CHAPTER 12 TARUTS POV Maaga pa lang, ang akala ko'y kalmado ang araw. Isang tipikal na umagang may amoy ng bagong gatang niyog at ingay ng mga tinderang nag-aagawan ng suki. Pero mali ako. Dumating si Joy Bautista. Ang certified sira-ulong kaibigan kong parang may laging karera sa buhay. Ang lakas ng sigaw nito mula sa kabilang kanto pa lang “BUDDDYYYYY!!!” At bago pa ako makatakbo o makasilong sa ilalim ng bangkito ni Aling Merly, sumugod na ‘tong si Joy na parang may dalang warrant of arrest. Hindi pa ako nakakapag-‘Good morning,’ sinapak na agad ako. Pak! “Para sa hindi mo pagsasagot sa group chat!” Pak! “Para sa hindi mo pag-react sa ‘rant’ post ko!” Pak! “Para sa pag-unfollow mo kay Cardo Dalisay!” PAK! “Para lang trip ko! Miss kita, gago!” “Aray, Joy! Ano ba ‘to welco

