Dahil masama ang panahon ay hindi sila nakapaglayag sa gabing iyon kaya minabuti ng lider na ipagpabukas na lamang ang kanilang biyahe. Parang hindi rin sang-ayon ang langit sa kanilang biyahe dahil dinig na dinig nila ang malalaking hampas ng alon at patak ng ulan sa bubong. "Bukas na lang tayo bibiyahe dahil napakalakas ng ulan, ihanda ninyo ang sarili n'yu bukas ha?" wika ng lider sa kanilang dalawa ni France nang muli itong pumasok sa kanilang kubo. Tumango lamang sila rito bilang kasagutan. . Kahit sino naman ay hindi makakapaglayag kapag ganito ang panahon. Masyadong mapanganib at nakakatakot kapag ganito kaingay ang dagat. "Bueno, Aling Lieta ikaw na muna ang magbabantay sa dalawang ito ngayong gabi." utos nito sa matandang babae. "Kailangan pa ba talaga kaming bantayan? Sa ti

