Briar
Nanibago ako simula nang makilala ang pamangkin ni Yaya Liza kahapon. Kakaiba siya, ang kaniyang boses ay familiar sa akin na tila narinig ko na 'yon noon. Pakiramdam ko ay tila matagal na kaming magkakilala at muling nagkita ulit.
Tumayo ako mula sa kama at hinawi ang kurtina. May pasok ako ngayon sa office kaya kailangan ko ng maghanda. Pero muntik na akong mapamura nang makita ang lalaking magdamag kong iniisip. Walang suot na baro habang hawak ang panlinis ng swimming pool.
Si Yaya Liza naman ay nasa kabila na tila fan niya na nagtsi-cheer sa kaniya. Umawang ang mga labi ko. Pamangkin ba niya talaga ito o sadyang close lang sila talaga?
Sa paraan ng pagmamasid niya rito ay para bang teenager na kinikilig sa crush niya. Muli akong napailing. Lumapit ako sa salaming bintana at pinagkrus ko ang mga kamay sa tapat ng dibdib ko.
Nakimasid rin ako ng tahimik at tinitigan ko ng maayos si Nikos. Malayo ang mararating ng lalaking ito kung nangarap lang sana. Guwapo siya, matangkad at maganda ang katawan. May posibilidad na maging modelo ito kaysa mamasukang gardener.
Ano bang pakialam ko?
Pinasok niya ang ganitong trabaho kaya doon siya masaya at iyon lang ang kaya niya. Tinampa ko ang noo sabay iling.
Pagkatapos kong maligo at mag-ayos ay bumaba na ako sa hapag para mag-almusal. Hindi ko alam kung pumasok na si Yaya Liza sa loob. Mukhang wala yatang balak na lubayan ng mata ang kaniyang pamangkin.
Ano ba Briar? Kung makahugsa ako ay para bang pinagdadamot ko ang gardener namin.
"Yaya!"
Sumilip ako sa kusina pero wala siya doon. Bumuntong-hininga ako sabay lakad sa sliding door namin.
Anak ng tokwa naman oh! Nakaupo na si Yaya Liza sa damuhan habang nakatanaw kay Nikos na nagka-cutting ng halaman.
Muntik ng malaglag ang mga panga ko mula sa nasaksihan. Lumapit ako sa kaniya. Hindi siya nag-iba ng puwesto ni hindi ako naramdaman. Oh my god!
Parang luluwa na ang kaniyang mga mata habang may ngiti sa mga labi na nakatingin kay Nikos.
Malakas akong tumikhim kaya agad naalimpungatan si Yaya Liza sabay punas ng bibig.
"Ay! Ma'am kayo pala!" Napatayo siya kaagad at nahihiyang ngumiti sa akin.
Tumaas ang kilay ko. Nang tumingin ako sa gawi ni Nikos ay nakatingin din ito sa amin. Tinigil niya ang ginagawa at kunot-noong binigyan kami ng atensyon.
Muli kong binalik ang paningin kay Yaya.
"Ang kape ko Yaya Liz."
Napakamot siya ng batok sabay tikhim.
"Ay, oo ma'am, sandali lang po, igagawa kita ng kape."
Kumaripas siya ng takbo papasok sa bahay kaya naiwan kami ni Nikos. Pinagkrus ko ang kamay sa tapat ng dibdib at pinagmasdan ang gardener namin na kanina pa nakatingin sa akin.
"Ganiyan kaba sa amo mo? Ni hindi mo ako magawang batiin."
Natauhan siya. Agad binitawan ang hawak na pang cutting at mabilis na lumapit sa akin.
"Magandang umaga po, ma'am. Pasensya na po kayo. Ako na rin po ang humihingi ng pasensya para kay tiya Liza."
Umirap ako sa hangin sabay kagat ng ibabang labi. Pero nang lumapit pa sa akin si Nikos ay nalanghap ko ang kaniyang amoy.
Shit! Ang bango ng lalaking ito! Ano kaya ang sabon niya?
I cleared my throat. "It's okay. Never mind."
"Galit po ba kayo ma'am?"
Natigilan ako at napatingin sa kaniya. Seryoso ang kaniyang mukha habang hinihintay ang sagot ko.
Mabilis akong umiling. "No! Bakit naman ako magagalit?"
Simple siyang ngumiti. Manipis ang kaniyang labi kaya bagay na bagay sa kaniya.
"Kanina mo pa po ako iniirapan, ma'am."
My lips parted wide. Mahina akong suminghap at binaba ang mga kamay sa magkabilang gilid ko.
Ngayon ay hindi ko na siya magawang tingnan ng deretso. Parang tambol na itong dibdib ko sa lakas ng dagundong. Nang mag-init ang mga pisngi ko ay nagkamot ako ng ulo.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo. Sige na, ituloy mo na iyang ginagawa mo."
Hindi ko na siya pinasagot. Mabilis akong tumalikod at pumasok sa loob. Nang maisara ko ang sliding door ay napahawak ako sa tapat ng dibdib.
Sino ba ang lalaking ito?
Bakit ako kinakabahan sa tuwing malapit siya?
Bakit kakaiba itong t***k ng puso ko?
"Ma'am, handa na po ang almusal ninyo."
Napaigtad ako. Ngumiti ako kay Yaya Liza.
"Salamat po."
Nang matapos akong kumain ay agad akong hinatid ng personal driver ko sa opisina. Nasa lobby si Daddy na naghihintay sa akin.
"Dad!"
Napalingon siya kaagad nang tawagin ko siya. Mabilis ko siyang nilapitan at hinalikan sa pisngi.
"Princess."
Pinanlakihan ko siya ng mga mata.
"Don't call me like that, Dad. I'm not a kid anymore."
Ngumiti siya sabay akbay sa akin.
"You are still my baby."
Sabay na kaming pumasok sa elevator at sumama siya sa opisina ko. Nakasalubong namin ang secretary ko kaya agad akong huminto at tinanong kung ready na ang conference meeting.
"After one hour po ma'am ay tatawagin ko kayo. Hindi pa po dumating si Mr. Felix."
Tumango ako. Muli akong kumapit sa braso ni daddy at niyaya na siya sa loob ng opisina ko.
"How's your relation with Mr. Felix, Hija?"
Pinatong ko ang signature bag sa ibabaw ng mesa at nilingon si daddy.
"Kung nag-aakala kang magugustuhan ko siya dad, you better stop. Ano bang katangian ng lalaking iyon ang puwede kong magustuhan?"
Namaywang ako at tumingin sa ceiling. Mahinang tumawa si daddy kaya napatingin ako sa kaniya.
"Give him a chance. Kilalanin mo siya. Nasa tamang edad kana Briar. Kung may lalaking bagay sa iyo ay si Mr. Felix iyon. Matutulungan ka niya na patakbuhin ang kompaniya. Matagal ko na siyang kilala, anak. He is a nice guy."
I tsk! Nice guy ha!
"Akala ko ba si Hunter Alessandro ang gusto mo para sa akin? Nagbago yata ang isip mo, dad?"
Bumuntong-hininga siya. Siguro alam na ni daddy na sina Mayann at Hunter ay mayroong relasyon.
"Huwag na natin siyang pag-usapan. Si Mr. Felix ay nasubaybayan ko simula noong bata pa. Atsaka gusto siya ng lolo mo para sa iyo Hija. Kaya umaasa kami na bibigyan mo siya ng pagkakataon upang makilala."
Lihim akong ngumisi. Tumango lang ako kay Dad pagkatapos ay lumapit ako sa working table ko upang may kunin.
Pinakita ko kay Daddy ang bagong proyekto ng Treveno's Corporation. Natutuwa siya dahil masyado akong focus ngayon sa bago naming proyekto. Pero ang ipaalala nila sa akin si Rush Felix ay nakakawala ng gana.
May itsura at galing sa mayamang angkan si Rush pero hindi siya ang tipong lalaki na makakabihag nitong puso ko. Kasosyo lang sa negosyo ang tingin ko sa kaniya, ni kaibiganin siya ay hindi ko kayang ibigay.
Sa board meeting kanina ay panay ang ngiti niya sa akin sa tuwing walang nakakakita. Kadiri! He will never win my heart kahit ano pang galing at bait ang ipakita niya sa pamilya ko.
Life is incredible. I want to explore. I want to fly as high as I can. Ayaw kong ikahon ang sarili ko sa sulok o magkaroon ng commitment. Masyado pa akong bata para mag-settle. Kaya kung anong nasa isip ngayon ng pamilya ko ay kalukuhan para sa akin.
Umuwi akong balisa sa bahay pagkatapos ng trabaho. Alam ni Yaya Liza kung paano umiwas sa tuwing umuuwi akong wala sa good mood. Hindi rin niya ako kinausap o nag-alok man lang ng kakainin.
Umakyat ako sa kwarto at nagbihis. Gusto kong magbabad sa pool para mahimasmasan itong nararamdaman ko.
Nagsuot ako ng two pieces bikini at sinampay lang ang towel sa balikat ko. Pero nang makalabas ako sa labas ng bahay ay agad akong natigilan nang makita si Nikos sa gilid ng male's quarter niya.
Napalunok ako. Sa inis ko kanina ay nakalimutan kong may gardener pala kaming nakatira sa amin. Hindi ko siya pinansin. Pinatong ko ang towel sa upuan at agad akong tumalon sa pool. Sumisid ako pagkatapos ay umahon.
Nang tumingin ako sa kinauupuan niya kanina ay bigla siyang nawala. Sinapo ko ang mukha at tumingin sa paligid. Walang tao. Nag-iisa lang ako sa labas ng bahay. Siguro ay nahiya siya nang makita akong naka-bikini lang.
I smiled.
Lumublob ako sa tubig. Nang ilang minutong hindi ako umahon ay nakarinig ako ng taong tumalon sa swimming pool. Mabilis akong umahon at gulat na gulat ako nang makita si Nikos.
"Are you okay?"
Natigilan ako. Bakit kakaiba siya ngayon at parang. . .parang nag-aalala sa akin.
"O--okay lang po ba kayo, ma'am?"
Muli akong natigilan. Kaya ba siya tumalon dito sa swimming pool dahil akala niya ay magpapakamatay ako? Napangiti ako ng wala sa oras.
"Akala mo ba ay magpapakamatay ako?"
Napasapo siya ng mukha. "H-hindi po ba?" Balik tanong niya.
Mahina akong tumawa. Umiling ako sa kaniya.
"Anong dahilan ko para magpakamatay?"
Matagal siyang tumitig sa akin na tila napahiya. Nakita kong lumunok siya ng malakas.
"Kung ganoon. . . pasensya na po kayo.."
Balak na niyang umahon sa pool nang tawagin ko siya.
"Nikos, sandali."
Nilingon niya ako. "May. . .may kailangan po ba kayo, ma'am."
Nginitian ko siya.
"Stay."
Muli siyang natulala. Nakakatuwa talaga ang lalaking ito dahil palaging nauutal at natutulala sa tuwing nakikita niya ako. Pero itong puso ko ay lalabas na rin sa sobrang pagwawala sa kinaroroonan nito.
Lumapit ako sa kaniya. Umatras siya sa gilid at sinusundan ako ng tingin. Sumandal ako at pinatong ang mga kamay sa tiles. Nilingon ko siya. Huling-huli ko na nakatingin siya sa akin pero agad nag-iwas ng mga mata nang tumingin ako sa kaniya.
"Ma'am, may sasabihin po ba kayo sa akin?"
I chuckled. He is cute and innocent.
Muli ko siyang tiningnan. "Bakit pakiramdam ko ay kilala ka nitong puso ko? Nagkita na ba tayo noon, Nikos?"
Gumalaw ang kaniyang mga panga. Muli akong ngumiti ng hindi siya makapagsalita.
"Hey, feeling ko lang iyon. Pakiramdam ko matagal na kitang kilala."
Nilingon ko siya ulit pero hindi na ako nakabawi ng tingin nang ikulong niya ang aking mga mata sa kaniyang mga mata.