Chapter 16 "Congratulations, misis! Baby boy! Ang puti ng baby mo. Nakainom na ng meconium si baby, binitin mo kasi ang pag ire." Nakita kong may inilagay ang midwife sa bibig ng baby ko. Para daw mailabas yung meconium na nainom. Ang dami niyang isinuka na tubig na kulay greenish-black, meconium daw ang tawag doon. "Thank you, Lord. Safe ko pong nailabas si baby" tahimik akong nagpasalamat sa Diyos matapos kong mailabas si baby. Matapos maliguan si baby ay ako naman ang inasikaso ng midwife. Tinahi ang aking pw*rta at pinagtulungan nila akong buhatin upang mailipat sa kama. Maya-maya lang ay itinabi na sa akin si baby. "Ang pogi at ang puti ng baby nyo, kamukha mo mister. May ipapangalan na po kayo?" "Knight po, Knight Barredo." sagot ko sa midwife. "Pakihanda na mister ung

