bc

Tale of Aella (Tale Series #3)

book_age16+
233
FOLLOW
1K
READ
family
goodgirl
princess
tragedy
bxg
campus
magical world
lies
superpower
stubborn
like
intro-logo
Blurb

--EDITING--

Fantasy collaboration with @TinyYuki, @FilipinangManunulat, @_chameehh, @IAM_MARCELINE, @LavenderPen, @jeimsue15, and @Criptica_G.

---

Matapos ang huling atake ng kampon ng kadiliman laban sa mga diwata katulong ang mga nilalang na may kakayahang manggaya o manguha ng kapangyarihan, naubos ang lahi ng mga diwatang may kakayahang gumamit sa elemento ng hangin at tanging ang batang diwata na si Aella na lamang ang natira.

Si Aella ay isang makulit at matanong na bata kung kaya't kinagigiliwan siya ng lahat. Lumaki sa pangangalaga ng mga pegasus si Aella sa isang kaharian na matatagpuan sa itaas ng mga ulap. Habang lumalaki ay itinatatak sa kaniyang isipan na kailangan niyang masugpo ang kampon ni Esterial, ang nilalang na may kakayahang manguha ng kapangyarihan.

Upang magawa ito, kailangang matutunan ni Aella ang tamang paggamit sa elemento ng hangin ngunit hindi pa man ito tuluyang natututunan ni Aella ay kumilos na ang mga kalaban kung kaya't ipinadala ng mga pegasus si Aella sa mundo ng mga tao upang mailigtas at maitago siya roon.

Doon nakilala ni Aella ang taong unang nagpatibok ng kaniyang puso, si Sherwin. Dahil sa pagmamahal na nararamdaman para sa mortal, tila ayaw ng bumalik ni Aella sa tunay niyang mundo. Hindi malaman ni Aella kung ano ang uunahin niya ngunit mas lalong nagpahirap sa desisyon niya ay ang katotohanang may kahindik-hindik na lihim palang itinatago ang mga nilalang na nagpalaki sa kaniya. Ano ang gagawin niya? Tutulungan ba niya ang mga nilalang na nagpalaki sa kaniya kahit na may malaking kasalanan ang mga ito sa kaniya o hahayaan na lamang niyang maglaho ang mga ito na tila isang abo sa hangin at ipagpapatuloy na lamang niya ang buhay sa mundo ng mga tao?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Isang normal at masayang araw lang ang lahat para sa mga kakaibang nilalang na matatagpuan sa pinakamataas na ulap. Ang kanilang mundong ginagalawan ay malayong-malayo sa tipikal na mundo ng mga normal na tao. Ang kahariaang napapaligiran ng iba't ibang kulay at palamuti ay agaw pansin sa lahat, idagdag pa ang malalambot na ulap na nakapaligid dito. Masayang nagtatawanan ang lahat ng batang nilalang at nagpapagandahan ng kanilang matitingkad, makukulay at malalambot na papak. "Ang akin ay namana ko sa aking Ina. Parehong kulay asul ang aming pakpak!" Sigaw ng batang pusa sa mga kasama. Hinawakan ng batang diwata ang sinasabi nitong pakpak at napanganga na lamang ng madama nito kung gaano nga kalambot iyon. "Ngunit kung ako ang papipiliin, mas gugustuhin ko ang kulay ng pakpak ni Ama." Taas ang kilay at masungit na nilingon ng batang aso na si Lexi, si Amanda, ang batang pusa na ngayon ay nakasimangot na. "Ang kulay na pula at kahel ay para lamang sa mga mandirigma at kawal ng palasyo, Amanda. Mandirigma ka ba para pangarapin ang kulay na iyon? Sigurado akong hindi ka kawal dahil lampa ka." Malakas at nakakabinging tawanan ang namutawi sa buong hardin ng kaharian kung saan mahilig maglaro ang mga ito. Ang batang si Amanda ay tahimik lang at tila ano mang oras ay maiiyak na sa sobrang pagkapahiya. Hindi maalis ng batang diwata ang kaniyang kulay kayumangging mga mata. Ang maaong mukha ng diwata ay sumasalamin sa mga bilog at kulay asul na mga mata ng pusa. Mapula ang labi at ang kutis ay tila 'sing puti at lambot ng sa ma ulap. "Hayaan mo na sila, Amanda. Hindi lang siguro nila nagugustuhan na mas malambot ang pakpak mo kaysa sa pakpak nila pero..." Itinagilid ni Amanda ang kaniyang ulo, ipinapakita na siya ay nalilito sa inusal ng diwata. "Pero ano, Aella?" "Pero bakit nga ba lampa ka?" Ang mga nilalang na nakarinig ng sinabing iyon ni Aella ay malakas na nagtawanan muli. Tuluyan na ngang umiyak ang batang pusa at mabilis na lumipad papasok sa palasyo. "Lagot ka, Aella." Ani Lexi na agad namang binuweltahan ng irap ni Aella. Nagsimula silang maghabulan at mag-asaran habang ang umiiyak pa rin na si Amanda ay nakatanaw lamang sa kaniyang bintana at pinapanood ang mga kasamahan na masayang naglalaro. Sa kabilang banda, hindi naman maitago ni Aella ang kaunting inggit na nararamdaman habang tinitingala ang kaniyang mga kalaro na masayan lumilipad-lipad sa ere habang siya ay napapagod lamang sa katatakbo upang hindi maiwanan ng mga ito. "Ang daya ng habulan ninyo! Dapat ay paa rin ang ginagamit ninyo, lugi ako!" Sigaw niya na tinawanan lang ng mga kalaro. Kalaunan ay napagpasyahan na lamang nilang kumain na muna dahil sa awa nila kay Aella na puno ng pawis ang mukha at tila nawalan ng lakas dahil sa ginawang pakikipaglaro. "Ano ba ang itsura ng ibang kaharian dito? O may iba pa bang kaharian dito? Tayo lang ba ang nabubuhay sa mundong ito?" Tuloy-tuloy at walang prenong usal ni Aella kahit na ang tinapay na laman ng kaniyang bibig ay nagtatalsikan na. Hindi mawari ng kaharap niya kung paanong iiwasan ang bawat butil na tumitilapon sa mukha niya. "Malamang, may iba pang mga kaharian at nilalang dito. Hindi lang tayo ang nabubuhay sa mundong ito, Aella." Anang isang pegasus na may maputing katawan at makintab na pakpak. Ang makinang niyang buntot ay kulay dilaw at lila. "Ay, ganoon? Pero bakit hindi ko sila nakikita? Hindi ba sila pwedeng dumalaw rito? Okaya ay tayo ang dumalaw sa kanila? Posible iyon, hindi ba?" Yuko sa kaliwa, yuko sa kanan ang ginagawa ng Rabbit na kaharap ni Aella. Hindi iyon napapansin ng dalaga dahil abala ito sa pagkain at pakikipag-usap sa katabi niyang pegasus. "Hindi at hindi. Tanungin mo si Lady Pega kung bakit." Mabilis at walang atubiling umiling ang dalaga. Sa kaniyang paglingon ay doon lamang niya napansin na halos mapuno na ng tinapay ang mukha ng rabbit na kaharap niya na masama ang tingin sa kaniya. Hindi na nga napigilan ni Aella ang malakas na tawa dahilan kung bakit lalong nagsiliparan ang laman ng kaniyang bibig at lahat ng laman ng bibig niya ay napunta na nga sa nasabing nilalang. Agad na nagtawanan ang iba pang kasama nila ngunit ang rabbit ay hindi mawari kung itatawa na lang din ba ang nangyayari o iiyakan. Agad naman siyang nilapitan ng diwata at humingi ng tawad. Tinulungan pa niya itong magpunas ng mukha ngunit hindi talaga niya mapigilang hindi tumawa. "Aella," ang kaninang masayang hapagkainan ay natahimik nang magsalita si Denier, ang kanang kamay ni Lady Pega. Mabilis siysng hinarap ni Aella at hindi mawari kung paanog pipigilan ang kaniyang tawa. "Hindi tama ang ginawa mo. Kailangan mong matutunan ang wastong pag-akto sa hapagkainan, naiintindihan mo?" Tuluyan na ngang nawala ang tawa ni Aella at walang ibang nagawa kundi ang tumango. Kinahapunan ay nagpasyang muli ang mga bata na maglaro sa hardin ngunit ang makulit at pilyong si Aella ay naisipang pumunta sa dulo ng kaharian. Sa malayong banda ng hardin ay may maliit na pintuan kung saan matatagpuan ang nag-iisang puno ng mansanas na may duyan na nababalot ng berdeng-berdeng baging at ang katabi nito ay isang malalim na bangin. "Aella, mapapagalitan tayong pareho nito! Alam mo namang bawal magtungo rito, hindi ba?" Ani Lexi habang pilit hinaharangan ang daanan ng diwata. "Bakit ba kasi bawal? Lalo lang akong nagiging kuryoso habang binabawalan mo ako." Bago pa man tuluyang makapasok si Aella sa pintuan ay naharangan na siya ng dalawang pegasus na may kulay kahel na pakpak. "Bawal po kayo rito, binibini." Anang isa sa kanila. Malawak ang ngiti ni Aella nang tanguan niya ang mga iyon na siyang ipinagtaka ng kasama niyang si Lexi. "Magpapahinga lamang ako rito sa gilid dahil 'di hamak na mas malakas ang hangin dito..." malumanay pa niyang usal na pinaniwalaan naman agad ng mga kawal. "Pakiramdam ko ay may kakaiba kang gagawin ano ma- Aella!" Mabilis na lumipad si Lexi para habulin si Aella na pumuslit. Mabilis na naisara ni Aella ang pintuan pagkapasok ni Lexi. Malakasa ang tawa ng diwata habang umaakyat sa puno. "Tignan mo? Bakit itinatago ni Lady Pega ang ganito kagandang lugar? Hindi ba niya alam na ang mga ganito kagandang lugar ay dapat ipinagmamalaki at hindi itinatago? Sayang lang kung walang makakakita nito!" "Hay nako, Aella. Kapag talaga tayo ay nahuli, ipagkakanulo talaga kita! Alam mo naman mung paanong magalit si Lady Pega pero napakapilya mo parin!" Naupo si Aella sa duyan at napangiti ng malawak dahil sa ganda ng natatanaw. Kapantay ng kaniyang paningin ay ang mga ulap makukulay at sa ibaba ay ang napakalawak na karagatan. Pumikit si Aella, hindi inaalintana ang taas na kaniyang kinalalagyan. Bakit nga naman siya matatakot kung ang kapangyarihang taglay niya ay hangin? "Kapag ikaw ay nahulog diyan, ewan ko talaga, Aella. Hindi ka pa gaanong marunong lumipad! Hindi mo pa nga makontrol ang iyong kapangyarihan kaya halikana, pag-aralan mo muna nag dapat pag-aralan at kapag marunong ka na, hahayaan na kitang magtungo rito kahit magalit pa si Lady Pega!" Hindi pinansin ni Aella ang kasama at nagpatuloy lang sa pagdama ng malakas at malamig na hangin. Tila hinehele siya nito at niyayakap. "Kapag talaga tayo nahuli, Aella..." Dumilat siya at pilyang nginitian si Lexi na lumilipad sa harapan niya. Tinitigan niya ito ng diretso. "Oo, mapapagalitan tayo ngunit mas matinding sermon ang makukuha noong dalawang gwardiya. Kasalanan nila dahil tumalikod sila kaya ako nakapuslit. Kung hindi sila tumalikod at ibinigay lang ang kanilang buong atensyon sa binabantayan, hindi sana ako makakapasok dito." Walang ibang nagawa si Lexi kundi ang mapailing na lang at hayaan ang diwata sa gusto nito. Lumapag ito sa ibaba ng puno ng mansanas at ipinilit ang kaniyang mga mata habang si Aella ay patuloy lamang sa pagduduyan. Gamit ang kaniyang kakayahang kontrolin ang hangin, pinalakas pa niyang lalo ang pag-ugoy ng duyan na kaniyang inuupuan ngunit hindi inaasahang pangyayari ang naganap. Nawalan ng kontrol si Aella sa ginagawa at bigla na lamang siyang tumilapon sa malayo hanggang sa tuloy-tuloy siyang bumagsak pababa. Sinubukan niyang lumipad kahit alam niya sa kaniyang sarili na hindi pa niya kaya. Wala siyang ibang nagawa kundi ang sumigaw na lamang at ilang sandali pa ay nakita niya ang kasamang aso na sinusubukang habulin siya ngunti huli na ang lahat. Napapikit na lamang si Aella nang maramdaman ang malamig na tubig ma siyang bumalot sa kaniyang buong katawan. 'Ayoko pang mamatay..." sa isip niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.9K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
41.4K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.3K
bc

The Billionaire's Hot Maid

read
19.8K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
42.0K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
49.0K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
253.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook