" Pssst, rise and shine , bangon na d'yan Mister pogi at baka maiwan ka !" masayang bungad ni Samara kay France.Alas siete na ng umaga ngunit tulog pa rin ito.Nakatulog ulit siguro ang binata dahil sa kan'yang inisip na kapilyahan kagabi. Ginising niya ang matandang babae at pinakiusapan ito na kung pwede ay magpalit sila ng pwesto dahil hindi siya kumportable. Ginigising niya ito ngunit tila bato ito kung matulog." Bahala ka na nga d'yan France, nandito na ang black coffee na tinimpla ni Manang, hmmmp ambango oh!" umupo siyang muli sa mesa at kinuha ang taza ng kape na dinala kanina ng matandang babae. " Tsssk, ano ba? Ba't ang kulit mo?" inis nitong sambit nang maalimpungatan ito. " Bumangon ka na, tandaan mo po, nasa isla tayo at bihag ng mga bandits! Wala ka sa mansion mo kaya bango

