Chapter 23

1981 Words
Mabuti na lang talaga at araw ng sabado kaya naman nagkaroon ako ng katahimikan sa umagang iyon. Tanghali na ako nagising at wala na akong naabutan pa na kasama sa bahay. Habang kumakain, may narinig akong tumatawag at naisip kong bakit dito paapuntahin ni Tita Myline ang mga bisita niya kung pwede naman ay sa grocery niya papuntahin ang mga makakausap niya. Iniwanan ko na muna ang pagkain ko at nagtungo para malaman kung sino ang nasa labas. Pagkasilip ko, nakita ko ang magkapatid na Natividad, si Miss Camilla at Grant ang nasa labas. "Ano pong kailangan niyo?" malamya kong tanong sa kanila at nakita kong may dala silang mga pagkain. "Gusto ko sana makabawi sa nagawa ko kahapon, hindi ko alam na wala kang alam sa kung sino si Dexx," sabi sa akin ni Miss Camilla at ngumiti siya sa akin na parang isang bata. "Hindi niyo na po kailangan pa mag-abala, wala po iyon sa akin," sabi ko at bigla na lang siyang dumiretso papasok sa bahay kahit hindi ko siya pinapapasok. "Camilla, ano ba?" saway ng kapatid niya at sinundan siya nito. Sinara ko na ang pinto at sinundan ko sila sa Sala. Nakaupo na doon si Camilla na parang welcome siya sa bahay namin. "Gusto niyo po ba ng cake?" tanong ko sa kanila ng makaupo na sila at hinayaan ko na lang ang bigla nilang pagpasok dito. Hindi naman siguro nila ako gagawaan ng masama. "No, may dala kaming foods and diet ako," sabi ni Miss Camilla at napangiti na lang ako sa kanya. Nagbago na naman ang mood niya at alam kong kaibigan siya dumating dito at hindi bilang isang boss sa kompanya. Mabuti na lang at hindi masyadong magulo ang bahay ng dumating sila at baka mapahiya ako. Hindi na ako naghintay pa g sagot galing kay Grant at kumuha na ng maiinom nila at ilang slice ng cake para sa kanila. "Rion." Pabagsak kong naisara ang pinto ng ref dahil sa gulat. Hindi ko namalayan na sumunod pala sa akin si Grant at sa gulat ko, kamuntikan ko na mabitawan ang juice na hawak ko. Tinaas niya ang hawak niyang mga pagkain at ngumiti sa akin. "Pinapalipat na ni Ate itong mga pagkain," sabi niya sa akin at tumango ako. Kumuha ako ng ilang mga plato at sinalin ang mga pansit at finger foods na dala nila. "Lagi ka talagang nanggugulat ano?" tanong ko sa kanya habang nililigpit ang mga kalat at nauna na akong bumalik sa Sala. "Maganda pala ang bahay niyo, old but classy." Uminom si Mis Camila matapos niya iyon sabihin at ginala muli ang tingin niya sa bahay. "So, Rion. Anong pinagkakaabalahan mo kapag walang pasok?" tanong sa akin ni Miss Camilla. "Nag-audit ng kinita ng grocery for this week, why?" tanong ko pabalik sa kanya at nagsimula na siyang kumain sa mga dala niyang pagkain. Sumenyas pa siya sa akin na kumuha ako bago niya sinubo ang dinampot niyang pritong hipon na binalot ng harina at sinawsaw sa toyo. "Alam mo, Rion. Mayaman ang pamilya ni Dexx sa Maynila. I just wonder, bakit ikaw ang napili niya?" tanong ni Miss Camilla at pinalo siya ng kanyang kapatid. "Alam mo, Cams, bakit hindi siya ang tanungin mo kung anong nagustuhan niya sa akin, kasi kahit ako, wala akong alam sa kung anong nasa isip niya." Kumuha na rin ako ng pagkain at tinitigan ko siya sa magiging reaksyon niya. Gusto ko rin ilabas ang pagbabago ng ugali niya dahil interesado rin akong isuwalat niya ang nalalaman niya tungkol kay Dexx kaya naman gumagawa ako ng paraan para mainis siya. "Nasaan nga pala si Dexx?" tanong ni Grant sa akin matapos niyang ilapag ang plato ng pansit at kumuha ng kaunti. "Wala siya dito, nasa grocery. Gusto mo ba papuntahin ko?" tanong ko sa kanya pabalik sa kanya at tumango siya sa akin at nagbago ang awra ng kanyang mukha tapos ay tumingin kay Camilla. "Huwag na. Alam mo, Rion, kumain ka na lang at gusto ka namin isama sa pupuntahan namin," sabi sa akin ni Miss Camilla at tumango na lang ako. Kahit kumain naako, kumuha pa rin ako ng kaunti at para masabi niyang hindi nasayang ang pagkain niya. "Ang sarap po nito, kayo po ba nagluto?" tanong ko at s=umubo ulit ng pansit na dala nila. "Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanila habang kumakain ako. Ngumiti si Miss Camila at dinagdagan pa ang nasa plato ko. Hindi na ako umapila at pnilit ko na lang ubusin ang pagkain sa plato ko. "Pupunta tayo sa Mall, gusto ka namin isama manood ng sine," sagot nila sa akin at tumango lang ako. Naaalala ko ang kailangan kong gawin para sa grocery. "Cams, kailangan ko pa kasing tapusin ang pag-audit ng kinita ng grocery," sagot ko sa kanya at kahit gusto kong sumama, kailangan kong gawin ang trabaho ko. "Don't you worry, madali lang iyan. May alam akong madaling paraan para magawa yan, kaya sumama ka na sa akin, ako na bahala!" sabi ni Miss Camilla sa akin at pumayag na lang ako kahit naiilang akong sumama dahil bonding nilang magkapatid iyon at hindi ko alam kung bakit gusto nila akong isama. "Ah, ganon po ba? Kailangan ko na pala maligo, ayoko naman paghintayin ko kayo," sabi ko sa kanila at madali kong inubos ang pagkain ko tapos ay dumiretso na ako sa kwarto para makapag-ayos. Sandali lang akong naligo at pagkalabas ko ng banyo, sinundan ako ni Miss Camilla. "Rion, wait!" sabi niya sa akin at hindi ko na siya napigilan pa dahil pagkapasok niya ay sinara niya ang pinto ng kwarto ko at binuksan ang cabinet. Ito, maganda. Bagay sayo," sabi niya at inabot sa akin ang kulay itim na dress. Isa sa mga binili sa akin ni Dexx. "Ako na magmake - up sayo--" natigil niyang sinabi ng kumatok si Grant sa pinto ng kwarto ko. "Camilla! Tumigil ka sa ginagawa mo, wala kang magawa?" tanong ni Grant at nagmadali akong magbihis para palabasin si Miss Camilla sa kwarto dahil hindi ako sanay na may ibang tao sa kwarto ko at ayoko sa dress na sinasabi niyang suotin ko dahil kita ang tiyan ko doon. "Makakalabas na po kayo, hindi po ako sanay na may ibang tao sa kwarto ko," sabi ko sa kanya at nag-iba ang reaksyon ng kanyang mukha at kusa na siyang lumabas. Dahil kapag di siya sumunod sa akion ay mapipilitan akong palabasin siya sa kwarto ko kahit boss ko pa siya sa trabaho. Ako na ang namili ng isusuot kong dress at kulay red iyon. Sinisigurado kong hindi malaswa ang isusuot kong damit at ayokong maging tampulan ng tsismis sa lugar na ito. Lipbalm at konting pulbos lang ang nilagay ko sa aking mukha at inayos ko ang bag na dala ko bago lumabas ng kwarto. "Ayan na siya, Grant, mag-ayos ka na at aalis na tayo, you look great, Rio," Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Naiilang man ay hindi na ako pumalag pa sa kanya. Tinulungan ko na lang si Grant sa pagliligpit ng mga pagkain para mas mabilis kaming makaalis. "Pasensya sa ka na sa kapatid ko, ngayon lang ulit siya nakahanap ng magiging kaibigan matapos ang nangyari sa kanya," sabi ni Grant sa akin habang nilalagay ko sa reg ang tirang pagkain. Naisip kong parehas kami ni Miss Camilla ng gustong mangyari. Parehas kaming naging biktima at nakaranas ng karahasan sa kamay ng mga lalaki kaya naman sobra ko siyang naiintindihan. "Naku, walang problema. Gusto ko rin naman magkaroon ng bagong kaibigan," matipid kong sagot sa kanya at ngumiti. "Tara na?" tanong ko sa kanya at tumango siya sa akin matapos niyang maghugas ng kamay. Habang nasa sasakyan kami, abala si Miss Camilal sa kanyang telepono at si Grant naman ay nagpapatugtog kaya binaling ko na lang sa labas ang atensyon ko. Nadaanan ko muli ang lugar kung saan ako ginahasa at wala na ang kulay dilaw na harang ng mga pulis doon. Parang sarado na talaga ang kaso ko at wala na akong mapapala kung maghahabol pa ako. Gusto kong ilagay sa kamay ko ang hustisya pero wala akong sapat na kakayahan para gawin iyon. Nang makarating kami sa Mall, inutusan ni Miss Camilla ang kanyang kapatid na bumili ng makakain namin sa loob ng sinehan. Isang romance ang napiling panoorin ni Miss Camilla at kahit tutol ang kanyang kapatid, wala siyang nagawa kung hindi samahan na lang kami. Habang nasa loob ay inabot sa akin ni Grant ang binili niyang pagkain. Nasa gitna ako ng magkapatid. Si Grant, ako at si Miss Camilla. Maganda ang palabas na napili niya dahil si Sharon Cuneta ang bida doon, isa rin kasi akong fan ni Sharon at lahat ng palabas niya ay napanood ko na. "Ang ganda talaga ng mga palabas ni Sharon, diba, Rion?" tanong niya sa akin at tumango ako bilang pagsang-ayon. "How about you, Grant? Nagandahan ka rin ba?" tanong ko sa kanya at narinig kong humagikgik si Miss Camilla. "Ofcourse, nagandahan siya sayo!" sagot ni Miss Camilla at napatingin ako kay Grant dahil sa sinabi ni Miss Camilla. "Ate, ano ba!" sigaw nito sa kapatid at pinagtinginan kami sa labas ng sinehan. Lumakad palayo sa amin si Grant at natawa lang si Miss Camilla sa reaksyon ng kanyang kapatid at hinawakan ang kamay ko. "Let's go, mamimili pa tayo ng damit." Lumakad na si Miss Camilla at sumunod na lang ako dahil sa kapit niya ang kamay ko. Nauuna si Grant na lumakad pero lumilingon pa rin siya sa amin at ang mga tingin niya ay parang nagtatanong kung saan kami pupunta hanggang sa huminto na siya at sumunod na lang sa amin. Hindi ko na lang inisip ang sinabi ni Miss Camilla na ako ang pinagmamasdan ni Grant sa buong oras habang nanonood kami. Ayoko naman magkaroon ako ng ideya na may gusto siya sa akin dahil hindi ako gano'n klaseng babae. May pinuntahan kaming dalawang boutique at sinusukatan ako ni Miss Camilla ng iilang mga dress pero kahit isa doon ay wala akong tinanggap galing sa kanya. "Ayaw mo ba sa mga napipili ko sayong dress, Rion?" tanong niya sa akin habang naglalakad na lang kaming tatlo sa mall at naghahanap si Miss Camilla ng susunod naming papasukin na boutique. Masyado kasing lantad ang mga pinipili niyang dress at hindi ako sanay magsuot ng mga gano'n klase ng dress. "Hindi naman po sa gano'n, pero kasi masyado pong revealing ang mga pinipili niyo para sa akin. Sapat na po ang simple lang at mga casual ouutfits lang po," sabi ko sa kanya at tumango lang siya. Pumasok kami sa isang boutique na puro mga casual lang talaga ang naka-display. Pants and mga Polo na pangbabae ang nandoon at sobra akong nakaramdam ng saya dahil iyon rin talaga ang gusto kong isuot sa tuwing pumapasok ako sa opisina niya pero kailangan kong magsuot ng mga dress dahil mas presentable iyon para maging sekretarya niya. "I see how happy you are. Go and get what you want, it's on me," sabi ni Miss Camilla at naupo na siya sa sofa at pinagmasdan akong tumingin sa paligid pero wala pa akong hinahawakan dahil nahihiya akong gagastusan ako ni Miss Camilla. "Huwag ka na mahiya, peace offering niya yan sayo," narinig kong bulong sa akin ni Grant at nakita ko na lang na may inabot na siya sa akin ang kulay blue na blouse. Tinitigan ko lang siya at kinuha sa kanya ang damit na iyon. "Bagay ang kulay na iyan sayo, try it," bulong niya sa akin at sinundan ko siya ng tingin hanggang sa tumabi na siya sa kanyang kapatid. Ginawa ko na lang ang inuutos nila kahit sa pakiramdam ko ay ginagawa nila akong sunod-sunuran sa mga gusto nila. Pagdating ng panahon, magkakaroon rin ako ng kapangyarihan at ako naman ang magpapasunod sa mga tao, pero ngayon, kailangan kong magsumikap at magtiis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD