Ilang araw na rin ang lumipas at bumalik na ring muli sa normal ang kan'yang buhay.Pagkatapos ng kidnapang naganap ay hindi na muna siya umaalis sa condo unit niya. She just wants to rest all day upang magmuni-muni ng ilang araw. Katatapos lamang niyang magbihis nang marinig niya ang tunog ng doorbell. At nang sumilip siya sa maliit na butas sa gitna ng pintuan ay nakita niya ang mukha ni France. Ano naman kaya ang gusto ng lalakeng ito? Nakauniporme pa talaga ito. Huhulihin na ba siya ng gwapong pulis? Eh wala naman siyang ginawang masama. Binuksan niya ang pinto at nakakunot ang noo habang nakatitig sa binata." So what brings you here pretty boy?Are you going to arrest me because of my cuteness overload? " nakameywang niyang tanong. " Bakit masama bang bisitahin ka? M-may iba na bang b

