Chapter 25

1962 Words
"Mr. Lacson, gusto ko sana maging Manager ka ng grocery, tutal kilala ka na naman ng mga tao, mas magiging effective pa rin ang pakikisama mo sa kanila," sabi ni Miss Camilla at nakita kong lumiwanag ang mukha ni Dexx bago tumingin sa akin. "Why not, Rion? Halos kababata niya na ang mga empleyado doon," sagot ni Dexx saka kumindat siya sa akin. "No. Secretary ko na si Rion and I told you, I want her all by myself. Besides, gusto ko ang hahawak sa negosyo ko ay isang eksperto. You did well before, I trust you on this one." Sumubo muli ng steak si Miss Camilla saka ngumisi sa akin. "Camilla, huwag mong insultuhin si Rion!" sigaw ni Dexx at hinawakan ang kamay ko. Gusto ko na lang lamunin ako ng lupa dahil sa sinabi niyang iyon. Pakiramdam ko ay nanliit ako sa sinabi niyang iyon. Totoo naman na wala akong experience sa negosyo pero nagtiwala sa akin si Tita Myline dahil balang - araw, ako ang magpapalago ng grocery. "Alam niyo, kanina ko pa napapansin na hindi kailangan ang opinyon ko. Sana hindi niyo na lang ako sinama sa pag-uusap niyo tungkol sa grocery. If you'll excuse me," sabi ko sa kanila at kahit hindi pa ako tapos sa kinakain ko ay tumayo na ako para umalis. "Rion, wait!" Tumayo na rin si Dexx at naiwan mag-isa si Camilla habang pinagpapatuloy ang pagkain. Hindi ko na siya pinansin at naglakad na ako patungo sa sasakyan. Kung gusto ako laitin ni Miss Camilla ay pwede niya naman iyon gawin wag lang sa harapan ko. "Rion!" sigaw ni Dexx at naramdaman ko na lang na hinila niya ako sa braso kaya napaharap ako sa kanya. Nakita ko sa mga mata niya ang lungkot sa nangyari kaya naman umiwas na lang ako ng tingin sa kanya. "Huwag mong pansinin si Camilla, gano'n lang talaga ang ugali niya. Rion, tara na at umuwi na lang tayo, pabayaan na natin ang babaeng iyan. Ang sama ng ugali niya." Hinila ako ni Dexx at pinasakay na sa sasakyan niya. Hindi ko na napigilan ang luha ko ng hapon na iyon. Habang nagmamaneho si Dexx ay palihim naman akong lumuluha. Unang beses na mayroon mang-insulto sa akin. I did tried my best sa lahat ng bagay na ginagawa ko at hindi rin naman niya ako pwedeng insultuhin ng harap-harapan. "Mag-resign ka na lang sa trabaho at hahanapan kita ng ibang mapapasukan." Hinampas ni Dexx ang manibela ng sasakyan niya dahilan para magulat ako. "Hindi ko kailangan mag-resign," sagot ko sa kanya at hinawakan niya ang labi niya sa sinabi ko. Hindi ko kailangan mag-resign at kapag ginawa ko iyon, papatunayan ko lang rin na isa akong talunan. Kung ayaw niya sa akin ay wala akong magagawa. "Pero kung mahihirapan ka sa ginagawa ni Camilla sayo, mas makakabuti na iwanan mo na lang siya," sagot ni Dexx sa akin at hidi na ako nakipagtalo pa. Bumalik kami sa grocery at pinagpatuloy na lang ang mga naiwanan na gawain. Ilang sandali lang ay dumating na rin si Camilla. "Bakit sumunod ka pa dito?" tanong sa kanya ni Dexx at iniwan ko na sila doon. Ayokong makita siya at kahit maramdaman ang presensiya niya dahil sa ginawa niyang pang-iinsulto sa akin. "Rion, saan ka pupunta? Pakitawag ang mga tauhan at gusto kong magkaroon ng meeting ngayon oras na ito. Gusto kong makilala na nila ako bilang may-ari ng grocery na ito," sabi ni Camilla sa akin. Nag-utos na langa ko sa isang cashier para tawagin ang lahat at sa likod ng grocery papuntahin para sa meeting. Nanatili na lang ako sa office ng grocery at hinayaan ko sila sa meeting pero naririnig ko pa rin ng kaunti ang pinag-uusapan nila. Binuksan ko na lang ang PC at tiningnan ang mga papers ng grocery kung may kailangan bang i-print. Dahil sa pagkainip, sumilip na lang ako sa kanila kung ano ang ginagawa nila. Nakita ko kung paano pumulupot sa katawan ni Dexx si Camilla pero pilit inaalis iyon ni Dexx at lumalayo siya sa babaeng iyon. May gusto ba siya kay Dexx at bakit kailangan pumulupot siya ng gano'n? Alam niyang kasintahan ko si Dexx pero bakit niya ginagawa iyon sa akin? Pumasok na ako at ng makita ako ni Dexx, kumaway siya sa akin at lumapit saka hinalikan ako sa pisngi. Napansin kong sumimangot si Camilla dahil doon. Ngumisi na lang ako dahil sa reaksyon niya. Gustong gusto ko rin talaga minsan na asarin siya minsan kaya naman pumulupot ako kay Dexx para malaman niya na ang kay Rion, ay kay Rion lang. "Mr. Lacson, come here!" sabi ni Camilla dahil tapos na siyang magpakilala at sumunod naman si Dexx pero hindi niya inalis ang kapit ko sa kanya at parehas kaming nasa harapan na ng mga empleyado. "Totoo ang sinabi ni Miss Natividad at ako pa rin ang magiging Manager pero hindi na si Rion ang makakatuwang ko dahil magiging abala na siya sa kanyang trabaho, sabi ni Dexx at pinakain niya na ang mga empleyado. "Halika na. Tapos na tayo dito sa grocery," sabi sa akin ni Dexx at kahit hindi pa kami nagpapaalam kay Miss Camilla at umalis na lang rin kami. Lumingon pa ako bago umalis dahil maiiwan mag-isa si Camilla doon at tingin ko, mas mabuti na rin iyon para makilala niya ang mga tauhan ng grocery. "Dexx, saan kayo pupunta? Iiwanan niyo ako mag-isa dito?" tanong niya sa amin at napatigil kami sa paglalakad. Humarap si Dexx sa kanya na nakangiti at hawak ang kamay ko. "Mas mabuti na rin naman iyan para makausap mo ang mga tauhan mo, tama?" tanong niya kay Camilla pero lumapit pa rin siya sa amin at sumabay na sa paglalakad. "Ihahatid na kita, Camilla." Binuksan ni Dexx ang pinto sa likod pero hinawakan ni Camilla ang pinto ng kotse sa harap. Dahilan para pigilan siya ni Dexx. "Rion, sumakay ka na," utos sa akin ni Dexx at hinawi ko ang pagkakahawak ni Camilla sa pinto saka ako sumakay. Napansin kong nakasimangot si Camilla sa likod pero hindi ko na iyon pinansin pa. Kinuha ko ang telepono ko at nabasa ang isang text galing sa di kilalang number. "Rion, si Grant ito. Kamusta diyan ang ate?" tanong ni Grant sa akin at napatingin ako kay Camilla dahl biglang nag-ring ang telepono ko at si Grant ang tumatawag. Hindi ko na iyon sinagot dahil sumakay na rin si Dexx kaya nag-reply na lang ako sa kanya. "Bakit hindi ka kay Miss Camilla magtanong? Sigurado naman na dala niya ang kanyang telepono," sagot ko at hindi na siya sumagot pa sa akin. Ilang minuto lang ay napansin kong naging abala na si Camilla sa kanyang telepono at alam kong si Grant ang kausap niya. "Bye!" sabi sa amin ni Camilla at pumasok na siya sa kanyang bahay. Hindi pa pinaandar ni Dexx ang kotse niya at pinagmamasdan si Camilla na makapasok bago kami umalis. "Kapag nasa opisina ka ba, ganyan ang trato niya sayo?" tanong ni Dexx sa akin at umiling ako bilang sagot sa tanong niya. "Mabait naman siya sa totoo lang, lumabas kami kahapon at namasyal kasama ang kapatid niyang lalaki. Kapag nasa opisina, boss talaga ang trato niya sa mga empleyado niya," sagot ko at tumango si Dexx sa akin. Kita ko sa kanyang mukha ang pagtataka at kahit ako, nahihiwagaan sa pag-uugali ni Miss Camilla. "Sala sa init, sala sa lamig ang ugali niya kung gano'n," sabi niya at sumang-ayon na ako. Marahil ay moody lang talaga siya pero naniniwala pa rin ako na mabuti siyang tao at hindi siya gagawa ng ikakapamahak ng kanyang kapwa. "Sa tingin ko rin, may gusto sayo si Camilla. Napansin ko kung paano siya dumikit sayo, daig pa ang linta," sagot ko at ngumisi dahil sa humalaklak si Dexx sa sinabi kong biro. "I can smell jealousy. Rion, don't worry, ikaw lang ang gusto ko." Kinuha ni Dexx ang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko. Nakaramdam ako ng kiliti dahil sa ginawa niyang iyon. Totoo na nakaramdam ako ng selos dahil gusto ko rin naman na sa akin si Dexx. Nawala na nga ang Tita Myline, pati ba naman kay Dexx ay may aagaw pa? "Aalagaan kita, lalo na ngayon na wala si Myline, hindi ako papayag na may aapi sayo, Rion. Nangako ako kay Markus at Myline na hindi kita papabayaan," sabi niya sa akin. Pagdating namin sa bahay, nagtungo ako agad sa kusina para maghanda ng hapunan namin. Pagod rin kasi si Dexx sa pagmamaneho kaya naman ako na lang ang nagkusa mag-asikaso ng hapunan. Nagpapahinga lang si Dexx sa Sala at nanonood ng tv pagkatapos kong magluto ng hapunan. Tumayo ako sa tabi niya at nagulat na lang ako ng bigla niya akong hilahin at napaupo ako sa mga hita niya. "Dexx, ano ba!" sigaw ko at pinalo ko ang balikat niya dahil sa ginawa niya. Kahit kaming dalawa lang ay nakakaramdam pa rin ako ng hiya kapag napapalapit sa kanya. "Walang masama kung lalambingin ko ang girlfriend ko," sagot niya sa akin at inayos ang pagkakaupo ko sa kanyang mga hita. Naramdaman kong nag-init ang mga pisngi ko dahil naamoy ko na ng husto ang pabango niya kahit buong magdamag na kaming magkasama ay hindi siya nangamoy araw. Kumapit siya sa mga baywang ko at naramdaman ko na ang hininga niya sa aking leeg. May kung ano ako naramdaman sa sikmura ko pero ayaw ko rin matigil kung ano man ang nadudulot niya sa sistema ko. "Dexx, mag-ayos ka na at kakain na tayo. Ang baho ko na rin," sabi ko sa kanya at umalis na ako sa pwesto kong iyon. Sa tuwing malalapit ako sa kanya ay iba ang nararamdaman ko. Sinundan ko lang siya ng tingin papasok sa kanyang kwarto at nag-lock na rin ako ng pinto ng baha at pumasok na rin sa kwarto ko. Habang naliligo ako, hinaplos ko ang tiyan ko at nakaramdam ako ng hiya dahil natatakot ako na kapag nakita iyon ni Dexx ay pangdirihan niya ako. Nagkaroon na kasi ng peklat ang mga ito at habangbuhay ko na dadalhin ang mga iyon. Nagbihis na ako at ayokong mawalan ng gana sa hapag-kainan kaya naman nagtungo na ako sa kusina para pagsilbihan si Dexx. "Nakarating na kaya si Tita Myline sa Amerika? Gusto ko sana tawagan kaso hindi ako marunong tumawag gamit ang telepono para makausap siya," sabi ko kay Dexx habang kumakain kami. "Mamaya, tatawagan natin si Markus," sagot ni Dexx sa akin at hinawakan ang kamay ko. Ngayong gabi, kaming dalawa na lang ang nandito sa bahay. Naiisip ko na baka may gawin sa aking masama si Dexx pero alam kong hindi siya gano'n klase ng lalaki. Alam kong may respeto siya sa akin at hidi siya magtatangka na galawin ako. Pagkatapos kong magligpit ng pinagkainan ay nagmadali na akong pumasok sa kwarto at nag-lock ng pinto. Binuksan ko ang aking PC at tinawagan si Markus. "Nakarating ba diyan si Tita Myline?" tanong ko at nakita kong magkasama na silang dalawa doon. Halata sa mukha ni Tita Myline ang pagod at puyat dahil sa byahe. "Ang haba nang byahe ko sa eroplano at alam mo ba, nakakatakot rin talaga. Sinubukan kong tumingin sa bintana at talagang nalula ako," sabi sa akin ni Tita Myline at natawa na lang ako sa sinabi niya. Hindi pa ako nakakasakay sa eroplano kaya hindi ko pa maisip ang sinasabi ni Tita sa akin. "Rion, yung kinita sa pagbebenta ko sa grocery, nakapangalan sayo. Iniwan ko na dyan sa kwarto mo. Kung may oras ka bukas, ilipat mo na sa account mo ang pera," sabi niya sa akin at nagpaalam na sila dahil kakain na rin sila. Maaga akong natulog ng gabing iyon dahil sa sobrang pagod na naramdaman ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD