Chapter 01

1124 Words
Briar Sa tuwing nandito ako sa coffee shop ni mommy ay parang may mga matang nakasunod sa akin. Kapag tumitingin naman ako sa paligid ay walang taong nakatingin sa akin. Ano ba itong nangyayari sa akin? Nag-iilusyon na naman ba itong utak ko? Hinilot ko ang sentido at malalim na bumuntong-hininga. May bagong proyekto ang Treveno's company ngayon kaya dapat kong pag-aralan. Kapapasok ko lang sa kompaniya ni Daddy ay na-appoint na akong CEO, kapalit din nito ay hahayaan na nila akong bumukod. Para sa ibang babae ay mahirap itong resposibilidad na hawak ko pero para sa akin ay panlipasan ko lang ito sa tuwing naiinip. "Ate, pakibalot naman ako ng dalawang cheesecake." Paborito ni Yaya Liza itong cheesecake kaya sa tuwing nagpupunta ako rito sa caffe ay palagi ko siyang binibilihan. "Sige po ma'am Briar. Saglit lang po, ibabalot ko na." Ngumiti ako sa staff ni mommy. Nang matapos niyang ibalot ay binayaran ko na para makaalis. Palabas na ako nang magkabanggaan kami ng lalaking nakasuot ng kupasing jumpsuit. Mabilis akong nilapitan ng guard at pinagalitan ang lalaking nakabangga sa akin. "Sa susunod ay mag-iingat kayo Mr! Hindi mo alam sinong binabangga mo!" Tinaas ko ang kamay sa guard. Hindi naman sinasadya ng lalaki kaya hindi siya dapat nagtataas ng boses. "Sorry po, ma'am." Hingi sa akin ng paumanhin ng lalaking nakabangga sa akin. Nakasuot siya ng mask kaya hindi ko makita ang kaniyang mukha. "I'm okay. Okay ka lang ba?" Tanong ko sa kaniya. Pero nang tumayo ito ng maayos ay umawang ang labi ko. Matangkad at malaki ang katawan. Tumango siya sa akin. "Okay lang po ako ma'am. Pasensya na po kayo." Tinanguan ko lang siya pagkatapos ay tuluyan na akong lumabas mula sa coffee shop. Pagkarating ko ng bahay ay agad kong binigay kay Yaya ang kaniyang pasalubong. "Yaya, may nahanap na ba kayong Hardinero natin?" Tanong ko. Isang linggo na kaming naghahanap ng gardenero dahil naabala ko na ang driver namin na magdilig ng halaman sa labas. Gusto ko kasi ng stay-in sa amin para may kasama na rin kami kaya sinasabihan ko si Yaya na kamag anak na lang niya ang kunin niya. Mahirap na kasi magtiwala sa panahon ngayon kapag hindi mo kilala. Mas mabuti na ang mag-ingat kaysa maging huli ang lahat. "Oo, hija. Mayroon na akong nakuha, pamangkin ko. Bukas ay pupunta na siya rito." Tumango ako. "Sige po. Inform ni'yo lang ako." Maliit lang itong villa na nabili ko. Dalawang kuwarto lang sa taas, isang malawak na sala, kusina at isang banyo. Kaming dalawa lang ni Yaya Liza ang nakatira dito. Si Kuya Carlos naman ay hindi stay-in. Hatid sundo lang niya ako sa opisina pagkatapos ay out na sa trabaho. Pumayag si Daddy na dito ako tumira dahil hindi lang naman ito kalayuan sa bahay namin. Umakyat ako sa kuwarto ko at nag-isip ng gagawin. Mabuti na lang at hindi na naman ako inistorbo nina Brill at Alexa. Off day ko ngayon sa trabaho hanggang bukas kaya makakapagpahinga ako ng bongga. Kinuha ko ang diary ko at dumapa sa kama. Binuklat ko iyon at agad akong natigilan nang makita ang sinulat kong petsa. Sampong taon na pala simula nang magkaroon ako ng heart transplant. Mabilis ko iyong tiniklop sabay tihaya. Wala talagang perpekto sa mundo. Nagpapasalamat na lang ako sa diyos dahil binigyan pa niya ako ng pagkakataon para mabuhay ng matagal. Kung hindi nakahanap ng transplant ang pamilya ko noon ay nakalimutan na ako ngayon. Pumikit ako at hinaplos ang peklat ko sa dibdib. For me, this is a Poison Scars. KINABUKASAN ay dinalaw ko saglit sina mommy at daddy. Si Hugo ay graduating na ngayong taon kaya may makakatulong na sa akin sa aming kompaniya. Bagaman hindi ito ganoon ka interesado sa business pero tiyagain ko na lang siyang turuan. "Ate, kailan ba ipapatayo 'yang bago ninyong project?" Nilingon ko siya at binagalan ang pagmamaneho. May klasi daw ito sa hapon kaya ako na ang naghatid. "Next month. Gusto mo bang magtrabaho sa construction? Gawin mong experience." Ngumiti ako sa kaniya. Ngumiwi siya. "Baka maka-istorbo pa ako sa mga workers. Huwag na lang po." I chuckled. "Kaya mo naman bumuhat ng mga semento? Hindi masamang sumubok, Hugo." Nanahimik siya sa upan kaya lihim akong napangiti. Nang makarating kami sa university na pinapasukan niya ay agad itong nagpaalam sa akin. "Salamat po sa paghatid Miss CEO. Mag-iingat kayo sa pagmamaneho." Muli akong napangiti nang sumaludo ito sa akin. Apat na taon lang ang tanda ko sa kaniya kaya hindi ganoon nagkakalayo ang age gap namin. Kinawayan ko siya at umalis na. Pagkarating ko ng bahay ay sinalubong ako ni Yaya Liza. Bakas sa kaniyang mukha ang tuwa kaya tumayo ako ng maayos at pinagmasdan siya. "Anong mayroon Yaya, ang saya ninyo ah." "Hay, dumating na rin iyong pamangkin ko galing Laguna. Halika sa loob Hija at ipapakilala ko sa iyo." Tumango ako. Inabot ko ang hand bag at ni-lock ang sasakyan. Nag-uusap kami ni Yaya habang papasok sa loob kaya nang makarating kami sa sala ay agad akong napahinto. Napansin ko kaagad ang malaking lalaki na nakatayo sa gilid ng sofa. Natigilan ako at naibigay sa kaniya ang buong atensyon. Moreno ang kulay at malaki ang katawan. Hindi siya nakaligtas sa aking mga mata at lihim kong pinuri. Kung maayos ayos na damit ang suot ng lalaking ito ay hindi nababagay sa kaniya ang maging gardener. Lumapit sa kaniya si Yaya at hinawakan siya sa braso. "Hija, siya ang pamangkin ko. Si Nikos." Ngumiti ang matanda pagkatapos ay bumaling sa pamangkin. "Nikos, siya ang alaga ko at magiging amo mo. Briar Rose Sandoval Treveno." Nang tiningnan ako ng lalaking kaharap ay nakaramdam ako ng kaba. Hindi ko alam pero parang may malamig na kamay na humaplos sa puso ko. He is familiar, I felt like I know him for so long. Naestatwa ako mula sa kinatatayuan nang maglakad siya palapit sa akin. Gosh! Hanggang balikat lang niya ako. Yumuko siya sa akin. "Ikinagagalak ko po na makilala kayo, ma'am." Para hindi ako mapahiya sa harapan ni Yaya Liza ay nilahad ko ang kamay sa kaniyang pamangkin. "Nice to meet you, Nikos." Nang sakupin ng palad niya ang palad ko ay para akong nakuryente. Nag-aapoy ang kaniyang palad at kakaiba ang hatid noon sa akin. Agad kong binawi ang kamay at pinilit ngumiti sa kaniya. "Yaya, ikaw na po ang bahala sa kaniya. Maiiwan ko muna kayo." Hindi ko na pinasagot si Yaya Liza at mabilis akong umakyat sa taas. Isinara ko ang pinto ng aking kwarto at sumandal ako doon. Pumikit ako at hinaplos ang tapat ng dibdib ko na kanina pa dumadagundong ng malakas. Bakit ang bilis ng t***k nitong puso ko, na tila nabuhay ulit mula sa matagal na paghimlay?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD