Samara
Maganda ang gising niya kinabukasan at katulad ng nakasanayan ay pumunta siya sa cafeteria ni Cathalea upang magkape at mag-almusal.Nang matapos kumain ay umorder siya ng isang chicken burger at hot choco.As she promised, bibisitahin niya si France, sigurado siyang gaganda ang araw nito kapag makikita siya.
" Ola! Buenas Dias, Mr. Geller!" masayang bati ni Samara nang makapasok siya sa loob ng opisina ni France. Hinaharang siya ng isang tauhan nito ngunit dineadma lamang niya ang babaeng ayaw siyang papasukin sa loob.
" What the hell?" pabuenas na wika ni France nang makita siya.
" Sir,I'm sorry makulit po talaga hindi ko po mapigilan!" wika ng babaeng tauhan ni France na nakasunod pa rin sa kan'yang likuran.
Umupo siya sa mesang nasa harapan ni France.
" For you, binili ko sa cafeteria ni Cath. Inumin mo na habang mainit pa ang hot choco na kasing hot ko!" malanding niyang sambit sa nagulantang na binata.
" You see, hindi mo na kailangang gawin 'to,kaya ko'ng bumili ng pagkain ko," tanggi ni France.
" Hmmm,'di pa'ko tapos! May crispy chicken pillet rin d'yan , kasing crispy ng relasyon natin at ng ugali mo!" pabibikso niya sa binata.
" I'm not hungry."seryoso nitong saambit.
" Hmmm, nahiya ka pa! Kainin mo na, walang lason 'yan noh! Atsaka, kung hindi ka kumportable, bayaran mo na lang 'yan. Two hundred pesos lang naman," natatawa niyang sambit.
" F-france, tara na let's eat,luto na ang bangus sisig na pinaluto mo! Ay, hello, Samara nandito ka pala! C'mon , samahan mo na kami ni France, mag-almusal na tayo!" nakangiting bati ni Belyn sa kanila,nakasuot ito ng apron.Hindi naman nagulat ang babae nang makita siya.
" B-busog na si Samara, paalis na rin siya Bel!" seryosong wika ni France sa kan'ya.
" Hoy, kakarating ko lang noh! Atsaka, gutom na 'ko ulit,ikaw nga dy'an ang nagsabing busog ka!" Tumayo siya at sumunod na kay Belyn sa kitchen.
" Naku, favorite rin ni France ang sisig ko.Lagi niyang nirerequest ang sisig kapag off ko sa work," saad ni Belyn sa kan'ya habnag naglalakad sila patungo sa kusina.
" So, you mean sa Manila ka nagtatrabaho?" tanong niya sa BFF ni France.
" Yeah, dito na ako magtatrabaho next month! Tamang tama kasi birthday ni Uncle Ox next week. I-Ikaw, bakit ka pala nandito?" baling nito sa kan'ya.
" Ah, k-kasi may kaso kaming hinahawakan ni France. Ako ang kapartner niya ngayon sa isang imbestigasyon kaya nandito ako," pagsisinungling niya sa dalaga.
Umupo siya sa dining table habang si Belyn ay hinahanda ang mga lamesa. Napakaganda at napaka-sexy naman talaga ng BFF ni France. Hmmp, nakakainis sobrang closed ng dalawa o baka naman may lihim na pagtitinginan ang dalawa sa isa't isa? Kailangan pala, magiging regular customer siya sa buhay ni France para mabantayan niya ito ng maayos.
Huli nitong inilapag ang umuusok na sisig sa lamesa. Natatawa siya dahil may naaalala na naman siya nang makita ang ulam, parang si France lang na palaging umuusok ang tumbon kapag nakikita siya.
" Hmmmp,amoy pa lang masarap na," komento ni France sabay upo nito sa tabi ni Belyn.
" Paborito mo nga talaga, " wika ni Belyn .
" Well, na-miss ko talaga ang luto mo Bel," matamis na sambit ni France sa babae.
" Ang galing mo'ng mambola France, hayaan mo't malapit lang naman ang apartment ko sa inyo kaya text ka lang kapag gusto mo'ng magpaluto ah?" nakangiting sambit ng dalaga.
" Yeah, sa tingin ko mapapagod ka talaga dahil palagi akong magrerequest sa luto mo." ani France.
" Ano pa nga ba nag magagawa ko?No choice eh!" sagot ng dalaga.
" Guys, excuse me ah? Mauuna na pala ako, may gagawin pa'ko,Belyn, salamat sa luto mo ah, masarap talaga!Pwede ka nang mag-asawa." Tumayo siya at mabilis na lumabas sa kitchen kahit na naka-dalawang subo pa lamang siya. Ang hirap lunukin ang kinakain niya dahil sa naririnig niya sa harapan niya.Sa palagay niya, popcorn at milktea na lamang ang kulang at tele novela na ang nasasaksihan niya. Kainis, ano ba 'tong nararamdaman niya, gusto niyang magwala at umiyak ngunit naguguluhan siya. Teka, bakit nga ba siya iiyak noh? Tanga, isa siyang assassin at sinanay ang damdamin nila para sa ganitng klaseng sitwasyon. Hindi siya isang mahinang nilalang, hindi siya matitibag at masisira ng kahit na sinuman.
Nang dumaan sa mesa ni France ay kinuha niya ulit ang hot choco na kasing lamig na ng ugali ni France at ang crispy fillet na mas matigas pa sa puso nito. Wala naman pala talaga siyang panama sa best friend ni France na napakagaling magluto.Siya? Instant lamang ang nalalaman niya.Instant ulam, instant noodles at instant boyfriend. Magaling siya sa lahat ng instant.
" Hey, pogi!" Tawag niya sa isang pulis na nakaupo sa desk nito.
" Yes ,ma'am?"
" Sa'yo na 'to, kumain ka ah ang payat payat mo, sayang gwapo ka pa naman sana!" sambit niya sa binata sabay lapag sa pagkain sa desk nito.
Namula ang mukha ng pulis pero buti na lang at sinabihan niya itong gwapo. Hindi rin talaga niya mawari ang kan'yang ugali.Sinasabi talaga niya ang katotohanan kung ano ang nakikita niya sadyang walang preno lamang talaga ng kan'yang bibig?
" Salamat po sa foods," pagpapasalamat ng binata.
" Halika nga," twag niya rito. Tumayo naman ang binata mula sa pagkaupo at lumapit sa kan'ya .Magkasingtangkad lang naman pala sila at ang katawan nito ay katulad ng isang korean actor sa pelikula.Payat pero gwapo at ang lakas ng s*x appeal.
" A-Ano 'yun ma'am?"
" Huwag mo'kong tawagin na ma'am ,hindi ako teacher.Titigan mo nga ako! Focus on my face dali!" utos niya rito.
Parang batang walang kamuwang muwang naman itong tumitig sa mukha niya.
" M-maganda ba ako?" tanong niya.
" Opo.Maganda po kayo." sagot nito.
" Wrong answer." aniya.
" Mmmm, napakaganda niyo po. Para po kayong dyosa sa sobrang ganda mo po," mabilis nitong sagot.
" Good job,Mister Koreano! Bukas na bukas eh promoted ka na!" tinapik niya ang balikat nito.
" T-Talaga po?"
" Oo , pero 'eto pa.Tingnan mo ang katawan ko.Am I sexy?"
" Naku po, sobra po!Wala po'ng mananalo sa'yo pagdating sa kaseksihan. Mas sexy po kayo kaysa sa bisita ni Boss France." mabilis na sambit ng pulis.
" Totoo?" paniniguro niya.
" Opo, totoo po."
Nag thumbs up siya sa lalake bago umalis sa presinto. Tuwang tuwa ito nang magpaalam siya ,nag promise siya sa pulis na magdadala ulit siya ng pagkain kapag babalik siya.
--------------------------
" Nasa'n na ang matangkad at mestisang babae ?" tanong ni France sa tauhan niya.
" Ah eh kakaalis lang po, sir! "
" Ano 'yan? " tanong nito habang tinitingnan ang plastic na nakapatong sa desk ng lalake.
" Ah, bigay po ni ganda, kainin ko na raw po." sagot nito.
" Alam mo ba'ng sa'kin binigay 'to?" mabilis niyang kinuha ang plastic sa lamesa ng tauhan.
Naiwan namang tulala ang tauhan ni France nang kinuhang muli nito ang pagkaing binigay sa kan'ya ng babae.
" Si boss naman oh, pwede namang bumili rin siya ng sarili niyang pagkain, " mahinang wika ng tauhan ni France na di makapaniwala sa ginawa iyon ng Boss niya.