Briar
Sa pagmamadali ko kanina ay hindi ko na binigyan ng pansin ang sasakyan na muntik ng bumangga sa amin. Alam kong hindi iyon aksedente lang. Sang-ayon ako sa naisip ni Nikos kanina na dapat kong i-report sa Pulisya. Pero ayaw kong mag-alala ang pamilya ko sa akin kaya simula ngayon ay mag-iingat na lang ako.
Pagkatapos ng meeting kanina ay dumeretso ako rito sa opisina. Mabenta ang food products na sales ng kompaniya namin. May iba't ibang business itong Treveno's Corporation. Mayroon kaming, sales department, cars, hotels, at binabalak kong magdagdag ng entertainment department. Puwede kong kuning model si Mayann Feorenza. Umiingay na ang pangalan niya sa publiko.
"Knock! Knock!"
Napaangat ako ng tingin nang makita ulit si Alexa sa pinto. Tumaas ang kilay ko.
"Hindi kapa umuuwi?"
Umiling siya sabay pasok sa loob.
"Hindi pa po, may sasabihin ako sa'yo bago ako aalis."
Tiniklop ko ang hawak na envelope at tumingin sa kaniya.
"Ano naman iyon?"
Umayos siya ng tayo sa harapan ng working table ko pagkatapos ay nagsalita.
"Mawawala ako ng ilang araw. Magbabakasyon ako sa malayo kaya huwag mo na akong tatawagan para samahan ka na hanapin ang trouble maker mong pinsan."
Napangisi ako.
"Saan? Mag-aabroad ba kayo nila Lolo Creek."
Mabilis niya akong pinandilatan. "Briar, tigilan mo na nga sa katatawag ng lolo si Daddy. Ang sakit kaya sa tainga, dahil pakiramdam ko tumatanda siya lalo eh."
Malapad akong ngumiti sabay takip ng bibig.
"Atsaka, hindi kami mag-aabroad. Paano ang kasal ko kung mag-aabroad ako, hello! Gusto kong pumunta sa Mindanao."
"Okay na po, Tita. Sige po hindi na ako magtatanong."
Inirapan niya ako. Nagkuwentuhan pa kami bago siya lumabas ng opisina para umuwi.
Gusto niyang i-organize ko ang kasal niya. Pero bakit parang kakaiba ang nararamdaman ko sa nalalapit niyang kasal.
Para sa akin, nakakatakot magkaroon ng commitment. Ayaw ko ng may karelasyon dahil sagabal lang iyan sa oras. Pero kapag naiisip ko ang attraction ko sa gardener namin ay parang kakainin ko na yata ang mga salita ko.
Napailing ako. Maya-maya ay nasa labas si Nikos para sunduin ako. Tiningnan ko ang oras. Nang matapos ko ang mga documents na pinipirmahan ay agad kong inayos ang gamit.
Ne-retouch ko ang make-up sa loob ng banyo pagkatapos ay lumabas na ako. Palaging nakayuko ang mga empleyadong nakakasalubong ko o nadadaanan kahit hindi ko sila kinakausap. Ayaw kong maging friendly sa kanila dahil baka isipin ng iba ay may favoritism ako.
Nang tuluyan akong makalabas sa building ay nakita ko nga ang sasakyan namin na nakaparada sa labas. Lihim akong ngumiti nang makita ang lalaking kanina ko pa iniisip. Bumaba siya at umikot sa kabila para pagbuksan ako ng pinto.
"Hi." Bati ko sa kaniya. Kupasin man ang suot pero ang bango niya talaga.
Tipid niya akong nginitian sabay yuko sa akin. Nang makaupo ako ng maayos ay agad niyang sinara ang pinto at umikot sa kabila para pumasok sa loob.
Kinabit ko ang seatbelt nang buhayin ni Nikos ang makina ng sasakyan.
"Saan po tayo pupunta, Ma'am?"
Nilingon ko siya. "Dalhin mo ako sa mall."
"Sige po," sagot niya.
Sa biyahe ay tahimik ko siyang pinagmamasdan. Naiilang yata siya sa akin dahil hindi man lang ako magawang lingunin sa kaniyang tabi.
Sumusubra na yata ako? Masyado na akong nagpapakita ng interes sa kaniya kaya pakiramdam ko ay kinakabahan siya sa akin.
Muli ko siyang tiningnan, pero nagulat ako nang bigla ring bumaling sa akin. Nagtama saglit ang mga mata namin pagkatapos ay siya rin ang unang umiwas.
He has a cunning eyes, kissable lips and seductive smile. Nasa lalaki na ito ang tipong gusto ko.
"Ma'am, may dumi ba ako sa mukha? Kanina pa po kayo nakatingin sa akin, nahihiya na ako."
Pero imbes na makaramdam ako ng hiya kay Nikos ay tinawanan ko lang siya.
"Nikos, huwag kang mailang sa akin. Pareho lang tayong tao."
"Pero hindi tayo pareho ng stado sa buhay, Ma'am."
Natigilan ako sa naging sagot niya. Lumunok ako.
Muli siyang nagsalita.
"Amo po kita, tauhan ninyo lang ako."
Lumalim ang paghinga ko. Binalingan ko ang tingin sa bintana ng sasakyan sabay kagat ng labi.
"Hindi ba puwedeng magkaibigan ang boss at amo?" mahina kong tanong. Hindi ko siya binalingan hanggang sa hindi siya nagsalita.
"Puwede naman po. Nakadepende sa amo."
Nakaramdam ako ng tuwa sa naging sagot niya. Nanahimik ako hanggang sa makarating kami sa mall. Nahihiya siyang nakasunod sa akin pero nagulat siya nang hawakan ko siya sa kamay at hilain papasok sa mga damitan ng lalaki.
"Ma'am, sandali lang po. Anong gagawin natin dito?"
Binalingan ko siya. "Huwag ko akong tawaging Ma'am para hindi tayo mapagkamalan na mag-amo. Halika na sa loob at ibibili kita ng mga gamit."
Hindi siya sumunod nang hilain ko. Kumunot ang noo ko sabay tingala sa kaniya. Kung babasehan kami ngayon ay para kaming couple na magsa-shopping. Nakatingin pa sa amin ang isang sales lady na nakatayo sa harapan ng counter.
"Hindi ko naman po ito kailangan, Ma'am. Nakakahiya sa inyo."
Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Anong hindi niya kailangan? Halos parepareho na nga ang isinusuot niya araw araw. Wala akong nakitang magandang damit niya. Puro luma at may mga butas butas pa.
"Sumunod ka na lang sa akin, okay."
Napalunok siya. Hindi na nagsalita at sumunod sa akin. Dahil nahihiya siyang pumuli ng damit ay ako na ang pumuli ng mga kulay at sizes. Sinabihan kong magsukat pero okay na daw sa katawan niya ang mga napili ko.
Kinuhaan ko siya ng polo, t-shirt, pants at pantalon. Syempre pati boxer, mga gamit sa katawan at sapatos. Alam kong naiilang siya sa ginawa ko pero dapat lang na tanggapin niya ito.
"Teka, okay pa ba iyang cellphone mo, gusto mo bang palitan?"
Mabilis siyang umiling at pinigilan ako nang papunta ako sa mga gadget.
"Okay pa po itong cellphone ko Ma'am. Tama na itong mga pinamili ninyo sa akin. Baka hindi ko ito mabayaran sa loob ng isang taon."
"Sira!" Ngumiti ako sa kaniya.
Hindi ko siya napilit kaya inaya kong mag-dinner kami sa restaurant.
Muli ko siyang tinitigan habang naghihintay kami ng order naming pagkain.
"Alam mo Nikos, familiar ka sa akin eh? Hindi ko lang talaga matandaan kung saan tayo nagkita."
Napatikhim siya.
"Sa Laguna po ang hometown ko Ma'am. Kung nakapunta na kayo doon ay baka doon mo ako nakita," sagot niya.
Umiling ako. Hindi ko pa napupuntahan ang Lugar na yan. Pero alam ko, nararamdaman ko na para kaming magkakilala.
"Okay, nevermind."
Parang may lahi si Nikos. Hindi mo pagkakamalan na native itong pinoy. Matangkad, malaki ang katawan, matangos ang ilong, malalalim ang kaniyang mga mata at gustong gusto ko ang moreno niyang kulay.
"May mga kapatid kaba?" tanong ko habang kumakain kami.
Huminto siya sa pagsubo at tumingin sa akin.
"May Kuya po ako, Ma'am," sagot niya.
"Nasa Laguna na rin ba sila?"
Tumango lang siya sa akin.
"Pasensya kana, naging madaldal ako. Kumain kana."
Muli siyang tumango at bumalik sa pagkain. Pagkatapos namin kumain ay dumaan ako sa mga cosmetics. Natutuwa ako dahil mukhang masigla naman siya. Hindi napipilitan na samahan ako sa mga pinapasukan kong stores.
Kung kaninang umaga ay nangilabot ako sa mga tingin niya sa akin ay kabaliktaran na ngayon. Gumaan lalo ang loob ko sa kaniya at unti-unti akong nakakapasok sa buhay niya.
"Tapos na ba kayo mag-shopping, Ma'am?"
Tumango ako at binigay sa kaniya ang paper bag. Inabot niya iyon at nilagay sa cart namin.
"Umuwi na tayo." Aya ko.
Tinulungan ko siya na ipasok sa trunk ng sasakyan ang mga pinamili namin. Muli niya akong pinagbuksan ng pinto bago ito pumasok sa driving set.
Nang makarating kami sa bahay ay pasado alas otso na. Baka tulog na si Yaya Liza dahil nagmensahe ako sa kaniya na nag-dinner na ako sa labas kaya huwag na siyang mag-abala na ipagluto ako.
Pinasok ni Nikos ang sasakyan sa garahe. Patay ang ilaw sa garahe kaya medyo madilim.
"Sandali lang, Ma'am. Bubuksan ko muna ang ilaw bago kayo lumabas."
Tinanggal niya ang seatbelt. Pero bago niya mabuksan ang pinto ay agad ko siyang pinigilan.
"Sandali!"
Natigilan siya at napabalik sa upuan.
Hindi ko na kaya itong damdamin ko sa kaniya. Nagwawala na itong puso ko sa loob ng dahil kay Nikos.
Walang hiyang hinawakan ko siya sa panga at inabot ang labi niya.
Nagulat si Nikos sa mapangahas kong kilos. Hindi siya makakilos hanggang sa tanggalin ko ang labi sa labi niya.
"Nikos, kiss me back..."
Nangibabaw ang temtesyon ko sa kaniya kaya nawalan na ako ng hiya. Tinitigan ko ang mapupungay niyang mga mata. Pero sa isang iglap ay bigla niyang pinasok ang palad sa likod ng buhok ko at tinupad ang hiling ko.
Mapusok niya akong hinalikan sa labi. Maingay ang paglalapat ng mga bibig namin at binabasa niya ako sa sarili niyang laway.
Ang sarap niyang humalik. Nakakalimutan ko kung nasaan ako. Nawawala ako sa katinuan dahil tinatangay ako ng pagnanasa ko sa kaniya.
Mabilis kong hinagod ang labi sa labi niya. Bumaba ang isa niyang kamay sa likod ko at mabini iyong humaplos.
Nang maramdaman kong namansa ang pagitan ko ay saka ako natauhan. What the f**k!
Inawat ko ang sarili sa kaniya bago ko pa maisipan na humubad ngayon din.