Briar
Nagtitigan kami na para bang wala ng bukas. Hindi ko magawang ikurap aking mga mata at ganoon rin si Nikos sa mga oras na ito. Pero ang sumunod kong ginawa ay dahan-dahan akong lumapit sa kaniya habang nakatitig pa rin sa kaniyang mga mata.
Nagulat na lang ako nang lumapat ang mga labi ko sa kaniya nang hindi ko namalayan. Pero nang akma kong aalisin ang labi sa labi niya ay mabilis niya akong hinapit sa baywang at pinagpatuloy ang halikan naming dalawa.
He is my first kiss.
Gulat na gulat ako at dilat na dilat aking mga mata. Ano bang pumasok sa isip ko at tinanggay ako na kamunduhan? Bigla na lang ako naakit sa manipis niyang labi kaya hindi ko napigilan itong sarili ko.
Nang hagurin ng labi ni Nikos ang labi ko ay saka ako natauhan. Mabilis ko siyang tinulak sa dibdib kaya nabitiwan niya ako. Pinamulahan ako ng mukha at hindi siya magawang tingnan ng deretso.
Kasalan ko ito! Walang dapat sisihin kun'di ako. Ako!
"I. . . I'm sorry, Nikos.."
Ito lang ang salitang nasabi ko sa kaniya. Agad akong umahon sa pool at nilapitan ang tuwalya na nakasampay sa upuan. Hindi ko alam kung sinusundan niya ako ng tingin pero walang lingon na pumasok ako sa loob ng bahay.
Nagmamadali akong umakyat sa kwarto ko. Pumasok ako sa banyo at agad tumapat sa shower.
"f**k! Anong ginawa ko?"
Nasabunutan ko ang buhok. There's no way na maiinlove ako sa isang hamak na gardener lamang. Hindi siya magugustuhan ng pamilya ko. Mapilit ko man si Mommy pero si Daddy ay malabong matanggap siya.
Nagsapo ako ng mukha at paulit ulit na sinabunutan ang aking buhok.
"Paano ko pa siya haharapin ngayon? Ako ang unang humalik...ako!"
Pero. . .pero nang maalala ko kung gaano kainit at kalambot ang kaniyang labi ay bigla akong natulala. Mabini kong hinaplos ang ibabang labi at tumingin sa kawalan.
His lips was soft. . . alluring. I'm addicted to kiss him.
"Briar stop!"
Minura ko ang sarili nang hindi ko maiwasan na isipin ang gardenero namin.
Pagkatapos kong mag-shower ay hindi na ako bumaba para maghapunan. Hinatiran ako ni Yaya Liza ng pagkain sa kwarto ko.
"Okay lang po ba kayo, Ma'am? Masama ba ang pakiramdam ninyo?"
Umiling ako. Ang ekspresyon ng nukha ni yaya ngayon ay tila nag-aalala ng husto.
"Okay lang ako, Yaya. Stress lang sa trabaho sa office."
Napahawak siya sa tapat ng dibdib at huminga ng malalim.
"Huwag mong abusuhin ang sarili mo Ma'am sa pagtatrabaho. Bata ka kapa, sa edad mong iyan ay hindi pa dapat seryoso sa buhay." She giggled.
Ngumiti ako.
"Ano bang dapat, Yaya Liz?"
Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. Tinaas niya ang kamay at inipit ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng aking tainga.
"Dapat palagi kang masaya. Mag-explore, maging adventurous na tao. Nakasunod ako sa iyo simula nang nagdadalaga ka hanggang ngayon pero ni minsan ay hindi ko nakita na binigyan mo ng oras ang sarili mo para maging masaya. Minsan naiisip ko, ang boring ng batang ito. School-bahay lang ang ginagawa mo noon. Nang nakatapos ka naman ay hindi kana nagpahinga, agad kang pumasok sa kompaniya ng mga magulang mo at naging CEO pa. Briar, Hija, maiksi lang buhay. Hindi naman estrikto ang mga magulang mo kaya huwag mong limitahin ang sarili mo sa mga bagay na gusto mo."
Tipid kong nginitian si Yaya Liza. Hinaplos niya ang pisngi ko pagkatapos ay tumayo.
"Kumain kana, baka lumamig pa ang pagkain mo sa mga kadramahan ko. Goodnight po."
I bite my lips and nodded at her.
"Salamat po."
Nang makalabas ng kwarto ko si Yaya Liza ay matagal akong tumunganga. Hindi ko ginalaw ang pagkain sa harapan ko at inisip ang mga sinabi ni Yaya.
Paano ko ba susundin ang mga sinabi ni Yaya kung mabigat ang resposibilidad na nakapasan sa mga balikat ko? Hindi ako puwedeng maging happy go lucky katulad ng pinsan kong si Brill. Ang pamilya ko ay malaki ang expectation sa akin na kaya kong hawakan ang buong Treveno's Corporation.
Napailing ako sabay buntong-hininga.
Ang hirap magdisisyon. Ang hirap din sundin ang mga gusto sa buhay lalo na kung nakaasa sa'yo ang iyong pamilya.
Inignora ko ang pagkain at humiga patihaya. Pero nang sumanggi na naman sa isip ko ang pinagsaluhan naming halik ni Nikos ay para na naman akong napunta sa ibang demensyon.
KINABUKASAN ay maaga akong naggayak dahil full time ko ngayon sa opisina. Nang palabas na ako sa gate ay malakas akong napalunok. Nagwawalis ng tuyong dahon sa labas si Nikos. Agad akong pinamulahan ng mukha nang tumingin siya sa akin.
Hindi niya ako binati pero yumuko naman ito sa akin bilang pagbigay galang. Mabilis akong pumasok sa sasakyan at nagsenyales kay Kuya na umalis na kami.
Nang tumingin ako sa side view mirror ay kitang kita ko siyang nakatingin sa amin. Hawak niya ang mahabang walis sa tapat ng dibdib at titig na titig sa papalayo naming sasakyan. Nakaramdam ako ng kaba mula sa kaniya.
Ano kayang iniisip niya sa akin pagkatapos ng halikan namin kagabi? Iniisip kaya niyang may gusto ako sa kaniya?
"Aw!"
Malakas akong nasubsob sa likod ng upuan nang biglang nagpreno si Kuya. Mabuti na lang at sa malambot tumama ang aking noo kun'di baka nagdumugo na ngayon.
"Okay lang po kayo Ma'am? Muntik na tayo."
Agad akong dinaluhan ni Kuya. Tumayo ako at tumingin sa labas.
"Anong nangyari?" tanong ko.
"May biglang sumingit sa daan. Hindi man lang huminto."
Tumingin din ako sa unahan at tanging buntot ng itim na sasakyan ang aking nakikita. Muling pinaandar ni Kuya ang sasakyan namin pero biglang na-plat ang gulong.
"s**t!" Napamura ako.
Bumaba si Kuya at tiningnan ang nasira. Sumunod na rin ako at napailing nang makita kong plat nga ang tires.
"Maayos naman ito kahapon ah, bakit bigla-bigla na lang naging plat." Si Kuya.
Kinuha ko ang cellphone sa loob ng bag.
"Hindi bali Kuya, tatawag na lang ako ng taxi."
Natigilan siya. "Hindi ka po puwedeng sumakay ng taxi na mag-isa Ma'am. Mahigpit na bilin sa amin 'yan ng Daddy mo. Mas mabuting tawagan ko na lang si Nikos para sumunod dito gamit ang isang sasakyan."
Hindi ako nakapagsalita at tanging tango lang ang naisagot kay Kuya. Tinawagan nga niya si Nikos at ilang minuto lang ay dumating na siya.
Bumaba sa sasakyan na may pagtataka.
"Pasensya kana Nik. Biglang na-plat ang gulong, muntik pa kaming mabangga kanina."
Lumapit siya kay Kuya. "What happened? Who bump on you?"
Umawang ang labi ko. English 'yon ah. Ang ganda ng accent niya na tila sanay na sanay na magsalita ng English.
Tinapik siya sa balikat ni Kuya. "Magaling ka pala mag-english, Nik? Ang galing mo ah."
Napalingon sa akin si Nikos at tipid na ngumiti.
"Ahm. . .nag-aaral ako ng English, Kuya. Nakakahiya nga eh."
Ngumisi ako ng lihim. Not bad. Mas maiigi na rin na nag-aaral siya kaya sa paikutin ang mundo sa pagiging gardener lang.
Tumingin siya. "Nakita ninyo ba kung sinong bumunggo sa inyo?"
Umiling si Kuya. "Hindi eh, ang bilis magpatakbo."
Nilingon ako ni Nikos. "Gusto ninyo ba i-report sa police, Ma'am?"
Nagsalubong ang mga kilay ko. Umiling ako.
"No need. Baka may emergency lang ang tao kaya nagmamadali."
Hindi na siya umimik. Pero nang pumasok ako sa isang sasakyan ay nagulat ako nang siya ang magmaneho.
"Ako po ang maghahatid sa'yo ngayon Ma'am."
Tumango lang ako. Sa daan papuntang office ay tahimik lang kaming dalawa na tila may makapal na pader ang nakaharang sa amin.
Alam kong sinusulyapan niya ako sa rearview mirror pero agad rin umiiwas kapag tumitingin ako pabalik. Hindi ako makahinga sa loob ng sasakyan dahil sa kaniya. Malakas ang dagundong ng dibdib ko at kinakabahan ako sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit ko ito nararamdaman simula nang hinalikan ko siya kagabi.
Nang makarating kami sa office ay agad niyang pinarada ang sasakyan sa harapan ng entrance. Bumaba siya at mabilis na umikot sa gilid ko upang pagbuksan ako ng pinto.
Nakamaong jeans lang siya at may butas pa ang kaniyang suot na t-shirt. Hindi ko naman siya kinakahiya pero nakakaramdam ako ng awa sa kaniya. Wala na yata siyang budget pambili ng bagong damit.
"Nikos, ikaw sumundo sa akin mamaya. May lakad ako after work at isasama kita."
Tumango siya. "Sige po, Ma'am."
Nang makaalis siya ay hindi ko napigilang ngumiti. Pinagkrus ko ang kamay sa tapat ng dibdib at pinagmasdan ang labas.
Napaigtad ako nang may tumapik sa aking balikat.
"Nye! Nye! Nye! Sino iyon? Bagong driver?"
Inirapan ko si Alexa. Bakit kaya nandito na naman ito? Wala akong panahon makipag-kuwentuhan dahil maraming trabaho ang naghihintay sa akin ngayon.
"Hindi ako free ngayon, Alexa. Bumalik ka na lang sa susunod na araw."
Sinimangutan niya ako. "Respect me. I'm your Aunt remember. Hindi porket matanda ka sa akin Briar Rose Treveno ay puwede mo na akong pagsabihan ng ganiyan."
Napangiti ako. "I'm sorry." Muli akong ngumiti.
She tsked.
"You need to help me organizing my wedding. Malapit na akong ikasal kaya dapat ikaw ang mag-organize ng kasal ko."
Tumango ako. "I'm happy to hear that, Auntie. Makakaasa ka sa akin."
Kumapit siya sa braso ko at sabay na kaming pumasok sa loob.
"Wait lang, driver mo ba talaga iyon? Ang poge, ang tangkad."
Natigilan ako sa paglalakad at napatingin sa kaniya.
"Did you see him?"
Tumango siya.
"Kanina pa ako nakatingin sa inyo. Nakita ko rin kung paano mo siya sundan ng tingin." Tapos ay ngumiti siya na tila may panunukso.
Binulungan ko siya. "Hindi ko driver. Gardener namin 'yon."
Namimilog ang kaniyang mga mata kaya agad kong tinakpan ang kaniyang bibig nang akma siyang magsasalita.