Chapter 26

1979 Words
"Rion?" narinig kong tawag sa akin habang pauwi kami ni Dexx. Humahangos si Greg habang kaharap kami. "Anong nangyari, Greg?" tanong ko sa kanya at nakailang paghinga pa siya bago nakabawi sa kanyang paghinga. "Tinanggal kami ni Camilla dahil gusto niya daw ay mga full time lang ang magiging empleyado niya. Nagkakagulo ngayon sa grocery," sabi sa amin ni Greg at sumakay kami ulit sa kotse niya para magpunta sa grocery. "Lumabas ka dyan!" sigaw ni Mina, isa sa mga working student at cashier ng grocery. Kitang-kita ko ang galit sa kanyang mukha at umiiyak pa ito pagkatapos niyang sumigaw. May iilan ngang mga nagwawala doon dahil sa biglaang pagtatanggal sa kanila. Tumakbo ako papasok sa grocery at nakita kong nakakulong si Camilla sa opisina. Kaya pala maaga siyang umalis kanina ay dahil dito siya pupunta. "Anong ginawa mo?" tanong ni Dexx kay Camilla at hawak ang magkabilaan niyang braso. Kita ko ang pagkadismaya sa mukha ni Camilla at sinamahan pa ng takot dahil sa ginagawa ng mga tao sa kanya ngayon. "Ako ang masusunod dito! sigaw ni Camilla kay Dexx tapos ay pilit na inalis ang pagkakahawak ni Dexx sa kanya. "Tama na!" sigaw ko pabalik sa kanila at pumagitna na ako dahil kakaiba na ang kinikilos ni Dexx. "Halika na, Rion. Hayaan mo yang babaeng yan mapahamak. Wala tayong kinalaman sa katangahan niya," sabi sa akin ni Dexx at hinila ang kamay ko pero nagpumiglas ako dahil ayokong kuyugin ng mga tao si Miss Camilla at baka saktan nila ito. Sumenyas na lang ako kay Dexx na hindi ako sasama sa kanya. Huminga ng malalimn si Dexx bago niya bitawan ang kamay ko at umalis na ng opisina. "Miss Camilla, mag-usap tayo," utos ko sa kanya at sinara ko ang pinto ng grocery nang makalabas na si Dexx. "I want you to leave," mahinang sabi sa akin ni Camilla at tingin ko, hindi ito ang tamang oras para mag-usap kami kaya naman tinawagan ko na si Grant para sunduin ang kapatid niya. Lumabas na rin ako ng opisina at naisip kong ako na ang haharap sa mga tao. Paglabas ko, kausap na rin ni Dexx ang iilan sa mga tauhan at kumalma na ang mga iyon. Konting minuto lang ang pagitan ay dumating na rin si Grant kaya pinaalis ko na ang mga tao para maiwasan na ang gulo. Nang makauwi kami, hindi pa rin kumikibo si Dexx at hindi ko na lang iyon pinansin dahil wala rin akong gana makipag-usap sa kahit na sino. Ngayon lang nagkaroon ng gulo sa grocery simula ng tinayo iyon ni Tita Myline at pangalawang araw pa lang ni Camilla sa pamamalakad iyon. Pati sa pagkain ng hapunan ay hindi pa rin kami nag-uusap ni Dexx at abala siya sa kanyang telepono kaya hinayaan ko na lang siya. "Nagseselos ka ba kay Camilla?" tanong sa akin ni Dexx habang naglilinis ako ng pinagkainan namin. Nagulat ako sa sinabi niyang iyon dahil ang nasa isip ko, galit siya kay Camilla at iniisip niya kung paano ang gagawin sa mga tauhan sa grocery. Ako kasi, nandoon ang isip ko at naaawa ako sa mga tauhan na nawalan ng trabaho. "Bakit ako magseselos? Kung sa ugali pa lang, lamang naako sa kanya dahil maayos ang pag-iisip ko," sagot ko sa kanya at lumingon na rin. "Tama. Lamang ka sa pag-uugali, mas mabait ka, mas simpatya sa mga tao," sagot naman sa akin ni Dexx at umalis na ako sa kusina at nagkulong na lang ako sa kwarto. "Gusto daw akong kausapin ni Camilla sa opisina niya, sabay na tayo pumunta doon, sabi sa akin ni Dexx habang nag-aalmusal kami. "Tungkol saan?" tanong ko sa kanya pero nagkibit-balikat lang siya sa akin. Habang kumakain, iniisip ko kung ano ang dahilan niya para kausapin si Dexx. Dahil ba sa hihingi siya ng payo tungkol sa mga tauhan sa grocery? Gusto ko sana isipin na iyon ang rason niya pero ayokong pangunahan si Camilla kaya tumahimik na lang ako. Magkahawak kamay kami ni Dexx habang papunta kami sa palapag ng opisina ni Camilla hanggang sa makarating kami ng opisina. "Buti naman at nandito ka na," bati ni Camilla sa amin at humalik pa sa pisngi ni Dexx kahit na magkahawak-kamay kami. Tinulak ko siya bigla dahil sa ginawa niyang iyon. "Omg, what are you doing?" pasigaw na sabi ni Camilla at hinawakan ang balikat niya kung saan ko siya naitulak. Tumawa lang si Dexx sa nangyari at hinalikan ako sa noo. "So, bakit mo ko pinatawag dito? Sabihin mo na agad at marami pa akong gagawin," matabang na sabi ni Dexx kay Camilla habang naglalakad kami papasok sa office niya. Nagsimula na akong magtrabaho dahil pagpasok ko doon, boss ko na si Camilla at hindi isang kaibigan. Kung may pag-uusapan man sila ni Dexx ay labas na ako doon dahil Sekretarya niya na ako at hindi isang girlfriend lalo at negosyo ang piang-uusapan nilang dalawa. "Bakit hindi natin hingiin ang opinyon ni Rion?" narinig kong sabi ni Dexx. Pinipigilan ko ang sarili ko na tumingin sa kanila hanggang sa maramdaman ko ang paghawak ni Dexx sa balikat ko. "Mr. Lacson, hindi ko kailangan ng opinyon ng sekretarya ko pagdating sa mga negosyo, hindi ko siya business advisor," mataray na sabi ni Camilla kay Dexx at umaarte na lang ako na parang walang narinig dahil oras na iyon ng trabaho ko. "Tama, Mr. Lacson, isang hamak na sekretarya lang ako," sagot ko sa kanila at narinig kong humagikgik si Camilla. Hindi ko na tiningnan ang reaksyon nila at nakatutok lang sa Computer ko. "Rion, huwag ka magsalita ng ganyan. Stop it, Camilla. Matalino si Rion at mas kuha niya ang kiliti ng mga tauhan sa grocery. Unlike you, pinagtatanggal mo ang mga working students kahit alam mong kailangan nila ang trabahong iyon," pagtatanggol sa akin ni Dexx at narinig kong pinalo ni Camilla ang kanyang lamesa pero hindi na siya nagsalita pa. Umalis na si Dexx at hinawakan ang likod ko bago siya tuluyang lumabas ng opisina ni Camilla. Hindi na rin kami nag-usap ni Camilla matapos iyon. Pinagpatuloy ko na lang ang gawain ko ng araw na iyon at nang uwian na, nakita ko si Dexx at hinihintay na ako sa parking lot habang kausap si Camilla. Tumingin sa akin si Camilla at inayos ang kwelyo ng damit ni Dexx. Inalis ni Dexx ang pagkakahawak ni Camilla sa kwelyo niya at iniwan ito para lumapit sa akin. Humalik siya sa pisngi ko at humawak sa baywang ko. "Huwag mong pansinin yang si Camilla. Nang-aasar lang iyan," bulong sa akin ni Dexx at lumakad na kami papunta sa kotse niya. Nakatingin lang ako kay Camilla at nakita kong umirap siya sa akin bago sumakay sa kotse niya. "Dumaan muna tayo sa grocery at nakumbinse ko na si Camilla na pabalikin ang mga tauhan. Kaya pala niya tinanggal ang mga tauhan dahil gusto niya full-time ang mga empleyado niya. Lugi naman daw kasi kung part-time lang tapos ay mas madaming ngawa ang mga full-time kaysa sa kanila," pagpapaliwanag sa akin ni Dexx at sumang-ayon na lang ako sa kanya. Ayoko rin naman kasing makialam sa bagong pagpapalakad niya sa grocery. Maayos ang pagbati sa amin ng mga tauhan at parang walang nangyari kahapon. "Magandang araw po, nasaan po sila Greg? Nakumbinse ko na si Camilla para mapabalik sila sa trabaho, may hindi lang naintindihan si Camila at pinaliwanag ko na sa kanya ito," sabi sa kanila ni Dexx at nakita kong gumaan lalo ang awra ng mga tao dahil sa balitang iyon. Natuwa rin ako para sa kanila dahil alam kong kailangan nila ang trabaho doon. "Mabuti naman kung gano'n. Yang Camilla na iyan, bakit niya ba naisip na tanggalin ang mga empleyado dito? Kabago-bago pa lang sa pamamalakad, imbes na kunin niya ang loob namin ay sinira niya na agad ito," ani ni Aling Aura at sumang-ayon ang iilan sa kanya. Hindi na ako tumutol dahil totoo naman ang sinasabi nila tungkol kay Camilla. Pinagmamasdan ko lang si Dexx habang nasa opisina kami dahil inaayos niya pa ang iilan sa mga papeles ng grocery bago magsara. Gusto kasi ni Camilla na bantayan ni Dexx ang takbo ng benta tapos ay ihahatid kay Camilla ang kinitang pera ng grocery. "Gusto mo ba sumama kila Camilla or ihahatid na kita sa bahay tapos ay magtutungo na ako sa kanila?" tanong sa akin ni Dexx habang iniipon na ang pera sa mga kaha. "Ihatid mo na lang muna ako para habang naghahatid ka, nakakapagluto na ako ng hapunan natin," sagot ko sa kanya at tumango na lang siya sa akin. Hindi na kami nag-usap habang nasa byahe papunta sa bahay. "Mag-iingat ka," sabi ko sa kanya at ngumuso pa si Dexx sa akin bago niya ako palabasin ng kotse. Unang beses iyon na mahahalikan ko siya sa labi dahil laging pisngi ang hinahalikan niya sa akin. Mabilis akong humalik sa kanya at nagmadaling lumabas ng kotse. Nakita kong nanlaki ang mga mata niya at parang hindi makapaniwala na ginawa ko iyon. Sumenyas ako sa kanya na umalis na siya at baka hinihintay na siya ni Camilla. Nang hindi pa siya umaalis ay ako na lang ang pumasok sa bahay. Naghihiwa ako ng sibuyas ng biglang tumunog ang telepono ko. Nakita kong si Grant ang tumawag at sinagot ko iyon dahil baka inutusan siya ni Camilla para may ipagawa sa akin para bukas. "Hello?" patanong niyang sagot at ramdam ko ang hiya sa tono ng boses niya. Tumikhim muna ako at binitawan ang hawak kong kutsilyo bago sumagot sa kanya. "Hello, Sir Grant? Napatawag ka?" sagot ko sa kanya at ilang minuto itong hindi nagsalita. Tiningnan ko ang telepono kung may kausap pa ako at nakita ko naman na nagpapatuloy ang tawagan namin. "Ah, wala naman. Gusto lang kitang makausap. Wala kasi si Camilla dito sa bahay," sabi ni Grant sa akin at nagtaka ako dahil alam kong doon papunta sa kanila si Dexx. "Ha, dyan pa naman pupunta si Dexx dahil ihahatid ang kinita ng grocery," sagot ko at nagulat na lang ako ng binaban ako ni Grant ng tawag. Hindi ko na pinansin ang ginawa niyang iyon at nagpatuloy na langa ko sa pagluluto ng hapunan. Inabot na ng alas nuebe ay dumating si Dexx nagmamadali itong pumasok ng bahay. "Hi, Love. Pasensya ka na at nagyaya si Camilla na sa isang restaurant kami magkita," sabi nito sa akin at tumabi sa akin at hinawakan ang kamay ko. Inalis ko iyon at lumayo ng kaunti sa kanya. "Alam mo, iba na ang nararamdaman ko sa Camilla na iyan. Ikaw ang magresign sa pagtatrabaho sa grocery at ayokong napapalapit ka sa kanya," sabi ko sa kanya at nagtungo na ako sa kwarto ko. Sobra akong naiirita sa babaeng iyan at kaunti na lang, sagad na ako at baka komprontahin ko na siya. "Rion, huwag ka na magselos, ikaw lang naman ang gusto ko!" narinig kong sabi ni Dexx habang kumakatok sa kwarto ko. Hindi ko pinansin iyon at nagtakip pa ako ng unan sa tenga ko dahil ayokong marinig ang boses niya. Hanggang sa tumigil na iyon at di ko namalayan na nakatulog na ako dahil sa pag-iyak gawa ng sobrang pagkainis sa kanya. "Pwede ba, Dexx. Wala akong dahilan para magselos!" sigaw ko at nagulat ako sa ginawa ni Dexx. Paglingon ko, naramdaman ko na lang na umalingawngaw ang kabilang parte ng mukha ko dahil sa sinampal ako ni Dexx. Hindi ko alam ang nangyari at nagawa niya sa akin iyon. "I'm sorry, napapagod lang ako sa mga nangyayari," malambing niyang sabi sa akin pero umiling lang ako at nagtungo na sa kwarto ko. Hindi ko inakala na magagawa akong saktan ni Dexx. Di ko mapigilan ang paghikbi ko dahil sa nagawa niyang iyon at hinaplos ko ang kanang pisngi ko dahil sa pagkakasampal niya. Humapdi pa rin ito at nalasahan ko na ang dugo sa loob ng aking bibig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD