Chapter 27

2012 Words
"Love, gising na. May pasok ka pa," tawag sa akin ni Dexx at pagtingin ko sa oras, isang oras na lang ang mayroon ako para makapag-ayos. Nagmamadali na akong bumangon at lumabas ng kwarto. Naligo at hindi na ako nag-almusal dahil tanghali na at ayokong ma-late sa opisina. "Huwag mo kong hawakan!" sigaw ko sa kanya ng makita kong hahawakan niya ako pasakay sa kotse niya pero nagbago ang isip ko at hindi na ako sasakay pa sa kotseng iyon kung siya lang ang kasama ko. Baka mamaya ay may kamandag pa ni Camilla sa loob ng kotse ko at mahawa pa ako. "I'm sorry!" sabi niya sa akin habang nasa loob ng kotse niya pero hindi ko siya pinansin at pumara ako agad ng tricycle para ihatid ako sa sakayan ng jeep. Hindi ko na pinansin ang pagtawag niya sa akin habang nakasakay na ako sa tricycle at nakita kong bumalik siya sa loob ng bahay tapos ay lumabas na ang kotse. Pinaharurot na rin ni Dexx ang pagmamaneho niya at nagkasabay na ang tricycle na sinasakyan ko at ang kotse. "Ma'am, ang aga naman nag-aaway kayo ng mister mo?" tanong ng driver sa akin at naisip kong baka si Manong ay idamay ni Dexx at saktan niya ito. Hindi na kao kumibo hanggang sa makarating na kami sa sakayan. Huminto rin ang jeep ni Dexx doon at agad siyang lumapit sa akin saka hinawakan ako sa siko. Nakaramdam ako ng hiya dahil sa napansin kong nakatingin na ang ibang naghihintay ng jeep sa aming dalawa ni Dexx. "Pwede ba, layuan mo ako. Ayokong pagtinginan ng mga tao," bulong ko sa kanya at binitawan niya na ako. "Kung ayaw mong pagtinginan ng mga tao, sumakay kasa kotse ko. Hindi ako titigil hanggat hindi tayo nagkakausap," sagot niya sa akin at wala na akong nagawa kung hindi sumunod na lang sa kanya. Padabog akong sumakay ng kotse niya pero sa likod lang ako ng kotse niya sumakay kahit binuksan niya ang harapan ay binaliwala ko iyon. Kahit sunod-sunod ang paghingi niya ng tawad sa akin ay hindi ko siya pinapansin. Nang makarating na kami sa Natividad Building Corporation, bumaba na rin ako agad at hindi ko na siya kinausap pa. Dire-diretso lang ako sa paglalakad at kinakalma ko ang sarili ko. "Rion, okay ka lang ba? May pasa ka!" natatarandang sabi ni Miss Regina pero hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy lang ako sa time-in. Pumasok na rin ako sa opisina namin at nagsimula na akong magtrabaho. Hindi ko malaman kung ano ang uunahin ko sa mga listahan ko ng gawain dahil bumabalik sa isip ko kung paano ako saktan ni Dexx. Natigil ako sa pagta-type at hinaplos ko muli ang pisngi ko. Naramdaman ko pa rin ang sakit ng ginawa niya at makirot pa rin ang sugat at pasa na natamo ko. "Oh my, what happened!?" narinig kong sabi ni Camilla at walang pasubali na hinarap ang mukha ko sa kanya. "Sinong gumawa niyan?" tanong niya muli at dahan-dahan niyang hinaplos ito tapos ay binitawan rin. Nakita ko siyang may hinahanap sa dokador ng table niya at nilabas niya ang first aid kid. "Hindi ko kailangan yan," mahinahon kong sagot sa kanya pero tinuloy niya pa rin ang paggamot sa sugat ko kaya naman hindi na ako kumontra sa kanya. Nakaramdam ako ng hapdi pero tiniis ko lang iyon hanggang sa matapos na siya sa ginagawa niya. "Si Dexx ba ang may gawa niyan sayo?" tanong niya pero hindi na ako sumagot pa at nagpatuloy na lang sa mga gagawin ko. Hindi na rin siya nangulit pa at baka naramdaman niya ang pagkaseryoso ko sa trabaho. Hindi kami nagkibuan at nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko kahit na sinusubukan niya akong kausapin. "Kami na maghahatid sayo mamaya," sabi ni Camilla sa akin at gusto kong sumang-ayon dahil ayoko rin madikit muna kay Dexx. Hindi naman kailangan makialam ni Camilla sa relasyon namin ni Dexx dahil hindi ko pa rin siya tinatanggap bilang kaibigan ko. At isa pa, napapansin ko rin ang pagiging malapit niya kay Dexx at parang gusto niyang akitin ito. Pero kahit gano'n ang ginagawa niya, hinahabaan ko pa rin ang pinaggagawa niya sa akin at sa pangmamaliit niya sa abilidad ko. "Hindi na, huwag ka na mangialam sa relasyon namin," matipid kong sagot sa kanya at hindi man lang siya hinaharap. Matapos ang araw na iyon, kahit mag-offer siya sa akin na maghatid sa akin ay hindi ko iyon tinanggap. Pagkakita ko kay Dexx, hindi ko pa rin siya nagawang kausapin hanggang sa makarating kami sa bahay. Matapos kumain ay dumiretso na agad ako sa kwarto dahil naaasiwa ako sa presensya ni Dexx. Kapag naiisip ko rin na ang mga kamay niya ang ginagamit niya para lambingin ako ay gusto ko na lang masuka. Masakit pa rin ang pasa sa labi ko kaya naisipo kong kumuha ng yelo para mawala rin agad ang pasa kong iyon. Napansin kong nakatingin si Dexx sa pintuan ko pagkatapos kong kunin ang yelo. Hinarang niya ang kamay niya sa pinto kaya hindi ko magawang isara iyon. "I'm sorry, hindi ko sinasadya." Kumatok si Dexx sa kwarto ko ilang oras matapos kong kunin ang yelo. Ayokong maisipan siya ng mga tao ng kung ano kaya gusto kong paghilom agad ang ginawa niya para hindi magkaroon ng pasa. Hinampas ko ang kamay niyang nakaharang at mabilis kong sinara ang pinto ng kwarto. "Rion, please. Papasukin mo ako," sunod niyang sinabi at pinag-isipan ko kung pagbubuksan ko ba siya ng pinto. Lumapit ako sa pinto at pinakiramdaman ko lang siya. Naupo ako sa harapan nito bago pinag-isipan ang sasabihin ko. "Dexx, hayaan mo muna ako ngayong gabi. Pakiramdam ko, hindi ikaw yung taong nakilala ko," matapang kong sabi sa kanya at naghintay lang ng paliwanag niya kung bakit niya nagawa iyon pero alam ko sa sarilil ko na kahit anong paliwanag ang gawin niya ay hindi matatanggap ng sistema ko. "Hindi ko sinasadyang saktan ka. Ako pa rin ang lalaking nakilala mo. Look, napagod lang ako dahil sa dami ng inaasikaso ko pero pangako, una at huling beses na magagawa ko iyon sayo," sagot niya at naramdaman kong sumandal siya sa pinto. Lumapit ako ng kaunti at hinawakan ang pinto ng kwarto. Gusto ko siyang papasukin sa loob dahil si Dexx na lang naman ang makakasama ko sa buhay kahit hindi ko siya kadugo, naramdaman ko rin naman ang sinseridad niya sa nararamdaman niya para sa akin. "Bukas na tayo mag-usap. Hindi ko hinihiling na intindihin mo ako o ang pinagdaanan ko pero habang nagpapagaling ako, nandoon ka, Dexx. Hindi ko lang matanggap na ikaw mismo, magagawa akong saktan kahit sinasadya o hindi," sagot ko sa kanya at bumalik na ako sa kama at tahimik na umiyak. Nagising ako sa alarm ko ng umagang iyon at naisip kong sa opisina na lang ako kumain dahil mauubos ang oras ko sa pagtatago ng pasa sa mukha ko. Paglabas ko ng kwarto, gising na rin si Dexx dahil may nakahain na sa lamesa. Nakakatakam pero wala akong gana sabayan siyang kumain. Wala akong gana sa lahat at gusto ko na lang makaalis sa bahay na ito o siya ang umalis dahil sa pananakit niya sa akin. Bahay pa rin aman ito ni Tita Myline. "Maaga pa naman, sabayan mo muna akong kumain. Miss na kita panoorin na kinakain ang niluto ko," sabi sa akin ni Dexx at hindi naman ako pusong bato kaya gusto ko na rin siyang patawarin sa ginawa niya. "I'm sorry. Napagod lang talaga ako. Kung alam mo lang ang ginawa at pinagsasabi sa akin ni Camilla ng gabing iyon, masisira rin talaga ang gabi mo," sabi niya sa akin at hindi na niya dinugtungan pa ang sinasabi niya. Hindi na rin naman ako interesado pang malaman ang ginawa ni Camilla dahil sigurado ako hindi magandang bagay iyon. "Huwag mo na uulitin," sagot ko sa kanya at nakita kong ngumiti na siya muli at hinawakan ang kamay ko. Naging masaya na rin ang almusal namin dahil doon at gumaan rin ang pakiramdam ko pero hindi ko malilimutan ang ginawa niya kaya kailangan kong mag-ingat sa susunod. "Mukhang maganda na ang umaga mo," bati sa akin ni Camilla nang dumating siya sa opisina. Ngumiti lang ako sa kanya at hindi ko na siya binigyan pa ng mga bagay na pwede niyang pakialaman sa amin ni Dexx. "Are you still mad at me?" tanong niya sa akin at naisip kong sumagot tutal at nagtanong siya sa akin. "And why are you asking me? May ginawa ka bang bagay na dapat kong ikagalit sayo?" tanong ko at tinaasan ko lang siya ng kilay tapos ay nagtype na muli ng mga pangalan at schedule ng susunod niyang interview sa mga aplikante. Naging abala na siya muli sa mga pagsagot ng tawag at paggawa ng mga kontrata para sa susunod niyang business meetings. "Anyway, Rion, marunong ka na bang gumawa ng sales report?" tanong niya sa akin habang nakatingin sa kanyang PC. Kaunti pa lang ang alam ko at sa interface pa lang, wala pa akong alam sa computation ng mga iyon. "Interface pa lang ang alam ko. Tungkol sa computation at formula ng reports, wala pa akong alam doon. Bakit hindi mo na lang ipagawa iyon sa marketing team, hindi ba po, trabaho nila iyon?" tanong ko sa kanya at tumingin siya sa akin saka nakataas ang kanyang kilay. Ngumisi ako sa kanya at binalik ang atensyon ko sa ginagawa kong pagta-type. "Nagiging masungit ka na," bulong sa akin ni Camilla at nilapit ang kanyang mukha sa akin at kunyari ay nakatingin sa PC pero nararamdaman kong sa akin siya nakatingin at parang binabantayan ang mga galaw ko. Malapit na ang lunchbreak kaya naman lumapit na ako kay Camilla para kunin ang pera pangbili ng pagkain niya pang-tanghalian. "Don't bother," sabi niya sa akin at tinaas ang kamay niya kaya lumabas na ako ng opisina at ng building. Saktong paglabas ko, nakita ko na agad ang likod ni Dexx kaya nilapitan ko siya pero nagkamali ako. SI Grant iyon. May dala rin kasi itong bulaklak at akala ko, si Dexxsiya. "Hi!" bati niya sa akin at inabot ang bulaklak na hawak niya sa akin. Nagtataka ako dahil sa hindi nman niya ako kailangan bigyan ng bulaklak pero heto siya ngayon at may dala para sa akin. "Para saan 'to?" tanong ko sa kanya at ngumiti siya na parang nanalo sa lotto dail sa simpleng pagkuha ko ng bulaklak galing sa kanya. "Are you free from lunch?" tanong niya sa akin at parang sinadya niya talaga akong yayain dito. "Yes, actually, lunch break ko," sagot ko sa kanya at nilahad niya ang kanyang kamay para sabihing mauna na ako sa paglalakad. Inamoy ko pa ang hawak kong bulaklak at talagang mabango ang halimuyak nito. "Saan tayo kakain?" tanong ko sa kanya pagkasakay sa sasakyan niya pero hindi siya ssumagot sa akin at nagpatuloy na lang sa pagmamaneho. "Surprise. Huwag kang mag-alala, hindi tayo magtatagal at isang oras lang ang nahiram kong oras sayo," sabi niya sa akin at hindi na ako sumagot pa. Hindi ko lang alam kyung ayos lang ba kay Camilla kung lumalabas kami ng kanyang kapatid o kaya ay sa mga tao sa kompanyang ito dahil kapatid siya ng may-ari. Ayoko naman masabihan ako na manggagamit. Sa isang mamahaling restaurant niya ako dinala pero naiiba iyon sa pinagdalaha sa amin ni Dexx. Kaunti lang ang kumakain doon at talagang mga sopistikada ang suot ng mga tao. "Huwag kang mag-alala, kung sakaling ma-late ka, ako na bahalang magpaalam kay Camilla," sagot niya sa akin pero umiling ako. "Ayoko. Professional ako at baka isipin ng mga katrabaho ko na masyado akong nanggagamit ng tao. Gusto ko rin naman mag-lunch break pero hindi ko gustong manglamang sa oras," sagot ko sa kanya pero hinila niya na lang ako palabas ng kotse at pagkapasok namin, nakita kong may isang lamesa na nakahanda na ang pagkain. Lumapit doon si Grant at pinaupo niya ako. Hawak ko pa rin ang bulaklak kaya naman kinuha niya na muna iyon at binalik sa kotse.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD