Chapter 21

2004 Words
"Malapit na pala birthday mo, ano gusto mong handa?" tanong sa akin ni Tita Myline habang nasa hapagkainan kami para mag-almusal. Normal na araw lang naman sa akin ang birthday ko pero si Tita Myline ang madalas maghanda para sa akin. "Kailan ang birthday mo?" tanong ni Dexx pero hindi ako sumagot at si Tita na lang ang sumagot noon. "Sa biyernes. Oo nga pala, maaalala ko, Rion, gusto mo bang umakyat sa stage at magsabit ng medalya? tanong sa akin ni Tita Myline na ikinagulat ko dahil ang alam ko hindi na ako makakatungtong pa sa stage. "Syempre, g-gusto ko po," nanginginig kong sagot sa kanya at ngumisi lang siya at hindi na ulit sumagot pa. Hanggang matapos ang pagkain ko at makapasok ako sa trabaho ay ang pag-akyat ang naiisip ko. "Kung may problema ka, huwag mong dalhin dito sa trabaho. Nagkamali ka ng ginawang letter," sabi sa akin ni Miss Camilla at nilapag ang papel na mali ang nakapangalan bilang receiver. "Sorry po," sagot ko sa kanya at gumawa na lang ako ulit ng bago. May sarili na rin akong monitor at printer para sa mga papeles na ipapagawa niya sa akin. "Halika dito," tawag niya sa akin at agad akong umupo sa harapan niya. Inayos niya ang mga papeles at pinakita niya sa akin ang isang folder. "Alam mo bang bago ko maging secretary ang isang tao, nag-iimbestiga ako sa kanila? Ang laman ng folder na yan ay ang mga information tungkol sa gustong mag-apply na secretary ko," mahinahon na sabi sa akin ni Miss Camilla pero kahit marahan ang pagkakasabi niya. "Hindi maganda ang background ng applicant na iyon, ayoko sa kanya pero bigyan pa rin natin ng chance," sabi niya sa akin at labis akong nahiya dahil sa sinabi niyang iyon. Halos malagutan na ako ng hininga dahil doon. Tinitigan ko siya sa kanyang mata at tumango ako. "Huwag kang mag-alala. Alam mo, kaya ikaw ang tinanggap ko dito ay dahil naging biktima rin ako pero hindi rape, naging battered wife ako," mahina niyang sabi sa akin at hindi ko na maalis ang tingin ko sa kanya. Hindi ko rin kasi akalain na magsasabi sa akin ng ganoon si Miss Camilla. Kilala kasi siya bilang isang masungit na boss pero nagawa niyang magkwento ng ganito sa akin. "Miss Camilla, pasensya na po kayo kung hindi ako nakikipag-usap tungkol sa mga ganitong bagay at alam ko kasing ayaw niyong makaapekto iyon sa trabaho," sagot ko sa kanya at tumayo na ako para magpatuloy sa aking trabaho. Buong araw, hindi mawala sa isip ko ang sinabi niyang iyon dahil baka kailangan rin ni Mis Camilla ng kausap. "Rion, since secretary na kita, tiwala ako sayo na ililihim mo ang sinabi ko," sabi niya pa sa akin at tumingin lang ako sa kanya at nagpatuloy na sa trabaho ko. Nawaglit rin naman sa isip ko ang sinabi ni Miss Camilla hanggang sa mag-uwian na. Nasa labas ako ng building at hinihintay si Dexx dahil sabi niya ay susunduin niya ako. Napansin kong nakatayo lang rin si Miss Camilla sa tapat ng kanang kotse at tinititigan ako. Kumaway na lang ako sa kanya. Ilang sandali rin at pakiramdam ko, hinihintay akong makaalis ni Miss Camilla at nang makarating na si Dexx, may dala siyang bulaklak at humalik sa pisngi ko. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin masyadong iniisip na may kasintahan na ako at si Dexx iyon. "Madami kang ginawa?" tanong niya sa akin at tumango ako habang nakatingin pa rin kay Miss Camilla. Nakita ko siyang sumakay na sa sasakyan at agad na silang umalis. Sinundan ni Dexx ang tinitingnan ko at nang nandoon na ang atensyon niya ay wala na sila Miss Camilla. "Anong tinitingnan mo?" Luminga siya sa paligid at tanging sasakyan niya na lang ang nandoon pero umiling langa ko at nauna na akong umalis sa pwesto namin. Hinawakan ni Dexx ang kamay ko at magkasabay na kaming naglakad patungo sa sasakyan niya. Hindi na ako umimik habang nasa sasakyan kami at naramdaman naman iyon ni Dexx kaya marahil ay hindi na rin siya nagsasalita. "Bumili na lang tayo ng makakain, pagod kaming dalawa ni Myline," tanong niya sa akin at tumango lang ako. Wala rin akong gana mag-isip kung ano ang balak nila dahil pagod rin ako. "Rion, gusto mo bang dalawin ang puntod ng mga magulang mo?" tanong sa akin ni Tita Myline habang kaming dalawa lang ang nasa lamesa. Nasa kusina si Dexx at inaasikaso na ang binili naming pagkain. "Tita, pwede po palang ang isang boss ng kompanya ay magpa-imbestiga sa mga empleyado?" tanong ko sa kanya at hindi na siya nakasagot dahil dumating na si Dexx at umiling ako na huwag na siyang magsalita. Naging masaya naman ang hapunan na iyon para sa kanya pero bigla na lang akong nakaramdam ng pagkabalisa. Naaalala ko na naman ang mga panahon na nakakasama ko pa sila Nanay at Tatay. Pagkatapos kumain, mabilis rin akong pumasok sa kwarto at nahiga lang ako. Wala na akong gana makipag-usap na sa kanila kaya naman mas ginusto ko na lang mapag-isa. "Rion?" nagising ako sa tawag ni Tita Myline at tiningnan ko ang oras at alas singko pa lang ng umaga. Sa pagtataka, tumayo na ako at pinagbuksan ko siya ng pinto. Nakabihis na siya nang makita ko. "Mauuna na akong dadalaw kila Anna at Fernan. Kayo na lang muna ni Dexx ang pumunta sa araw ng kaarawan mo, ha?" tanong niya sa akin at pinagmasdan ko siyang lumabas ng bahay. Hindi na ako nakatulog dahil isang oras na lang ay kailangan ko na mag-ayos para pumasok sa trabaho. Hindi ko na hinintay pa si Dexx para ipaghanda ako ng makakain at kape lang ang almusal ko bago ako pumasok. Naisip ko, sa trabaho na lang ako kakain dahil marami pa akong iniwan na trabaho bago ako umuwi kagabi. Binati ko na agad ang guard sa building na iyon at umakyat na sa palapag kung nasaan ang opisina namin. Hindi naman ako masyadong maaga at hindi rin ako late. Nakapwesto na si Miss Regina nang dumating ako at inaayos na ang front desk kung saan siya nakapwesto. "Good morning po!" bati ko sa kanya at pinilit kong kumilos ng normal kahit na sobrang balisa ako ng umagang iyon. Bumati rin siya sa akin pabalik at hindi ko na siya masyadong kinausap pa dahil marami siyang ginagawa. "Rion, dito ka na muna. Hintayin mong makarating si Miss Camilla bago ka pumasok," tawag niya sa akin nang pahakbang na ako papasok sa opisina namin ni Miss Camilla. Sumunod naman ako sa kanya at umupo na lang sa tabi niya. Panay ang pagsunod ng tingin ko sa mga empleyado at mga aplikanteng pumapasok sa opisina. Hanggang sa makarating na si Miss Camilla. "Regina, alam mo naman ang routine ko tuwing umaga diba?" Tumango lang si Miss Regina sa kanya at tinitigan lang ako, binigay ni Miss Regina ang isang susi sa akin pero sa ilalim na lang ng lamesa niya ito iniabot sa akin. "Bakit nandiyan ka pa, ako magdadala ng mga ito?" Tanong niya sa akin at napansin kong marami siyang bitbit na papeles kaya naman kinuha ko na iyon at sumunod na sa kanya. Ngumiti na lang ako kay Miss Regina bilang pagpapaalam na sa kanya. Ayokong umagang - umaga ay sesermonan niya ako lalo at may mga aplikante na naghihintay sa kanya. "Mamaya, pagbibili ka ng makakain, hiramin mo ang susi kay Regina at magpa-duplicate ka," utos niya sa akin at nilapag ang hawak niyang kape. Nasa likuran niya lang ako at hinihintay na ayusin ang table niya para sa mga dala kong papeles pero tinuro niya lang sa akin iyon. "Parte ng trabaho mo ang mas maagang dumating para ayusin ang table ko," sabi niya at ginawa ko na agad ang gusto niyang mangyari. Binuksan niya na agad ang kanyang computer at habang naghihintay, nagsalita siyang muli. Inayos ko na lang ang mga resume na nakaabang na at pinaghiwalay ko ang mga iyon ayon sa trabahong papasukin nila. Matapos iyon ay ang mga natanggap naman na empleyado at kung saan sila naka-assign na departamento. "Gusto kitang tulungan sa kaso mo," sabi niya at napatigil ako sandali sa ginagawa ko pero hindi ko na siya sinagot pa. Marahil, alam niyang wala pa akong natatanggap na kahit anong update sa kaso ko at hindi ko rin sila ma-follow up dahil si Tita Myline ang may contact sa kanila. "Wala pa po silang balita sa kaso ko hanggang ngayon," sagot ko sa kanya at umiling lang siya. Ramdam ko ang pagkadismaya sa kanyang reaksyon pero ayokong mapasukan pa ako ng negatibong ideya at gusto ko pa rin maniwala na magkakaroon ako ng hustisya. "Matapos ang nangyari sa magulang mo, tingin mo, totoo bang mayroong hustisya?" tanong niya sa akin at naluha na lang ako sa sinabi niya dahil may parte sa isip ko na totoo ang sinasabi niya sa akin. Hanggang ngayon ay wala na rin naging balita sa nangyari kay Nanay at Tatay. "Gusto ko lang po sana itanong at nag-imbestiga na rin akyo tungkol sa akin, may alam ba kayo kung nasaan ang kapatid ko?" tanong ko sa kanya at hinarap siya. Nakatingin na pala siya sa akin at kanina pa siguro tinitingnan ang reaksyon ko. "Wala, ikaw ang pina-iimbestigahan ko at hindiang kapatid mo," matabang niyang sagot sa akin at tumango na lang ako. Bakit nga naman siya magkakaroon ng interes sa aking kapatid gayong ako ang empleyado niya? "Bumalik ka na sa lamesa mo at mag-umpisa sa pagtatrabaho," sabi niya sa akin at tinapos ko na ang papeles sa table niya saka sumunod sa utos niya. 'In ten minutes, mag-uumpisa na ako sa pag-iinterview. Gusto kong kasama kita sa Applicant Room. Mag-ayos ka rin, maglagay ka ng make-up," sambit niya sa akin at nakita ko ang sarili ko na hindi nga ako nakapaglagay ng make-up ngayong araw. Agad kong kinuha ang maliit na salamin at ang lipstick na dala ko pero hindi ako marunong maglagay nito at nakikisuyo lang rin ako kay Miss Regina. "Ako na," sabi niya at nagulat pa ako sa pagsasalita niya dahil nasa tabi ko na pala siya. Inagaw niya sa kamay ko ang lipstick at nagsimula na siyang pahiram ako sa labi. Matapos noon, pumunta siya sa table niya at may kinuha sa kanyang bag. Nilagyan niya rin ng blush-on ang pisngi ko at tsaka pulbos ang aking mukha. Hinawakan niya ang baba ko at pinalipat-lipat iyon saka ngumiti. "Maganda ka, kahit lipstick lang ay sapat na para sa mukha mo pero kailangan mo pa rin maglagay ng iba pang make-up dahil gusto kong mas maganda ang secretary ko kaysa sa ibang nag-aaply sa akin]" sabi niya pa at iniwan na ako. Agad naman akong kumilos dahil limang minuto na lang ay mag-uumpisa na si Miss Camilla. Kinuha ko sa table niya ang mga resume at lumabas ng opisina at saka nagsimulang tawagin ang unang aplikante. "Jenny Bustamante?" tawag ko at agad tumayo ang isang babae at professional talaga ang kasuotan niya at presentable rin ang kanyang mukha na parang siguradong matatanggap ito. Pagkapasok ko, kasunod ko na ang babae at iniabot ko kay Miss Camilla ang resume niya. "You're applying for the position of secretary?" tanong ni Miss Camilla at labis akong nakaramdam ng kaba, dahil kung ganitong empleyado ay tiyak, matatanggap ito at nakita ko rin sa kanyang resume na marami na siyang karanasan sa pagiging isang sekretarya. "I'm sorry to say, pero hindi na open ang posisyon na iyon. And besides, last week ka pa naka-schedule for interview, what happened?" tanong ni Miss Camilla at binabasa ang resume ng babae, kita ko ang pagkunot ng kanyang noo sa mga nakasulat doon. wala naman akong alam kung sa mga gano'n, basta nakita kong marami na siyang napasukan na mga kompanya. Tinaas ni Miss Camilla ang kamay niya bago pa man magsalita ang babae at sumenyas ito na umalis na siya. Ako ang nakaramdam ng hiya sa ginawa ni Miss Camilla at wala naman akong magawa kung hindi ang manahimik lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD