Chapter 4- Sweetcorn

1119 Words
" Ambigat mo, 'di ka ba talaga makakatayo? " inis na wika ni France nang makarating na sila sa parking lot ng condo unit niya. " Mmm,h-hindi eh,L-Lashing na'ko please I w-wanna sleep," drama niya sa binata. Nabibigatan na talaga ito sa kan'ya habang dahan -dahan siya nitong binubuhat palabas. Para siyang isang sako ng bigas habang pasan ng binata sa balikat nito. Tawang tawa siya dahil ramdam niya ang pagnginig ng katawan ng binata habang papasok sila sa loob ng elevator.Binaba naman siya nito noong nasa elevator na sila ngunit bigla niya itong niyapos at sumubsob sa leeg nito. " Ambango mo, uncle.K-kahit l-lasing a- ako a-amoy na a-amoy kita, g-gusto t-tuloy kitang k-kainin." nauutal niyang sambit. " Could you just not talk? Pwede ba, isara mo na lang 'yang bibig mo kung wala kang magandang sasabihin, sinabi na ngang hindi ako si ---" ani France na pikon na pikon na talaga sa dalaga na walang tigil sa kasisinghot sa leeg ni France. " Ano'ng floor ang unit mo?" " Press fourteen..." aniya. Niyakap niya ng mahigpit ang binata, so far sa ganitong pagkakataon lamang niya ito nahahawakan. Kailangan pa talaga niyang magpanggap na lasing para matsansingan ang hinayupak. " U-Uncle Ox why won't you just stay in my c-condo tonight?" tanong niya sa binata.Nakita niyang lumaki ang mga mata nito sa kan'ya na tila hindi makapaniwala sa sambit niya. " Baliw ka ba? Ganyan ka na ba talaga ka desperada? " nanggigigil na sambit nito. " Hmmmm, s-sige na n-naman.T-Tutal wala s-single naman a-ako at f-free k-ka rin 'di ba?"natatawa niyang sambit. " Listen Samara, irespeto mo rin 'yang sarili mo okay? H-hindi l-lahat ng lalake ay kagaya ng iniisip mo, m-may lalake ring matino na hindi pumapatol sa babaeng desperada at lasing." galit nitong tugon. " Hmmm ,ambait m-mo t-talaga u-uncle.M-mabuti naman at hindi n-nagmana si F-France sa'yo." natatawa niyang sambit. Nang bumukas ang elevator sa 14th floor ay inakay na siya ng binata patungo sa unit niya ngunit huminto sa paglalakad si France nang makita nito ang lalakeng nakaabang sa tapat ng pintuan ng condo unit ni Samara. " I been calling for you, Samara at dalawang oras na'kong naghihintay sa'yo rito tapos aabutan kita sa ganyang ayos? Where have you been?" galit na sambit ng kan'yang kuya Rhenz Bright.Nakasandal ito sa pintuan ng unit niya ,nakacrossed arms ito at kunot ang noo habang nakatingin sa kanilang dalawa. Tila binuhusan siya ng tubig nang makita ang kapatid. " L-lasing ka ba?" tanong ni Rhenz sa kan'ya. " Ha? K-Kuya? Hindi po, nasa wisyo pa po ako.Natapilok lang ako kanina habang hinahatid ako ni France!" diretso niyang sambit habang itinuwid ang pagtayo sa harap ng kan'yang kuya.Nang lumingon siya kay France ay alam niyang lihim itong nagmumura dahil sa kalokohan niya.Kung wala ang kuya niya ay tiyak na isang sakong mura ang ilalasap nito sa kan'ya. Ang kuya Rhenz naman niya,napaka wrong timing talaga.Ayan tuloy, nabuking siya. Ayaw na ayaw ng kuya niya na nalalasing siya,lalo na't kapag lalake ang kasama niya . " France Geller ,right?" baling ni Rhenz kay France. " Yeah and you are Rhenz Bright the famous model!" wika ni France sa kuya niya. Alam niyang kilala bilang isang sikat na model ang kuya Rhenz niya . " Hmm, malapit pala kayo ni Samara sa isa't isa? So, what's the status of your relationship?"seryoso at direktang tanong ni Rhenz kay France. Kitang kita niya ang pagkabigla sa mukha ni France. " Ah eh----" " Kuya, boyfriend ko siya .Masyado ka namang mapagtanong hindi ka naman imbestigador. " mabilis niyang sambit sa kuya niya. Nagkulay kamatis tuloy ang mukha ni France sa narinig. Tila ba natulos na lamang si France sa kinatatayuan nito at hindi na muling nakagalwa pa dahil sa sinabi ni Samara sa kuya nito. " Ow, talaga? May boyfriend na pala ang princessa ? Hmmm, kung gano'n tara na't pumasok na muna tayo,France. Alam mo ba'ng ikaw ang kauna-unahang boyfriend na ipinakilala sa akin ni Samara? I'm happy to hear that ,bro.Congrats pala at nasungkit mo ang puso ng pinakamaldita at pinaka pasaway ko'ng kapatid." tuwang tuwang sambit ni Rhenz, tinapik pa nito ang balikat ni France . Binuksan naman niya ang pinto ng condo at pumasok na silang tatlo sa loob.Umupo sina France at Rhenz sa sofa at siya naman ay kumuha ng isang biote ng alak at isang pitsel ng malamig na tubig. Para naman mahismasan si France sa sinabi niya. Alam niyang isandaang porciento ang inis nito sa kan'ya ngayo at pinakilala pa talaga niya itong bilang boyfriend sa kuya niya,kayb Rhenz bright na tinaguriang Mafia King. Panay ang lunok ng laway ni France habang kausap nito si Rhenz, she knows that her kuya sounds so intimidating. Sa kabila ng gwapo nitong mukha ay napaka demonyo nito.Hindi ito magiging isang mafia king kung mabait ito kaya naiintindihan niya ang nararamdaman ni France sa oras na ito. Pulis si France at hindi lihim rito ang reputasyon ng kuya niya. Hayysst, madali lang naman palang magka-boyfriend.Natatawa niyang bulong sa sarili. " France, you should take care of Samara.Ayaw ko'ng malaman na sinasaktan mo siya o pinagloloko mo siya dahil masama akong magalit. Kahit napakapasaway ng kapatid ko, mahal na mahal ko 'yan dahil iisang dugo ang nananalaytay sa'min. I'll set a date kapag hindi na'ko busy, okay? Kailangan, makilala mo rin si King,half brother namin." mahabang salaysay ni Rhenz. " Ah s-sige Rhenz,s-sabihin mo lang sa akin ." mahinang sambit ni France. " Kuya naman, huwag ka namang masyadong hard sa sweetie ko. Pasensya ka na sweetcorn ha? Si kuya kasi ,pagdating sa akin, napaka strict niya pero pagdating sa kan'ya ,wala siyang pakialam kung kaliwaan ang mga babae niya." lumapit siya kay France at malambing na yumakap rito,Hinalikan pa niya sa labi ang binata na parang uminom ng suka sa sobrang puti.Halata tuloy na kinakabahan ito sa Kuya niya. " Ano ka ba, Sam. Kailangang makilala ko rin ang taong magiging miyembro ng pamilya natin balang araw,'di ba France?" baling ni Rhenz kay France. " Ah eh o-oo. T-tama ka." walang buhay na sambit ni France.Parang naging manika ito sa isang gilid na magkailang beses na hionampas sa pader.Nawalan ng energy ang gwapong pulis sa ginawa niya. " So, its getting late.Tara na ,France sabay na tayong bumaba sa parking lot.Ipapakilala ko sa 'yo ang mga tauhan ko sa baba ." ani Rhenz sa instant boyfriend niya. " Bye sweetcorn, good luck ha?" hinalikan niya sa pisngi si France na pigil ang galit sa kan'ya. Inakbayan ito ng kuya Rhenz niya at magkasamang umalis ang dalawa sa condo niya. Alam niyang kailangan niyang ihanda ang kan'yang sarili bukas upang harapin niya ang galit ni France Geller.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD