Chapter 14

1566 Words
Briar Napaatras ako ng isang hakbang sabay kapit sa kamay ni Nikos. Nakakatakot ang awra ng mukha ni Daddy ngayon. Tiim bagang siyang nakatitig sa aming dalawa. Nanlilinsik ang mga mata at kuyom ang mga kamao. Nanuyo ang lalamunan ko. Ang mga paa ko ay nakaramdam ng ginaw lalo na at manipis lang ang suot kong lingerie. "Da-d. . ." Hinintay kong tumama sa akin ang kaniyang mga kamao. Pero nagulat ako nang hilain niya ako sa braso at inudyukan ng suntok sa mukha si Nikos. Malakas akong tumili nang matumba si Nikos sa gilid ng dingding. "Daddy!" Muli niyang sinuntok sa mukha si Nikos. "How dare you touch my daughter! How dare you!" Muli niyang inudyukan ng suntok si Nikos, paulit ulit kaya nagsusumigaw ako ng tulong. Magkasunod sina Mommy at Hugo. Napasinghap si Mommy nang makita akong ganito ang kasuotan. Agad niya akong nilapitan at niyakap upang itago sa katawan niya ang aking katawan. "Hindi ka bagay sa anak ko! You're a low class man! I will kill you!" "Ethan tama na iyan! Tumigil kana!" awat ni Mommy pero hindi nakinig ang Daddy ko. Galit na galit siya sa mga oras na ito. Si Nikos ay hindi man lang dinipinsahan ang kaniyang sarili. Hinayaan niya si Dad na bugbugin siya ng husto. "Dad stop! Please stop!" sigaw ko. "Hugo pigilan mo ang daddy mo, anak!" utos ni Mommy sa kapatid ko. Lumapit si Hugo sa kanila at pinigilan si Daddy. Hindi na makilala ang mukha ni Nikos dahil naliligo na ito sa sariling dugo. Bumalong ang mga luha ko sa mata. Pareho kaming may kasalanan pero si Nikos ang sumalo ng lahat. Hinila ako agad ni Mommy sa loob at agad nanghingi ng tuwalya kay Yaya Liza. Nagulat si Yaya nang makita ako. "Anong na-ngyari?" Tinuro ko sa kaniya ang labas. "Tulungan mo si Nikos, yaya please bago pa siya patayin ni Daddy!" makaawa ko. Napasinghap siya. Agad kumaripas ng takbo palabas para tinginan ang nangyayari sa labas. Binalot ako ni Mommy sa tuwalya. Ang bunso naming si Olivia ay hindi makakilos mula sa kinatatayuan. Naguguluhan siya kung anong nangyayari. Hindi ko alam kung bakit ganito kaaga silang dumalaw rito sa bahay o talagang intensyon nila para surpresahin ako. Magtatanong na sana ako kay Mommy nang pumasok si Daddy sa loob. Nasulyapan ko ang duguan niyang kamao. Masama niya akong tiningnan kaya napahawak ako sa kamay ni Mommy. Natatakot ako. Ngayon ko pa nakita si Daddy na nagalit ng ganito. "Ethan." Hindi niya tingnan si Mommy. Lumapit siya sa akin. "Malaki ang expectation ko sa iyo Briar Rose pati buong pamilya natin. Pinalaki kita ng maayos. Kinaiinggitan ka ng lahat dahil sa taglay mong talino at disiplina sa sarili. Pero hindi ko akalain na sa isang hamak na Hardinero ka lang pala mahuhulog! Hindi ko maisip na magkakagusto ka sa lalaking tulad niya!" Hinawakan niya ako sa braso kaya nabitiwan ko ang kamay ni Mommy. Napangiwi ako dahil para niya akong dudurugin sa mga kamay niya. "Sa tingin mo papayagan ko ang mga gusto mo?! Sa tingin mo tatanggapin ko siya para sa'yo?!" Napapikit ako. Muling bumalong ang mga luha ko sa mata. Matapang kong tiningnan si Daddy at sinabing. . . "Mahal ko si Nikos." Malakas na tumama sa pisngi ko ang palad niya. Para akong nabingi at naduling dahil sa sampal niya. Tumili si Mommy at pinigilan sa braso si Daddy. "Ethan, no! Huwag mong saktan ang anak natin!" Muling dumiin ang kamay ni Dad sa braso ko. Hindi pa rin magbabago ang sagot ko kahit tapusin niya ang buhay ko ngayon. Sila ang nagbigay sa akin ng buhay kaya nasa kanila rin kung papatayin nila ako. "Nagagawa mo na akong sagut-sagutin ng dahil sa lalaking iyon! Anong mayroon sa kaniya Briar at siya pa ang nagustuhan mo?! Anong mayroon sa hamak na Hardinero mo?" Nagtaas-baba ang kaniyang dibdib. Namumula ang mukha at galit sa galit sa akin, sa amin ni Nikos. Kahit madilim ang paningin ko ay tiningnan ko pa rin si Dad ng deretso sa mga mata. "Sa kaniya tumitibok itong puso. Inuulit ko po, mahal ko siya." Muling tumama ang palad niya sa kabilang pisngi ko. Napaupo ako sa sahig sa lakas ng sampal niya. Tumili ang bunso namin at umiiyak na nilapitan ako. Niyakap niya ako. "Daddy please stop po. Nasasaktan na si Ate.." Napahagulgol ako ng iyak. Mahigpit akong yumakap kay Olivia kaya napaiyak ko siya lalo sa takot. Muling nagsalita si Dad. "Palayasin mo dito ang lalaking iyan ngayon din bago ko siya ipasok sa kulungan. Tandaan mo ito Briar, hindi ang tulad niya ang nababagay sa iyo!" Ito lang ang sinabi niya at nagmamadali itong lumabas ng bahay. Tinakpan ko ang tainga. Umiyak ako nang umiyak hanggang sa pakiramdam ko ay hindi na ako makahinga. "Briar! Anak, Briar!" tawag ni Mommy sa akin. Ito lang ang huling narinig ko at bigla akong hinimatay. Napabalikwas ako ng bangon nang bigla akong ubuhin. Agad kong dinilat ang mga mata nang maalala ang nangyari kanina. "Gising na si Ate." Si Olivia. Nilapitan nila akong sabay ni Yaya at dinaluhan. Nasaan si Mommy? "Hija, okay ka lang ba? Nag-aalala kaming lahat sa iyo?" Tumingin ako sa paligid. Muli kong binalik ang mga mata sa kanila. "Nasaan si Mom?" Nagkatinginan silang dalawa bago ako sinagot ni Olivia. "Sinundan nila si Dad. Iniwan nila ako dito para bantayan ka, Ate." Napalunok ako. Binalingan ko si Yaya. "Nasaan si Nikos?" Nagkamot ng batok si Yaya at tumingin kay Olivia. Nagbaba ng mga mata si Olivia kaya kumunot ang noo ko. "Nasa kwarto niya. Ginamot ko na ang mga sugat niya at nag-impake na rin ako ng mga gamit niya. Kailangan na niyang umalis dito." Napapikit ako. Humawak ako sa tapat ng dibdib at bumuntong-hininga. "Puwede bang iwanan ninyo ako." Hiling ko sa dalawa. Sumundo sila sa akin at iniwan ako sa kuwarto. Dahan-dahan akong bumangon at sumilip sa bintana. Anong gagawin ko? Hindi na puwedeng manatili si Nikos dito dahil mapapatay siya ng Tatay ko. Hinanap ko ang cellphone at agad siyang tinawagan. Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak ang cellphone na nakadikit sa aking tainga. Sinagot niya ang tawag pero hindi siya nagsalita. "Nikos, ako to? Okay ka lang ba?" Tanging hininga niya ang naririnig ko. Pinatay niya ang tawag kaya nag-aalala ako. Pero hindi nagtagal ay nakatanggap ako sa kaniya ng message. "Aalis ako mamayang gabi. Sumama ka sa akin, lalayo tayo sa lugar na ito. Pupunta tayo sa lugar kung saan walang nakakakilala sa atin. Magsasama tayo habang buhay at mabubuhay na masaya. Please, come with me, honey." Nabitawan ko ang cellphone. Hindi ko alam ang isasagot sa kaniya. Namawis ako. Muli siyang nagmensahe. "Briar, lahat ng pinapakita ko sa'yo ay totoo. Hindi kita niloloko. I like you so much." Malakas akong napalunok. Napaupo ako sa sahig at hinilot ang tapat ng puso ko. Naninikip ang dibdib nang hindi ko alam ang dahilan. Muling tumunog ang cellphone ko. "I will take care of you. I want us to be real couple like everybody else. Please, come with me." Matagal kong tinitigan ang mga messages niya. Hindi ko siya sinagot pero itong isip ko ay gulong gulo na. Nang dumilim ang paligid ay bumaba ako sa kusina. Naabutan ko sina Yaya at Olivia na nagluluto ng hapunan. "Babalik ba dito sina Mommy?" tanong ko. Tumango si Yaya. Lumapit ako sa kaniya at bumulong. "Anong oras ang alis ni Nikos?" Nakita kong lumunok siya. Sinulyapan si Olivia sa mesa bago binalik ang paningin sa akin. "Kanina ko pa siya pinapaalis dahil darating ang daddy mo. Natatakot na ako kapag maabutan pa siya rito." Napasinghap ako. "Nasaan ba siya?" "Nasa kuwarto niya. Namamaga ang mga mata at putok ang mga labi." Napabuntong hininga ako. Kasalanan ko kung bakit naging ganito si Nikos. Sana ay hindi ko siya pinagbigyan nang pigilan niya ako kagabi na lumabas sa kaniyang kwarto. Napapikit ako. Hindi man nagtatanong si Yaya Liza sa akin pero alam kong nalaman niya kung anong dahilan at bakit ganoon ang sinapit ni Nikos. "Kasalanan ko," bulong ko. Malalim siyang nagpakawala ng buntong hininga. Bumaka na ang kaniyang labi para magsalita pero tumingin sa amin si Olivia kaya agad niyang tinikom ang bibig. Muli akong bumalik sa kwarto at namaywang sa gitna. Nakatanggap na naman ako ng mensahe mula sa kaniya. "Ayaw kong pagsisihan itong pag-alis ako kaya tatanungin kita ulit kung sasama ka sa akin." Binasa ko ulit katulad noong mga nauna. "Briar, alam kong nababasa mo ang mga mensahe ko kaya pakiusap naman oh sagutin mo ako." Malalalim akong huminga. Niyakap ko sa tapat ng dibdib ang cellphone pagkatapos ay pumikit. Muling umilaw kaya tiningnan ko iyon. "Paalam." Nakaramdam ako ng kaba sa huling mensahe niya. Wala na akong oras. Nakapagdisisyon na ako. Patakbo akong pumasok sa walk in closet at pinasok sa bag ang mga importanteng gamit ko. Tumakbo ako pababa pero napahinto ako nang magkasalubong si Yaya. Nanlalaki ang mga mata niya nang makita ang bitbit ko. Tinaas ko ang kamay sa kaniya bilang sinyales na huwag siyang maingay. Lumunok siya ng malakas at hindi makakilos. Nilagpasan ko siya at hinahol si Nikos. Nagpahinga ako ng maluwang nang makita ko siyang nasa tapat ng tinawag niyang taxi. Tinaas ako ang kamay sa kaniya at patakbong lumapit. "Briar," bulong niya. "Nikos." Nilahad niya ang palad sa akin at mabilis ko iyong inabot. Magkahawak kamay kaming nilisan ang bahay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD