CHAPTER THIRTEEN

1089 Words
"MOMMY, wake up. Mommy..." Marahang iminulat ni Sam ang mga mata nang marinig ang munting tinig ng kaniyang anak. Nabungaran niya itong nakatunghay sa kaniya, habang nakangiti ng malambing. Awtomatikong napangiti si Sam at niyakap ang paslit. "Good Morning, my princess..." bulong niya rito. Kumalas sa kaniya ang anak at pagkatapos ay ginawaran siya nito ng halik sa pisngi. "Mmy, it's sunday, can you take me out?" Paglalambing nito. Oo nga pala, linggo ngayon at karaniwang tuwing linggo ay ipinapasyal niya ang anak. Tho, marami sana siyang gagawin ngayo kahit linggo, pagbibigyan na lang muna niya ang kaniyang anak. "Sure. But first, let's have some breakfast." Tumayo siya at nagtungo sa kaniyang banyo upang maghilamos ng mukha. Nakasunod lamang si Graciella na sadyang pinapanood ang bawat kilos niya. Palihim na lamang na napapangiti si Sam. "Mommy, Can I have a dad?" Halos malunok ni Sam ang kasalukuyang mouthwash sa kaniyang bibig dahil sa tinuran ng kaniyang anak. Gustong mainis ni Sam sa sarili nang biglang naglaro sa kaniyang imahe si Gareth. Iniluwa niya ang nasa bibig at hinarap ang anak. "But you have a dad. It's Daddy Jenner, sweety," aniya rito na natatawa. Napakainosente ng kaniyang anak sa bawat sinasabi nito. "But he is not here na, mommy. You told me, Daddy Jenner is in heaven na. I want another daddy to play with," she innocently said to her. Hinaplos-haplos ni Sam ang buhok ng anak at naaawang pinagmasdan ito. Tila uhaw ito sa pagmamahal ng isang ama. Hindi niya alam paano ipapaliwanag kay Graciella ang mga bagay-bagay. "Okay, magkakaroon ka ng bagong daddy if you behave yourself lagi. Is it a deal?" Mabilis na tumango-tango si Graciella at ngiting-ngiti ito. Akala yata ng anak niya ay ganoon kadali maghanap ng tatay. Sa hindi malamang dahilan, bigla na lamang lumusot na naman sa kaniyang imahinasyon si Gareth. Pumikit siya at ipinilig ang ulo. "No! No! No!" Aniya habang panay iling niya. "Mommy, are you okay?" Untag ng bata sa kaniya na daglian niyang ikinatigil. Oo nga pala at nasa harapan niya ang anak. Baka isipin nito na nasisiraan na siya ng bait dahil sa mga iginagawi niya. "I'm okay. Tara na nga at bumaba na tayo." Kinuha niya ang kamay ng anak at lumabas na sila sa silid. Pagbaba nila ay may mga nakahanda ng almusal sa mesa at nadatnan pa nga nila doon si Carmela na nag-aalmusal. "Good morning!" Bati nito sa kanilang dalawa ni Graciella na ginantihan niya ng simpleng ngiti. Pinaghila niya ng upuan ang anak at pagkaraan ay umupo siya sa tabi nito. "Nasaan si Tita?" Usisa niya kay Carmela. "She's still sleeping," sagot naman nito habang busy sa pag-nguya. Napatango na lamang siya at inasikaso na ang pagkain nilang dalawa ni Graciella. "Siya nga pala, Sam. Baka may extra money ka diyan? May bibilhin lang sana ako," ani Carmela na ikinatigil ni Sam. "Bakit? Hindi ka ba binibigyan ni Tita? Kakabigay ko lamang sa kaniya last week." "Hindi man," anito habang nakatingin sa cellphone at tila may ka-chat. Iniisip ni Sam kung paano ba niya tatangihan si Carmela sa hinihingi nito. Sobrang naghihigpit siya sa pera ngayon. Inalok naman niya ng trabaho ito sa kompanya noon, ngunit ayaw nito dahil hindi pa raw ito handa. "May maibibigay ka ba, Sam?" Untag ni Carmela sa kaniya nang natahimik siya. Siguro oras na para sabihin sa dalawa na hindi na maganda ang katayuan ng kompanya. Baka sakaling matulungan siya ng mga ito kahit sa pagtitipid muna. "Sige. Ayos na ba ang sampung libo?" Iyon lang kasi ang kaya muna niyang i-offer. Pagbibigyan na niya si Carmela since iyon na ang huli bago niya ipagtapat sa dalawa ang kalagayan talaga ng kompanya. Tila naliliitan pa si Carmela sa ibibigay niya, base sa reaction ng mukha nito. Hindi naman niya ito masisisi dahil dati ay malalaki talaga ang mga ibinibigay niya. Iba na kasi ngayon. "Sige, okay na 'yan." Sanay na siya na hindi mahilig magpasalamat ang babae sa lahat ng mga binibigay niya. Ayos lang naman sa kaniya iyon, pero ngayon niya naisip na ganoon ba kahirap kay Carmela ang magsabi ng 'salamat'? "Mommy, I want that too," agaw ni Gracie sa atensyon niya at nakita niyang itinuturo nito ang nuggets na agad naman niyang ibinigay sa anak. Hangang sa makaalis sa hapag-kainan si Carmela ay wala siyang narinig na pasasalamat talaga rito. Dati naman ay hindi niya pinapansin ang mga bagay na iyon, ngayong mga nakaraang araw ay nagiging emosyonal at sensitive siya. Dala marahil ng stress. Matapos nilang kumain ay pinaliguan na niya ang anak, bago siya maligo. At nang makagayak na sila ay umalis na rin sila ni Gracie. Kailangan niyang alisin ang anumang mga problema sa kaniyang isipan dahil kasama niya ang anak at nais niyang ibigay ang buong atensyon dito. Paglabas ng kotse nila sa kanilang gate at tsaka naman nila nakita ang sasakyan ni Drake. Ibinaba ni Sam ang bintana nang tumapat sa kotse ng lalaki ang kotse niya. "Hi, Drake. Napadaan ka?" Aniya habang tinatanggal ang suot na shade. "May lakad ka?" Usisa nito na malawak ang ngiti sa labi. "Yes. Kasama ko si Graciella." Nilingon niya ang anak na nasa back seat. "Say hi to Tito Drake," aniya sa anak. "Hi po!" Anito na sumilip sa bintana. "Hi, little one. Iinvite sana kita na mamasyal pero may mahalagang lakad yata kayo," anito na tila biglang nalungkot. "Sorry, it's Gracie's time kasi. Bumabawi ako sa kaniya," aniya sa lalaki na napatango-tango. "Can I join you, then?" Napaisip si Sam at napagtanto niyang wala namang masama. "Sure!" Aniya sa lalaking biglaang nagliwanag ang mukha. Napagdesisyonan nila na kotse na lamang ni Drake ang sasakyan nila. Una sila sa mall para mapasyal at makapaglaro su Graciella. Pagkatapos ay kakain sa labas at mamasyal muli. Kita niya ang excitement sa mukha ng kaniyang anak at para kay Sam ay sapat na iyon. Masayang nagbobolahan sa byahe su Graciella at Drake na animo ay sila lamang dalawa nang mga sandaling iyon. Palihim na lamang nangingiti si Sam dahil sa totoo lang ay mula sa umpisa ay napakabait na ni Drake sa kaniyang anak. Kung kayang si Drake na lamang ang pakasalan niya since close ito ni Graciella at matagal naman ng nagpaparamdam ang lalaki sa kaniya? Ngunit malaking pagtutol ang isinigaw ng puso niya at nakita na naman niya sa kaniyang isipan ang image ni Gareth. Napapikit na naman ng mariin si Sam upang burahin sa isipan si Gareth. Ano ba ang nangyayari sa akin? Bakit ba binubulabog ng lalaking iyon ang pagkatao ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD