NANG makababa si Gareth sa kaniyang sasakyan, tahimik na pinagmasdan niya ang kabuuang hitsura ng mansion ni Don Celso. Walang gaanong nagbago doon gaya noong una siyang mapadpad sa nasabing mansion. Last na pagbisita niya yata rito ay buwan since busy siya sa kaniyang kompanya. Gusto niya tuloy mahiya kay Don Celso na kung hindi siya inimbita ay hindi niya ito mapuntahan. Malaki ang pasasalamat niya sa matandang lalaki na kumupkop sa kanila at siyang nagpaaral sa kaniya sa mamahaling unibersidad. Ang matandang lalaki ang unang naniwala sa kakayahan niya simula mapadpad sila sa maynila noon kasama ang pamilya.
Tila nagbalik pansamantala sa nakaraan ang utak ni Gareth, habang pinagmamasdan ang mansion at ang paligid nito.
"Walang silbi! Idiot!" Sigaw ng may-ari ng isang restaurant sa binatilyong si Gareth nang makabasag siya ng ilang pirasong plato na kaniyang hinuhugasan. Pumasok siyang isang dishwasher sa nasabing restaurant.
Ito ang unang trabahong pinasok ni Gareth sa manila nang umalis sa sa Sta. Rosa, dahil hindi sanay sa buhay sa syudad kaya nangangapa pa. Hindi sumagot si Gareth sa boss, dahil kapag ginawa niya iyon ay tiyak na mawawalan siya ng trabaho na ayaw niyang mangyari. Dahil umaasa sa kaniya ang kaniyang ina, kapatid at ang ama niya na nakikipagsapalaran rin.
"Ibabawas ko sa sahod mo ang mga nabasag mo!" Muling sigaw ng lalaki bago umalis sa kusina ng restaurant at lumabas sa mga taong naroon na nakangiti na tila kanina lamang ay walang puso siyang nilalait. Tiniis iyon ni Gareth hangang sa napagpasyahan na niyang mag-resign doon at namasukan naman bilang barker sa sakayan ng jeep.
Naging kargador din siya sa palengke at kung anu-ano pa ang pinasukang trabaho para maka survive lamang sa syudad ng maynila. Sa bangketa lamang sila nakatira noon, dahil mahal ang mga upa sa maynila at hindi pa nila afford. Kaya ranas na ranas niya na matulog ng nakaupo dahil sa hindi sila kasya sa higaan. Halos patayin ni Gareth ang sarili sa pagttrabaho upang makaipon at makaupa ng bahay. Nakikipagsapalaran si Gareth sa buhay, habang nilalabanan niya ang pighati sa nangyari sa kanila ng kasintahang si Samantha.
Dumating ang araw na nagkasakit si Gail, ang bunso nila, kinailangan nitong ma-confine dahil sa taas ng lagnat at todo kayod na naman sila ng kaniyang ama na nang mga panahong iyon ay nagkakasakit na rin dahil sa pagod. Si Mike, kasamahan niya sa palengke ang umeextra noon sa mansion ni Don Celso bilang tigalinis ng swimming pool at ng mga sasakyan ni Don Celso at isinama siya nito. Doon niya nakilala ang matanda.
Malaki magpasahod si Don Celso kahit kakaunti lamang ang ipapagawa, hangang sa nalaman ng matanda ang buhay niya dahil sa madaldal na si Mike. Siguro naawa sa kaniya ang matanda at tinulungan siya nito sa bayarin sa hospital ng kaniyang kapatid, inalok din siya nito ng trabaho- ang magbantay sa rancho nito sa batangas at maari niyang isama ang mga magulang doon. Bale sila ang naging care taker ng rancho nito sa batangas, at lubos na nagpasalamat si Gareth doon. May asawa ang matanda pero maaga itong binawi ng taas, hindi rin ito nagkaanak sa asawa, pero may anak-anakan ito na Cherry ang pangalan.
Doon din nagsimulang nakita ni Don Celso ang galing ni Gareth sa pangangalaga ng rancho, at sa mga hayop na naroon, dahil na rin sa karanasan niya sa pangangalaga ng Hacienda Walton. Hangang sa siya na ang naging kanan kamay ni Don Celso at mas naging malapit ito sa kaniya at sa pamilya niya. Alam din ni Don Celso ang nakaraan niya sa pag-ibig at hindi niya iyon nagawang ilihim. Ipinag-aral siya ng matanda sa kilalang unibersidad dahil nasasayangan ito sa talino niya kung hindi malilinang. Pero hindi kaya ni Gareth na makuha ang lahat bilang libre, nakipagkasundo siya sa matanda na pagtatrabahuan niya ang pagpapaaral nito sa kaniya.
Mag-aaral siya tuwing gabi at sa umaga ay sa rancho siya at magttrabaho, ganoon ang naging set up niya noon. Pinaghirapan niya ang lahat. Hangang sa ito na nga siya ngayon, bunga ng pagpupursige, sipag at talino.
"A penny for your thoughts?"
Kahit hindi lingunin ni Gareth ang nagsalita, alam na niya kung sino iyon. Si Cherry.
"Kanina ka pa hinihintay ni Don Celso," imporma nito at lumapit sa kaniya.
Nilingon niya ang babae. She's wearing a simple white dress. Cherry was tall, with a smooth morena skin, a long black hair and she has this always smile on her face. She's exotically beautiful, but not the beauty he preferred.
"Where is he?"
"Pool area," anitong nakangiti sa kaniya. Pero gaya ng dati, hindi na niya pinansin ito. Ngunit kung iisipin, sa mga nakalipas na pinagdaanan niya ay naroon si Cherry. Lalo na noong mga panahong nagsisilbi pa lamang siya sa rancho ni Don Celso. Nakakatawa, pero naging iyakan, sandalan at takbuhan niya noon ang dalaga. Nagbago nga lang ang lahat sa kanila noong...
"Sungit."
Dinig pa niyang sinabi ni Cherry bago siya makalayo. Dumiretso siya sa pool area kung saan inabutan niya si Don Celso na komportableng nakaupo sa white bench na naroon habang sumisimsim sa orange juice sa basong hawak nito.
"How are you, old man?" Bati niya sa matanda na nagliwanag ang mukha pagkakita sa kaniya.
"Oh, you're here, Gareth. Here have some juice," alok nito sa kaniya sa masayang tinig. "I told Cherry to call you," dagdag nito.
Umupo si Gareth sa isa pang pahabang bench na nasa kaharap ng matanda at ipinagsalin ang sarili ng juice sa extrang basong naroon.
"I'm sorry for not visiting you these past few months..."
"I know you're a busy person now, Gareth. I do understand that." Patango-tangong tugon ng matanda.
Gareth felt guilty for not visiting the kind old man, medyo naokupa ng trabaho ang kaniyang utak netong mga nakaraan. Nagsimula silang magkuwentuhan ng matanda ng kung anu-anong bagay. Hangang sa umabot sila sa tanungan ng kung anu-ano.
"Why don't you find wife, old man?"
Isang halakhak ang itinugon ng matanda sa tanong ni Gareth.
"Lipas na ako sa pag-ibig, Gareth. Hindi ko na kakayanin pa," anito na natatawa pa.
"Hindi ka na nagmahal ulit matapos mawala ang asawa mo?" Hindi alam ni Gareth kung bakit bigla niyang naisipang itanong iyon sa matanda.
Natigilan si Don Celso na tila may kung anong naisip mula sa nakaraan.
"Oh, I did. I proposed to her too, but she refused."
"Refused?"
"Yeah. Tinanggihan niya ang alok kong kasal, dahil sa mas nakakita siya ng mas mayaman sa akin that time."
"That's f*****g hurt. Hindi nalalayo sa pinagdaanan ko. Sam chosed a wealthy man over me. But anyway, did you love that woman? "
"I think so. Buong akala ko, nang mawala ang asawa ko ay hindi na ako magmamahal pa, peri napukaw ng babaeng byuda rin katulad ko ang aking puso. 'Yun nga lang at mas sumama siya sa mas mayaman na byudo. Simula noon ay kinatamaran ko na ang magpukaw ng pansin sa usaping pag-ibig. I'm okay with my life now, Gareth."
Ramdam ni Gareth ang sinsero sa tinig ng matanda na tila kuntento na nga ito sa buhay nito ngayon.
"How about you, Gareth? Did you move on? "
Nagkatitigan sila ng matanda, nag-isip si Gareth kung sasabihin ba niya ang plano niya kay Sam. Pero sa huli ay sinabi rin niya upang mahingi ang opinyon nito.