"GARETH!" napabalikwas ng bangon si Sam dahil sa bangungot na dumalaw sa kaniya. Habol niya ang hininga at pinagpapawisan kahit pa bukas naman ang aircon sa silid. Biglang namalisbis ang mga luha niya. Sa lahat ng mga naging panaginip niya ay 'yon na ang pinakamalinaw at detalyado. Napangiwi at bahagya siyang napaigik nang maramdaman ang biglaang pagsakit ng kaniyang ulo. Tipo ng sakit na gusto niyang sumigaw at iuntog iyon sa pader. Muli siyang nahiga at ipinikit ang mga mata, pinakalma ang sarili. Unti-unti nang nabibigyan ng linaw ang lahat ng pinagdaanan niya, ang nakaraan niya. Unti-unti na bang bumabalik ang ala-ala niya? Bakit hindi pa minsanan? Bakit kailangan pa siyang dahan-dahanin? Bakit hindi pa bumalik ang lahat upang mabigyan na ng kasagutan ang mga tanong niyang napakara

