NAPABALIKWAS ng bangon si Sam nang tumama ang sinag ng araw sa kaniyang mukha. Agad niyang tinignan ang orasan na nasa bedside table niya. Dito siya sa kaniyang silid nakatulog at si Toneth ang kasamang natulog ni Graciella sa silid ng huli.
"Alas nueve na ng umaga." Nasapo ni Sam ang ulo dahil ang balak pa naman niya ay magising ng maaga dahil papasok siya sa opisina ngayon. Kaso ay tinanghali siya, dahil na rin siguro sa pagod sa maghapong gala kahapon kasama si Drake at Gracie.
Napapabuntong hininga siyang habang pababa sa kama at nagtungo sa banyo upang mag ayos ng sarili bago mag-almusal sa baba. Hindi na muna niya ginising ang anak upang kumain, dahil alam niyang pagod ito.
"M-may naghahanap sa'yo," salubong ni Doña Thesa sa kaniya bago pa siya makababa sa living room. Madadaanan muna kasi ang living room bago makapunta sa kusina.
"Sino po?" Biglang kabang tanong niya sa matanda. Kinabahan siya sa mukha nito na tila nakakita ng multo at medyo namumutla pa.
"Basta bumaba ka na lamang," anito at nagpatiuna nang bumaba at sumunod na lamang siya habang napapaisip.
Wala siyang inaasahang bisita dahil wala naman siyang kaibigang malapit na nagtutungo sa tahanan nila maliban kay Drake at paminsan minsan ay si Ren. Ngunit nakailang baba pa lamang sa baitang si Sam nang matanaw na niya ang lalaking nakatalikod at abalang nakatanaw sa bintana ng living room. Tanaw kasi sa labas ang hardin at swimming pool mula roon. Kilalang-kilala na ni Sam ang bulto ng lalaki at ayun na naman ang kabang may halong excitement sa tuwing nakikita ang lalaki o napapalapit lamang rito.
Gareth... He was standing there firm wearing his office suit which made him more intimidating and powerful.
"Napaghintay ka ba namin, hijo?" Dinig niyang sabi ng matandang babae.
Gareth turned around at Doña Thesa smiling, bago dumako ang tingin nito sa kaniya at sumeryoso ang mukha nito. Hindi nakaligtas sa paningin ni Sam ang marahang pagsuyod ni Gareth sa kaniyang kabuuan. Biglang nahiya si Sam sa kaniyang suot, nasa pantulog pa rin kasi siya na ternong silk pajamas at damn, wala siyang suot na iba underneath, at sana ay hindi iyon mahalata ni Gareth. She was comfortable sleeping without her undies. Marahan siyang bumaba at lumapit sa dalawa, hindi niya ipinahalata sa ekspresyon ng kaniyang mukha ang pagkailang, tho she doubt it kung nagawa ba niya. Because she's so transparent eversince.
"What are you doing here?" Iyon ang bungad niya sa lalaki.
"Samantha! Is that your way on how to greet your visitor?" Sita ni Doña Thesa sa kaniya.
Whatever! Baka hindi bisita, baka bwisita! Sigaw ng utak ni Sam.
"Have a sit, Gareth. Magpapahanda lang ako ng maiinom," ani Doña Thesa at iniwan silang dalawa.
Prenteng umupo si Gareth sa pahabang sofa nila na naroon.
"What are you doing here?" Ulit ni Sam ang tanong niya kanina.
He smirk. "What do you think am I doing here?"
Pinaikot ni Sam ang mga mata. "Do you think na magtatanong ako, kung alam ko?" Sarkastikong balik niya lalaki na natawa ng bahagya.
She stunned. Did he just laugh? Or dinadaya lang siya ng pandinig at paningin niya. Mula kasi magkita sila ay hindi niya ito nakitang tumawa ng ganoon kahit saglit lang, he is more on smirking. Napansin ni Gareth ang pagkatigil niya at sumeryoso muli ang mukha nito.
"Kanina pa ako rito. Hinintay kitang magising at hindi kita ipinagising." Pag-iiba nito sa usapan.
"How sweet of you," hindi niya napigilang haluan ng sarcasm pa rin iyon.
"And while you were sleeping, nakipagkwentuhan muna ako kay Tita..." Pinutol ni Gareth ang ibang sasabihin nito na tila ba binibigyan siya ng dahil na magkarooon ng kuryosidad sa mga pinag-usapan ng mga ito.
And it was effective. Gusto niyang malaman ang mga pinag-usapan ng mga ito.
"Tell me kung anong pinag-usapan niyo," aniya at pinagkrus ang kamay sa dibdib, paraan na rin niya upang itago ang mga dibdib niyang walang saplot sa loob, kanina pa kasi tila sinusuyod ng tingin ni Gareth iyon. But strange, hindi siya nagagalit, mas may tila kung anong bumabangon nga sa kaloob looban niya.
For pete's sake! Ganito na ba ako katigang?! Muling sigaw na naman ng isip ni Sam.
"I won't tell you."
Inirapan niya ang lalaki at umupo sa single sofa na naroon.
"But she told me something..."
"What?" Angil niya sa lalaki dahil naiinis na siya sa mga salitang pabitin nito.
Kita niya nang dumilim ang mukha ni Gareth at tinignan siya ng matiim na tila sinusuri ang buong pagkatao niya.
"She told me that you're with this man named Drake, yesterday."
Ano ba ang nahihimigan niya sa tinig ni Gareth? Is it Jelousy? Possessive tone?
"Yeah. Ipinasyal namin si Gracie." s**t. Bakit ba siya kinakabahan sa kung anong magiging reaction ng lalaking 'to. E ano ngayon kung kasama niya si Drake?
Tumayo si Gareth habang nakapamulsa ang isang kamay at tinawid ang distansya sa pagitan nilang dalawa. He bend down, itinungkod nito ang dalawang kamay sa magkabilang arm rest ng sofa and give her that look that made her chill.
"Stop seeing that bastard," utos nito.
Nagsalubong ang kilay ni Sam.
"Who are you to stop me from seeing my friend?" Angil niyang muli sa lalaki.
Lalong nagkasalubong ang kilay ni Gareth.
"Friend?" Tumawa ng pagak si Gareth bago lumayo sa kaniya. "I doubt it," nagdududa nitong tugon.
"Ito na ang kape-" natigilan si Doña Thesa sa sasabihin nang tila makaramdam ng tension sa paligid. "Are you guys okay?" Usisa nito.
"We're not-"
"Yes, tita." Putol ni Gareth sa sasabihin sana niya.
Antipatiko!
"That's great! Gusto mo bang dito mag-almusal, Gareth?" Tanong pa ni Doña Thesa sa lalaki na ikinasimangot ni Sam. Ayaw niyang makasabay sa pag-aalmusal si Gareth.
"I'll love that," sagot ni Gareth na tila dinagdagan pa ang inis niya.
Tinawag ni Doña Thesa ang isang katulong at ipinadala sa dining area ang mga kape dahil doon na sila tutungo upang kumain.
"Sumunod kayo sa akin at sasabayan ko na rin kayo sa pag-aalmusal."
Nagpatiunang magtungo sa dining ang matanda at sumunod siya at si Gareth na alam naman niyang pinagmamasdan ang bawat hakbang niya, kaya halos magkandapalipit ang mga paa niya. Sa hapag-kainan ay halos ang dalawa lang ang nag-uusap at tila kilalang kilala ang bawat isa, samantalang siya ay nakikinig lamang. Mamaya ay tatanungin niya si Doña Thesa kung ano ang nakaraan nila ni Gareth upang magkaroon siya ng Idea. Tutal mukhang maraming alam ang madrasta niya sa nakaraan nila ni Gareth.