Chapter 22

2001 Words
Pagkagising ko, abala na siTita sa pagluluto ng handa para sa kaarawan ko pero ako, normal na araw lan ito para sa akin. "Rion, papuntahin mo mga katrabaho mo dito mamaya, sabi sa akin ni Tita Myline at yumakap siya sa akin at humalik sa pisngi ko. "Ihahatid na kita," sabi sa akin ni Dexx ng makasalubong niya ako palabas ng bahay. Sarado ang grocery ngayon dahil tutulong sila sa paghahanda para sa kaarawan ko. Kahit hindi naman sila tumulong ay sinasara pa rin ni Tita Myline dahil kaarawan ko. "Miss Camilla, makakapunta po ba kayo?" tanong ko sa kanya ng dumating siya. "Busy ako," matipid niyang sagot at tumango na lang ako. TIngin ko naman ay hindi siya makakapunta kaya mas mabti na rin iyon dahil nahihiya rin ako. Wala naman akong masyadong handa minsan kapag kaarawan ko. Tumango na lang ako at inumpisahan ko na magtrabaho. Nawalan ako ng gana sa pakikisama sa kanya dahil sa paiba-iba ang ugali niya. Nung isang araw lang ay magkasundo kami tapos ngayon ay kakaiba na naman ang pinapakita niya. "Bibili na po ako ng makakain, ano po gusto niyo?" tanong ko kay Miss Camilla pero sumenyas siya sa akin at napahinto ako sa paglabas ko. "Huwag na, nagpabili na ako kay Regina, dito ka lang," utos niya sa akin at bumalik na lang rin ako sa pwesto ko dahil sa utos niya. AYoko na siyang kontrahin pa dahil gusto ko lang magkaroon ng maayos na pakikisama sa kanya kahit mahirap intindihin ang ugali niya. Ilang minuto lang ay dumating na si Miss Regina at may dalang isang box. Galing iyon sa kilalang bakeshop at naintindihan ko na ang nangyayari. Nag-abala pa sila na mabigyan ako ng regalo. "Happy birthday!" bati sa akin ni Miss Regina at niyakap ako. Nakaramdam ako ng saya dahil sa ginawa niya, sa unang pagkakataon ngayong kaarawan ko ay nasayahan ako' "Happy birthday, magligpit ka na ng gamit mo at maaga kitang pauuwiin," sabi sa akin ni Miss Camilla at nagkatinginan lang kami ni Mis Regina na nakangiti at tumango na lang sa akin. Tiwala ako sa kanya dahil sa aming dalawa ay siya ang mas nakakakilala kay Miss Camilla. "Ah, Ma'am, nasa baba na po pala si Grant at hintayin na lang daw kayo." Tumalikod na si Miss Regina matapos niya iyong sabhin sa akin. "narinig mo naman ang sinabi ni Regina, magligpit ka na ng gamit mo," sabi sa akin ni Miss Camilla at tumango ako sa kanya. Matapos kong magligpit ng gamit ay hinintay ko na lang si Miss Camilla na maunang lumabas sa akin. Bitbit ko na ang box ng cake ng lumabas kami at napansin kong dalawa lang sila ni Miss Regina ang makakasama ko. Gustuhin ko man yayain silang lahat ay hindi ko na ginawa dahil kakaunti lang ang handa ko. Habang naglalakad kami palabas ay bumabati sila sa akin at naisip kong bumawi na lang sa kanila sa sahod ko. "Happy birthday!" bati sa akin ni Sir Grant ng magkita kami. Nagpasalamat ako sa kanya at sumakay na kami sa sasakyan nila. Pagdating sa bahay, si Miss Regina at Miss Camilla lang ang bumaba ng sasakyan. Hindi po ba kayo sasama sa amin?" tanong ko at napansin kong nagkatinginan ang magkapatid na parang humihingi ng permiso si Sir Grant kay Miss Camilla. Umiling si Miss Camilla sa kanya at mabilis pa sa alas kwatro ay umalis na si Sir Grant. Pinagmasdan ko na lang na mawala ang sasakyan nila bago ko sila pinatuloy sa bahay. "Nandito na kayo, wala pa masyadong handa. Halika at tumuloy muna kayo!" sabi ni Tita Myline pagdating namin at niyaya na nila itong kumain. Hindi na nagdalawang - sip pa sila Miss Camilla at Miss Regina ang pagsasandok ng pagkain pero tanghalian pa lang ang nasa lamesa namin. Narinig kong dumating ang sasakyan ni Dexx at nakaramdam ako ng tuwa dahil first time kong mag-celebrate ng kaarawan na kasama siya. "Camilla!?" patanong na bati ni Dexx pagdating niya at may dala siyang cake at bulaklak. Nagulat ako sa pagbati niya kay Miss Camilla at totoo ang sinasabi ko sa sarili ko na magkakilala sila. "Magkakilala kayo?" tanong ko sa kanila at lumapit sa akin si Dexx para halikan ako sa pisngi tapos ay inabot ag bulaklak sa akin. "Happy birthday, Love!" bati niya at yumakap sa kanya. Sunod - sunod naman ang kantyaw nila sa amin ni Dexx pero hindi ko na iyon pinansin dahil hinihintay ko ang sagot niya. "Yes, Rion. Magkakilala kami ni Mr. Lacson," si Miss Camilla ang sumagot at napatingin ako sa kanya habang kumakain. "May partnership kasi ang pamilya namin sa Maynila," dugtong ni Dexx sa kanya at tumango lang ako. Hindi na bago iyon dahil mayayaman ang kanilang pamilya at posible rin na magkakilala sila. "Dexx, hindi mo ba sa kanya nasabi kung magkakilala tayo? Hindi ba ay nando'on ka nung nag-apply si Rion sa kompanya ko?" tanong ni Miss Camilla at nakita kong nagbago ang reaksyon ni Dexx. Nagdilim ang kanyang mukha kaya nakaramdam ako ng takot. "Stop it, Camilla!" matigas na sabi ni Dexx tapos ay huminga siya ng malalim. Hindi na siya nagsalita pa at humarap na lang sa akin at parang may gustong ipaliwanag. Ngumisi lang si Miss Camilla matapos iyon sabihin ni Dexx at alam kong walang kahulugan iyon, dahil sa may ugaling di maganda si Miss Camilla, alam kong normal na lang iyon sa kanya. "Anong nangyayari?" hindi na nakatiis si Tita Myline at siya na ang nagtanong para sa akin. Nakipagtitigan lang ako sa kanila para sa sagot na kailangan ko. "Mabuti at magkakilala kayo. I mean... What a coincidence!" Tinitigan kami ni Dexx ng maigi matapos niya akong ipakilala kay Miss Camilla. Nakaramdam ako ng hiya dahil sa nalaman kong magkakilala sila. Kaya ba ako natanggap sa trabaho ay dahil sa nakilala ni Miss Camilla si Dexx noong araw ng interview ko? Natanggap ako dahil kay Dexx at hindi dahil sa kakayahan ko. "Yes, Mr. Lacson. Secretary ko si Rion," sagot naman ni Miss Camilla at ngumiti sa amin. Naging malagkit ang tingin niya kay Dexx bago nagpatuloy sa pagkuha ng pagkain. "Regalo ko nga pala sayo." Yumakap sa akin si Dexx at humalik sa pisngi ko pero nakaramdam ako ng pagkailang dahil sa hinalikan niya na rin si Miss Camilla bago ako. "Salamat," malamig na sabi ko sa kanya at umiwas na para asikasuhin sila Miss Camilla. Kaunti lang naman ang handa ko sa araw na iyon dahil ayokong mag-imbita ng ibang tao dahil sa nangyari sa akin. Kinuha ko ang cake at itinabi ko sa mga handa bago ito buksan. Nakaramdam ako ng kakaiba sa awra ni Miss Camilla ng mga oras na iyon at iba din ang tingin niya kay Dexx. Parang may ibig sabihin ang lahat ng mga titig niya pero hindi iyon napapansin ni Dexx dahil ngayon niya lang naman nakilala si Miss Camilla. Madalas ay mahinahon lang naman ang reaksyon ng mukha ni Miss Camilla at hindi makikitaan ng kahit anong emosyon ang kanyang mata. Pero ngayon, matalas at malalim ang emosyon nito. "Rion, kaano - ano mo si Mr. Lacson?" tanong niya sa akin habang nasa sofa kami. Abala sa pagkain si Regina at nakilala niya ang iilan sa mga bisita ni Tita Myline na kaibigan ni Markus. Maliit na baryo lang naman kami kaya magkakakilala ang iilang mga tao dito. "Diba po sabi niyo, nung araw ng interview ko, nakasalubong niyo na kaming magkasama? Bakit po hindi kayo nakilala ni Dexx ng araw na iyon?" tanong ko sa kanya at napatingin siya sa akin na parang hindi niya matandaan ang sinasabi ko. "Did I? Wala akong naaalala." Sumubo siya ng pansit pagkatapos magsalita at naghihintay lang ng sagot ko. "Girlfriend po niya ako..." mahina kong sagot sa kanya at parang wala siyang narinig. Kaba ang naramdaman ko ng oras na iyon at sobrang init ng inuupuan ko dahil doon. "Really? Ang isang kagaya mo, magugustuhan ni Dexx? Don't get me wrong pero, alam mo ba kung sino o anong klaseng tao si Dexx?" tanong niya sa akin at narinig iyon ng lahat dahil biglang natahimik ang mga nag-uusap at lumapit sa amin si Dexx. "Camilla, what are you doing!" sigaw ni Dexx at hinila niya ako saka inilagay sa likod niya tapos ay hinarap si Camilla. Doon na ako nagulat dahil sa ginawa niyang pagsigaw at maski si Miss Regina ay natigil sa pagkain niya. "I mean, kilala ka ba ni Rion? There's nothing wrong with that! Nagtataka lang ako. I'm sorry kung masama dating sayo, Rion," sabi niya sa akin at kinuha ang kanyang bag at umalis na ng bahay. Sumunod naman si Regina matapos siyang magpaalam sa mga kausap niya at kinuha ang kanyang bag. Hinalikan ni Dexx ang sentido ko at hinalikan ako. Narinig ko na lang ang bulong-bulungan tungkol sa akin. Ilang sandali pa ay dumating na ang mga tauhan sa grocery at may dala silang mga pagkain. "Nandito na pala kayo, halika na at kumain na kayo!" sabi ni Tita Myline at sumunod naman ang mga tauhan sa kanya. Inayos na nila ang pagkain at nagsimula na rin sila kainin iyon. "Gusto ko na lang magpahinga," sabi ko kay Dexx at nagtungo na ako sa kwarto ko at nagbihis. Kung bakit ba kasi naisip pa nilang maghanda, alam naman nila na umiiwas ako sa tao dahil panigurado, pag-uusapan ako ng mga iyan. Hindi pa din naman ito ang panahon para maghanda dahil may kakaharapin pa akong kaso at hanggang ngayon ay wala pang nagiging lead ang pulisya tungkol doon. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon magsalita si Miss Camilla tungkol kay Dexx. Alam kong may alam siya sa nangyari sa akin. Kilala niya si Dexx kaysa sa akin. "Rion!" narinig kong sabi ni Dexx at sinundan iyon ng pagkatok. Nakita kong pinihit niya ang doorknob dahil alam niyang hindi ako naglolock ng kwarto. "Love, come on. Birthday mo ngayon, mag-enjoy ka naman," sabi niya sa akin at tinabihan ako sa kama. "Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Kakilala mo siya, so ano, kaya ba ako natanggap dahil sa kakilala mo siya? Nakasalubong natin siya nung araw ng interview ko," sabi ko sa kanya at lumayo nang kaunti dahil sa nakakaramdam ako ng pagkainis. Gusto kong matanggap ako sa trabaho dahil sa kakayanan ko at hindi dahil sa may kakilala ang boss ko na malapit sa akin. "Hindi ko natatandaan na nagkita kami ng araw na iyon. Kung gusto mo, hinding hindi ko na kakausapin si Camilla at magrequest ka sa kanya na ilipat ka sa ibang departamento kung iniisip mong dahil sa akin ay natanggap ka," sagot niya sa akin at umiling na lang ako. Para akong pinagkaisahan dahil sa nangyaring iyon. "Dexx, ano yung sinasabi niya kung kilala ba kita talaga? Alam mo nagtataka na rin ako. Maliit lang ang kinikita natin sa grocery pero nung namili tayo ng damit ko, napakalaking halaga no'n, saan mo kinukuha ang pera? Yung hospital bill ko rin, ikaw ang nagbayad. Yang kotse mo, saan galing? Yung sinasabi ni Miss Camilla, na ang isang gaya mo, hindi bagay sa akin? Bakit, dahil anak mayaman ka at mahirap lang ako. Alam kong iyon ang ibig sabihin niya doon!" Sigaw ko sa kanya at tanging bugtong hiniga lang ang naisagot niya sa akin. Totoo ang lahat ng sinasabi ko, na mayaman siya at mahirap ako, dahil sa bagay na iyan ay hindi pwedeng maging kami. Hindi ko rin makita ang dahilan para ipagpilitan ni Dexx ang sarili niya sa akin gayong marami naman dyan na mas higit sa akin, kagaya na lang ni Miss Camilla at may kaya pa ito sa buhay. Wala talaga akong nakuha sa kanyang kahit anong sagot at tila hindi niya na rin alam ang sasabihin niya s akin kaya tumalikod na lang siya at tinitigan ang pinto. "Lumabas ka na muna. Please? Gusto kong matahimik lang ngayon," sabi ko sa kanya at nagtaklob na lang ako ng kumot at tahimik na umiyak. Narinig ko naman ang pagsara niya ng pinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD