"Ayon kay inay, si Esterial ay isang nilalang na siyang nagnanakaw ng kapangyarihan ng ibang nilalang," anang Amanda. "Ang sabi ay hindi naman daw siya talagang masama ngunit may isang pangyayari noon na siyang naging dahilan kung bakit nagbago ang kaniyang ugali."
"Hindi, mali ka, Amanda!" Sabay na lumipat ang tingin ni Amanda at Aella kay Lexi na siya namang naging seryoso ngayon. "Ang sabi ay mula pagkabata, masama na ang ugali ni Esterial. Kaya nga limitado ang mga aklat na naglalaman ng kaniyang pagkakakilanlan pagkat ang mga naunanh pinuno ay ipinagbawal na ilagay ang kaniyang ngalan sa mga aklat."
Ang mga mata ng batang diwata ay punong puno ng kuryosidad habang nakamasid sa dalawang kaibigan.
Sa buong buhay niya ay ngayon lamang siya nakarinig ng mga kuwento patungkol kay Esterial. Ni hindi nga niya ito kilala pagkat noon pa man ay walang bumabanggit sa ngalang iyon.
Kung hindi pa niya nakita ang dalawang kaibigan na nagkakagulo sa isang lumang aklat ay hindi niya malalaman ang mga sabi-sabi patungkol sa nilalang na iyon.
"Ano ba ang itsura ni Esterial? At bakit wala ni isa sa ating mga kasamahan ang bumabanggit sa ngalan niya?"
Sabay na nagkibit ng balikat si Amanda at Lexi. "Bakit kaya hindi mo subukang itanong kay Lady Pega, Aella? Tutal ay hindi siya gaanong masungit sa iyo, baka sakaling sagutin niya ang mga tanong mo patungkol kay Esterial?"
Hindi pa man natatapos ni Amanda ang kaniyang suhesyon ay matinding pag-iling na ang ipinapakita ng batang diwata na siyang ikinatawa ni Lexi.
Sa huli, itinago ng tatlo ang aklat sa silid ni Aella saka nagpasyang maglaro at tumulong na lamang sa paghahanda sa kaarawan ni Aella.
Kinabukasan ay maaga siyang lumabas hindi para pumasok sa paaralan kundi para tugunan ang hiling ni Lady Pega na magtungo siya sa silid nito upang magsukat ng mga damit na kaniyang isusuot sa kaarawan.
Pagdating doon ay tumambad sa kaniya ang iba't ibang kulay at klase ng mga damit. Kakaiba pagkat masyadong magarbo ang mga iyon kumpara sa palagian niyang mga sinusuot.
Agad na lumapat ang kaniyang mga mata sa kulay asul at makinang na ball gown. Wala itong manggas tas may bahagyang hiwa sa bandang dibdib na siyang dahilan kung bakit kita ang kaunting balat sa parteng iyon. Ang disenyo ay tila mga iba't-ibang hugis at klase bulaklak na itinahi sa mismong tela.
Katabi nito ay ang kulay asul ding damit na tila kagaya lamang nang nauna ngunit iba ang disenyo. Ang isang ito ay mas madilim ang pagkakaasul sa bandang itaaa, wala ring manggas at ang bandang dibdib ay tila bumubuo ng hugis V. Ang kulay ay unti-unting nagbabago mula sa madilim na asul sa itaaas hanggang sa unti-unting lumiliwanag na asul sa ibaba. Puno rin ito ng makikinang na palamuti at sa bandang pinakaibaba ay tila sunod-sunod na simbolo ng hangin ang disenyo.
May kabuuan ng apat na damit ang naroon ngunit tila hindi na maialis ni Aella ang kaniyang mga mata sa pangalawang damit. Pakiramdam noya ay nakabuo siya ng kakaibang koneksyon sa damit na iyon kaya naman hindi na siya nag alinlangan pa na piliin iyon.
Pagkatapos mamili ng isusuot ay nagtungo naman siya sa hapag kainan kasama si Denier at Lady Pega upang tignan ang mga pagkaing ihahain sa mga bisita.
Ayon sa pinuno ay nag-imbita sila sa mga karatog kaharian kaya nan kinakailangang maayos ang lahat upang hindi mapahiya at mapagtawanan.
Habang abala sa pagkain ay hindi mailais ni Denier ang kaniyang mga ngiti sa labi habang pinapanood si Aella na bakas ang tuwa sa mga mata habang tinitignan isa-isa ang mga pagkain.
Sa kabilang dako ng kanilang mundo ay may isang babaeng nakaupo sa kulay asul na upuang puno ng tila mga espadang itinusok pabaligtad sa likuran ng upuan upang maging disenyo.
Ang kanilang lugar ay matatagpuan sa bundok Ngali na siyang katabi lamang ng Bundok Hasaya.
Taliwas sa liwanag at sigla ng kahariang tinutuluyan ng mga pegasus, ang maliit at tila kinalimutang kahariang ito ay puno ng kadiliman, poot, at kalungkutan.
"Dalawang araw mula ngayon ay kaniya nang kaarawan, binibini."
Tamad na tinignan lamang ng babae ang isang kawal na siyang nagbalita nito sa kaniya. Karamihan sa mga nandito ay pawang mga patay na muli lamang binuhay pagkat ang kanilang mga mukha ay namumuti, ang mga labi'y nasa gitna ng kulay itim at ube na daig pa ang lupang pinagkaitan ng tubig sa sobrang daming bitak.
Ang kanilang mga mata'y nangingitim at walang bahid ng kahit na anong emosyon. Ang katawan nila'y tila malulusog ngunit mababatid ang katamlayan sa mga ito.
"Batid ko," masungit na usal ng babae. "Maghanda ka ng maaaring iregalo sa prinsesa pagkat tayo'y pupunta sa kaniyang kaarawan."
Mabilis na yumuko ang kawal habang ang kanang kamay ay nasa kaniyang kaliwang dibdib, "masusunod po, pinuno." Dali-dali itong umalis kasama ang dalawa pang kawal.
"Sigurado ka ba riyan? Hindi tayo imbitado," usal naman kaniyang kasama na si Volt, na siyang ikinawala ng ngiti sa mapupulang labi ni Esterial.
"Sino ba ang may sabing hindi tayo imbitado?"
Nanlalaki ang mga mata'y mabilis na napalingon si Volt sa tinuran ng kanilang pinuno. "Imbitado tayo?" Mababakas ang gulat sa kaniyang boses at mukha. Halos maglaglag na ang kaniyang panga sa pagkakanganga at ang mga mata'y kitang-kita pagkat nanlalaki.
"Oo, inimbitahan ko ang sarili ko."
Sa kaharian naman ng mga pegasus ay masayang nagkakantahan si Amanda kasama ang kaibigang si Lexi.
Sa wakas, ang araw na pinakahihintay ni Aella ay dumating na rin. Maingay ang buong palasyo na napaliligiran ng iba't ibang kalse ng mga palamuti.
Kung noon ay maganda na ito, tila lalo pa itong gumanda ngayong ang pinakahihintay na kaarawan ng kaisa-isang diwata sa palasyo ay dumating na.
"Anong klaseng kababalaghan ang nangyayari at bakit tila magkasundong-magkasundo si Amanda at Lexi ngayon?" Mababakas ang matidning gulat sa mukha ng iba nilang kasamahan habang pinagmamasdan ang dalawang nasa pinakaharapan at kumakanta.
"Marahil ay napagoasunduan nilang huwag munang mag-away sa ngalan ni Aella?" Anang isa pa na agad ding sinang-ayunan ng iba.
Tanghali na at hinihintay na lamang ang pagbaba ng diwata. Lahat ay unaasang makakuha ng magandang posisyon upang masilayan ng buo ang suot ng diwata ngunit ang harapang bahagi ng hardin ay puno na kung kaya't walang magawa ang iba kundi ang manatili na lamang sa likurang bahagi.
Ang gitna ng hardin ay nilagyan ng maliit na tila entablado kung saan pupwesto ang diwata sa buong programa. Sa harapan nito ay may malaking espasyo kung saan naman magpapakitang gilas ang mga kasamahan nila kapalit ng iba't ibang premyo.
"Mga mahal naming nasasakupan, atin nang salunungin at bigyang galang ang pinakamamahal nating pinuno, Lady Pega!" Sigaw ng isang pegasus na siyang napiling manguna sa programa ngayong araw.
Sa loob ng kaniyang silid ay rinig na rinig ni Aella ang hiyawan at tawanan ng kaniyang mga kasamahan. Hindi pa man nakikita ay nasisiguro na niyang tunay na nagkakasaya ang lahat.
Walang mapaglagyan ang tuwang nararamdaman niya sa tuwing lumalakas ang hiyawan. Iyon ang kaniyang naging palatandaan na ang kaarawan niya ay talagang inabangan at ikinatutuwa ng lahat.
"Pigilan mong huwag umiyak kung hindi ay masisira ang iyong ayos," masungit na usal ng isang nilalang na siyang ipinakilala s akaniya kanina at nag ayos.
Ito rin ang naghanda ng kaniyang masusuot at ang nag asikaso ng mga dekorasyon sa hardin. Ang kaibigan naman nito ang siyang naging punong abala sa paghahanda ng mga pagkain.
Hindi alam ni Aella kung sino ang mga iyon. Limot na nga niya ang kanilang mga ngalan kahit na ilang oras pa lang ang nakalipas nang ipakilala sa kaniya ang mga ito.
Ang sabi ay si Denier ang nakahanap sa mga ito sa karatog kaharian. Ayon sa kaniyang nasagap na impormasyon mula sa mga kaibigan at ibang kasamahan, ang dalawang ito ay batikan pagdating sa mga ganitong okasyon kaya naman hindi na nagdalawang isip pa ang kanilang pinuno na sila ang kuhanin upang mamahala sa kaarawan ng diwata.
Lingid sa kaalaman ng lahat na ang bawat tawa nila ay may kapalit na pagtangis. Ang bawat ngiti at galak ay babawiin din at papalitan ng pighati't kalungkutan. Na ang bawat pawis na kanilang ibinubuhos para sa kanilang ikasasaya ay mapapalitan ng danak ng dugo.
Ang masayang kaarawan sana ng diwata ay biglang naglaho at nabalot ng matinding kadilimang hinding-hindi makakalimutan ni Aella kailanman.