Chapter 15

1325 Words
Briar Mahigpit niyang hawak ang kamay ko. Pakiramdam ko ay nanghihina pa siya mula sa pambubugbog na sinapit niya sa mga kamay ni Daddy. Nasasaktan ako para sa kaniya. Naaawa ako sa kondisyon niya ngayon. Maga ang kaniyang kabilang mata. Putok ang bawat gilid ng kaniyang mga labi. Yumuko ako dahil naiiyak ako sa nangyari kay Nikos. Naramdaman ko ang kamay niyang dumiin sa kamay ko. Nilingon ko siya. Gusto niya akong ngitian pero hindi niya nagawa dahil sa kaniyang sugat. Pinisil ko ang kaniyang kamay sabay tango sa kaniya. Pinatong ko ang ulo sa ibabaw ng kaniyang balikat at pinikit ang aking mga mata. Hindi ko alam kung anong kahihinatnan nitong pagsama ko sa kaniya? Hindi ko alam kung magtatagumpay ba kaming lumayo sa pamilya? Hindi ako sigurado pero ipaglalaban ko si Nikos. Naalimpungatan ako nang tapikin niya sa balikat. Dinilat ko ang mga mata at tumingin sa paligid. Madilim ang paligid at para kaming nasa bus station. Lumunok ako at ginala ang mga mata. "Nasaan tayo?" Tiningnan ko si Nikos bago tumingin sa taxi driver. Pero ngayon ko pa nakita ng maayos itong nag-drive sa amin. Natigilan ako at napatitig sa kaniya. Malaking lalaki at maputi. Wala sa kaniyang itsura ang maging taxi driver. Siya na ang sumagot sa akin. Tiningnan niya ako. "Nasa bus station kayo papunta ng Cainta Province. Hanggang dito ko na lang kayo mahahatid." Lumunok ako ulit at bumaling kay Nikos. Nagsuot siya ng mask para matakpan ang mga pasa niya sa bibig. Tumango siya sa akin at binuksan na ang pinto para kami makalabas. Binitbit niya ang mga dala namin pagtapos ay humarap sa taxi driver. Tinapik niya sa balikat si Nikos. "Mag-iingat kayo Kuya Nik, tawagan mo ako kapag may mga kailangan kayo at problema." Napasinghap ako. Magkakilala sila? Tinaas ko ang kamay upang magtanong pero agad siyang nagsalita. "Nice meeting you, Princess. Huwag kang mag-alala, aalagaan ka ni Kuya. Sige na aalis na ako. Mag-iingat kayo." Hindi na ako muling nakapagsalita dahil pumasok na ito sa loob ng kaniyang gamit na sasakyan at agad na umalis. Hinila ako ni Nikos at pumasok na kami sa bus na naghihintay sa amin. Hindi ko alam kung saan ito at anong lugar? Hindi ko rin matanong itong kasama ko dahil hindi siya makapagsalita. Pagkaupo namin sa pinakadulo ay muli niya kong hinawakan ng mahigpit at para mapanatag siya ay kumapit rin ako sa kaniya. "Last minute! Aalis na tayo!" sigaw ng konduktor. Nang wala ng pasahero ay nagsimula ng lumarga ang bus. Hinugot ni Nikos ang cellphone sa bulsa at nagtype siya ng salita. Binigay niya iyon sa akin pagkatapos niyang magsulat. "Matulog ka muna dahil malayo layo pa ang biyahe natin." Binigay ko sa kaniya ang cellphone sabay iling. "Hindi ako inaantok, okay lang ako," sagot ko. Muli siyang nagtype ng salita. "Pasensya kana kung hindi ako makapagsalita ngayon. Pero maghihilom rin itong mga pasa ko." Ngumiti ako at hinaplos ang kaniyang kamay. Binulungan ko siya ulit. "Okay lang sabi eh. . . naiintindihan ko. Relax ka lang okay, okay lang po ako." Dinikit niya ang noo sa buhok ko. Niyakap ko siya. Gusto kong iparamdan sa kaniya na maayos ako, na wala sayang dapat ipag-alala. Hinaplos niya ako sa braso kaya muli akong napangiti. Habang nasa biyahe kami ay hindi ko maiwasan na makaramdam ng kaba. Ni hindi ko pinag-isipan ng maayos itong naging disisyon ko. Iniwan ko ang aking pamilya ng dahil kay Nikos. Tinalikuran ko ang obligation sa kompaniya ng dahil kay Nikos. Kaya kung ano man ang maging resulta nitong ginawa namin ay sinisiguro kong hindi ako nagsisisi na sumama sa kaniya. (Liza's POV) Nanginginig ang mga kamay ko at hindi malaman ang gagawin nang magsimulang magtanong si Olivia kung bakit ayaw bumaba ng kaniyang ate para sa hapunan. Hindi ko alam ang isasagot. Nayuyupi ang dila ko. Nagkasala ako. Hinayaan ko siya na umalis ng bahay kahit mahigpit ang bilin ng kaniyang mga magulang na huwag siya papalabasin. Hindi ko siya magawang pigilan kanina nang makita ko siya sa puno ng hagdan. Ngayon ko pa nakita na nagmahal si Ma'am Briar. Ngayon ko pa siya nakita na sinunod niya kung anong tinitibok ng kaniyang puso. Muli akong nakaramdam ng takot nang dumating sina Sir Ethan at Madam Endiyah Rose. Tila ako mawawalan ng malay kapag nag-usisa pa sila. Anong gagawin ko? Sana bumuka ang lupa at kainin ako para maglaho ng tuluyan. "Yaya, where is she?" Halata pa rin sa boses ni Sir Ethan ang galit. Nanuyo ang lalamunan ko. "N-nasa taas po S-sir. Natutulog na po." Tiningnan din ako ni Madam Endiyah. Muling nagsalita si Sir. "Nasaan na iyong lalaki? Talaga bang kamag-anak mo siya o matagal ng karelasyon ng anak ko hanggang kunin siyang Hardinero ninyo dito?" Muli akong natakot. "Kamag-anak ko po Sir." Lord, patawarin mo ako sa pagsisinungaling ko. Hindi ko kaano ano si Nikos. Naguwapuhan lang ako sa kaniya kaya tinanggap ko siyang Hardinero at pinakilalang kamag anak. Nagkataon rin na naghahanap kami ng Hardinero nang mag-apply siya. "Kumain na ba ang anak ko?" Natigilan ako. Nagbago ang itsura niya mula sa galit at napalitan ng maamo. "Hindi na po naghapunan si Ma'am Briar, gusto niya raw magpahinga." Hinilot ni Sir Ethan ang ulo sabay buntong-hininga. "Okay, aakyatin ko siya sa taas. Thank you, Yaya." Mabilis ko siyang hinarang. Nagulat silang mag-asawa dahil sa ginawa ko. Kumunot ang noo ni Sir Ethan. "Bakit, Yaya?" Tumikhim ako. "Sir, mas mabuting si Madam muna ang paakyatin ninyo. Ito po ay mas nakakabuti." Wala na akong maidadahilan pa kapag nag-insist itong umakyat. Natatakot na ako! Hinawakan sa kamay ni Madam Endiyah si Sir Ethan. Ngumiti sa asawa. "Ako na lang ang gigising sa kaniya." Binalingan niya si Olivia na tahimik na nakaupo sa sofa. "Olly, samahan mo ang Daddy mo sa kusina anak. Make him coffee." Tumango si Olivia. Nilapitan ang daddy niya at hinila papasok sa kusina. Tiningnan ako ni Madam. Lumunok ako. Pinagpapawisan ang mga kamay ko at noo. Hinawakan niya ako sa kamay at hinila pataas. Pagkapasok namin sa kwarto ni Ma'am Briar ay agad siyang natigilan. Lumuhod ako sa kaniyang tapat at tinakpan ang bibig. Napasinghap siya. Lumuhod din sa aking tapat at hinawakan ako sa balikat. Pinatingin niya ako sa kaniya. "Sumama ba siya kay Nikos?" mahina niyang tanong. Magkasunod sunod akong tumango. Pigil na pigil ko ang pag-iyak dahil baka marinig ako sa baba. "P-patawad po Madam. Patawad po. Hindi ko na siya kayang pigilan pa. Mahal niya si Nikos, nararamdaman ko iyon. N-ngayon pa siya nagmahal sa tanang buhay niya. P-patawad po kasalanan ko." Muli siyang napasinghap. "Anong gagawin natin Yaya?" Pati siya ay kinakabahan. Umiling ako. "H-hindi ko po alam, natatakot na ako kay Sir." Hinawakan niya ako sa magkabilang braso at tinulungang tumayo. "Huwag kang magsasalita kahit anong mangyari. Maghahanap ako ng sulusyon. Hindi ito dapat malaman ni Ethan ngayon dahil kapag nahuli niya sila ay sigurado akong mapapatay niya si Nikos." Muli akong tumango. Pinunasan ko ang luha sa mga mata. "Pakiusap Madam, hayaan ninyo sila. Hayaan ninyong magmahal ang anak ninyo." Hinilot niya ang batok at naglakad lakad. Pero sabay kaming nagulat nang mag-bang ang pinto. Nanlalaki ang mga mata naming pareho na napatingin sa may pintuan. Nanlilinsik ang mga mata ni Sir Ethan habang nakatingin sa aming dalawa. "Sumama siya sa lalaking iyon ng hindi ninyo sinasabi sa akin?!" Napatakip ako ng tainga sabay upo sa sahig. Sa boses pa lang niya ay alam ko ng galit na galit siya. Nilapitan siya ni Madam Endiyah at pinakalma. "Ethan, calm down. Hindi natin alam kung sumama ba siya kay Nikos o umalis mag-isa!" "Hindi siya aalis na mag-isa. Pinilit siya ng lalaking iyon kaya mapapatay ko siya kapag nahanap ko!" Muli akong napapikit. "Ethan! Please calm down!" Pero hindi nakinig si Sir Ethan. Mabilis na bumaba at umalis ng bahay. Napahagulgol ako ng iyak. Malaya kong napakawalan ang hikbi na kanina ko pa pinipigilan. Kasalanan ko dahil hindi ako nagsumbong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD