CHAPTER TWENTY-NINE

1208 Words
"MAUNA ka na, hindi ako sasabay," ani Sam kay Gareth nang mag-aya ng umuwi ang lalaki nang hapon. Salubong ang kilay ni Gareth na nagtanong, "Why? Ayaw mo akong kasabay?" Kinuha ni Sam ang bag at muling hinarap ang asawa. "Pupuntahan ko si Graciella," simpleng sagot niya at nilampasan na ang asawa. "I'll go with you," mabilis na wika ng lalaki na nagpatigil kay Sam. "Sure ka?" Paninigurado pa ni Sam sa kausap. Seryosong tumango si Gareth at nagpatiuna nang maglakad palabas ng opisina nito. Humabol na lang si Sam at nadaanan pa nga niya ang sekretarya ni Gareth na pasimpleng nakatingin sa kaniya na. Si Butler Andy ang nag-drive para sa kanila patungo sa mansion ng mga Walton. Madilim na nang makarating sila doon at agad siyang pumasok sa loob ng mansion at hinayaan na lamang si Gareth kung susunod ito sa loob o magpapaiwan sa labas. Agad siyang nagtungo sa taas, sa silid ni Graciella. Siyempre ay lagi siyang sabik na makita ang anak niya. "Hun," aniya kasabay ng pagbukas ng pintuan ng silid. Malawak ang ngiti ni Sam nang bumungad sa loob. Nasa kama si Graciella at tila malungkot ito, at nang makita siya ay bigla na lamang itong tumakbo sa kaniya at yumakap at ang mas ikinagulat niya ay ang pag-iyak nito ng mahina. Nataranta si Sam at nawala ang ngiti sa labi na kanina lang ay nakapagkit doon. Lumuhod siya sa may sahig upang makita ang mukha ni Gracie na basa ng luha. "What happened? Why are you crying?" Nag-aalala niyang tanong sa anak. Lalong humikbi ang paslit. "Mommy, I don't like it here. I want to come with you, please..." Hayun na naman ang pakiramdam na para bang sinasakmal ang puso ni Sam dahil sa hitsura ng anak. Napakabata pa talaga nito upang malayo sa kaniya. Hinaplos niya ang buhok nito at dinantayan ng masuyong halik sa noo, iyon lamang muna ang kaya niyang isagot sa kagustuhan ng kaniyang anak na sumama sa kaniya. "Ano ba ang nangyari? Bakit bigla ka na lang umiiyak? Namiss mo ba ang mommy?" Banayad niyang usisa sa anak. Hindi pa nakakasagot ang anak ay biglang pumasok sa silid si Toneth at nagulat pa nang makita siya. "Nariyan na po pala kayo, ate." Napansin niya ang tila pagka aligaga ni Toneth, kaya nakaramdam si Sam ng hindi tama. Marahan siyang tumayo at hinarap ang yaya ni Gracie. "May problema ba Toneth?" Hindi agad nakasagot ang dalaga, pagkaraan ay hindi na rin natiis at nagsalita, "E, ate. Si Doña Thesa po kasi ay pinagalitan si Gracie..." Nangunot ang noo ni Sam. "Kailan?" "Kaninang alas kwatro lang po ng hapon, ate." Doon niya napagtanto kung bakit biglang umiyak si Gracie nang makita siya at sinabi ang mga bagay na 'yon sa kaniya kanina. "Bakit niya pinagalitan si Gracie?" Kalmado niyang usisa kay Toneth. Ayaw niyang maging bias. Baka kasi may nagawa ang anak niya kaya iyon nagawa ni Doña Thesa at napagsabihan lamang ang bata. "Nakabasag po kasi ng flower vase na koleksyon niya si Gracie," paliwanag ni Toneth. "Kaya naman pala." Nasapo niya ang ulo at tinignan ang anak na tahimik lang. "Kaso, ate, hindi lang siya pinagalitan. Napalo at nakurot din niya si Gracie," dagdag ni Toneth na nagpagulantang kay Sam. "Anong sinabi mo? Nasaktan niya si Gracie? " Medyo napataas ang boses ni Sam sa parteng 'yon. Tumango si Toneth at biglang nilapitan ang bata, itinaas ang manggas ng damit nito at ipinakita ang pasa na mula sa kurot ni Doña Thesa, palibhasa maputi ang anak niya kaya kitang-kita iyon. Parang biglang binuhusan ng malamig na tubig si Sam sa nakita. Siya na ina ni Gracie ay hindi niya kailanman sinaktan o pinalo ang anak niya at lagi lamang itong kinakausap ng masinsinan sa tuwing nagpapasaway. Kaya hindi matanggap ng sistema niya ang nagawa ni Doña Thesa. Binalingan niya ang anak. "Totoo bang sinaktan ka ni Mami la?" Marahan niyang tanong sa paslit. Tumango si Gracie na mangiyak-ngiyak pa. "It hurts, mommy. I don't like it here, I don't like mami la. She looks like a monster when she's angry." Huminga ng malalim si Sam upang kalmahin ang sarili at pagkaraan ay hinila niya sa kamay ang anak at lumabas sila sa silid. Hindi niya maaring palampasin ang nangyaring ito, baka kapag hinayaan niya ay masanay na ang madrasta niya na saktan ang anak niya na walang kamuwang-muwang at ayaw niya 'yong mangyari. "Sam, ikaw na bata ka, bakit hindi mo naman pinapasok si Gareth at iniwan mo sa sasakyan." Pababa pa lamang sila sa hagdan ay iyon na ang salubong ni Doña Thesa sa kaniya, kasama nito si Gareth at Carmela at nakaupo ang mga ito sa sofa. Walang kangiti-ngiti si Sam hangang sa makababa sa huling baitang ng hagdan at naglakad palapit sa mga tao sa sala. "Maari ho ba tayong mag-usap sa library, tita?" Seryosong turan niya sa ginang. Kahit pa galit na siya rito ay hindi naman niya nais ipahiya ito sa harap nina Gareth. Nangunot ang noo ni Doña Thesa. "Tungkol saan? Bakit hindi mo na lamang sabihin dito ang nais mo, hija. Nakakahiya naman kung iiwanan natin si Gareth dito." Ngiting-ngiti pang sabi ng ginang. "Sigurado ho kayo?" "Aba, oo. Ano baga iyon?" Huminga siya ng malalim. Naramdaman niyang nagtago sa likod niya si Gracie na animo natunugan ang magaganap. "Bakit niyo ho sinaktan ang anak ko?" Matigas niyang tanong dito. Kita niya kung paano ito magulat, ganoon din ang reaction ni Gareth at Carmela. "Ano? Hindi ko sinaktan si Gracie. Napagsabihan, oo. Teka sino bang nagsabi na sinaktan ko siya? Iyan' si Toneth ba?" Galit na baling pa nito sa yaya ni Gracie. "Huwag niyo na hong itanggi pa. Atsaka huwag niyo na po idamay si Toneth at ginagawa lang niya ang trabaho niya." Ang pinaka ayaw niya ay 'yong huli na ang isang tao sa kasalanan nito, pero itinatanggi pa. "Bakit mo pinagbibintangan si mommy?" Ani Carmela sa mataray na boses at napatayo. Binalingan ito ni Sam. "Hindi ikaw ang kinakausap ko, kaya huwag kang sumabat," aniya sa babae na nagulat sa kakaibang ugaling ipinapakita niya nang mga sandaling 'yon. "Come here, baby," aniya kay Gracie at hinawakan ito sa braso. Ipinakita kay Doña Thesa ang pasa ng bata. "Ngayon mo sabihin sa akin na hindi mo sinaktan si Gracie." Napalunok nang sunod-sunod ang ginang. "P-pasensya ka na, hija at nadala lang ako ng galit ko nang makita kong nabasag niya ang flower vase na ang mahal kong binili sa ibang bansa," hayag nito kay Sam. "Ma! Sinaktan mo talaga si Gracie?" Si Carmela naman na tila nagulat din. "Sana ay ito na ang una at huling dadapo ang kamay niyo ho sa anak ko, dahil kapag naulit ito, magkakalimutan na tayo, kakalimutan kong naging bahagi kayo ng pamilyang 'to." matigas at seryosong banta ni Sam sa Ginang bago kinarga ang ang anak at muling inakyat sa silid nito. Maluha-luha naiwan si Doña Thesa, si Carmela na napapailing at si Gareth na sinundan ng tingin ang asawa. Nang mga sandaling iyon, iisa lang nasa isip ni Gareth, mukhang nagiging tigre si Sam kapag ginagalit at kapag naagrabyado ang anak. Nasaksihan niya ng dalawang beses ang galit nito ngayong araw. Malayong-malayo sa malumanay na Samantha na kilala niya noon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD