GAIL'S POV
"ANOTHER lemon drop martini, please," ani Gail sa bartender na nasa harapan niya. Prente siyang nakaupo sa stool at nakapangalumbaba sa counter habang hinihintay ang ladies drink na nais niya.
Medyo halu-halo na ang nainom niyang alak, kaya mapapansin na ang pagkakaroon niya ng tama. Tanging pag-inom sa exclusive bar na 'yon ang nagiging karamay ni Gail noon pa man, sa tuwing kinakain siya ng galit, inis, problema o inis. Kagaya ngayon, naroon siya dahil sa hindi nila pagkakaunawan ng kaniyang Kuya Gareth simula dumating ang Samantha na 'yon. Sabagay, naroon man si Samantha o wala, lagi pa rin silang nagtatalo ng kaniyang kapatid. Sobrang ang laki na talaga ng ipinagbago ng relasyon nilang magkapatid. Kung dati ay sobrang close nila at halos nasasabi niya lahat sa kuya niya, at kung dati ay laging present si Gareth sa mga ganap niya sa buhay, ngayon ay wala na 'yon. Nilalamon ng kompanya ang oras ng kapatid niya at hindi napapansin iyon ni Gareth.
Darn! Sobrang kinamumuhian niya talaga si Samantha, ito ang puno't dulo ng lahat ng pagbabago ng kaniyang kapatid. Hinding-hindi niya makalimutan ang ginawa nito sa kaniya kuya niya. Nang dahil kay Samantha, maraming nagbago sa kuya niya, malayong-malayo na ito sa kapatid niya noon. She hated the way how her brother changed. He no longer the gentle, jolly and soft Gareth she knew. Sam turned him into someone na hindi na nila makilala. Malamig, matigas, distant at aloof. Kaya dahil doon ay mas lumago ang galit niya patungkol sa babae. At ngayon muling bumalik ito sa buhay nila? For what? Hindi pa ba sapat ang ginawa nitong paninira sa buhay nila noon? Nag-init ang sulok ng mga mata ng dalaga, pero pinigilan niyang maiyak. Hindi dapat. Hindi na dapat niya iyakan ng paulit-ulit ang bagay na iyon.
Dahil sa gigil ay in-straight lang niya ang bagong bigay na inumin. Miss na miss na niya ang kuya niya. Ang ngiti nito, ang halakhak nito at ang kwentuhan nila noon na tumatagal ng ilang oras sa munting balkonahe ng kubo nila sa Sta. Rosa. Pero ngayon ay wala na 'yon. Mabuti pa yata noong mahirap sila, pero masaya at ramdam nila ang presensya ng Kuya Gareth niya. Hindi tulad ngayon, mayaman nga pero malungkot.
"Hi."
Mabilis na napalingon si Gail sa nagsalita at natantong siya nga ang kinakausap ng lalaki. Maputi, matangkad at may pagkasingkit. Matikas din ang pangangatawan at tindig nito na mabilis niyang nahagod ng tingin. Mukha itong mabait at mabango. Pero ganoon pa man ay umandar ang pagkamataray ni Gail, inismiran niya ito.
"I'm Ren," sabi pa rin ng lalaki na tumabi pa sa kaniya ngunit may distansya naman. Hindi nito inaalis ang tingin sa mukha ng dalaga.
"Hindi ko tinatanong," masungit na sabi pa rin ni Gail na hindi na nag-abalang tinignan ang lalaki at sa basong nasa harapan lamang nakatitig.
"What is your name? Mag-isa ka lang ba tonight?" Pangungulit pa rin ng lalaki.
"Mukha ba akong may kasama?"
"Bakit ang sungit mo? Gusto ko lang makipagkaibigan."
Hindi pa rin tinitignan ni Gail ang lalaki. "Marami na akong kaibigan. I don't need one."
"What about, Ka-i-bi-gan?" May panunudyo sa boses ng lalaki.
Marahas na napatingin si Gail kay Ren na nang makita niya ay ang lawak ng ngiti nito na mas lalong nagpatingkad sa taglay nitong kagwapuhan. Lihim siyang napalunok. Ngayon lang yata siya sa na speechless sa harap ng isang lalaki, o baka lasing lang siya? Tama. Dala lang marahil ng alak na nainom kung bakit ganoon ang epekto ng lalaki sa kaniya.
"So, hindi mo kailangan ng kaibigan, ang kailangan mo pala ay ka-i-bi-gan? I see." Nakakalokong sabi pa nito.
"Shut up. Wala akong sinasabi. Leave me alone, whoever you are!"
Pero ni hindi man natakot ang lalaki sa ipinapakita niyang pagtataray. Bagkus ay humila pa ito ng isang stool at umupo pa roon paharap sa kaniya. Amoy na amoy niya ang pabango ng lalaki at ayaw man niyang aminin, nakakaakit iyon. This man has good taste in perfumes. Hindi masakit at masangsang sa pang-amoy.
"What if, tell me your name?"
"Kapag ba sinabi ko ang pangalan ko, aalis ka na?"
Ngumiti ng makahulugan ang binata. "Depende kung totoong pangalan ang sasabihin mo."
"Paano mo malalaman kung totoo o hindi ang sasabihin kong pangalan?" Sabay taas ng kanang kilay.
Muling ngumiti si Ren. There is something on his smile and eyes. "Basta alam ko lang. Try me."
Natigilan si Gail. Sasabihin ba niya ang totoo niyang pangalan?
"I'm Cheska."
Tumaas ang isang kilay ng lalaki. "Hindi mukhang cheska ang pangalan mo."
Muling natigilan ang dalaga. At mukhang hindi niya makukumbinsi ito na Cheska ang pangalan niya base na rin sa makulit nitong pag-uugali.
"Fine!" Pagsuko niya. "I'm Gail, happy? Alis na." Wala naman mawawala kung sinabi niya ang pangalan niya sa lalaki, since iyon naman na ang una at huli nilang pagkikita.
Ngumiti ng malawak si Ren. "Nice to meet you, Gail. Hangang sa muli, paalam."
At talagang umalis nga ang lalaki.
Natawa si Gail nang makaalis ang lalaki, bakit parang narinig niya na ginaya pa ni Ren ang boses ni Gokou sa sinasabi nito noon kapag tapos na ang Dragon ball. Pero infairness, bakit pakiramdam niya ay gumaan ang pakiramdam niya sa panandaliang may kumausap sa kaniya na ganoon ang awra. Siguro ay nahawa lang siya sa goodvibes ng ngiti ng lalaki at 'yun lang 'yon.
Magkikita pa kaya ulit kami?
Hindi alam ni Gail kung bakit niya naitanong iyon sa sarili niya. Pero sa tingin niya ay malabong mangyari iyon. Matagal na siyang customer ng bar na 'yon at ngayon lang niya nakita ang pagmumukha ng Ren na 'yon, marahil ay naligaw lang ito doon. Iginala niya ang paningin sa paligid at hindi na mahagilap ng kaniyang mga mata ang lalaki. Talagang umalis na ito.
Napabuntong-hininga siya at muling ibinaling ang pansin sa alak ang pansin. Magpapakalasing siya, pero siempre bago 'yon, sinend niya ang location niya sa kaniyang close friend na babae, at alam na nito ang ibig sabihin nun. Ito ang mag uuwi sa kaniya sa bahay nila, dahil mamaya ay lantang gulay na siya sa sobrang kalasingan.
At alam niyang ikagagalit iyon ng kaniyang Kuya Gareth...