Chapter 24

2043 Words
Pagkahatid sa akin nila Grant at Camilla, nasa bahay na rin sila Tita Myline at naghahanda na ng hapunan. "Mabuti naman at nandito ka na, may sasabihin sana ako sayo," sabi sa akin ni Tita Myline at hinila ako papasok sa kwarto niya. Hindi pa siya nagsasalita at nakita kong binuksan niya ang kanyang Personal Computer. "Gusto ka makausap ni Markus," sabi sa akin ni Tita at pinaupo na ako sa harap ng PC. Nakita ko si Markus at tila may kausap siya bago humarap sa akin. Inayos niya pa ang kanyang buhok at ngumiti. "Kamusta ka na? Pumapayat ka, masyado mo yata pinapagod sarili mo," sabi ni Markus sa akin at ngumiti rin ako sa kanya. Kitang kunta ko ang pagputi niya habang nasa Amerika at mas lumabas ang kanyang karisma dahil doon. "May importante sana akong sasabihin sayo, Rion. Gusto ko sana kunin dito si Tita Myline at magpapatayo ako ng negosyo ko," sabi niya sa akin at alam kong nabanggit na iyon sa akin ni Tita Myline pero hindi ko akalain na ngayon ay babanggitin niya muli ito. "Kaya ko naman na ang sarili ko, walang problema sa akin and besides, mas iniisip ko kung paano ang grocery?" tanong ko kay Markus at lumipat ang tingin niya kay Tita Myline. Lumingon na rin ako at naghintay ng sagot. "Nung nakaraan ko pa naisip yan at nagkahanap na ako ng buyer, Natividad Corporation ang nakausap ko," sabi ni Tita at alam ko na kung sino ang bumili, si Camilla. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko dahil bukod sa pakikipagkaibigan sa akin ng makapatid ay sila pa ang bumili ng grocery. "Kailangan nga pala ang alis mo, Tita?" tanong ko at natigil na ang pakikipag-usap namin kay Markus dahil biglang bumagal ang internet kaya pinatay ko na lang ang PC at humarap kay Tita Myline. "Bukas rin ang alis ko, sorry talaga kung biglaan. Ayoko kasi dagdagan ang nararamdaman mo. After what happened, ayoko sana umalis pero kailangan rin ako doon. "Oh siya at maaga pa akong gigising bukas," pagpapaalam sa akin ni Tita Myline at magkasunod na kaming lumabas ng kwarto niya dahil sa hapunan. Hindi na lang ako kumibo habang nag-uusap sila ni Dexx at nagbibilin si Tita Myline tungkol sa pamamalakad na gagawin sa grocery. "Hindi na kayo pwedeng magsabi ng mga rules at regulation natin dahil hindi na sa atin ang grocery, pakisamahan niyo ng maayos si Camilla," bilin niya at tumango lang ako. Hindi naman na mahirap sa akin kung paano mapapakisamahan si Camilla dahil base sa samahan namin kahapon ay tinuring niya na akong kaibigan. "Kapag nasa opisina ka, Rion, boss pa rin ang maging turing mo kay Camilla, kung tungkol naman sa grocery, wala naman siya masyadong dapat pang sabihin sa inyo maliban kung ikaw, Dexx, ang kukunin niya pa rin na tagapamahala, doon lang kayo pwedeng magkaroon ng pag-uusapan," bilin sa amin ni Tita Myline at sumang-ayon lang kami ni Dexx. Nang gabing iyon, habang nasa kwarto ay di ko mapigilan hindi malungkot dahil malalayo na ako kay Tita Myline. "Bakit namumugto ang mata mo?" tanong sa akin ni Camilla nang pumasok ako. Umiwas na lang ako ng tingin sa kanya dahil ayokong dalhin ang problema ko sa trabaho, alam ko kasing ayaw niya iyon. "I forgot to say, binili ang grocery niyo few days ako, dahil aalis na ang Tita mo?" tanong niya sa akin at tumango lang ako sa kanya. Lumapit siya sa akin at niyakap niya ako. Nakaramdam ako muli ng lungkot at hindi ko napigilan hindi ilabas ang nararamdaman ko. "Hindi ko kayang mag-isa. Nasanay na akong nandyan para sa akin si Tita Myline at tinuring ko na siyang magulang ko." Humagulgol na ako matapos kong sabihin iyon. Sa lahat naman ng pagkakataon na aalis siya ay ngayon pa ito nangyari. Ngayon pa na kailangan ko ng masasandalan. Humigpit ang yakap sa akin ni Miss Camilla at gano'n rin ang ginawa ko. "Sige at ilabas mo lang ang nararamdaman mo, gusto ko wala ka na mararamdaman na lungkot ngayong araw na ito. If you want, magpapasundo ako kay Grant para makalabas tayo, wala akong gustong ipagawa sayo ngayon habang may dinadamdam ka dahil nagkakamali ka." Tumawa si Miss Camilla matapos sabihin iyon at kumalas sa pagkakayakap sa akin tapos ay pinunasan ang luha sa pisngi ko. "Huwag na po, Miss Camilla. Kaya po ang sarili ko," sagot ko sa kanya at umiling lang siya tapos ay bumalik sa kanyang pwesto. Narinig ko na lang na kausap niya na si Grant. "Don't worry, ako ang boss dito and besides, Grant wants to see you," sabi ni Miss Camilla sa akin at mabuti na lang ay hindi niya pa nabubuksan ang kanyang Personal Computer at baka kapag may nabasa siyang emails ay hindi na matuloy ang pinaplano niya. Parang alam niya rin na ngayon ang alis ni Tita Myline. Nasa baba na kami at naghihintay na lang kay Grant. Habang naninigarilyo siya ay lumapit ako sa kanya at gusto ko sanang tanungin kung kasama ba sa plano niya na ilabas ako nung nakaraang araw. "Cams, yung paglabas ba natin nung sabado ay para mapagaan ang loob ko dahil alam mong aalis ang Tita Myline ko?" tanong ko sa kanya at umirap lang siya sa akin saka hinagis ang filter ng sigarilyo niya sa kung saan. "Huwag na lang po tayo gumala, kung gusto niyo po, sasamahan ko na lang kayo sa grocery para naman makilala niyo ang mga tao," suwestiyon ko sa kanya at ngumiti siya. "You know what, I really like you. Sa tingin ko, isa sa mga rason kaya ikaw ang nagustuhan ni Dexx, because you're a smart girl." Humawak si Miss Camilla sa balikat ko at bumaba na siya ng hagdan. Nakita ko rin kasi na nandyan na ang kotse ni Grant. "Goodmorning, Rion. Kamusta araw mo?" bati sa akin ni Grant at sumakay na ako ng sasakyan. Maaliwalas ang itsura niya ng araw na iyon at parang gustong gusto kong titigan dahil sa positibo ang binibigay ng kanyang ngiti. ""Ayos naman, ikaw? Salamat nga pala kahapon," sabi ko sa kanya at kumindat siya sa akin. Umiwas na lang ako ng tingin dahil nakita kong hinampas ni Camilla ang binti ng kanyang kapatid at umirap dito. "Sa grocery tayo pupunta," sabi ni Camilla sa kapatid at tumango na lang ito saka sinimulan magmaneho. Tinuro ko na lang sa kanya ang papunta grocery at pagdating doon, nandoon si Dexx. "May lakad pala ako, kayo na ang bahala diyan," sabi ni Grant at umalis na siya pagkababa namin. Hindi ko na lang pinansin ang reaksyon ni Camilla pagkaalis ng kanyang kapatid dahil umismid lang siya dito at hindi man lang nagsabi ng kahit ano bago umalis si Grant. "Miss Camilla, tara na po," sabi ko sa kanya at nabaling sa akin ang tingin niya saka sumunod na sa akin sa paglalakad. Nasa grocery na rin ang ilang box ng paninda at isa-isa binaba nila Greg iyon. Binibilang na rin ni Dexx ang mga iyon at nahinto sila sa ginagawa ng mapansin niya kami. "love, anong ginagawa niyo dito?" tanong ni Dexx at lumapit sa akin saka hinalikan ang pisngi ko. Yumakap ako sa kanya at kumalas rin agad. "Hi Mr. Lacson!" bati ni Miss Camilla sa kanya at yumakap na rin. Nanlaki naman ang mata ni Dexx sa ginawa ni Camilla sa kanya at tumingin sa akin. Umiwas na lang ako ng tingin sa kanya at naglakad na papasok sa grocery. Habang nasa loon ako ay nagulat ako sa biglang pagtunog ng telepono ko. Hindi nakarehistro ang numero ng tumawag kaya pinatay ko na lang iyon at nagpatuloy ako sa pag-aayos ng ilang paninda. "Dexx, gusto ko ikaw pa rin ang manager ng grocery dito at ikaw na rin ang gusto kong mag-audit ng pera. I want Rion all by myself," narinig kong sabi ni Camilla habang papalapit sila sa akin. "I can why, Rion is a smart person at diligent," sagot ni Dexx at hinawakan ang kamay ko nang tuluyan siyang makalapit sa akin. "Thank you for that," sagot ko at nagtungo na kami sa opisina sa grocery dahil kailangan pa namin sabihin kay Camilla ang ilan sa mga bagay na kailangan niyang malaman sa operation ng grocery at para na rin malaman kung may gusto siyang idagdag. "Bakit ganito ang log-in time nila?" tanong ni Camilla sa akin at ang tinutukoy niya ay ang iba-ibang oras ng pasok ng mga empleyado. "Ah, kasi ang mga ibang kargador dito ay arawan ang sahod. May mga tinatanggap kasi kaming estudyante dito," sagot ko sa kanya at tumango siya tapos ay may sinulat sa kanyang notebook. Hinayaan lang namin siyangbasahin ang ilan sa mga rules namin sa pagpapalakad ng grocery at nang matapos siya ay may ilan siyang sinulat sa kanyang notebook. "Okay, may ilan akong babaguhin sa pagpapatakbo ng grocery. First, gusto ko lahat ng empleyado ay full time workers. Kung magtatanong kayo kung bakit, plano ko after six months ko mahawakan ang grocery ay bibigyan ko sila ng benefits nila," sabi niya sa amin at tumango kami sa kanya dahil matagal na rin sinasabi ng mga tauhan ang kagustuhan nilang magkaroon ng benefits. Hindi lang maaasikaso noon dahil masyado na kaming abala sa pamamalakad at ako naman, naging assistant pa ni Miss Miriam. "Yes, Miss Camilla. Nasa plano na namin iyan pero naging abala kami sa pamamalakad simula ng maging Assistant ako ni Miss Miriam," sagot ko sa kanya at tumango siya sa akin bago binasa ang nasa notebook niya. Ang inaalala ko ngayon ay papaano ang mga estudyante naming kargador at baka hindi na sila tanggapin pa ni Miss Camilla dahil ang gusto niya ay mga full time workers. "Pero, paano po ang mga part timers namin na kargador, Miss Camilla? Aalisin niyo po ba sila?" tanong ko pabaliksa kanya at tumingin kay Dexx. "Baka pwede naman na trabahador pa rin sila dito pero araw-araw na lang sila papasahurin?" tanong ni Dexx at naisip kong maganda rin naman ang sinabi niyang iyon. "Pwede pa rin silang magtrabaho dito pero hindi mandatory ang benefits sa kanila. Kung gusto nilang magkaroon ng benefits, sla ang mag-aasikaso ng papeles nila at kung papayag silang kaltasan ang sahod nila tuwing tatlong buwan," sagot ni Miss Camilla. "Okay, mag-schedule ako ng meeting at isa sa sasabihin natin iyan," sagot ni Dexx at para akong wala sa usapan nila. Nakinig na lang ako sa mga points na sasabihin nila kapag nagpakilala na si Camilla bilang bagong may-ari ng grocery at inabot rin kami ng tanghalian kaya nag-yaya na si Camilla na kumain na muna kami sa labas. "Dexx, I want to eat something fancy," sabi ni Camilla kay Dexx at hinimas nito ang kanyang binti habang nagmamaneho. Hinawi naman ni Dexx ang kamay ni Camilla at tumingin sa akin. "Bakit kasi diyan ka umupo, RIon?" tanong sa akin ni Dexx at hindi na ako nakasagot pa dahil habang pasakay kami ng kotse kanina ay hinawakan ako ni Miss Camilla at sumenyas siya na doon siya uupo. "Mamaya pag-uwi natin, dito ka umupo, Rion. Trono mo to dahil ikaw ang girlfriend ko," mariin na sabi ni Dexx at ngumisi si Camilla sa sinabi ni Dexx. Dinala kami ni Dexx sa mamahaling restaurant kung saan mga pasta, meat at seafood ang pagkain nila sa menu. "Eat whatever you want, Rion. It's on me," sabi ni Dexx sa akin ng binigay na ang menu. Mamahalin ang mga pagkain dito. May steak at seafood sa menu. "Okay, gusto ko--" natigil na sabi ko dahil sa biglang pagsingit ni Miss Camilla sa sasabihin ko. Tinitigan ko na lang siya at napangiti dahil sa para siyang bata sa ginagawa niya. Parang hindi siya ang Camilla na nakilala ko. "I want steak and crabs," sabi ni Camilla at tumingin sa waiter. Sumenyas na si Dexx at lumapit agad ito sa amin. "Rion, what do you want?" tanong sa akin ni Dexx at sinabi ko na lang na pasta at steak ang gusto kong kainin. Gutom na rin kasi ako dahil sa paghihintay sa mga bagong patakaran ni Miss Camilla. Mabuti na lang at may alam ako sa mga ginagamit na kubyertos sa mamahaling restaurant at hindi talaga mapapahiya si Dexx sa akin kung dadalhin niya ako sa isang mamahaling restaurant.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD