Chapter 14

1705 Words
King Zandrew POV Pulang pula ang pisngi ni Alex dahil sa mga sinabi ko. Ang cute nya kapag namumula ang mga pisngi nya. Saktong pagbaba namin ay dumating naman sina mommy kasama ang kambal. "Mommy/Daddy." Salubong sa amin ng kambal. "Hello twins behave ba kayo habang kasama sina mommyla at daddylo ninyo?" Tanong ni Ala x sa mga anak namin. "Yes mom, behave po kami." Sagot naman ng mga kambal. "Hi mom, dad." Bati ni Alex kina mommy. "Hello Alex, nakakatuwa itong kambal napakabibo at matatalino, akalain mo ba naman na imbes magpabili ng laruan puro libro ang pinabili." Sabi ni mommy. Napatingin si alex sa shopping bags na ipinasok ng isang kasambahay. Halos mga book at damit nga ang mga iyon. "Thank you mom. Di po ba kayo pinagod ng kambal?." Tanong ni Alex. "Behave ang mga iyan Alex, at napaka bibo." Sabi naman ni mommy. "Mom, Dad kanino po bahay ito?" Tanong ng kambal. "This is our house twins. Dito na tayo titira. Go upstairs and check you rooms." Utos ko sa kambal. Agad naman silang umakyat sa second floor kasama ni ate Gina. "Oh, pano uwi na muna kami sa bahay hinatid lang namin ang mga bata. Maaga nalang kami pupunta dito bukas kapag sinundo nyo ang daddy ni Alex sa Airport." Paalam nina Daddy. "Sige po, thank you po mom, dad. Bye." Si Alex. Tinapik lang naman ako ni Dad sa balikat. "Baby magpapaluto na ako ng dinner kina manang, ano ba gusto mong ipaluto natin?" Tanong ko kay Alex. "Ginataang kalabasa nalang Love saka Sisig." Sagot niya. "Ok ba- ano ulet tawag mo sa akin baby?" Napatingin sya sa akin. "Love?" Sambit niya. "I love that baby." Masigla kong wika. Then I kissed her on her lips and hug her. "Kinikilig ka na nyan love?" Pang aasar niya. "Oo naman baby, akala mo ba babae lang ang kinikilig?" Sabi ko saka pinisil ang pisngi niya. "Let's get married na baby, kahit sa civil muna then saka natin iplano yung grand wedding natin." Pangungumbinsi ko sa kanya. "Nagmamadali ka Mr. saavedra?" Natatawang tanong niya. "Oo baby baka kasi maagaw kapa ng iba. We can get married tomorrow kasabay ng party para 3in1 na diba. Wedding, house warming and welcome party para sa Daddy mo." Alanganing wika ko, baka kasi hindi sya pumayag. "Wala namang problema sa akin kung civil wedding, basta ikaw yung groom." Nakangiting sagot niya. "Payag kana baby? Wala ng bawian ha?" Paninigurado ko sa kanya. Tumango naman sya. "Yes! I'll call our Lawyer para mag officiate ng wedding natin." Masayang wika ko. "Ok,tawagan ko nalang si Loraine via videoconference para ma witnesses din niya yung kasal natin siguradong magtatampo yon kapag di ko sinabi sa kanya." Aniya. "I'm so excited baby." Sambit ko saka siya niyakap ng mahigpit. Magkahawak kamay kaming pumunta sa kusina para magpaluto ng dinner sa kasambahay na hiniram ko kina mommy, hindi pa kasi kami nakakapaghire ng kasambahay namin. "Manang, paluto naman po ng ginataang kalabasa at sisig." Nilin ko sa kanila. "Sige po sir." Ani ni manang. "Pakitawag nalang po kami mamaya kapag ready na yung dinner." Bilin ni Alex kay manang. Paakyat na kami ng second floor para puntahan ang kambal ng makasalubong namin si Rita. "Ate Alex ito na yung mga sample desigs ko. Yung iba jan mga design kompo noong last year isinama ko na lang din po." Sabi ni Rita. "Pakilagay nalang sa office Rita. I'll send that to Loraine later." Saad ni Alex. "Sige po ate, dadalin ko na po ito sa office." Paalam ni Rita saka nauna na sa pag akyat. "Baby mauna kana sa kwarto ng kambal, my tatawagan lang ako." Paalam ko sa kanya. Hinatid ko muna sya sa tapat ng room ng kambal saka ako pumasok sa library. "Hello Bunso, can you ask the catering to do the set up at the gazebo. Pakisabi set up for wedding." Pagkasabi ko non ay tumili ang pasaway kong kapatid. "Wait kuya pupunta ako diyan." Bigla nalang naputol ang tawag. Ilang minuto nga lang ang lumipas ay narinig ko na ang boses ng maingay kong kapatid. "Kuya is it for real, wedding na talaga bukas?" Excited na tanong niya. Tumango lamang ako. "OMG kuya I'm so excited, magugulat sina mommy for sure. Baka mamaya nandito din mga yon. Wait kuya marami ka bang pinaluto? Ah magpapaluto nalang ako sa bahay at ipapadala ko dito." Walang tigil ng kakadaldal ng kapatid ko. "Umayos ka nga bunso, mas excited ka pa sa ikakasal eh!" Bawal ko naman sa kanya. "Wait kuya message ko lang si mommy para makapagpaluto na sya kina manang." Hinayaan ko nalang siya sa kakulitan nya. "Ipaayos mo nalang yung gazebo bunso saka ka magpalagay ng mga tables and chair. Family lang naman natin saka ilang malalapit na kaibigan." Sabi ko. "Ako na ang bahala jan kuya relax ka lang diyan." Sabi niya Agad namang tumawag si Hera sa kaibigan niyang mag aayos ng venue bukas at sa kaibigan niyang chef. Nagmessage naman ako sa gc naming magkakaibigan. Fantastic4 GC: From King: @Jackson prepare a wedding ring same size yung walang kaparehas ng design. Tomorrow 3pm dapat nandito na kayong tatlo. From Jackson: Bro kakapropose mo lang kagabi kasal agad bukas? From King: para wala ng kawala bro. From Phoenix: @King sundan mo na yung kambal oara ninong kami. From King: pwede pa naman kayong ninong ng kambal bro. From Traviz: @King darating ako bro don't worry. Padala mo chopper mo dito sa Cebu bro ipasundo mo ako. From King: @Traviz ok bro basta doble ang wedding gift mo sa amin. Saktong 6pm naman ay dumating nga sina mommy at may mga dalamg pagkain. Agad namang inayos ng mga kasambahay ang mga pagkain sa dinning table. Umakyat muna ako sa taas para sunduin ang mag iina ko. "Mana ka talaga sa akin son, mabuti at pumayag si Alex na civil wedding lang muna ang kasal nyo." Sabi ni Dad. "Akala ko nga di papayag dad, nagbaka sakali lang naman ako. Saka ayoko na din patagalin gusto kong maging legal na mag asawa na kami lalo ngayon na magkasama na kami sa iisang bahay." Mahabang paliwanag ko. "Saka dad ayaw ko ng pakawalan si Alex, sa ganda nyang yan imposibleng wala akong maging kaagaw." Pagmamaktol ko. "Si kuya umiral nanaman pagiging isip bata." Kantiyaw sa akin ni Hera. "Pansin ko nga dito kay King, may kakulitan din. Akala ko napakaseryoso nung nakabunguan sya ni Ice sa Airport ska nung nagpunta ako sa opisina nya eh!" Pag sang ayon ni Alex. "Alam mo bunso kapag ikaw na in love tatawanan kita. Baka pikutin mo pa yung lalaking magugustuhan mo." Ganting pangaasar ko naman kay Hera. "Mommy oh, kita mo si kuya nang aasar nanaman." Sumbong niya kay mom. Tinawanan lang naman siya nila mom aand dad. Pasimple din namang natatawa si Alex. "Nandito nga pala bunso si Phoenix bukas." Pang aasar ko naman ulit sa kanya. "Pwde ba kuya di ko type yang kaibigan mo kaya please lang wag ako." Asar talo talaga itong kapatid ko. "Tigilan mo na pang aasar kay Hera love, bahala ka pag di ka tinulungan nyan bukas." Bulong naman sa akin ni Alex. Tumahimik nalang ako dahil mukang nakatagpo ng kakampi ang kapatid ko. "Ano kuya, tiklop ka noh!" Hirit nanaman ng kapatid ko. "Pasalamat ka itong baby ko kakampi mo." Sagot ko naman. Tawanlang naman ng tawa sina dad sa bangayan namin ni Hera. "Son my wedding ring naba kayo saka may isusuout na ba si Alex?" Seryosong tanong ni mommy. "May mga white dress naman po ako na pwdeng pag pilian." Sabi ni Alex. "Ako din mom meron na akong isusuot. Nag order na din ako ng wedding ring kay Jackson." Sabi ko naman. "Okay na din ang catering mommy nakausap ko na mga kaibigan ko. Maaga silang magseset up bukas sa may garden, as kuya's request." Sabi naman ni Hera. "Ok tatawagan ko nalang mamaya ang tito Zach at tita Mitch nyo." Sabi naman ni Dad. "Hera nagpagawa ka din ba ng wedding cake?" Tanong ni mom. "Yes mommy I ordered 3 layer wedding cake." Sabi naman ni Hera. "Okay na pala lahat. Mabuti pa kami nalang ni Attorney Garcia ang susundo kay Mr. Scott bukas para hindi na kayo maabala sa paghahanda sa kasal nyo." Sabi naman ni Daddy. Sinangayunan naman ni Alex ang suhestiyon ni dad. nang matapos ang hapunan ay nagpaalam na din sina mommy na uuwi na. Pinatulog na din namin ang kambal bago kami umakyat sa kwarto. Pagkatapos namin maligo ay tumambay muna kami sa veranda para magpaantok. "Baby thank you." Sambit ko. "Thank you for what love?" Tanong niya. "For bringing the twins to me, for coming to my life. At sa pagpayag mo na magpakasal sa akin." Emosyonal na wika ko. "Wala namang dahilan para hindi ako pumayag na magpakasal diba? Mahal mo ako at mahal kita. Saka tungkol naman sa kambal, isa din sa dahilan ng pagbalik ko dito sa Pilipinas ay ang hanapin ang daddy nila, ang hanapin ka dahil yun lang naman ang palaging hinihiling ng kambal sa akin, ang makilala ang daddy nila." Mahabang pahayag niya. "Pano kung hindi pala ako ang daddy nila baby, papakasalan mo ba ang daddy nila?" Tanong ko. "Hindi siguro love, kasi hindi ikaw yun eh." Sabi nya nman. "Wala ka din bang naging boyfriend o manliligaw sa Londan baby?" Tanong ko sa kanya. "Mga manliligaw meron pero wala akong sinagot kahit isa love. Mas priority ko ang mga anak natin kesa sa lovelife ko. Pero syempre ibang case naman ang sa atin. We are destined to meet again after 6years and to be together. Bonus nalang na ibinigay sa atin ang kambal." Sabi niya habang humihikab. "I love you baby." Tanging nasambit ko nalang. "I love you too love." Halos bulong nalang sa wika niya. Nang tingnan ko ay nakatulog na pala. Binuhat ko si Alex ng pa bridal style at maingat na ihiniga sa aming kama. Bumalik ako sa beranda para isara ang pintuan. Chineck ko din ang security system ng bahay para siguruhin na nakalock ang lahat ng pinto at naka on ang mga security alarm sa paligin ng mansyon. Saka pa lamang ako nahiga sa tabi ni Alex at natulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD