Chapter3- Uncle Ox

2004 Words
"Gudevening ,uncle!" bati niya kay Ox nang dumating siya sa address na itinext nito. May dala siyang isang bote ng wine para naman may ambag siya.Baka akala ni Ox ay napaka kuripot niyang tao. Dinampian siya nito ng halik sa magkabilang pisngi. Required ba talaga na apron lamang ang gagamitin nito kapag nagluluto? Kaasar naman , 'di tuloy niya maiwasang titigan ang mga pandesal nito . Umupo siya sa dining table at inilapag sa mesa ang dala niyang wine. Tiningnan niya si Uncle Ox na abala sa pag plating ng mga niluto nito. " Ba't ka pala nandito Uncle?" Tanong niya. " I have a business interest here kaya pansamantala muna akong dumito hanggang hindi pa tapos ang pinapagawa kong bahay." anito. " Bakit , kanino pala itong bahay na 'to akala ko pa naman sa'yo 'to eh!" aniya. " Ah ito ba? Kay------" hindi na nito natapos ang sasabihin dahil may sumingit na sa kanilang usapan. " Sa akin, bakit interesado ka ba?" namilog ang kan'yang mga mata nang makita kung sino ang bumababa sa mataas na hagdan patungo sa kanilang kinaroroonan. " Ha? Oh my,interesado? Kanino? Sa'yo ? Sa bahay mo? Oh no, nagkakamali ka dahil kailanman ay hindi ako magiging interesado sa'yo noh! Napakayabang mo naman, akala mo kung sinung artistang ubod ng gwapo, eh mukha namang terorista!" aniya kay France. Nakita niya ang pag-iling ni Uncle Ox. Hindi na lingid rito ang status nila ni France.Para silang aso't pusa na palaging nagbabayangan , syempre aawayin rin niya ito para hindi halatang type niya ang kumag na ubod ng suplado at pinaglihi 'ata sa sampung demonyo ang ugali. " Ba't ka pala nandito?Naligaw ka 'ata ah?" tanong ng binata. " Well,unang una hindi ikaw ang dahilan kung bakit nandito ako! Uncle Oxford is here that's why I'm here atsaka pwede ba bigyan mo kami ng privacy ni Uncle.Lumabas ka na muna, magpahangin ka sa labas o di kaya'y magpasagasa sa train para hindi ka maiinip habang nandito ako." natatawa niyang sambit. " Ako pa talaga ang pinaalis mo? Pwes, hindi ako aalis dahil pamamahay ito. Malay ko baka may nanakawin ka rito o baka pagbalik ko wala nang laman ang ref ko!" pamimintas nito sa kan'ya. " Sam, pakitimpla na lang ng juice." singit ni Uncle Ox sa usapan nila. Tumayo siya at umismid muna kay France bago pumunta sa ref at kumuha ng pitsel na may lamang malamig na tubig. Kinuha rin niya ang garapon na may lamang powdered jiuce at tinimpla iyon. Nang sulyapan si France ay nakita niyang nakatingin ito sa kanya habang nagtitimpla siya. "Oh, wag mong sabihing nagagandahan ka sa akin? Hindi mo na inalis ang mga mata mo sa kagandahan ko?Aminin mo na kasi na patay na patay ka sa beauty ko kaya palagi ka'ng high blood sa akin!" prangka niyang sambit sa binata. " Feelingera , tinitingnan ko lang baka maglalagay ka ng gayuma sa inumin ko!" malakas nitong sambit. Oo nga ano? Muntik na niyang makalimutan ang gayuma ni Mr. Chen . Susubukan niya ang gayumang iyon kay France.Sa oras na maiinlove ito sa beauty niya ay sisiguraduhin niyang magiging alila niya ito .Napapangiti siyang mag-isa habang iniisip ang plano niya. Humanda ka talaga France Geller dahil sa oras na mainlove ka sa beauty ko! " Hoy, ano'ng gayuma? Lason ang ilalagay ko kapag ikaw ang titimplahan ko noh?" sigaw niya sa binata. Kumuha siya ng tatlong baso at nagsalin ng juice. Kinuha niya ang maliit na vial at lihim na naglagay sa isang baso na ibibigay niya mamaya kay France. Kinuha niya ang garapon ng powdered juice at inilagay muli iyon sa loob ng ref pero nang lumingon siya ulit sa tatlong baso ay may tumungga na sa isa, 'yun pa talagang pinaglagyan niya ng gayuma ni Mr.Chen. " Sam, magsalin ka na lang ulit ah! Nauhaw kasi ako eh!" sambit ni Uncle Ox na siya palang uminom ng juice.Pinapawisan siya ng malapot sa oras na iyon, dasal niya ay hindi sana totoo ang gayumang iyon ng intsik. Sana made in china 'yon! " Ay tanga!" nasambit niya nang isiping si Uncle Ox ang nakainom ng gayuma niya. " What?" nagtatakang tanong ni Uncle. " Wala ang sabi ko, tara kumain na tayo? Gutom na'ko eh!" pang-iba niya ng salaysay. Napakamaasikaso talaga ni Uncle Ox habang kumakain sila.Panay ang pang-alalay nito sa kanya habang kumakain sila.Tumalab na ba kaagad ang gayuma rito? Bukas na bukas rin ay kokomprotahin niya si Mr. Chen tungkol sa gayuma nito.Pero ganito naman talaga si Uncle Ox dati pa kapag magkasama sila na napaka espesyal ang turing sa kan'ya. " Uncle, may kamay po ang babaeng 'yan! Hayaan n'yo na lang po siyang kumaing mag-isa!" saway ni France kay Uncle Ox nang makitang pinapatikim nito sa kan'ya ang beef steak na ipinamamayabang nito kanina na specialty raw nito . " Mmmm ang sherep uncle," wika niya nang matapos nguyain ang beef steak . "You see? Sinabi ko na ngang specialty ko 'yan eh." proud na saad ni Uncle Oxford. Napapailing na lamang si France sa tuwing susubuin siya ni Uncle. " Excuse me for a while." Tumayo si Oxford at bumalik ulit ito sa kitchen. " Pssst, ano ba ang balak mo Samara? Nilalandi mo ba si uncle?" mahina nitong sambit nang umalis na si Oxford. " Ako, lalandiin si Uncle? Kita mo naman na si Uncle mo ang lumalandi 'di ba? Bulag ka ba?At ecuse me, ano ba ang pakialam mo France Geller kung magkakamabutihan kaming dalawa ha? Mind your own business, 2023 magbago ka na!" may diin niyang sambit sa binata.Ang mga mata niya ay kay Uncle Ox pa rin na may hinahalungkat sa kabinet ni France sa kitchen. " Sino'ng may sabing nangengealam ako? Concern lang ako kay uncle, kilala kita Samara! Hindi ka seryoso sa buhay!" anito. " Well, malay mo na kapag naging kami na ni Uncle Ox eh magbabago na ako ,right? Atsaka , baka siya ang taong makakapagpabago sa akin,malay natin 'di ba? Don't worry kapag ikakasal kami, ikaw ang kukunin ko'ng grooms men,kaya huwag ka na'ng magtampo baby France.Please be good to your future,auntie!" malakas siyang humalakhak nang makitang namula ang mukha ni France.Ang sarap talagang pag tripan ang gwapong pulis dahil binibili talaga nito ang mga kalokohan niya. Naniniwala talaga ito na may something sa kanila ng Uncle nito. Hindi alam ng hinayupak na best of friend ang turing sa kan'ya ng uncle nito. Well, gagawa siya ng research study tungkol sa inis at galit ni France sa kan'ya. At si Uncle Ox ang magiging instrument niya para malalaman niya ang totoong dahilan ng gwapong pulis .Imagine, ito ang divirginizer niya tapos kung makainis sa kan'ya parang ito pa ang dehado? " Tingnan natin kung may kasalang magaganap!"banta ni France. Lihim siyang natatawa sa sinabi nito.Bentang benta ang kasinungalingan niya rito. Advance talaga kung mag-isip . " Oo nga noh, tingnan talaga natin. Hmmm, dapat ngayon pa lang sanayin mo na ang pagtawag sa'king ng auntie or tita? Magmano ka na rin ah para hindi ka na magiging awkward kung nagkataon! Ahhhh wait, tatanungin ko lang ah? 'Yung size n'yo ba ni Uncle pareho lang? Or mas malaki 'yung kay uncle? Sabagay, mas malaki siguro ang kay uncle kasi siya ang original tapos ikaw replica or class A na lang ha ha ha." hindi na niya napigilan ang sarili na 'di matawa lalo na sa itsura ni France. Mukhang hindi talaga ito boto sa kan'ya na magiging parte siya ng pamilya. " Mahiya ka naman, Samara! Tutuhugin mo ba kami ni Uncle? " " Hoy, 'yung nangyari sa atin noon kinalimutan ko na noh! Hindi ko kayo tutuhuging dalawa noh? Maiintindihan naman siguro ako ng uncle mo kapag 'di na ako birhen right? Tutal, 'yung pamangkin lang naman niya ang nakauna, Geller lang din naman noh?" Padabog na tumayo ang binata na tila napikon ito sa sinabi niya. Pero,may sinabi ba talaga siya na ikinagalit nito? " Get lost, Samara! Umalis ka sa buhay namin!" anito bago umalis sa mesa at iniwan siyang nakanganga. " Ano'ng nangyari don'?" takang tanong ni Ox nang bumalik ito na may dalang wine at inilatag ito sa mesa. " Ewan ko, uncle baka nasapian na naman!" natatawang sambit niya. " Kayo talagang dalawa, hindi talaga kayo mapagsama sa iisang lugar!" anito. " Don't mind him,uncle! Tara na't mag-inuman na lang tayo. "aniya rito. Pagkatapos nilang kumain ay nagtulungan sila sa pagligpit ng mga pinagkainan. Sila na rin ang naghugas ng mga pinggan.At nang matapos ay pumunta sila sa sala at nanood ng action movie. Pareho silang mahilig sa mga action romance movie kaya magkasundong magkasundo silang dalawa. Pareho rin silang maingay habang nanonood habang tinutungga ang mamahaling alak . " Oh France akala ko tulog ka na?" baling ni Ox kay France nang makita ang binata na umupo sa isang couch na naa harapan nila. Magkatabi sila ni Ox habang nag-iinuman at ang isang braso ni Ox ay nakadantay sa kan'yang balikat. " Hindi ako makatulog uncle, ang ingay kasi kaya manonod na rin lang ako." anito na kumuha ng isang baso at nagsalin na rin ng alak at tinunnga iyon. Ang gwapo talaga ng hinayupak kahit naka sando at boxer shorts lang.Bulong niya sa kan'yang isip. " By the way, Sam malapit na pala ang birthday ko .I'll be celebrating on an exclusive island,huwag ka'ng mawawala ah!" pag-imbita nito sa kan'ya. " Of course naman, uncle hindi kita mahihindian." sambit niya rito. " Sana nga kumpleto tayo, si France lang siguro ang wala kasi on duty siya." naghihinayang na sambit ni Oxford. " Ah, hindi uncle I'll file leave po para makasama ako sa island." singit naman ng kumag. " Mabuti nga kung gan'on!" wika ni Uncle, " Ohhh my head!" sambit niya." Nahihilo na 'ata ako, uncle!Lasing na siguro ako owwww sh*t!" sambit niya kay Oxford. Tumayo siya habang nakahawak sa kan'yang noo.Hindi naman talaga siya totoong lasing. Acting lang niya 'yon, best actress kaya siya. Siya pa kaya ,malalasing? Eh high tolerance siya sa alak. " U-uuxui na 'ko uncle,ang shaket na ng u-ulo ko." drama niya. " Ihahatid na kita ? A-Akala ko pa naman, sanay ka'ng uminom!" nag-aalalang sambit ni Uncle Ox. " Uncle ,ako na po ang maghahatid sa babaeng 'yan!" tumayo si France at lihim siyang napangiti. Dahan dahan siyang naglalakad habang nakayakap sa kan'ya si France.Sa kaibuturan niya ay walang katapusan ang hagikhik niya dahil nauto niya ang gwapong pulis. " Kung hindi kaya, huwag makipag-inuman sa lalake. Kung nasa ibang lugar ka, nagahasa ka na! Pasaway ka talagang babae ka!" mura nito habang akay-akay siya papunta sa kotse nito. " H-HIndi k-ko na k-kaya uncle, b-buhatin mo na ako." sinadya niyang tawagin itong uncle para mas dadagdagan ang kunsumisyon nito. " You see? Hindi na nga nakikilala ang kasama! Ang sarap mo'ng ihagis !" Binuhat siya ng lalake hanggang sa makarating sila sa loob ng kotse. Inihiga siya nito back seat ngunit aksidente itong pumaibabaw sa kan'ya dahil hindi niya inalis ang kan'yang nakapulupot na braso sa leeg nito. " Uncle Ox, ooohhh ang gwapo mo talaga!Please kiss me uncle habang w-wala ang unggoy mong pamangkin please...." aniya habang tinutulis ang kan'yang nguso paharap kay France. Lihim talaga siyang natatawa nang makita ang mata nito na nakatingin sa mga labi niya ngunit ang noo nito ay nakakunot. " I want to taste your lips uncle oxford.... distorbo talaga ang France na 'yon, hindi naman gwapo." dagdag pa niya. " F*ck y*u ,Samara! Napakalandi mo'ng babae ka! Wala ka talagang hiya!" Tumayo ito at iniwan siya sa likuran at dali daling sumakay sa driver's seat. Nagpanggap siyang natutulog habang nagmamaneho si France patungo sa address na ibinigay niya rito kanina.Habang nagmamaneho ay sige pa rin sa pagmumura ang binata.Kung may hypertension ito ay kanina pa ito inatake sa kunsumisyon.Pero bakit nga ba ,inis ito sa kan'ya? Ano nga ba ang pakialam nito sa kanila ni Oxford? Well, she enjoys teasing him.Kapag nagagalit ang binata ay tuwang tuwa siya sa 'di malaman na dahilan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD