CHAPTER FOURTY EIGHT

1270 Words

"WHERE have you been?" Iyon ang mga tanong na bumungad kay Sam pagpasok niya sa silid nila ni Gareth. Hindi nga niya alam kung paano sasagutin ang tanong nito. Alas-otso na 'yon ng gabi at talagang sinadya niyang magtagal sa parke na kaniyang pinagtambayan. Naglakad siya patungo sa bedside table na tila wala siyang narinig at inilapag doon ang naka paper bag na pinamili niya. Si Gareth naman ay nasa sofa at prenteng nakaupo roon habang pinagmamasdan ang bawat galaw niya. Kapag ganoon ang mga titig nito ay nakakaramdam ng kaba ang babae dahil alam naman na niya saan tutungo 'yon. Sa away. Hindi kaya'y nalaman ni Gareth na nagkita sila ni Drake? Pasimple siyang napailing, hindi malalaman iyon ni Gareth dahil wala naman magsasabi n'on dito. "Saan ka galing?" Ulit ni Gareth sa tanong. Sa p

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD