NAKATITIG si Luna sa pader doon sa loob ng kanyang maliit na bahay. Mula nang umalis siya sa poder ni Blaine, nanatili lang siya ng ilang araw sa headquarters bago siya tuluyan umuwi. Doon sa bahay na iyon siya nakatira bago ma-assign na mag-undercover noon sa Montejo Group. Sa pader na iyon nakadikit ang lahat ng news articles, pictures at lahat ng may kinalaman sa kaso ng pamilya niya na pinatay. Nang matapos ang misyon nila sa Montejo Group. Iyon naman ang hinarap ni Luna. Ang orihinal na plano ay aalis na siya agad sa USO sa oras na umalis siya kay Blaine. Ngunit hindi iyon natuloy. Naalala niya ang kaso ng pamilya niya. Gusto ni Luna na mahuli ang pumatay sa buong pamilya niya at magiging madali ang pag-iimbestiga kung naroon pa siya bilang agent. Kapalit niyon ay tumanggap pa rin s

