Chapter 13

1859 Words
Alexandria POV Pagbaba namin sa ground floor ay naabutan namin sina ate Gina na ipinapasok ang mga gamit namin na kinuha mula sa pent house. "Ate Gina pakidala nalang po sa Third floor yung gamit namin ni King ako n a po ang mag aayos. Yung sa kambal naman po sa second floor yung unang magkatabing room po sa tapat ng library." Bilin ko sa kanila. "Pumili na din kayo ng kwarto ni Rita. Mag hire nalang ako ng mga tagalinis at taga luto sina Ice at Fire nalang po ang alagaan nyo." Bilin naman ni King sa kanila. "Sige sir. Ang laki pala ng bahay nyo. Nakakalula!" Sabi ni Rita. Natawa naman si King sa reaksyon niya. "Dito na din kayo titira kaya sa atin ito." Wika naman ni King. Mag elevator kayo pag inakyat nyo yang mga gamit para di na kayo mahirapan." Bilin sa kanila ni King. "Sige sir iaakyat na namin itong mga gamit para maayos na din."paalam ni ate Gina. "King nalang din itawag mo sa akin ate Gina and Rita kuya nalang din. Pamilya na rin naman ang turing namin sa inyo." Saad naman ni King. "Bumaba din kayo kaagad pag naiayos na yung mga gamit nyo at ng kambal para sabay sabay na tayong maglunch." Dagdag ko pa. Agad naman tumalima sina ate Gina para iakyat ang mga gamit sa taas. "Baby yung pinaka malaking guestroom sa left side nalang ang ipaayos natin na magiging room ng daddy mo, ok lang ba sayo?" Tanong niya sa akin. "Oo naman, maganda at komportable naman lahat ng rooms dito sa bahay." Sagot ko sa kanya. "Ano gusto mong iluto ko for lunch?" Tanong ko kay King habang papunta kami sa Kitchen. Naabutan namin doon sila manang na inaayos na ang mga pinamili sa super market. "May favorite kare-kare." Mailking sagot ni King. "Kare-kare din favorite mo? Sayo pala nagmana yung kambal."napapatanongng wika ko. Natawa naman si King. "Napansin ko nga din na kare-kare lagi ang gusto nung dalawa maliban sa sinigang." Sabi naman niya. Ihinanda ko na ang mga ingredients oara sa kare-kare, nagsalang na din ako ng kanin sa rice cooker. Nag-gisa din ako ng bagoong na alamang para kapares ng Kare-kare at nag luto rin ako ng tinolang manok. Pinapanood naman ako ni King habang nagluluto. "You look gorgeous while you are cooking." Aniya. "Wag ka ng mambola diyan Mr. Saavedra mabuti pa timan mo itong niluto ko kung ayos na ang lasa." Lumapit naman siya at kumuha ng kutsara at tinikman ang niluto kong kare-kare. "Hmmmm. Perfect baby, masarap." Wika niya. "Baka naman sabi mo lang yan para di ako mapahiya." Ani ko. "Masarap talaga." Pagpipilit niya. Sakto namang papasok sina ate Gina at Rita sa kusina. "Ate Gina tikman nyo itong luto ni Alex, ayaw maniwala na masarap naman talaga. Sabi Binobola ko lang daw sya." Sumbong ni King ky ate Gina. Parang bata din pala itong lalaking ito. Tinikman naman nina ate Gina at Rita ang mga niluto ko. "Masarap naman talaga ate Alex, mas masarap pa nga sa inorder natin sa restaurant." Pag sang-ayon naman ni Rita kay King. "Oo nga Alex masarap sya saka creamy yung sauce." Sabi naman ni ate Gina. "I told you hindi ako marunong mambola baby." Sabi naman ni King. "Ay grabe ka kuya King napaka sweet, kinikilig ako sa inyo ni ate Alex." Kinikilig pang wika ni Rita. "Hoy, Rita tumigil ka nga dyan puro ka kilig. Yun nga palang mga design mo ibigay mo na sa akin para maisend kay Loraine at k**i,atisin ng Designer team sa main office." Sani ko kay Rita. "OMG talaga ate, ibibigay ko mamaya after lunch." Sagot niya. "Tapos na akong magluto kain na tayo." Sabi ko. Sina ate Gina na ang nagayos ng mesa kasama ang iba pang kasambahay nila mommy. Sabay sabay na kaming kumain ng pananghalian. Sina Rita na ang naglinis ng mga kinainan namin. Katatapos lang namin mananghalian, kaya mapagkasunduan namin ni King na umakyan muna sa kwarto. Nagpahinga muna kami sa veranda, bago sinimulang ayusin ang mga gamit namin sa closet. Mabilis lang namin natapos ang lag aayos sa walk in closet kaya bumalik kami sa veranda ng kwarto namin. Magkatabi kaming nakaupo sa sofa ni King ng mag video call si Loraine. Sinagot ko naman kaagad ang tawag niya. "A, totoo ba yung message mo na engaged ka na?" Yun agad ang bungad niya. Kaya natawa kami ni King. "Wala manlang hello L?" Natatawang tanong sa kanya. "Best friend naman kasi nakakagulat ang balita mo. Nung nakaraan lang tungkol sa daddy mo ang ibinalita mo sa akin, ngayon naman engaged ka na? Bes naman sabihan mo naman ako sa wedding para maka attend naman ako." Litanya ni Loraine. "Oo nalang L. Oo nga pala kilala mo naman si King diba? Nandito sya ngayon kasama ko." Inilipat ko kay King ang camera. "Hello Mr. Saavedra, congratulations sa inyo ni Miss A my best friend I'm happy for the both of you." Bati niya kay King. "Thank you Loraine, just call me King." Sagit naman ni King. "Congratulations A, nasan kaba ngayon?" Tanong niya. "Nandito sa pinagawang bahay ni King. Katabi lang din ng Mansion ng parents nya." Sabi ko. "May bahay na agad kayo?" Gulat na tanong niya. "Yes Loraine, pinagawa ko ito habang hinahanap ko si Alex." Sagot naman ni King. "Kakalipat lang namin ngayon L. Kelan mo balak dumalaw dito sa Pilipinas?" Tanong ko kay Loraine. "Kapag ok na yung branch natin sa France. Babalik pa ako don after 3weeks baka magkasabay ang opening ng branch natin sa France at diyan sa Pilipinas." Sabi pa niya. "Thats good. Almost done na din naman yung renovation ng boutique sa mall, hinihintay nalang lumabas yung mga business permit. Magaayos na kami nina Maria at Rita this coming week. Oo nga pala, isesend ko yung mga natapos kong designs pati yung mga nagawa ni Rita. For approval na yon. Check mo nalang kung walang kaparis sa ibang mga nauna ng designs." Mahabang bilin ko sa kanya. "Yes Ma'am. Pano usap nalang ulet tayo, send mo agad yung mga designs para maiforward ko sa designing team natin." Sabi niya. "Okay L, see you soonest bye." Paalam ko. "Bye A and King." Paalam ni Loraine. "Bye Loraine." Pagkatapos ng tawag ay nilapag ko ang cellphone ko sa table sa side ko. "You will open France and Philippines branch ng Elite Fashion simultaneously?" Tanong ni King. "Parang ganun na nga, ahead lang naman tayo ng 6hours sa France. Alam mo bang si Loraine ang nagpilit na umuwi kami ng Pilipinas? France dapat ang hahawakan kong branch pero dito nya ako Pinapunta." Kwento mo sa kanya. "Kung ganon kailangan ko palang pasalamat an si Loraine, dahil sa kanya nahanap kita at ang mga anak natin." Sabi nya naman. "You're right, sya talaga ang dahilan kaya magkasama tayo ngayon." Pag sang ayon ko naman. "Sinabi rin nya na kahawig mo yung kambal kaya may duda na siya na ikaw nga yung daddy nila. At hindi nga siya nagkamali." Dagdag ko pa. "Mabuti nalang kamukha ko yung kambal. Yung kambal din ang dahilan kaya nahanap kita. Nung nakabanggaan ko si Ice sa Airport at ipinakita nila Jackson yung picture mo nagpa imbestiga kaagad ako then nalaman ko na si Miss Alexandria Williams at Alexandria Buenavista ay iisa. Hinanap ko din yung picture ko noong same age ko yung kambal, then ayun nga kamukhang kamukha ko talaga sila." Natatawang kwento pa niya. "Pinaimbestigahan mo talaga ako?" Nakairap kong tanong sa kanya. "Desperado na kase akong mahanap ka, kaya lahat ng paraan ginawa ko na para lang mahanap ka. Yung meeting, idinahilan ko lang din yon para makausap kita." Pagtatapat niya. "Iba ka din dumiskarte noh, lahat yata dinadaan mo sa bilis eh!" Reklamo ko sa kanya. "6 years akong naghintay para mahanap ka baby kaya talagang binibilisan ko na ang kilos baka maunahan pa ako ng iba." Natatawang sabi nya. Kinabig niya ako palapit sa kanya at isinandig niya ang ulo ko sa dibdib niya. "Wala ka bang naging karelasyon sa loob ng anim na taon?" Tanong ko sa kanya. "Baby, inaamin ko may mga naging babae ako pero hindi naman yon seryoso. Lalaki pa din ako baby may pangangailangan din." Napapakamot ng batok pa sika habang inaamin niya na marami syang naging babae. "Eh di hindi ka faithful, hindi ka din ba nagka girlfriend bago mo ako nakilala?." Balik ko sa kanya. "Baby naman, yung huling nambabae ako ay halos 4 months ago pa. Nagka girlfriend ako noon bago pa kita makilala model sya at seryoso ako sa kanya noon, pero mas pinili niya ang career nya kesa sa akin." Pag amin niya. "Pano kung may nabuntis ka din pala na ibang babae, saka paano kung bumalik yung ex-girlfriend mo?" Tanong ko ulet. "Imposible yon baby dahil nag iingat ako, sayo lang ako hindi nag ingat." Natatawang wika niya. "Kahit naman bumalik sya wala na ding magbabago. Hindi na sya ang mahal ko. Iisang babae lang ang minahal ko ng totoo baby. Ikaw yun. Baby, pwedeng magrequest?" Hirit pa niya. "Hmmm. Ano naman yon?" Tanong ko sakanya hindi padin ako umaalis sa pagkakasandig sa dibdib nya. "Can you call me with our endearment?" Saad niniya. "Ano ba gusto mong tawag ko sayo?" Malambing kong tanong sa kanya. "Any endearment you want baby basta wag mo lang ako tatawagin sa name ko." Sabi niya. "Ok pag iisipan ko." Natatawa kong sabi sa kanya saka ako tumayo at humarap sa kanya. "Tara na sa baba, baka dumating na sila mommy at yung kambal." Wika ko saka kominabot ang kamay niya at hinila patayo. Lukot ang mukha na sumunod nalang siya sa akin. "Ngayon na kasi baby, sabihin mo na kung anong endearment mo para sa akin." Pangungulit niya. "Alam mo napaka seryoso mo nung unang nakita kita sa opisina pero hindi ko alam na ganyan ka pala kakulit sa personal." Ani ko. "Front ko lang sa mga kabusiness deal at empleyado ko yung pagiging cold at seryoso baby. Iba ang attitude ko sa harap ng familya ko syempre." Sagot naman niya. "Ganyan ka ba talaga sa clingy sa nagiging girlfriend mo?" Tanong ko pa habang palabas na kami ng kwarto. "Sayo lang ako ganito baby, kaya siguro iniwan ako ng ex ko kasi tamang date lang kami saka alam mo na partners in bed din. Kahit seryoso ako sa kanya hindi ko naman sya niligawan basta madalas lang kaming magkasama ayun naging kami na." Kwento pa niya. "Eh bakit ngayon may pa flowers flowers ka pa." Biro ko sa kanya. "Because it's you. You are special, hindi ko din alam sa sarili ko kung bakit nagagawa kong manligaw pagdating sayo, because courting someone is not my thing. Pero pagdating sayo baby lahat gagawin ko mapasaakin ka lang." Seryoso niya sabi habang nakatitig sa mga mata ko. Pakiramdam ko namumula nanaman ang mga pisngi ko dahil sa mga sinabi ni King. "You're blushing baby, you're so cute when you're blushing." Sabi ko na nga ba namumula nanaman ako. Hindi nalang ako nagsalita at hinila nalang siya pababa ng hagdan. Yes naghagdanan kami kahit may elevator naman para tipid sa kuryente. ?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD