bc

MASARAP NA GATA NI, TARUTS

book_age18+
350
FOLLOW
3.8K
READ
billionaire
love-triangle
family
HE
second chance
arranged marriage
kickass heroine
stepfather
billionairess
heir/heiress
drama
sweet
bxg
office/work place
disappearance
like
intro-logo
Blurb

Nilasap ni Etatskie ang gata ni Taruts sobrang lapot, tamis, at sarap na tumatak sa kanyang mga labi’t alaala. Isang tikim lang, at tuluyan na siyang naalipin. Hindi ito basta sangkap sa lutuin ito’y gata ng isang babaeng tunay magmahal, isang init na hindi niya matagpuan sa kahit sinong maykaya o sosyal.Pero sa likod ng masarap na alaala, may isang nilalang na handang sumira ng tahimik na kasaysayan si Hazel, ang babaeng kayang ibigay ang lahat... maliban sa lasa ng totoong pag-ibig. Isa siyang anino ng pangako, isang dilag na handang lumuhod, manira, at magtagumpay kahit hindi siya ang tunay na mahal.Sinong pipiliin ni Etatskie ang gata ni Taruts na sobrang sarap, lapot, at init na siya mismong hinahanap-hanap ng kanyang katawan at puso...O si Hazel, na kayang ibigay ang lahat kahit wala nang lasa ang pag-ibig?

chap-preview
Free preview
Gata Queen
CHAPTER 1 TARUTS POV "Niyooooog! Buko! Gata! Bili na kayo! Promise, makakalimutan n'yo pangalan ng asawa n'yo sa sarap ng luto n'yong may gata!" "Taruts! Taruts! Pahingi naman ng discount oh!" "Ay naku, Inday, ikaw na naman! Kahapon nga lang, utang pa oh. Baka pati gata ko, magka-interest na!" Ako nga pala 'to, Taruts Fuentebella, certified reyna ng palengke sa San Miguel! Ako ang babaeng may boses na parang sirena sa dagat hindi dahil sa ganda, kundi dahil sa lakas! Isang sigaw ko lang, buong barangay gising! "O, sino'ng gusto ng niyog? Yung niyog ko, hindi lang basta sariwa. Fresh from the puno! Parang ex mo, bumigay agad nang tinadyakan ko!" "HAHAHA! Taruts, ikaw talaga!" tawa ng mga tinderang kapitbahay ko si Aling Baby na tindera ng itlog, si Manang Letty na balingkinitang tindera ng gulay, at si Dodong na may halong misteryo may tindang longganisa pero walang lisensya. "Hoy, Taruts! Pa-isa nga ng buko! Pang-regalo ko sa misis ko mamaya." "Sino ka d'yan? Si Mang Ben? O siya, bayad muna. Wala na tayong pa-cute ngayon. Mabilis ang palitan dito, parang lablayp mo!" "Aray ko, tinamaan ako sa puso!" "Hayaan mo, Mang Ben, ang buko ko, kahit walang puso, matamis pa rin!" sabay kindat ko. "Uy, Taruts, baka naman pwedeng maki-buko juice diyan. Nauuhaw ako sa kakasigaw sa isda!" si Aling Baby, lumapit na may dalang tabo. "Sige, pero isa lang ha! Di ito refilling station!" "Hoy! Ano yang narinig ko? Parang bastos na commercial ah!" "Ha? Hindi ah! Gata lang 'to! Gata na makalaglag panty!" Lumingon si Kapitan Delos Reyes, pasimpleng nakikinig sa di kalayuan. "Taruts, baka naman pwedeng hinaan mo ng konti yang pa-sexy lines mo. Baka may bata" "Kap! E kung gusto mong hindi marinig ng bata, piringan mo tenga nila! Ako, may pinaglalaban. Ako ang Gata Queen ng Palengke!" Biglang sumulpot si Arnold, ang barangay tanod s***h crush ng kalahating palengke. "Taruts, baka naman pwedeng pa-reserve ng dalawang gata mamaya? Yung malapot ha. Gagata kasi ako ng ginataang kalabasa para sa lola ko." "Ay wow, Arnold! Ang sweet mo naman! Sana all may lola! O siya, dalawang gata. Pero ikaw lang, kasi pogi ka!" "Uy! Special treatment!" "Syempre! May abs siya, unlike si Dodong na puro bilbil!" "Aba, Taruts ha! Ang bilbil ko, may feelings din!" "Hindi ko naman sinabing panget, Dodong. Sabi ko lang, malambot! Pwedeng unan kapag sinumpong ka ng heartache." Pumalakpak si Aling Baby. "Taruts, ikaw na talaga! May comedy bar sa bunganga mo!" Biglang may dumaan na bagong mukha. Mestisa, naka-shades, parang galing syudad. "Excuse me, miss. Gaano ka-fresh ang niyog mo?" Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa. Sosyal, pero mukhang clueless. "Ate, ang niyog ko, parang jowa mo kung meron ka man laging handang ibigay ang lahat. Gatas? Gata? Sabaw? Ikaw na lang kulang para sumaya ang buhay niya." "Uhm… okay? Can I get one buko please, sliced open with straw?" "Syempre, imported English ka pala. No problemo, Miss Alta Sociedad. Here’s your buko, freshly chopped by Taruts Miss Palengke 2025 hanggang ngayon!" "Thanks… wow, ang tamis!" "Mas matamis yan pag may halong pagmamahal. Pero sorry, sold out na 'yung puso ko." "Kanino naman, ha? Kay Arnold?" tanong ni Dodong. "Hindi ah! Sa negosyo ko! Ako ang babaeng ginagata pero hindi nagagatasan!" May dumaan na pulis. "Taruts, baka naman pwede na tayong tumigil sa double meaning. May memo na galing sa munisipyo." "Eh di memo rin kita, Sir! Mula sa Liga ng Mga Manggagata ng Pilipinas freedom of expression, hello!" Nagtawanan ang mga tao. Maging si Pulis Kalbo ay napangiti. "O siya, sige. Pero pag may reklamo, ikaw ang tawagin ko ha." "Sure! Pero wag mong kalimutan, may discount ka sa buko basta may badge ka." Biglang tumunog ang speaker ng palengke. "Taruts, pakiclear ng aisle 3, may nadulas na sa niyog mong pinagtatanggalan ng balat." "Ay putek! Sorry! Aling Baby, pahiram ng walis! Arnold, ikaw na magmop. Pang-MMK ang eksena natin ngayon." Lumapit si Arnold, dala ang mop. "Okay lang, Taruts. Anything for you." Napakilig ako ng bahagya pero kailangan kong magpakatatag. "Wag kang ganyan, Arnold. Baka matawag na naman akong flirt ng mga chismosang gulay." "Eh di sila na lang ang hindi na ginagata." "HAHAHA! Arnold, ikaw na!" Habang naglilinis kami, may dumaan namang lasing. "Gusto ko ng buko! Yung may GIN!" "Hoy, wala akong ganyang combo! Buko lang ako, hindi bar! Pero kung gusto mong malasing, tumingin ka lang sa mukha ko. Nakaka-adik, sabi nila." Nagtilian ang mga babae sa palengke. "Taruts! Taruts! Sample nga ng kanta mo!" "Ay naku, sige, pero wala akong gitara, ha! A capella tayo." Sabay kanta ako: 🎵 "Ang gata mo... ang gata mo... Sa'yo lang ako nagkakaganyan, para akong niluluto sa kaldereta..." 🎵 "Grabe ka, Taruts! May pa-konserto ka pa talaga!" "Syempre! Pangarap ko ngang magka-show sa Barangay Fiesta eh! Ako ang Taruts na may gatas sa dibdib—este, sa puso pala!" At habang lumalalim ang araw, dumami ng dumami ang tao sa pwesto ko. Parang may magic ang gata ko, niyog ko, at pati na rin ang punchlines ko. Kasi sa bayan ng San Miguel, hindi lang basta produkto ang hanap mo… Hinahanap mo si Taruts ang reyna ng gata, buko, at tawang walang patid! "Kaya mga suki, bili na! Habang mainit pa ang gata ko, habang sariwa pa ang buko ko, at habang single pa ako!" Sabay sigaw ang buong palengke: "TARUTS! TARUTS! TARUTS!!!" At ako? Tumayo sa ibabaw ng lamesa, may hawak na buko, sabay sigaw: "ANG BUHAY AY GINAGATA, HINDI GINAGATASAN!" "ANG BUKO JUICE NA ITO AY NAKAKARAMI NG KATAS!" sigaw ko habang nakatayo sa ibabaw ng lamesa, hawak ang tabo ng buko juice na parang sagradong alak. "LALO NA ITONG GATA NG NIYOG M-MAWET KA TALAGA!" dagdag ko, sabay kindat sa crowd. "UNG KIFFY AT t***d NYO EH.. ESTE UNG KIPAY AT KALAMNAN NYO, MATITIGAS SA KANTOTAN!" "AY PUTEK, TARUTS! IKAW NA NAMAN!" sigaw ni Aling Baby habang napapatili sa kakatawa. "Sige na nga, isa pang tabo ng buko juice, baka makalimutan ko na utang ko sa asawa ko!" "Tara naaa! Bili naaa! Promise, ‘pag tinikman n’yo ‘tong gata ko, parang tinamaan ng kidlat ang kaldereta n’yo! Magkaka-lovelife ang ulam n’yo!" "Ay, may pag-asa pa pala ‘yung ginisang sitaw ko," bulong ni Manang Letty. "Kung 'yung sitaw mo may pag-asa, eh ‘yung puso kong dinurog ni Arnold, meron pa ba?" tanong ko sabay sulyap sa barangay tanod na abala sa kakamop. "Aba, Taruts, kung puso ang pinag-uusapan, d’yan ako marupok!" sagot ni Arnold habang pinupunas ang pawis niya. "Pero baka mapagkamalan na naman kitang nanliligaw ako sa'yo." "Huy Arnold! Hindi kita nililigawan ha!" sabay tili ko. "Alam ko naman. Ako 'yung manliligaw sayo!" sabay smirk niya. "YIEEEEEEEE!" hiyawan ang mga tindera at suki. "UY! UY! UY!" sigaw ni Dodong, "May pa-love team sa gitna ng palengke! Ano ‘to, ‘Buko-serye’?" "Hoy Dodong, hindi ako artista! Pero pwede akong maging bida sa puso mo… kung wala ka lang longganisang expired!" "Ay, grabe kayo! Mas expired pa love life ko kaysa sa longganisa ko noh!" sabay hawak ni Dodong sa tiyan niyang parang may sariling agenda. "Excuse me po!" biglang sigaw ng isang matangkad na lalaking mukhang galing opisina, suot polo na may pawis na parang iniwang electric fan. "Yes kuya! Anong hanap mo? Gata? Buko? Gatas ng ex mo na hindi mo na nakuha?" "Uh, buko juice po. Yung malamig. Yung nakakalimot sa breakup." "Ay, perfect ‘yan sa’yo. May halo pa ‘tong tiis, lungkot, at ‘yung kirot sa wallet na iniwan mo rin!" sabay abot ko sa kanya ng isang plastic cup. "Grabe, ang sarap!" sabi niya habang umiinom. "Ang lamig! Parang puso ng ex ko!" "See? Ganyan talaga ang buko juice ko. May healing powers. Baka bukas may bago ka nang jowa!" Biglang dumating ang isang matandang babae, si Lola Sebang, hawak-hawak ang saklay niya pero may energy pa rin makipag-chismisan. "Ay Taruts, iha, may nakita akong babae kanina, sosyal. Tinanong kung saan daw ang pinakamagandang gata rito." "Ay, ako 'yon! Ako lang ang may GATA NG BAYAN!" sabay pose na parang beauty queen. "Oo nga eh, ang lakas ng appeal mo. Eh di mo na kailangan ng campaign poster, ikaw na ang mayor ng palengke!" sabay tawa ni Lola. "Hoy! Hoy! Hoy! May checkpoint sa aisle 2!" sigaw ni Mang Ben. "Yung niyog mo, may humilata!" "ANO?!" Takbo ako agad. "Arnold, bitbitin ang tabo! Aling Baby, mop na naman! Manang Letty, kutsilyo ng buko! Emergency ‘to!" Pagdating ko sa aisle 2, ayun nga. Isang bata ang nadulas sa balat ng niyog. Pero di umiiyak. Kumakain ng lumpia habang nakahiga. "Anak, okay ka lang?" tanong ko. "Ate Taruts... ang sarap ng lumpia... pwede pa po?" "AY DIYOS KO! GUTOM LANG PALA!" "Yung palengke natin parang sitcom!" sigaw ni Aling Baby. "Walang araw na walang eksena!" "E syempre! Ako pa ba? Kapag may gata, may drama, may comedy, may action!" Biglang tumunog ang speaker ulit. 📢 “Attention: May nawawalang wallet. Color brown. May lamang ID, ATM, at picture ni Luis Richards.” "Ay sa akin ‘yon!" sigaw ni Aling Baby. "Yung picture ni Alden, pinapahid ko ‘yan sa lumpiang shanghai ko para may kilig!" "HAHAHAHA!" "Hoy, Aling Baby! Kung gusto mong kiligin, magbuko ka na lang! Yung buko ko, parang lalaki hindi basta binibitawan!" "PWEDE BA ‘YON, TARUTS?" sabay tanong ng batang suki. "May buko bang hindi binibitawan?" "Meron! Yung buko na may laman pa, hindi hinog agad, pero kapag hinog na, mapapa-‘AHHH!’ ka sa sarap!" "AY GRABE KA ATE TARUTS!" tili ng mga tao. "Eh kasi naman, dapat sa palengke hindi lang paninda ang sariwa, pati punchlines!" "Alam mo, Taruts," sabi ni Arnold, "dapat may sariling vlog ka na. ‘Gata Vibes with Taruts!’" "O diba? May potential ba?" "Oo naman! May segment ka pa ‘Saan aabot ang gata mo?’" "Saan pa nga ba? Sa puso mo!" "GRABE NA ‘TO!" sigaw ng lahat. Pagkatapos ng tawanan, may dumating na cameraman. Mukhang taga-media. "Excuse me po, kami po from ‘Piling Piling Pamilihan’, a show sa local TV. Nabalitaan po namin ang ingay dito kay Taruts." "Ako po ‘yon!" taas kamay ko. "Welcome sa palengke! Dito sa San Miguel, hindi lang produkto ang sariwa pati chikahan!" "Pwede po ba namin kayong i-feature? Gusto namin ipakita sa buong bansa ang kakaibang saya at galing mo." "Pwede ba ‘yon, mga suki?!" Sabay sigaw ng buong palengke: "PWEDEEEE!!!" "Taruts for TV! Taruts for President! Taruts for Universe!" "Sige na nga! Pero sa condition ko dapat may libreng buko juice ang production team!" "DEAL!" At doon nagsimula ang bagong level ng pagiging ‘reyna ng gata’ ko. Pero kahit na may kamera na, at mukhang magiging bida na ako sa TV, hindi pa rin nawawala ang sigaw ko araw-araw: "Bili na kayo! Ang gata ko, walang kapantay! Ang buko ko, walang katulad! At ako? Ako ang babaeng hindi basta pinipiga dahil ako ang pinipilahan!"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook