Ccontinuation... Nasa tapat lang kami ng bahay, Umupo muna kami doon sa gilid ng daan, medyo gabi na kaya wala naman nang sasakyan na dumadaan. Lahat na nang luha nailabas ko na mula sa sakit na ginawa ni Jake, all this time akala ko friend lang sila ni Bianca, iyun pala mayroon something na, alam kong nalilito ang puso ko ngayon, wala sa tamang direksyon ang feelings ko now pero minahal ko si Jake and most of all I trusted him. Mataman ko lang na tinitignan si June, kita ko ang lungkot niya sa pag kamatay ni Granny Han. "Ahm, if you don’t mind me asking, ano ba ang nangyare kay Granny Han? anong dahilan?" Tanong ko. "Siguro dala ng katandaan, she has a heart attack, akala namin masasagip pa, pero hindi na, kusang bumigay na ang katawan ni Lola" Malungkot niyang paliwanag. "Para

