SOFIA POV Ring... Ring.... Halos pupungas pungas pa ako bago ko sagutin ang call…si Mama. "Oh Ma? bakit? " Bungad ko agad. "Iyan ba ang bati mo sa nanay mo ha Sofia??" Pagtataray ni Mama. "Ma naman ehh, wala akong tulog! huwag ka ngayon magbunganga, ano ba iyun kasi?" Tanong ko naman. "Eh kasi iyung mga bestfriend ng Lola mo darating dito sa pilipinas, gusto ng Lola mo na makilala mo sila" Sagot naman ni mama. "Kailan ho ba?" Tanong ko ulit. "May two weeks pa naman mula ngayon kaya mag-prepare ka ah, bakantehin mo na ang schedule mo" Paliwanag ni Mama. "Oo na ma, sige na po gusto ko pa matulog" Pagtataboy ko kay Mama. "Teka nga, ayos ka lang ba ha?" Tanong niya at bigla ako na natigilan, iyung pakiramdam na gusto ko na magsumbong kay Mama na bakit ganoon ma, bakit

