CHAPTER TWENTY-THREE

1079 Words
TAHIMIK na nakatayo si Gareth sa gilid ng kama nila ni Sam, habang malaya nitong pinagmamasdan ang kagandahan ng asawa na nasa kahimbingan na ng tulog. Tanging ang kaunting liwanag na nanggagaling sa lampshade ang tumatanglaw sa mukha ng babae, ganoon pa man ay hindi naging dahilan iyon upang hindi maaninag ni Gareth ang mala anghel na mukha nito. Hindi akalain ni Gareth na muli niyang makakapiling ito at magiging asawa pa. Hindi niya akalain na nasa kamay na niya ang babaeng nagwasak ng buong pagkatao niya. Ganoon kalaki ang naging impact ng ginawa ni Sam noon sa kaniya, kaya hangang ngayon, lumipas man ang maraming taon ay hindi naghilom ang mga sugat na gawa nito. He could have hurt her, but he couldn't. May kung anong pumipigil sa kaniya. Takot siyang lumambot muli at mahulog muli sa asawa. No. Hindi niya hahayaan ang sarili niya na muling mabaliw sa babaeng nasa harapan niya. Lumakad siya papalapit kay Sam at umupo sa gilid ng kama, tangka niyang hahaplusin sana ang mukha nito pero nabitin sa ere ang kamay at napailing. Muli niyang binawi iyon. No. Hindi ako dapat makaramdam ng kahit ano kay Sam. Paghihiganti ang nais ko at hindi ang muling hayaan ang aking sarili na muling umibig sa kaniya... Biglang nag-flashback sa kaniya ang huling pag-uusap nila ni Don Celso nang sabihin niya rito ang planong pagpapakasal kay Sam. "You mean, tutulungan mo siyang muling makabangon ang kompanya nila?" Nagtatakang tanong ni Don Celso kay Gareth. Marahang tumango si Gareth. "Yes." "At ang pagpapakasal niya sa'yo ang kapalit? Bakit parang ang dating sa akin ay tutulungan mo siyang ibangon ang Walton shipping company dahil gusto mo talaga, pagkaalala ko kasi sa kwento mo ay mahal na mahal ito ng namayapang si Don Walton at ang matandang iyon ay naging napakabuti sa'yo noon, tama ba ako?" Hindi nakakibo si Gareth. Tumawa si Don Celso. "I'm just kidding, hijo. Getting revenge by marrying her, ummm..." Hinimas-himas ng matanda ang baba at tila nag-isip ng malalim. "Sigurado ka na ba sa gagawin mo, hijo? Delikado ang mga binabalak mo at maaring ikaw ang mabalikan ng mga plano mo," anang matanda. "You will help their company recover, ofcourse I am sure of that, Gareth. And about the marriage," tinignan siya ng matanda. "Maari rin na muli kang umibig sa kaniya at imbes na makapaghiganti ka, you will end up falling in love with her again. 'yun ay kung totoo nga bang wala ka ng nararamdaman sa kaniya?" Tumiim ang bagang ni Gareth. " Ang pagmamahal na mayroon ako kay Sam ay nawala na sa araw na iniwan niya ako sa harap ng altar. Kaya hindi mangyayari ang sinasabi mong muli akong mahuhulog sa kaniya Don Celso. Galit, iyon na lamang ang mayroon ako patungkol sa kaniya. Matagal kong hinintay ang pagkakataong ito at hindi ko hahayaang ako mismo ang sumira sa plano ko." Naikuyom ni Gareth ang kamao nang maalala ng kahiya-hiyang tagpo noon sa simbahan at ang mga hirap na naranasan niya matapos silang paalisin sa Sta. Rosa. "Kung ganoon ay gawin mo kung ano ang magpapagaan sa puso mo, hijo. Pero ito ang tandaan mo, kailanman ay hindi naging matamis ang paghihiganti." At makahulugang ngumiti si Don Celso. "At kayang ikubli ng galit ang pagmamahal, at kapag nawala na ang galit, ummm..." Napailing na lamang si Gareth sa sinasabi ng matanda. That old man. Masyadong matinik at nalaman ang totoong dahilan niya sa pagtulong niya kay Sam na muling maibangon ang kompanya ng mga ito. Don Celso is right, he did that because of the late Don Samon Walton na naging mabuti at itinuring siyang anak, at iyon na lang ang maigaganti niya sa kabuti'an nito sa kaniya noon. Ang manatili sa mga Walton ang shipping company. Ginamit lamang niyang dahilan iyon upang agarang makumbinsi si Sam na pakasalan siya and it was effective. Muli niyang tinitigan ang asawa. Paano nga ba niya maibabalik kay Sam ang lahat ng sakit na dulot nito? Paano niya maipaparamdam ang galit niya sa babae gayong wala itong maalala? Ano ba ang dapat gawin niya upang maalala siya ni Sam? Upang maalala nito kung paano siya nito iniwan sa araw ng kanilang kasal at sumama kay Jener? Naikuyom ni Gareth ang kamao, naroon na naman ang matinding kudlit ng pait at sakit mula sa nakaraan. "Gareth..." Nagsalubong ang kilay niya nang marinig ang mahinang ungol ni Sam sa pangalan niya. May kung anong biglang boltahe ng kuryente ang dumaloy sa kalamnan niya patungo sa kaibuturan ng kaniyang p*********i. "Ahhh, Gareth..." muling ungol ni Sam sa mas sensual na tinig. "Damn!" Mahinang mura ni Gareth nang maramdamang nag-react ang kaniyang p*********i. "Don't tell me you're dreaming about me, having s*x with you?" mahinang usal ni Gareth habang nakatitig sa asawa. Oh, s**t. Kung hindi lang niya pinipigilan ang sarili niya, he could have jump on that bed at gawing realidad nito ang kung ano mang nasa panaginip ng babae, pero kung ginawa niya 'yon, para na rin niyang sinira ang mga plano niya. He promised himselft not to touch her. Para na rin niyang ginawang tiga kain ng tira ng bastardong Jener na 'yon ang kaniyang sarili kapag ginawa niya iyon. Bago pa sumabog si Gareth ay lumabas na siya ng silid at sa pagbaba niya ay nakarinig siya ng tila komusyon sa may labas ng main door. "Dyaskeng bata ka! Bakit ka ba ganiyan at kababaeng tao mo pa naman!" Boses iyon ng kaniyang ina. Kunot noo siyang naglakad patungo doon at mas lalong nagkasalubong ang kilay niya nang makita kung paano pagtulungan ng mama niya at ni Aleena ang pagbuhat kay Gail na wala na yatang malay dahil sa sobrang kalasingan. "What happened to her?" Seryosong tanong niya na ikinagulat ng dalawa. Nagkatinginan pa si Alee at Aling Estrella. "Wala ito, anak. Kami na ang bahala ni Alee kay Gail, sige na at pumasok ka na ulit." Pero hindi niya pinansin ang sinabi ng kaniyang ina. Dumiretso siya sa mga ito at binuhat si Gail. Pagkaraan ay tinignan si Aleena. "She's doing it all over again. Ginawa ka niyang alalay na tigahatid niya sa tuwing nalalasing siya. And I don't like it, Alee. From now on, stop talking to her until I say so. She will be grounded, too." Iyon lamang at ipinasok na niya ang kapatid. Masyado yata siyang naging maluwag kay Gail kaya naging brat at parang rebelde ito. Dapat na niyang putulin ang sungay ng kapatid habang maaga pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD