AGAD din natapos ni Sam ang mga ipinagawa sa kaniya ni Gareth. At dahil wala na siyang gagawin, naisipan na lamang niyang maglinis na din sa loob ng opisina ng lalaki habang hinihintay ang oras ng pag-out niya. Hindi na rin niya mahihintay si Gareth, dahil mukhang hindi na ito babalik ng opisina pa, ni hindi nga nito tinupad ang sinabi nitong babalik ito matapos ang isang oras. Patapos na siya sa paglilinis nang tumunog ang kaniyang cellphone, tanda na may nagpadala ng mensahe sa kaniya. Kinuha niya ang cellphone na nasa kaniyang shoulder bag at tinignan kung sino ang nag-text. It was Drake. Nakaramdam siya ng kaunting excitement na may halong saya nang makita ang pangalan ng lalaki, ang tagal nitong hindi nagparamdam sa kaniya. Binasa niya ang text at ang nakasaad doon ay nakikipagkita a

