UMAGA nang dumaan si Luna sa bahay ng kanyang Tatay Delfin at Nanay Hilda. Mula nang matapos ang kanyang misyon sa Montejo Group ay mas madalas na siyang umuuwi doon. Humiling pa nga ang kanyang ina na tuluyan nang bumalik at doon na ulit manirahan. Ngunit tumanggi si Luna at dinahilan ang alam nitong trabaho niya bilang isang NBI agent. Kapag pinagbigyan niya ito ay tiyak na magtataka ito dahil sa gabi siya madalas na umaalis. “Oh, anak!” salubong sa kanya ng ina. Pagbaba ni Luna sa motor ay agad siyang lumapit dito at nagmano na pansamantala muna hininto ang pagwawalis sa bakuran. “Ay, kaawan ka ng Diyos.” “Kumusta po?” tanong niya. “Aba’y mabuti naman. Kumain ka na ba?” tanong din nito. “Kanina po nag-kape lang ako saka tinapay.” “Kung ganoon ay huwag ka munang umalis. Dito

