"YOU'RE here. May kailangan ka ba?" Iyon ang nasambit ni Gareth sa bagong dating na si Cherry. Nasa opisina pa siya nang mga oras na 'yon at sinadya talagang mag over time upang tapusin ang dapat niyang tapusin. Hindi lang niya inaasahan ngayon ay pagsulpot ng dalaga sa kaniyang opisina. Mag-isa na lang siya doon at hindi na niya naabutan si Sam, ang sabi ni Ms. Valdos ay umuwi na raw ito. Isang simpleng ngiti ang pinakawalan ni Cherry bago umupo sa upuan sa harap ng table ni Gareth. "May sinend ako sa'yo," anito kay Gareth at sabay nguso sa cellphone ng lalaki na nasa taas lamang ng table. Nagsalubong ang kilay ni Gareth at curious na dinampot ang cellphone. "What is it?" "See it for your self, Gareth..." May kung anong nais ipakahulugan ang mga titig at simpleng ngiti nito. Gan

