaho ko dahil sa ang iba ay kilala si Dexx. Ilang araw na lang ay malapit na ang kaarawan ko at naisip ko sanang imbitahan ang iilan sa mga katrabaho ko para naman magkaroon ako ng oras para makipagkaibigan sa kanila. Uumpisahan kong yayain si Miss Camilla at Miss Regina dahil sila ang mas madalas kong makausap. "Gppdmorning po, Miss Regina. May gagawin po ba kayo sa biyernes? Birthday ko po kasi at gusto ko sana yayain po kayo, tingin niyo po ba ay pupunta si Miss Camilla kung yayain ko siya?" Kibit-balikat lang sumagot si Miss Regina habang ang hintuturo niya ay nasa labi niya. Tumuloy na ako sa opisina namin at hindi ko na pinansin ang reaksyon niya. Pagpasok ko, nandoon na agad si Miss Camilla pero nakatungkod ito gamit ang kanyang kamay at tinitigan ako. Naiilang pa akong imbitahin siya sa aking kaarawan pero ginawa ko pa rin. "Miss Camilla, may gagawin ka po ba sa biyernes ng gabi? Gusto ko po sanang imbitahan ka," sabi ko sa kanya pagkapasok ko at inilapag ang gamit ko sa table. "And give me a valid reason para pumunta?" tanong niya sa akin at parang nilamon ako ng lupa dahil sa pagkapahiya na natamo ko. Naging mabuti lang naman ako at inimbita ko siya sa kaarawan ko pero bakit ganito pa ang isasagot sa akin. Mukhang ito yata ang gustong ipahiwatig sa akin ni Miss Regina kanina at hindi niya lang masabi dahil nasa loob na si Miss Camilla at baka marinig niya kaming nag-uusap tungkol sa pag-iimbita ko. "Eh, kung ayaw niyo pong pumunta, hindi naman po kayo pinipilit," matabang kong sagot sa kanya at nagsimula na akong magtrabaho. Hindi na siya sumagot pa sa akin at natatakot rin ako sa pwede niyang sabihin. Nakita ko kasi ang paglaki ng kanyang mata ng sabihin ko iyon. Makalipas ang ilang oras at lunchbreak na namin, hinihintay ko kung mag-uutos ba siya para bumili ng makakain pero pumasok si Regina at siya ang may dala ng pagkain ngayon ni Miss Camilla. Hindi na lang ako nagsalita at tahimik na kumain. Napansin ko ang pag-amok niya habang nakaharap sa kanyang Computer at parang may report na hindi niya talaga magawa ng maayos. Wala na siyang pinagawa sa akin hanggang mag-uwian kaya sapilitan na lang akong naghanap ng magagawa sa desk ko. Kahit ano, sinulat ko na maubos lang ang oras ko. "Rion, marunong ka ba gumawa ng sales report?" tanong niya sa akin at naisip ko agad ang kagaya sa pinakita ng babae kahapon. Parang mahirap iyon gawin dahil base sa ugali ni Miss Camilla, kapag nagkamali ako or hindi ko nilagay ang porsyento na gusto niya ay baka magalit siya sa akin. Hindi naman pwede na dayain ko ang ilalagay kong impormasyon doon dahil baka mas magalit siya sa akin. "Medyo po, bakit po?" tanong ko sa kanya pabalik pero hindi na siya sumagot pa. Hindi kami ulit nagkibuan pa matapos iyon dahil sunod-sunod na ang mga tumatawag sa kanya para magsabi ng reports at iilang mga importanteng bagay tungkol sa opisina. "Hi!" bati sa akin ni Dexx at hinalikan ako sa pisngi. May dala rin siyang bulaklak para sa akin at nasasanay na ako sa ganitong ginagawa niya kaya hinahayaan ko na lang. Punong-puno na ng bulaklak ang kwarto ko dahil sa ginagawa niya. "Dexx, marunong ka ba gumawa ng sales report? Wala kasi akong alam sa pano iyon gawin," sabi ko kay Dexx nang makasakay na kami sa sasakyan niya. "Bakit ikaw na ang gagawa ng sales report? Secretary ka. Hindi parte ng trabaho mo iyan," sabi sa akin ni Dexx pero dahil sinusunod ko lang naman ang utos ni Miss Camilla ay hindi na ako magrereklamo pa. "Hindi ko alam, sumusunod lang ako sa utos niya," sagot ko sa kanya at tumango lang siya sa akin. Pero naisip ko na baka ayaw lang ni Miss Camilla na pumapalpak at tamang impormasyon ang mababasa niya ayon sa report na pinapasa sa kanya. "Ayoko lang na madami ka na namang gagawin at tapos gagabihin ka ng uwi at baka may mangyari na naman masama sayo," dugtong pa ni Dexx at naisip ko na naman ang mga nangyari sa akin dahil sa sinabi niyang iyon. "Hindi naman siguro mahirap gawin ang paggawa ng sales report, ang gusto lang siguro ni Miss Camilla ay tamang impormasyon ang mababasa niya. Napansin ko kasi habang nasa meeting kami kahapon, dismayado siya sa report na pinakita sa kanya," sagot ko kay Dexx at umayos na ang reaksyon ng kanyang mukha. Huminahon na rin ako dahil sa pagkontra niya sa akin. "Alam mo, interesado tuloy akong makita yang Camilla na iyan. She sounds familiar to me," naramdam ako ng pagkainis dahil sa sinabi niyang iyon. Interesado siya sa ibang babae bukod sa akin? "Ang usapan natin, kung tuturuan mo ko sa paggawa ng sales report, hindi tungkol kay Miss Camilla," mariin kong sagot at tumawa siya sa sinagot ko at may halo iyon na pang-aasar. Sumimangot ako sa ginawa niya at tumigil siya sandali sa pagmamaneho at tinabi ang sasakyan sa gilid. "Sige, tuturuan kita pag may time tayo. Pero sinasabi ko lang sayo na hindi mo trabaho iyon, marketing ang kailangan gumawa ng sales report, ipapasa mo lang iyon kung sino man ang Camilla na yan," sagot niya sa akin at hindi na muli kami nag - usap tungkol sa trabaho ko. Gustuhin ko man magtanong tungkol sa kanya pero mas minabuti ko na lang nag manaimik at hayaan siyang magkwento sa akin. Darating rin naman ako sa panahon para makilala ko siya. Hinawakan niya ang kamay ko at hinayaan ko lang siya sa ginawa niya at tutal, kasintahan ko naman siya at tingin ko, karapatan niya iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD