Chapter 5 - instant boyfriend

1592 Words
Samara Naka dekwatro pa siya habang umiinom ng kape sa cafeteria ni Cathalea.Maaga siyang nagising , she is craving for coffee at kumikirot ang ulo niya dahil kagabi. Parang multo talaga ang kuya niya na palagi na lamang sumisipot sa oras na gusto nito.Sana pala ay hindi na niya tinanggap ang regalo nitong condo para wala itong ideya tungkol sa hideout niya. " Hoy, tatawa tawa ka dy'an?" sambit sa kan'ya ni Cathalea. Hindi niya napansin na para na pala siyang sira na napapangiting mag-isa .Iniisip kasi niya ang nangyari kagabi, sa wakas na pagdiskitahan niya si France sa panlalait nito sa beauty niya. " Natutuwa lang ako kasi may boyfriend na agad ako, andali lang naman pala noh? Walang ka effort effort!" proud niyang sambit sa kaibigan. " Hmmmp? Ano naman ang ginawa mo ha?" " Well, pinakilala ko kay Kuya Rhenz si France kagabi.Sinabi kong bf ko siya.So ayun,kami na agad-agad parang loan lang !" wika niya. " Nagawa mo 'yon? Hay, lagot ka talaga!"ani Cath sa kan'ya. " Hmmm,hayaan mo siyang magdusa! Bayad niya 'yon sa kinuha niya sa'kin.Buti nga mababa lang ang singil ko sa kan'ya eh samantala siya kinuha niya ang kainosentihan ko." mahaba kong sambit. " Eh ikaw naman kasi, ang landi mo'ng babae ka!Sinong hihindi kapag ikaw na mismo ang nanghain sa sarili mo aber?" wika ng kaibigan. " Huh, at parang ikaw lang din noh? Pinili mo pa nga na maging bodyguard ni Levi para makuha siya! Pareho lang tayo besfren, same feather!" aniya sa kaibigan. " P-pero si France galit sa'yo!" dagdag pa ni Cath. " I know, I know pero wala na siyang magagawa kundi sakyan ang trip ko kung ayaw niyang matagpuan na lang siya na nakalutang sa dagat at puno ng seaweeds ang bibig niya!" Totoo naman talaga ang sinasabi niya. Kagabi pa lamang, noong ipinakilala niya si France bilang boyfriend niya ay nagpa background check na kaagad ang kuya niya sa binata at ngayon ay sure na sure siya na may mga asungot na si France na pawang mga tauhan ng kuya niya. Bantay sarado na ito ngayon ng mga tauhan ng kuya Rhenz niya. " Ewan ko sa'yo ,Samara sana masaya ka sa ginagawa mo! Teka, type mo ba siya ha?" " Ang hina mo naman, gagawin ko ba ito kung hindi!" sagot niya kay Cathalea. Napatayo siya nang makita ang pamilyar na pigura papasok sa loob ng cafeteria. Tinanggal pa nito ang suot na shades at inisa-isa ang mga tao sa paligid. Bago pa man siya makita ni France ay nagtago na siya sa ilalim ng lamesa. Mabuti na lamang ay mahaba ang kurtina ng lamesa kaya nakapagtago siya kaagad bago pa man siya makita ni France. Kinurot niya ang hita ni Cathalea ng marinig ang impit nitong tawa. " Parang nakakita ka ng multo ah!" bulong nito sa kan'ya at muli na naman niya itong kinurot sa kabilang singit upang tumahimik na. " Hello, France umupo ka! Do you want coffee or tea?" tanong ni Cathalea kay France. Umupo ang binata kung saan siya nakaupo kanina. " Ah, coffee na lang please! Hmmm, may hinahanap kasi akong tao, girlfriend ko raw siya, naligaw ba siya rito? Kasi naka-park ang sasakyan niya sa parking lot." dinig niyang sambit ni France sa kan'yang kaibigan. " Ahhhh, si Samara ba? Kanina nandito siya pero bigla na lang umalis eh, may pupuntahan raw.Hiniram niya ang motor ko." Dinig niyang sagot ni Cathalea sa binata. " Ahhhh, miss na miss ko na kasi ang girlfriend ko.Sa sobrang miss ko, gusto ko talaga siyang tirisin !" gigil na sambit ng binata. Narinig niya ang malakas na tawa ni Cath sa sinabing iyon ni France.Pigil niya ang kan'yang hininga habang nasa baba ng mesa. "Don't worry sasabihin ko sa kan'ya 'yan kapag nakabalik na siya!" sambit ni Cath. Sa isang iglap ay tinapakan ng boots nito ang kan'yang daliri sa kamay. " Mmmmp," impit niyang ungol dahil sa sakit.Ang tigas ng combat boots ni France, feeling niya ay lasog lasog na ang buto niya sa daliri. " Ano 'yon? Parang may narinig ako'ng boses?" tanong ni France. " Ah wala naman baka p-pusa lang 'yon sa labas oo nga p-pusa 'yon!" wika ni Cath. " Ah ganu'n ba?" tanong ni France at muli na naman nitong idiniin ang sapatos sa pagtapak ng kan'yang mga daliri. " Putang-ina!" malakas niyang hiyaw , hindi niya mawari kung nabali na ba ang kan'yang mga daliri sa sobrang sakit. Nataranta tuloy siya at hindi inaasahang kinurot ang dalawang kambal na bola ni France sa gitna ng mga hita nito.Napasigaw tuloy ang binata sa ginawa niyang iyon at naibuga nito ang kapeng kakalagok pa lamang nito. Si Cathalea naman ay tawa ng tawa sa kinauupuan nito habang nakahawak sa tiyan . Mabilis siyang umalis sa ilalim ng mesa at umupo sa tabi ni Cath. Hinihipan niya ang kan'yang mga daliri na tinapakan ni France kanina.Gusto niyang umiyak sa hapdi at sakit ngunit nagtitimpi lamang siya. " Ohhh, ikaw pala ang munting pusang 'yon. Oh hi,girlfriend. Ano, masakit ba ha? !" sambit nito sabay ang nakakainsultong ngiti nito sa labi.Tila sinadya nitong tapakan ang kan' yang kamay kanina. " Ang sakit no'n ah? " sambit niya na hindi pa rin tumitigil sa paghipan sa kan'yang mga daliri. " Tingnan mo ang ginawa mo? Look around, Samara sinusundan ako ng mga tauhan ng kuya mo! Please, bawiin mo ang sinabi mo kagabi!" gigil na sambit ng binata. " Ah,okay sa halagang sampung milyong piso, babawiin ko ang sinabi ko!" aniya sa binata. Mas lalong umusok ang bumbunan nito sa narinig. " Sampung milyon? Saan ko naman kukunin 'yon ha? Kahit magreretiro na ako sa trabaho kulang pa 'yang sampung milyon pambayad sa'yo!" galit nitong sambit. " Eh di, walang bawian! Teka lang naman, hindi pa nga tayo nagsisimula bilang mag-jowa,break na agad? Hmmmp, hayaan mo namang makapag-celebrate tayo ng monthsary natin!" wika niya. " In your dreams, mag monthsary ka'ng mag-isa! Hindi pa tayo tapos, Samara.Babalikan kitang babae ka!" " Bye, sweetcorn see you later! Pupuntahan kita sa office mo sweet ha, para makapagbonding naman tayong magjowa! " masaya niyang sambit kay France. "You're not welcome in my office,banned ka sa opisina ko!" galit nitong sambit. "Hmmp, gusto mo bang maging kriminal ako para makapasok lang ako sa opisina mo or what if kami ni Kuya ang bibisita sa'yo?" nakangisi niyang sambit. "Ewan ko sa'yo, gawin mo ang gusto mo't wala akong pakialam sa'yo!" sagot nito. "Talaga ha? Bibisita talaga ako sa'yo ha? Seryoso ako!" habol niyang sambit sa binata. Hindi na ito sumagot dahil mabilis na itong naglakad paalis sa cafeteria. Pagkatapos niyang magkape ay bumalik na siya sa kan'yang condo at naisipang magpahinga na muna. Nagluto siya ng pancake, hindi siya magtatanghalian ngayon dahil on diet siya. Nakaupo siya sa sofa at nanonood ng tv nang may nagdoorbell sa unit niya. Tumayo siya at nakitang nakatayo si Uncle Ox sa labas ng condo niya. May dala itong isanf bouquet ng bulaklak, pink roses to be exact. May dala rin itong tsokolate sa kabilang kamay. "Uncle, nililigawan mo ba ako?" direkta niyang tanong kay Oxford. "Ha? Ah eh h-hinde. Binisita lang kita, bakit masama ba'ng magbigay ng bulaklak at tsokolate sa isang kaibigan?" nakangiting sambit nito. Napailing siya't pinapasok na muna si Uncle Oxford sa loob. Umupo ito sa sofa pagkatapos niyang kunin ang bulaklak at tsokolate sa kamay nito. Hindi na rin siya nagpatumpik tumpik pa, binuksan na niya kaagad ang kahon ng tsokolate at pinapak iyon sa harap ni Uncle Ox. "Uncle, next time pag binisita ka dagdagan mo naman ng donuts, pizza at burger ha?" suhestiyon niya rito. "Okay, sige next time." "Kung manliligaw ka aba'y mamumulubi ka Uncle! Kasi after three years pa kitang sasagutin, so dapat may budget ka na talaga para sa surprises mo sa'kin like foods and flowers!" natatawa niyang sambit. " Ibang klase ka rin talaga Sam. Mababangkrupt ang maisan at manggahan ko sa'yo! " natatawang sambit nito. Natawa siya sa sinabi nito. " Kaya kita binisita, may proposal ako sa'yo!" dagdag nito. " Naku uncle ox, hindi ka pa nga nanligaw, proposal na agad? Santong paspasan ba'to? Uncle naman, sobrang hitech ng brain mo! " hinampas niya ang balikat ni Ox nang marinig ang sinabi nito. "No, that's not what I mean Sam." tumikhim muna ang lalake bago nagpatuloy sa pananalita. "You see, uuwi sa Pilipinas ang ex ko, bestfriend 'yon nina France at Belyn.Balita ko, isasama niya ang bago niyang bf kaya g-gusto ko sanang magpanggap tayong may relasyon. You know what I mean, right? She will attend my party on the exclusive island.Will you help me, Samara? " direktang sambit ni Oxford sa kan'ya. " Hayst, ba't kailangan pa'ng magpanggap, totohanin na lang kaya natin? " biro niya rito. Ngumiti na lang si Oxford sa sinabi niya. Pero, exciting itong pagpapanggap na ito para sa kan'ya. Wala namang mawawala sa kan'ya kapag pumayag siya 'di ba. Atsaka, matutuwa pa ang damuhong si France. " S-sige uncle Ox, okay na sa' kin na magpanggap tayo p-pero dapat may bayad ha? " malandi niyang sambit. Pero of course binibiro lang niya si Ox. "Anything, Samara kahit ano'ng hihilingin mo ibibigay ko!" anito. "Hmmm, pasilip ng sweet corn mo." sambit niya. "Baliw ka talagang bata ka, pati ako pinagtitripan mo.Iba na lang, baka hindi ka pa makakatulog kapag nakita mo!"saway sa kan'ya ni France. Masaya ang kwentuhan nila ni Ox. Bandang alas cinco ay nagpaalam na rin ito dahil may aasikasuhin pa raw ito para sa kaarawan nito sa exclusive island.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD