bc

One Kiss

book_age0+
22.9K
FOLLOW
123.9K
READ
billionaire
family
pregnant
playboy
arrogant
student
single mother
drama
sweet
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

Handa ba kayong masaktan, umiyak, mapahiya, maging stalker at magpakabaliw para sa UHB men? Ang sikat na grupo ng mga kalalakihan sa Mori High University?

Well, Paige Eseguel was not one of those crazy girls na handang gawin ang lahat ng iyon para sa kahit na sinong UHB men. Para sa kanya ay END OF THE WORLD na kapag nangyari iyon.

But, what if, magbiro ang tadhana? Things will change not according to her plan? Na ang lahat ng iyon ay kailangan niyang maranasan sa kamay pa mismo ni Keigo Mori? Ang cold hearted sa grupo?

chap-preview
Free preview
Chapter 01
MATAPOS suriin ni Paige ang sarili sa kanyang compact mirror ay agad na rin niya iyong itinabi sa kanyang prada bag. "Oo na, maganda ka na kaya we better get going," nakangising sabi ni Cath kay Paige. Her bestfriend. Tumayo na ito sa bench na kinauupuan nila. Nakangiting tumayo na rin siya ng makontento sa kayang itsura. Sabay-sabay silang tatlo nina Cath at Jaffhine na naglakad pabalik sa next subject nila. Third year College na sila at pawang mga anak mayaman na mga nagsisipag-aral sa sikat na sikat na unibersidad sa bansa. Ang Mori High University na matatagpuan sa Pagbilao City. Ang nag-iisang little big City sa bansa na puro mga bigating tao ang mga naninirahan. At isa na ang pamilya nila roon. Likas na fashionista siya kaya Fashion Designing ang kinuha niyang kurso pati na rin ng dalawa niyang bestfriend. Ang kaibahan lang niya sa dalawang kaibigan ay mas kilala siya kaysa sa mga ito. "Oh, my gosh!" Impit na tili ni Jaffhine. Ang mukha naman ni Paige ay hindi maipinta ng ma-sense ang tinitilian ni Jaffhine. Pati si Cath na hindi mapakali ay kinuha agad ang compact mirror at mabilis na nag-retouch. "Pooh!" Maarte niyang sabi. "Hello! They are just a UHB men. Wala silang pinagkaiba sa atin," nakaingos pa niyang sabi. Ganoon talaga siya pagdating sa kinababaliwan at pantasya ng lahat. Correction she's not one of them. Wala lang talaga siyang pakialam sa mga ito. Bakit? Syempre mayaman din naman sila, nag-aaral sa isang sikat na unibersidad, nakatira sa isang exclusive village, ang Valle Encantado Village at humihinga ng iisang hangin. Oo nga at wala ng guwa-gwapo pa sa mga member ng UHB men pero wala talaga siyang paki sa mga ito. Feeling calm lang siya habang papalapit ang UHB men na kinabibilangan nina Keigo Mori, anak ito ng may ng Mori High Academy at University. Si Daizuke Niwa, pag-aari ng mga ito ang buong Valle Encantado Village sa Pagbilao City. Wayne Monterey, they owned the Monterey Mall. Mark Brice Regala, they owned the Alager Hotel Beach and Resort in the country and the entire Alager chain of Hotels. Kienlee Scott, owned the Tween Tower. Jamil Ladjasali, isa ang pamilya nito sa nagmamay-ari ng Lineage Energy sa bansa. At si Ashton Salcedo, pagmamay-ari ng mga ito ang Salcedo Medical Center. Lahat sila mayayaman at hindi puwedeng maliitin. They walk on fame kahit na hindi naman pasikat ang mga ito. Acctually hindi nga namamansin ang mga ito kaya maraming mga babae ang nagpapakabaliw para lang mapansin ng mga ito. 'Yung tawag naman sa grupo ng mga ito na UHB men, it stand for Ultimate Heart Breaker, hindi nga lang sila 'yung tipo na parang damit ng babae kung magpalit ng girlfriend, well not all of them. May matino pa rin naman sa grupo ng mga ito. Marami na ring umuwing luhaan dahil sa hindi pagpansin ng mga ito sa mga babaeng wala ng ginawa kundi ang magpapansin. Kaya kung ayaw mong umuwing luhaan limitahan mo ang pagkabaliw sa kanila. 'Wag ring aasa na pag-uukulan ng pansin ng mga ito dahil suwerte mo kapag napansin ka. Kaya nga sikat ang quotation na, Beware because they will surely break your heart. "Hi, boys," panabay pang sabi ni Jaffhine at Cath ng makasalubong ang mga ito. Himala siguro dahil ngumiti ang dalawa sa mga ito kaya impit na napatili ang dalawa ng makalampas ang pito. Pati ang ibang student napatili rin. "Yuck," maarte na namang sabi niya. Nakasimangot tuloy ng balingan siya ng dalawa. "Yuck ka riyan," ani Cath. "Kung hindi ka lang maganda at babaeng-babae sa porma at kilos. Alam mo Paige iisipin ko na tibo ka!" "Like, duh!" Segunda ni Jaffhine. "Lesbian ka, sis?" "Mga adik," hinampas niya ng prada bag si Jaffhine. "Sa wala nga akong paki sa kanila. Guwapo nga sila pero alam niyo naman kung gaano sila ka snob and the fact that some of them was so playboy. At sobra kung magpaiyak ng mga babae." "Whatever," pairap ding sabi ng mga ito. Nang lingunin niya ang UHB men ay nagtama pa ang mga mata nila ni Keigo Mori na napalingon din. Atubiling nagbawi siya ng tingin. "Hindi talaga nagkamali ang parents ko when we live here in Pagbilao City. Sulit na sulit ang bawat araw ko dito sa mundo," tumingala pa si Cath sa langit. "Thank you, Lord." Hindi na siya komontra pa sa pagde-day dream nito at ni Jaffhine. "Hi, Paige," bati pa sa kanya ni Stan. Isa ito sa mga minamalas niyang suitor. Inirapan niya ito. Guwapo rin ito pero wala siyang pakialam sa bagay na iyon. "Pooh," naiikot pa niya ang kanyang mga mata matapos sabihin iyon. Pagkuwan ay animo isang modelo na naglakad siya sa pasilyo. "SAAN ang gimmick tonight?" Tanong ni Keigo sa mga kaibigan niya. "Kina Kienlee na lang tayo," suhistiyon ni Daizuke na nginisian si Kienlee. "Call," pagpayag ni Kienlee. "Okay. Let's go?" Pagsang-ayon niya. "Susunod na lang ako," ani Daizuke. "Ihahatid ko lang si Nashnairah," tukoy nito sa kaibigan nila na nasa first year college pa lang. Nasa huling taon na kasi sila sa college. Nashnairah was their UHB princess dahil ito lang ang tanging babae sa barkada. Mas close nga lang ito at si Daizuke. "Wait," mabilis niyang pigil sa mga ito. "Mas maganda siguro kung maglaro na lang tayo ng basketball." "Shoot," Sang-ayon agad ni Wayne. "Good idea. Isasama ko si Nashnairah para may taga cheer ako," ngumisi pa si Daizuke. Tawanan silang lahat sa sinabi ni Daizuke. After niyon ay sabay-sabay na rin nilang tinungo ang parking lot ng MHU. "Magkita-kita na lang tayo mamaya sa Sport Zone sa Village," paalam ni Daizuke. "What do you think guys. Sinong makakalaban natin mamaya sa basketball?" Tanong ni Mark Brice. "Tatawagan ko si Lee Shao Ran," ani Kienlee bago sumakay sa sports car nito. "Okay." Sumakay na rin siya sa kanyang sports car na Audi. Pauwi na sila ng hapon na iyon. As usual hindi na naman magkanda-ugaga ang mga babae ng palabas na sila ng MHU. Daig pa nila ang isang sikat na boy group sa Korea kung pagkaguluhan. At hindi na iyon nagbago simula ng mabuo sila noong nasa grade school pa lang sila. Tinagurian silang Ultimate Heart Breaker ng lahat. Pauso kasi si Kienlee noong grade school sila. Kaya hanggang ngayon ay dala-dala pa rin nila ang tatak ng pagiging UHB men. Idagdag pa na wala pa rin silang siniseryoso na babae kaya ang tingin ng lahat ay playboy sila. Si Jamil, kienlee at Mark Brice lang naman ang mas maraming naging girlfriend sa kanilang pito. Kung tutuusin mas playboy pa ang grupo nina Lee Shao Ran, sila 'yung makakalaban nila mamaya sa basketball. Anyways, kasalanan ba nila kung pinanganak silang guwapo?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Kiss From The Billionaire's Son

read
2.3M
bc

Married To A Billionaire

read
1.0M
bc

A Billionaire In Disguise

read
654.4K
bc

Mhorric Soliven: The Billionaire's Maid

read
442.2K
bc

Faithfully

read
266.3K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
85.5K
bc

The ex-girlfriend

read
138.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook