Briar
Isang mababaw na halik sa aking pisngi ang nagpagising sa akin mula sa mahimbing kong pagtulog. Napangiti ako nang makilala agad siya. Minulat ko ang mga mata at matamis na ngumiti.
Isang linggo na simula nang mapadpad kami rito sa Cainta Rizal. Hindi ko alam na mayroon pa lang lugar na ganito. Payak ang pamumuhay rito sa maliit na baryong tinuluyan namin.
Kilala si Nikos ng mga tao rito. Sa katunayan ay ang barangay kapitan pa ang sumundo sa amin sa terminal ng bus noong araw na dumating kami dito.
Hindi pa ako nag-uusisa tungkol sa kaniya, sa pagkatao niya, sa pamilya niya dahil kagagaling lang ng kaniyang mga pasa.
"Good morning, Princess."
I giggled. He whispered again in my ear. Pumasok mula sa bintana ang malamig na hangin galing sa labas. Tumingin ako doon at pinikit ang mga mata. Ang presko ng hangin dito dahil bukirin itong tinitirahan namin.
"Good morning. Ang aga mong gumising?"
Tiningnan ko siya pero nanatili pa rin akong nakahiga sa kama naming gawa sa kawayan. Sinukalay niya ang buhok ko gamit ang daliri niya.
"Nagpaligo ako ng kabayo. Gusto mo bang sumama sa ilog mamaya?"
Mabilis akong tumango. Ngayon pa niya ako niyaya kaya hindi ko siya tatanggihan. Noong unang araw namin dito ay hindi niya ako pinapalabas. Ni silipin ako ng mga malapit naming kapitbahay ay pinagdadamot niya. Pero naiintindihan ko siya. Pinoprotektahan lang niya ako. Hindi ako karaniwang tao lang na nakipagtanan sa kaniya. Maaaring nagkakagulo na ngayon ang aking pamilya sa paghahanap sa amin.
"Isama mo rin ako sa farm. Maganda ang klima dito. Gusto ko rin makipag-kaibigan sa mga kapitbahay natin."
Natigilan siya.
"Alam mong hindi puwede, naiintindihan mo naman kung bakit ayaw ko." Bumuntong-hininga siya.
Bumangon ako at hinawakan siya sa kamay.
"Nikos, malabong makilala nila ako. Binago ko na ang ayos ko."
Nasundan niya ng tingin ang suot kong damit. Natuwa ako noong nakaraan. Dumating siya sa bahay na may mga dalang plastic bag. Nang tingnan ko iyon ay may laman na tatlong pajama at tatlong malalaking long sleeve.
Noong una ay nahihiya siyang iabot sa akin. Pero ako ang nagkusa at nagpasalamat sa kaniya.
Pakiramdam ko nga sa ayos ko ngayon ay para akong batang 80's. Simpling nakatali ang buhok, walang bahid na kolorete sa mukha at maluluwang ang suot na damit.
Ibang iba na ako sa Briar Rose noon. Baka kung magkakaharap kami ni Mommy sa mga oras na ito ay ako pa ang mapagkamalang ina niya.
"Alam kong hindi ka nila makikilala pero nag-aalala lang ako. Hindi ka sanay sa pamumuhay na ganito. Paano kapag nadulas ka na hindi mo ako kasama? Paano kapag naligaw ka o kaya ay kagatin ng lamok sa labas ng bahay? Hindi ko iyon mapapayagan."
Napangiti ako. Ang over acting nitong si Nikos.
"Sobra na yang iniisip mo. Hindi naman ako lampa! Atsaka nakapagdisisyon na ako Nikos. Mabubuhay ako sa kung anong buhay ang kinalakihan mo. Makikibagay ako sa mga tao rito. Magsisikap akong matuto sa gawaing bahay. At--"
Napapangiti siya habang nakikinig sa akin kaya natigilan ako sa pagsasalita. Kumunot ang noo ko.
"At, at ano?" tanong niya. Tinitigan niya ako.
Kinagat ko ang ibabang labi. "At pagsisilbihan kita. Ipagluluto. Ipaglalaba. . .at mamasahiin kapag pagod ka.."
Pinamulahan ako ng mukha nang nangingiti siya ulit na nakatingin sa akin. Kaya ko kaya itong mga binitiwan kong salita? Walang kuryente dito at walang tubig sa tabi ng bahay.
Araw araw nga si Nikos sa ilog at siya ang naglalaba ng mga damit namin. Kahit hindi pa magaling ang mga pasa niya noon ay ginagawa pa rin niya ito. Siya rin ang nagluluto at naglilinis nitong bahay kubo niya. Nangangapa pa ako sa pamumuhay na ganito kaya hindi ako makakilos.
Kinuha niya ang dalawang palad ko at nilapit sa kaniyang bibig. Napasinghap ako nang matunog niyang halikan ang likod ng mga palad ko. Muli siyang tumingin sa aking mga mata.
"Hindi mo kailangang matutunan ang lahat ng iyan, Briar. Nandito ako at pagsisilbihan kita. Lahat ay kaya kong gawin para sa iyo."
Nag-init ang gilid ng mga mata ko. Hindi ako nagsisisi na siya ang pinili at sumama sa kaniya. Hindi binigo ni Nikos ang kaniyang pangako. Ang pangakong aalagaan niya ako at hindi ko pagsisisihan na sumama sa kaniya.
Pinatong ko ang mga kamay sa kaniyang balikat at dinampian siya ng halik.
"Magsasama tayo sa hirap at ginhawa," ani ko.
Tumango siya at ngumiti sa akin.
"Pangako," sagot niya. Pinagdugtong namin ang mga noo at sabay na pumikit.
Pagkatapos naming mag-almusal ay dinala ako ni Nikos sa ilog. Ito ang unang beses na sinama niya ako rito kaya galak na galak ako nang makita ang kapaligiran. Pero mas kinagulat ko ang makita ang umpukan ng kababaihan sa batuhan.
Maingay ang grupo nila habang naglalaba. Iyong iba ay nagbabanlaw habang nagsasalita. Iyong iba naman ay hinahampas ang mga damit sa kaharap nilang bato.
Napatitig ako doon. Ganito ba sila maglaba ng damit dito? Hinahampas nila sa batuhan? Pero ang saya nilang lahat. Ang mga kasama naman nilang anak ay maglalaro sa gilid.
"Hey! Nikos, maglalaba ka na naman!"
Natigilan ang lahat noong mapansin kami ng isa sa Ale at biglang tinawag si Nikos. Napahinto rin ako sa paghakbang at napatingin sa kanila ulit.
Kumaway siya sa amin.
"Masaya kaming hindi kana nag-iisa. Sa wakas ay sinama mo rin dito iyang asawa mo."
Napalunok ako. Hindi pa naman kami nagpakasal pero pinakilala na kasi niya akong asawa niya noong unang yapak namin dito sa Cainta.
Hinawakan ako ni Nikos ng mahigpit sa kamay upang alalayan. Nang makalapit kami sa kanila ay mangha silang nakatingin sa akin.
Nagsalita si Nikos. "Naiinip na kasi itong asawa ko sa loob ng bahay Aling Renafe kaya dinala ko siya rito."
Tumawa sila ng mahina. Nagsalita iyong katabi ng tinawag niyang Aling Renafe.
"Napakaganda kasi naman itong asawa ninyo Hijo. Kung ako din ay ipagdadamot kong makita ng iba."
Namula ang mukha ko. Hindi ako sanay na puriin ng ganito.
Hilaw na napangiti si Nikos nang magtawanan sila ulit. May mga edad na ito kaya nahihiya ako sa kanila.
"Hindi naman po Aling Isay. Kayo naman, baka maniwala pa itong asawa ako at hindi na ako papasukin sa bahay namin mamaya."
Tinago ko ang ngiti. Marunong din pala makipagbiruan ang lalaking ito? Pinakilala niya ako sa apat na Ale. Nabanggit pa ni Aling Renafe na araw araw nilang nakakasabay si Nikos na naglalaba dito.
"Teka lang Hijo, marunong ba magkusot ng damit iyang asawa mo?"
Nagkatinginan kami ni Nikos. Kanina pa ako nahihiya sa mga Ale. Wala naman akong alam pagdating sa paglalaba.
Sinagot ko si Aling Renafe. "Oo naman po. Marunong ako.."
Napatitig sa akin si Nikos. Hindi ko siya pinansin at inabot ang t-shirt niya. Nang nasa kamay ko na iyon ay hindi ko alam kung anong uunahin. Tulungan sana ako ng langit.
Nilingon ko ang mga Ale. Nakatingin sa akin at hinihintay ang sunod kong gagawin. Malakas akong napalunok. Sinulyapan ko si Nikos. Kunot ang noo at naghihintay din sa gagawin ko.
Kaya mo ito Briar!
Nilublob ko iyon sa tubig. . . pagkatapos. . .anong susunod kong gagawin? Nakakahiya ako!
Napahinga ako nang maluwang nang abutin ni Nikos ang aking kamay. Napatingin ako sa kaniya. Ngumiti siya sa akin sabay tango.
Nang balingan ko ang mga Ale ay nakangiti na sila sa amin at kagat ang bawat daliri.
Muli akong pinamulahan ng mukha. Tumabi sa akin si Nikos at nilagay niya sa harapan namin ang dala niyang palanggana.
Nilagyan niya ng kaunting tubig ang palanggana. Pinaghiwahiwalay ang puti at de color. Nakatutok ang aking mga mata sa bawat kilos niya. Binasa niya muna ang mga puting damit namin pagkatapos ay nilagay sa loob ng palanggana.
Kinuha niya ang sabong bareta sa maliit na basket at nagsimulang sabunan ang hawak na damit.
"Unahin mong sabunin ang bandang leeg, sa kili kili, tapos ang mga gilid, pagkatapos ay kusutin mo. Masakit sa kamay itong sabong bareta kaya hindi kita hahayaan na maglaba."
Napalingon ako sa likod namin nang makarinig ako ng mga singhap. Alam kong dinig na dinig nila ang mga sinasabi sa akin ni Nikos.
Tipid akong ngumiti sa kanila at muling binalik ang atensyon sa paglalaba ni Nikos.
Saglit ko siyang pinagmasdan mula sa ginagawa bago ko abutin ang isa sa t-shirt at nagsimula rin akong magkusot. Sa una ay mahapdi nga sa mga kamay pero kalaunan naman ay nasanay rin ako.
Lahat ay kakayanin ko. Lahat ay gusto kong matutunan dito sa Cainta.
Pagkatapos namin maglaba ay sinampay namin iyon sa mga batuhan. Nasa tabi ko lang siya habang ako ay naliligo. Ngunit nang matapos ako ay hindi ko alam kung paano makakapagbihis dito. Pero dahil expert itong kasama ko ay nagawan niya ng paraan.
Ganito ang naging buhay namin dito araw araw. Maaga siyang nagigising para magpaligo at magpakain ng kabayo. Pupunta kami sa ilog para maglaba at maligo. Pagkatapos ay isasama niya ako sa farm na pinagtatrabahuan niya.
Maganda ang location dito. Buhay na buhay rin ang mga produkto dahil sa magandang klima. Kung mabibigyan lang ito ng budget ay uunlad lalo itong barangay.
Mababait ang mga tao dito lalo na sa amin ni Nikos. Palagi kaming nakakatanggap ng mga pagkain mula sa kanila. Pero isa lang ang may ayaw sa akin. . . ang anak na babae ni kapitan.
Nabalitaan ko kay Aling Renafe na may gusto raw ito kay Nikos. Nagluksa nga raw ito noong biglang naglaho dito sa Cainta si Nikos. Kaya mas nagagalit siya ngayon nang sa pagbabalik ni Nikos dito ay may kasama ng asawa.
"Ang init talaga ng ulo ni Mabeth! Di hamak naman na mas maganda ka sa kaniya Princess."
Napangisi ako. Princess ang pinangalan sa akin ni Nikos dito sa Cainta. Walang may alam sa totoo kong pangalan maliban kay Nikos. Itatago raw namin ito para sa safety naming dalawa.
Ang mga naiwan ko sa Maynila ay hindi ko na iniisip. Habang magkasama kami ni Nikos ay magpapakasaya na lang kaming dalawa.
"Hindi ko naman po kasalanan iyon, Aling Renafe. Noong makilala ko si Nikos ay single naman daw ho."
Tumawa si Aling Isay. Silang dalawa ang naging kaibigan ko rito. Sa kanila din ako pinagkakatiwala ni Nikos.
"Ay, talaga namang single siya neng! Hindi naman naging sila noong nandito pa si Nikos. Ilusyunada lang ang bruhang iyan. Pasalamat siya at mabait si Kap kun'di masabunutan ko iyan!"
Muli akong napangiti. Nasa labas kami ng bahay nila at nagkukutuhan pa itong dalawa. Iniwan ako dito ni Nikos dahil pumunta sila sa bayan kasama si kapitan.
Lumapit sa akin ang bunsong anak ni Aling Renafe at nagpatirintas ng buhok.
"Hay naku, Joanna! Gagawin mo pang utusan si Ate Princess mo!" singhal niya sa anak na babae.
Napangiti ako ulit. "Okay lang po iyon. Nauutusan ko din naman itong neneng ninyo."
Tumango din si Joanna. "Tinutulungan ko nga maglinis si Ate Princess, nanay eh!"
Inirapan siya ng Ina. Nagkatawanan kami ni Joanna.
Nang palubog na ang araw ay dumating sila Nikos. Siya pa ang nagmamaneho sa sasakyan ni kapitan.
Agad niyang kinuha ang mga pinamili at nilapitan ako. Mayroon rin siyang mga pinamili para kina Aling Renafe at Aling Isay. Tuwang tuwa ang dalawa na nagpasalamat sa kaniya.
"Uuwi na po kami. Bukas ulit." Paalam ko sa dalawa.
Tumango sila. Malayo kasi ang bahay namin sa kanila. Nasa kalagitnaan kami ng palayan at walang katabing bahay.
"Sige, Princess. Ikaw naman ang dadayuhin namin." Tumawa pa si Aling Renafe.
Tumango ako at muling nagpaalam. Hinawakan ako ni Nikos sa kamay at pinagsiklop ang mga palad namin. Bitbit niya sa kaliwa ang mga pinamili habang hila naman ako sa may kanang kamay niya.
Nadaanan namin ang bahay ni Kapitan. Pinagtitinginan pa kami ng mga taong nakaupo sa balcony nila sa labas.
Binati nila si Nikos pati ako. Ngunit hindi makaligtas sa akin ang pagmumukha ni Mabeth. Nakanguso at nagagawa pa akong tingnan ng masama kahit maraming nakakakita.
Umirap ako sa hangin at pinagkibit balik na lang siya.
Nang makarating kami sa bahay ay inayos ko ang mga pinamili niyang pagkain. Kahit pagod si Nikos ay siya pa rin ang nagluluto para sa aming dalawa.
Pagkatapos naming kumain ay nagpresenta akong magligpit pero hindi niya ako pinayagan. Kaya sa huli ay nakatayo na lang ako sa kaniyang tabi at pinagmamasdan ang kaniyang ginagawa.
"Hon, maliligo lang ako."
Napakagat labi ako. Parang kakaiba sa aking pandinig ang pagpapaalam niya. Uminit ang pisngi ko kaya mabilis akong tumango.
Nang makaalis siya sa harapan ko ay pinagsasampal ko ang pisngi.
Aaminin kong hinahanap hanap ko siya lalo na at matagal tagal na rin kaming hindi nagtatalik.
Dumagundong ang dibdib ko. Tapos na akong maligo kaya hindi ko alam kung paano ko pakakalmahin itong puso ko habang naghihintay sa kaniya.
"Briar, calm down. . .calm down girl!" Muli kong binatukan ang ulo.
Hindi ako mapalagay. I gasped. Excitement roomed my body. Humawak ako sa tapat ng dibdib at pinakalma ang sarili.
Inayos ko ang higaan namin. Pinagpag ko pa unan pagkatapos ay sinunod ang kumot. Natigilan ako nang makita ang wallet niya sa gilid ng higaan.
Ni minsan ay hindi ko pinakialaman ang gamit ni Nikos. Kahit cellphone niya ay hindi ko binubuksan. Pero dahil bukas ang wallet niya at may nakita akong litrato ay inabot ko iyon.
Kumunot ang noo ko nang makita ang kasama niya sa picture. Ito iyong taxi driver na naghatid sa amin.
Binaliktad ko iyon pero walang nakasulat sa likod. Tiningnan ko pa ang loob ng wallet. May laman na dalawang libo.
Naging pabigat pa ako sa kaniya. Ang pagkakamali ko ay hindi ko man lang naisip na mag widraw ng pera noong pag-alis namin. Kaya noong subukan ko sa bayan ay pawang naka-freeze ang mga cards ko.
Walang masyadong kita si Nikos dito sa Cainta. Nagtatrabaho lang siya kay Kapitan at iyon ang pangtustos niya sa arawang gastusin namin.
Napabuntong hininga ako. Sumakit ang dibdib ko nang makita ang laman ng wallet niya.
"Hon?"
Muntik ko ng mabitawan ang hawak nang tawagin niya ako. Nasa likod ko na pala ito at pagharap ko sa kaniya ay nakatingin na siya sa litratong hawak ko.
Napatikhim ako. Nag-iwas ako ng tingin ngunit nananatili sa kamay ko ang hawak na litrato.
Tinaas ko iyon sa kaniya. "Hindi ko intensyon na pakialaman ang gamit mo. Nakita ko lang nang ayusin ko ang kumot."
Umupo siya sa kama habang tinutuyo sa maliit na tuwalya ang basang buhok. Nanoot agad sa ilong ko ang gamit niyang sabon.
"Walang kaso sa akin iyon kahit galawin mo ang mga gamit ko. It's all yours, honey."
Nakagat ko ang labi. Sinampay niya ang tuwalya at tinaas ang kamay sa akin.
"Come here. Sit on my lap."
Napalunok ako. Nang hindi ako gumalaw ay inabot niya ako at siya mismo ang nagpaupo sa akin sa kaniyang kandungan.
Napapikit ako nang dampian niya ng halik ang aking leeg.
"May gusto kabang itanong hmm?" Muli niyang pinatakan ng halik ang balikat ko.
Nilingon ko siya pero sinalubong niya ako ng halik sa labi. Kinapos ako ng hininga nang pakawalan niya ang mga labi ko.
Pumaikot ang malalaki niyang braso sa baywang ko at diniin pa ako sa kaniya.
Tinaas ko ang litrato. "Hindi ba ito iyong taxi driver na naghatid sa atin?"
Mabilis siyang tumango. "Oo, hon. Si Lyndon, second cousin ko."
Lyndon?
Tumingin ako ulit sa kaniya. Pero hindi na ako makakapagtanong nito mang matagal dahil nararamdaman ko na ang kamay ni Nikos sa ibabaw ng dibdib ko.
"Bakit dito mo ako dinala sa Cainta? Hindi ba nasa Laguna ang pamilya ninyo?"
Hinalikan niya ako sa pisngi. Umiinit na ako sa mga halik-haplos niya.
"Mabilis tayong mahahanap kung doon kita dinala," sagot niya.
"Sigurado kabang hindi tayo mahahanap dito?"
Hinaplos niya ang tuktok ng dibdib ko kaya mahina akong napasinghap.
"Aalis tayo ulit. Lalayo tayo ulit."
He groaned. Dumidiin na ang halik niya. Binabasa ang balat ko sa leeg at panga.
"Nikos. . .sandali nga, mag-usap muna tayo."
Hinaplos niya ako sa pagitan. Dinalaan niya ang puno ng aking tainga pagkatapos ay bumulong.
"After this honey. . .after this we will talk hmm..."
"Nikos--"
Nakiliti ako nang panggigilan niya ang leeg ko.
"Nikos--tigil!"
He chuckled.
"Hindi ko alam ang salitang iyan. Halika nga dito!"
Hinawakan niya ako sa baywang at binuhat. Mahina akong tumili.
"Sabing sandali lang! Ano ba?!"
Muli siyang tumawa at dinaganan ako. Umingay pa ang gawa sa kawayan naming higaan.
"Walang sandali. Na-miss kita. Promise mag-uusap na tayo pagkatapos nito."
Wala na akong nagawa nang ikulong niya ang katawan ko sa kaniyang katawan. Sinara ang bibig ko gamit ang bibig niya.